Chapter 30: Letting Him Go Again

Nalilito si Lisa kung ano ang magiging reaksiyon. Baka pagtawanan lang siya nito kung sungitan niya lang ito. Mukhang walang effect iyon dito gayong ilang beses na silang nagniig. Feel na feel niya pa ang pagliyad kanina sa ibabaw nito. Sinabi niya nang mahal niya pa rin ito. Iyon na nga lang ang panangga niya sana pero agad siyang nadulas. Sasabihin niya lang dapat na physical thing lang iyon pero nasabi na niya.

Walang sawa ang paghalik nito sa balikat niya habang kinakagat nang marahan. Maya-maya ay dinala nito ang kamay niya sa gising pa ring bahagi nito. “Pagod na ako, Alessandro ha!”

“Last na please.”

“Ayoko na talaga. Maawa ka naman sa mag-ina mo.”

“Mag-ina ko,” anito at nakangiti pang tumango. “I love you, my wife.”

“Pagkalipas ng ilang linggo ay ibang babae na naman ang dadalhin mo sa guestroom. Hindi ko alam kung sinasadya mo iyon o manyakis ka lang din talaga.”

“L-let me explain.”

“Wala nang explain pa!”

“We have to talk! We already made love five times!”

“Aba at bilang na bilang mo pa ha! Mag-te-thank you ba ako, your highness?”

“Yes! Bow down to the king,” anito at bumangon nang nakaluhod sa kama kaya nakatapat sa mukha niya ang pagkalalaki nitong hindi pa yata inaantok.

“Manyakis,” aniya at pinalo iyon.

“Aray,” hiyaw nito.

“Gosh, sorry!” Tiningnan niya iyon.

“Masakit, wife. Please rub it,” anito at lukot na lukot ang mukha na napahiga pa.

“Okay. Okay na ba?”

“Y-yes, m-move faster.”

“Puro ka kalokohan,” aniya at binitiwan na iyon. Tumawa lang ito at muli siyang niyakap nang mahigpit. Tili lang siya nang tili dahil sinasadya nitong idikit ang ibabang bahagi nito sa ibabang bahagi niya. “Ang bastos mo!” Natawa na siya nang parang manyakis talaga itong pumukit pa nang mariin at gigil na kumagat sa mga labi at dinilaan iyon.

“Goodnight wife.”

“Goodnight,” aniya sa inaantok na boses.

“I love you.”

“I love you, too.”

“Yes! Yes! Yes!” Bigla itong bumangon at nagtatatalon saka muling humiga at niyakap siya nang mahigpit.

Nang magising siya kinabukasan ay wala na sa tabi niya ang asawa. Bumangon na siya at nag-ayos bago pumunta lumabas ng kuwarto. Narinig niyang may kausap ito sa cellphone. “Wait, lang baby,” aniya habang hinihimas ang tiyan sa gutom.

“Yes, Daddy Luis,” tukoy nito sa sa Daddy niya. Naka-loud speaker pa iyon.

“Thank you for taking care of my princess.”

“It’s my duty as her husband.”

“You love her.”

“Of course, Daddy. I love her.”

“Dahil magkakaapo na ako sa inyo, pumapayag na ako sa proposal mo. I will invest in your expansion project. Kung mabibigyan niyo pa ako ng pangalawang apo, tutulungan kita sa bago mong business.”

“Kahit isang dosenang apo pa, Daddy,” natatawang sabi nito.

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa sala at nanghihinang napaupo sa couch. How stupid could she get. Ever since they were young, it was all about business for Alessandro. Napahagulgol na siya. “Ang tanga ko talaga, hanggang ngayon walang pinagbago.”

“My wife, why are you crying?”

“Napakasama mo, Alessandro. I hate you so much! You are rotten to the core, and the sight of you now disgusts me!” Pinagbabayo niya ang dibdib nito habang humahagulgol. “Maghiwalay na lang tayo. Ayoko nang umiyak nang umiyak napapagod na ako. Maawa ka naman kahit kaunti lang. Kung hindi mo kayang maawa sa akin, kahit sa magiging anak na lang natin.”

“Narinig mo ba ang usapan namin ni Daddy?”

“Ano sa tingin mo?”

“It’s not what you think, my wife. Let me explain please,” anito at niyakap siya nang mahigpit.

“Let me go!” Pinilit niyang kumawala dito at pinagsasasampal ito. Muli lang siyang niyakap nito kaya pinagsusuntok na lang niya ito hanggang mapagod siya.

Nang bahagya siyang kumalma ay pinakawalan na siya nito. “I will explain everything. Mula sa pambababae ko. Shit, I hate that word. I didn’t mean to do it. I meant to do it, but I am begging you. Please listen to me, and give me another chance. I promise you I won’t blow this chance. Kahit last na talaga nagmamakaawa ako lalo na at magkaka-baby na tayo.”

“Pauwiin mo muna ako. I need to think things over.”

“Please don’t do this to me. Parang awa mo na.”

“Awa? Naawa ka ba pagkatapos ng mga ginawa mo? Enjoy na enjoy ka pa nga habang nakikipaghalikan dati kay Xylene. Two months ago, enjoy na enjoy ka kalandian ng kung sinumang babaeng iyon. Sabi mo pa nga love and lust are mutually exclusive.”

“I know I screwed up big time, but please let me explain everything. Please, baby. I promise you you won’t be blindsided again. I am not asking you to forgive and understand me. I just want you to give me a chance to redeem myself.”

“Okay but on one condition.”

“What is it?”

“Do you promise to do it?”

“Of course.”

“Take me home.”

“Kahit ano, asawa ko. Huwag naman iyon.”

“Oh sige. Annulment na lang.”

“Huwag din iyan dahil baka tumalon na ako sa bintana dito.”

“Pumili ka sa dalawa. Les, ngayon lang ako makikiusap sa ‘yo. Sa dami ng kasalanan mo sa akin, ngayon mo ako pagbigyan para pagbigyan din kita.” Napayuko na lang ito at tumango na lang. Hinatid na lang din siya nito sa mansiyon nila. Nagtaka ang mga magulang niya kaya nag-usap nang sarilinan ang asawa at daddy niya. Paglabas ng mga ito ay may blackeye na ang asawa niya at putok ang gilid ng mga labi nito habang humahalakhak ang Daddy niya rito. “W-what happened? Daddy! Bakit niyo sinuntok ang asawa ko? Halika nga rito, Les,” aniya. Kumuha na siya ng ice pack at marahang dinampian ang mga pasa nito. “Masakit ba? Kiss ko na para hindi masyadong masakit.” Ngumuso nga ang asawa niya kaya hinalikan na niya ito. Kusang yumakap ang mga braso niya sa batok nito at hindi pa maghihiwalay kung hindi pa narinig na nagtawanan ang mga magulang niya. Ngumiti lang din si Alessandro sa kanya at kinurot ang pisngi niya bago sinabing iuuwi siya nito sa bahay nila.

“Wife, I want you to know that I love you. I’m sorry for all the heartbreaks I’ve caused you. Promise babawi ako ha basta huwag mo muna akong sukuan ha. Kayo na lang ni baby ang mahalaga sa akin. Mahal na mahal kita.” Iyon lang at muli siya nitong siniil ng halik saka tumayo na at lumabas ng mansiyon. Sumunod pa siya at tinanaw na lang ito habang pasakay sa kotse nito. Napangiti na siya nang mag-flying kiss ito sa kanya.

TAHIMIK na namamangka mag-isa sa ilog si Alessandro sa ilog sa Santuario. Nalungkot pa siya nang maisip na kahit kailan ay hindi pa nadala sa bahaging iyon ang asawa niya. Napakatanga at napakataas ng pride niya. Kung kinausap niya lang ito ay hindi mauuwi sa ganoon kagulo ang setup nila. Pero hindi siya pinanghihinaan ng loob. Sapat na ang kaalamang mahal pa rin siya nito at magkaka-baby na sila para patuloy na manikluhod at bumawi sa kanyang asawa. Mahal na mahal niya ito kaya kahit isuko na niya ang lahat ng shares niya sa Daddy nito ay walang problema sa kanya basta magkaayos lang sila.

“Oh baliw na ang bayaw mo, ‘Tol,” narinig niya ang nang-aasar na sigaw ni Isaac. Ang masungit niyang kaibigan ay marunong na ring mang-asar. Tumawa pa ito nang malakas habang yakap ang asawa. Namamangka rin ang mga ito.

“Dapat lang iyan sa ‘yo. Gago ka,” sigaw ni Leandro na halatang badtrip sa kanya pero nakangisi nang nakakaloko. “Kung hindi lang kita kaibigan at bayaw ay baka ako na mismo ang magpa-ambush sa ‘yo.”

“Hayaan mo na muna. Parang nalugi na nga. Pero oo, gago ka, Alessandro. Ako ang sasapak sa ‘yo,” sabi ni Lucas na kasama ang babaeng Pamela ang pangalan.

Nagsagwan na siya palapit sa tatlong magkapareha. “Malaki ang kasalanan ko sa asawa ko. Pasensya na, mga ‘Tol. Pero gusto ko talagang makabawi at magkabati kami lalo na magkakababy na kami.”

“Gusto mong makabawi? Ayos naman. Pero sa isang kundisyon,” sagot ni Leandro.

“May naisip din akong kundisyon,” nakangising sabi ni Lucas.