Chapter 5
Kinabukasan ay mas maagang nagising si Phoebe kaysa sa kinasanayan. Mabilis nyang tinungo ang silid ng nakatatandang kapatid ngunit tulad ng dati ay wala ito doon.
Ah baka may shoot nanaman sya, ika nya sa kanyang isip saka nagbuga ng malalim na hininga bago tuluyang nilisan ang kwartong iyon.
Sanay na syang hindi nakikita sa bahay si Peyton, ipinagpapasalamat nya pa nga ang kawalan ng oras nito sa kanya noon pero bakit ngayon ay parang nasasaktan sya?
Laylay ang balikat na bumalik sya sa kanyang silid. Kinuha nya ang kanyang backpack at isinilid doon ang mumurahing cellphone na binili nya para sa sarili at ang notebook kung saan nakasulat ang lahat ng plano nya. Isang beses pa syang nagbuga ng malalim na hininga bago tuluyang nilisan ang bahay.
Madilim pa lang pero naglalakad na sya sa gilid ng kalsada. Tanging ang patay sindi na mga ilaw lang ang nagbibigay ng liwanag sa kanya. Ang pagwawala ng mga asong madaraanan nya ang tanging kasama nya lang sa madilim na daan. Ang mga yabag nyang kahit anong pilit nyang patahimikin ay tila ba sumisigaw ng pagtutol sa gagawin nya.
“Para kay ate ‘to, Phoebe. Para kay ate.” Paulit-ulit nyang sinasabi sa sarili pero kahit anong pagkumbinsi nya ay hindi pa rin maialis ang pag-aalinlangan sa kanya. Muli syang nagbuga ng malalim na hininga saka tiningala ang kumikislap na mga bituin.
“P-phoebe?”
Para syang binuhusan ng malamig na tubig matapos marinig ang tinig mula sa kanyang likuran. Natigilan sya pero agad ding nagbawi nang maalala ang nga kwentong hindi nya nais noong paniwalaan. Bata pa po ako.
“Phoebe!” Muling pagtawag nito sa kanya. Mahigpit nyang hinawakan ang strap ng kanyang bag saka mas binilisan pa lalo ang kanyang paglalakad. Bakit ba kasi ganito ako kaaga umalis?
Ngayon pa lang ay nagsisisi na sya. Napakarami ko nang pinagsisisihan nitong nakaraang araw pa lang ah. Mamamatay na ba ako? Nagsimula syang tumakbo. Mas mabilis pa sa natural na pagtakbo nya. Iyong takbo na alam nyang ikaliligtas ng buhay nya. Paulit-ulit syang napamura nang maramdaman nya ang pagkaripas din ng tao sa kanyang likuran. Nagpalinga-linga sya sa paligid ngunit maski isang tao ay wala syang naaninagan. Kung ito na ang katapusan kong tatanggapin ko ng buong puso pero sana naman wag masyadong brutal.
“Hoy! King ina kapag ako namatay kakahabol sa’yo mumultuhin talaga kita!”
Kusa syang napatigil nang makilala ang inis nitong boses. Dahan-dahan syang lumingon at doon lamang sya tuluyang nakahinga ng maluwag nang makitang si Anne ang naroon sa kanyang likuran. Nakatungo ito sa dalawang tuhod at hinahabol ang kanyang hininga.
“Anong ginagawa mo dito?” Kinakapos sa hiningang tanong nya saka lumapit sa kaibigan.
“Bakit ka tumakbo?” Tanong ni Anne. Ikinabit nya ang kaliwang kamay sa braso ng kaibigan saka kumuha ng lakas doon para tumayo ng tuwid. “Grabe, pakiramdam ko mapuputol ang mga binti ko sa paghahabol sa’yo.”
Mula pa man paglabas ng bahay ay nakita nya na si Phoebe. Nagtataka sya dahil kung maka-asta ito ay isang magnanakaw habang papalabas ng sariling bahay kaya naman naisip nya itong sundan.
“Akala ko kasi kung sino nang may plano sa akin e,” tugon ng kaibigan saka yumuko. Iyon kasi talaga ang bali-balita sa kanila noon, na may pagala-gala raw na nananamantala sa gilid ng kalsada kaya nang marinig nya ang pagtawag mula sa likod ay awtomatiko iyong rumehistro sa isip nya.
“Sa ganda kong ‘to, Phoebe? Talaga ba?” Sarkastikong tanong nya na nakaturo pa ang hintuturo sa kanyang mukha.
“Sorry na. Ano kasing ginagawa mo ng ganitong oras?”
“Nagjojogging ako. Hindi mo alam yon dahil hindi ka naman nagwowork-out.” May pagmamalaking tugon ni Anne. Ipinakita pa nito ang suot nya na sa tingin ni Phoebe ay hindi naman naaayon sa kanyang ginagawa. Paano’y para syang may lakad—nakasuot ito ng maong na short at croptop. Naka-jacket naman sya kaso nakabuhol ang laylayan non sa ibaba ng kanyang dibdib.
“Alam ko ang jogging, wag mo akong gawing tanga.” At alam nyang hindi nagjojogging ang kaibigan dahil sa pananamit nito. Nakangiwing tinignan nya ang kaibigan saka nagsimula muling maglakad.
“Kahit hindi kita gawing tanga, tanga ka na talaga. Sinong papayag sa paghihiganti?” Nang-aasar na tanong ni Anne. Ngunit hindi tulad kahapon ay wala nang naramdaman na inis si Phoebe kapag iyon ang kanilang usapan.
“K.” Iyon lang ang naging tugon nya. Ni hindi nito binigyan ng tingin ang kaibigan.
“Pangit mo kabonding,” ani Anne na muling isinukbit ang kamay sa kanyang braso. “Saan ka ba pupunta?” Tanong nya pero mabilis na binawi ni Phoebe ang kanyang braso saka mas mabilis pa na naglakad. “Phoebe!”
“Kailangan kong humanap ng paraan kung paano ako mapapasok ang buhay ni Evan.” Syempre. Paano nya nga ba magagawa ang ipinangako kung hindi nya papasukin ang buhay ng binatang iyon, hindi ba?
“Duh? Sa ganda mong yan ay pwedeng-pwede kang mag-apply na personal assistant nya,” sagot ni Anne.
Totoong maganda si Phoebe. Lahat nga yata ng katrabaho nyang lalaki ay nais manligaw sa kanya kaso nga lang masyadong istrikto ang ate nya kaya naman hindi sya pumapayag na magpaligaw sa mga ito. Ang pinakagusto ng lahat ay ang perpektong ngiti nya. Bukod pa roon ay nakakaakit din ang kulay tsokolate nyang mata na para kang hinihila sa isang magandang lugar kapag tititigan mo ng napakatagal. Makinis ang kutis nya at ang mahahaba nyang legs ay bagay na bagay sa pagmomodelo. Bagaman hindi tulad ng nakatatandang kapatid na malusog ang dibidb ay bumabagay naman sa kanya ang hindi kalakihang bundok, saktong-sakto iyon sa perpektong kurba ng kanyang katawan. Morena ang kulay ng balat at hindi ganoon kahaba ang buhok na medyo kulot.
“Nangangailangan ba sila ngayon?” Nabuhayan ng pag-asa ang dalaga lalo na nang naniningkit ang mga mata at malapad na ngumiti sa kanya ang kaibigan.
“Oo. I got you bro!” Proud na salita ni Anne. "Ito, nagresearch ako kahapon at nakita ko ito." Pagpapatuloy nya saka inilabas ang isang papel sa kanyang bulsa. Iniabot nya iyon kay Phoebe na nagtatakang nakatingin sa kanya. Akala nya ayaw nitong pumayag na maghigante si Phoebe para sa nakatatanda nitong kapatid ngunit bakit heto't sya pa mismo ang gumagawa ng paraan para maisakatuparan iyon?