Chapter 20
LAN'S POV
I'm just staring at Enlil while holding his hands. I want to be his whole day nurse but they won't let me.
I know Dean and Qin, they warn me but they'll never do a thing that will hurt me.
But at this point, I think Cia brain washed them. They become so cruel, they won't even think twice to hurt me. That's why I always sneak my way in, just to see Enlil.
I fucking love you Enlil, but if you'll choose Cia over me, you're over too.
I stood up when I saw his fingers move
"Enlil..."
He slowly opened his eyes
"You're awake..."
He directly looked at me as if he's not unconscious for 7 days, he's not happy seeing me first after waking up.
"Why are you here?"
"Ako nagbantay sayo for 7 days Enlil and that's what you'll going to say?"
"How can I be sure?"
He tried to get up, I was about to help him but he looked at me sharply
"You're not yet completely healed, you don't have enough-"
"I'm totally healed. You don't need to meddle in my life anymore" he said bluntly and went to the CR
"You don't need to meddle in my life anymore"
10 years...
We've been friends for ten years Enlil.
The moment he went out, I quickly approached him.
"Enlil..." he didn't say a thing and his eyes are focused on the door
"You changed, you're not like this to me-"
"Did you do what I've told you?"
-
"Lan every human taste my cruelty, if you continue to be a brat then I won't think twice to kill you"
-
"B-but... you didn't also kill me"
"Pft. I will kill your father first"
"Enlil! What did my father do to you? You're crossing the line"
"I've already crossed the line Lan" He said and walked away.
You're just making the situation worst Enlil. First, you're now giving me warnings. Second, you're choosing Cia over me. And now, you're planning to kill my father.
That's it! If I can't have you, then no one can.
MORGAN'S POV
I was taking out the foods I bought from the car when I noticed Enlil's car.
He's awake. I wonder if Cia was inside the car too. Napailing at buntong hininga nalang ako at binalik isa isa yung mga pagkain
"Bakit kaba naman kasi bumili ng ganyang karaming pagkain, tch" Inis na bulong ko sa sarili ko
Pagkatapos ibalik lahat ng pagkain ay nakita ko si Lan na palabas ng ospital. She's here? Seeing her makes me wonder what happened yesterday, I wasn't able to come here because of school projects.
She looks so pissed, I can sense a bad plan just by looking at her. Hindi muna ako pumasok sa kotse at binalak na lapitan siya, hindi pa man ako nakakalapit ay rinig ko na ang pangalan ni Jorah
"Jorah you have to think about it now, I'm so fucking done"
Think about what?
CIA'S POV
Pagkarating sa ospital ay takang taka ako nung makitang wala si Enlil, wala na yung mga gamit niya at malinis na yung kwarto kung saan siya pitong araw na tulog.
Gising na kaya siya o nilipat lang ng kwarto? Nagpunta ako sa information para tanungin kung asan si Enlil.
"Ma'am kakadischarge niya lang po kaninang hapon"
Nanlaki ang mata ko at taka siyang tinignan "Gising na siya? Hindi ba dapat nagpapahinga parin siya kahit gising na?"
"Yun po kasi ang utos niya"
"Sige po, salamat"
Lumabas na ako ng ospital, naiinis ako na masaya na kinakabahan. Naiinis ako dahil sobrang pagod ako tapos hindi man lang ako tinawagan nila Dean na gising na pala si Enlil.
Masaya dahil sa wakas gising na siya, kinakabahan dahil... baka si Lan ang una niyang nakita pagkagising, ayos lang naman dahil mas matagal silang nagkasama pero bakit parang galit din ako?
Huminga nalang ako ng malalim at sumakay ng taxi papunta sa mansion nila Enlil, sa wakas! Makakapagpahinga narin ako, babalik na din siguro ako sa pag-aaral. Hindi naman na nagparamdam yung mga lalaki noon, siguro naman safe na ako.
Pagkarating sa mansion ay nakita ko lahat ng kasambahay at tauhan ay nasa labas. Nakatungo at tila ba may nangyayaring masama.
Lumapit ako kay merlyn
"Psst. Ba't andito kayo?"
Ngumiwi sakin si merlyn at lumapit konti "Gusto daw ni master Enlil mapag-isa kaya pinalabas kaming lahat"
"Eh?! Pati si shin?" nagugulat na tanong ko
Mas lalo siyang ngumiwi at tumango "Galit na galit, pagkarating nga ay nagwala" dagdag pa niya
Nagwala? May nangyari kaya sa ospital kanina? Bakit siya galit na galit?
"Ikaw si Cia diba?" biglang tanong sakin ng babaeng mukhang kaedad ko lang
Tumango ako sa kanya at ngumiti "Bakit?"
"Puntahan mo kaya si sir, baka sakali lumamig ang ulo"
Napaatras agad ako at umiling iling "Pasensya na ha pero mahal ko pa ang buhay ko" desididong sabi ko habang umiiling
Hinding hindi ko siya kakausapin hanggang hindi lumalamig ang ulo niya. Baka mamaya barilin niya nalang ako bigla bigla. May mga pangarap pa ako, gusto ko pa makita si mama
"Cia wala namang masama kung susubukan hindi ba?" pilit din sakin ni merlyn pero mas lalo akong napailing
"Sobrang sama ng mangyayari kung susubukan ko, kayo ngang matagal na nagtratrabaho sa kanya pinalabas, eh paano pa kaya akong ilang linggo palang niya nakilala diba?"
"May special treatment naman sayo ehh, dali na Cia malamig dito sa labas. Baka dito pa kami patulugin si master" makaawa sakin ng babae
Ganon na ba kademonyo si Enlil? Gusto lang mapag-isa, sila pa mag-aadjust. Umalis nalang sana siya at nagpunta sa lugar na payapa at mag-isa siya.
"Susubukan ko, pero pag hindi tumalab wala na akong kasalanan ahh"
Tumango silang dalawa at kinaladkad ako papuntang pinto, binuksan nila yung pinto at tinulak ako papasok
"I said GET THE FUCK OUT!" malademonyong sigaw niya mula sa kusina
Okay. Nope. Hindi, hindi ako tutuloy. Pagbukas ng pinto ay nakatingin silang lahat sakin, napatingin ako kay shin na karga karga ni sir Terri. Kawawa naman yung bata
Napabuntong hininga nalang ako at sinarado yung pinto, para kay shin!
Dahan dahan akong naglakad papuntang kusina, sinilip ko si Enlil, nakaupo lang siya sa harap ng lamesa at kahit malayo ka masesense mo talaga yung galit na aura niya.
Para siyang isang demonyong nagliliyab sa apoy, hanggang dito ramdam ko ang galit niya.
Malalim ang paghinga niya, tila ba kinakalma ang sarili. Kalaunan ay bigla niyang winaksi yung baso sa lamesa, nagulat pa ako sa pagkabasag nito kahit na kitang kitang ko naman.
Ano ba nangyayari Enlil?
Naglakas loob ako lumapit pa sa kanya ng konti, mahigpit kong hinawakan ang isang kamay ko sa likod. Huminga ng malalim bago nagsalita
"E-enlil..." lumingon siya ng konti at ramdam kong nakangisi siya. Humarap siya sakin at tinignan ako ng nanlolokong tingin, yung parang tingin ng mga taong papatay habang nakangisi.
Nakadekwatro pa siya at sinandal ang dalawang siko sa lamesa sa likod niya.
Nakatitig lang siya na tila ba naghihintay ng sasabihin ko
"Ma-maawa ka naman sa mga tao sa l-labas... papasukin mo na sila-"
"You think you have the power to command me?"
"Enlil hindi kita inuutusan, sabihin na nating favor 'to. Maawa ka naman-"
"I won't do your favor then. Get the fuck out of my house"
Nanlaki ang mga mata ko at tinignan siya.
"Ano?"
"Get the fuck out of my house" walang emosyong sabi niya habang wala ring emosyong nakatingin sakin. Tumitig muna ako sa kanya, siguro sinisiguro na buo na ang desisyon niya, naghihintay ako na bawiin niya ang sinabi niya.
Ngunit sa tingin niya sakin ngayon, napakalabo...
Napahinga lang ako ng malalim at tumalikod na sa kanya. Naglakad na ako paalis, hindi ko na din pinansin yung mga taong naghihintay sakin sa labas. Deretso ang tingin ako, iisa lang ang gusto ko ngayon, ang makalayo sa mansion na ito.
Pumara ako ng taxi at sumakay. Binigay ko ang address ni Lou
Bakit ang bigat sa pakiramdam? Aaminin kong inaasahan kong matutulungan ko yung mga tao sa labas ng bahay ni Enlil... hindi, inaasahan kong kaya kong palamigin ang ulo niya.
Bakit ba ako umasa na may special treatment nga talaga sakin? Bakit ba parang ansakit-hindi, masakit talaga. Ang bigat sa pakiramdam, naninikip din ang dibdib ko, maski paghinga ay parang hirap ako.
Sa anim na araw at pitong gabi, ngayon ko lang naramdaman ang pagod ko. Bumigat din ang katawan ko, pakiramdam ko isang buwan akong pagod.
Nakatulala lang ako sa bintana nung maramdaman kong nag vibrate yung cellphone ko, kinuha ko to at nakitang nagtext sila Qin at Dean
From: Qin
Hey, I went to Morocco for business purposes. I hope you can take care of Enlil for few more days, I'll be back in three days.
From: Dean
Yow Cia, si Dean to, save mo pala number ko ah. Btw, I am heading to Germany for business purposes. Siguro naman nakapagpaalam na si Qin sayo, pakitignan muna si Enlil, baka abutin ako ng one week dito. Salamat in advance, ingat :)
Psh. Bantayan? Pakitignan? Pinalayas nga ako sa mansion niya, ako pa aasahan niyong magbantay sa kanya?
Napabuntong hininga nalang ako at nagreply, gumawa nalang ako ng group chat para isahan nalang ang text
To: Qin, Dean
Gising na siya, nakauwi nadin. Mag-ingat kayo diyan
Ibabalik ko na sana yung cellphone ko pero may bagong reply
Qin: Really? That's great.
Dean: Ikaw ba unang nakita?
Qin: Yeah, he should know you sacrifice yourself taking care of him for almost a week.
Luh, ang bilis nila magreply. Akala ko busy tong mga to?
Dean: Cia...
Qin: I think she's busy.
Dean: Lol.
Qin: What's this group for btw?
Dean: Ewan, add mo nga si Enlil.
Qin: I can add him but don't expect any single reply.
Dean: Putangina. Wag nalang
Napangiti nalang ako habang binabasa yung mga convo nila, tapos bigla kong nabasa yung sinabi ni Qin kanina.
Hindi ko nga masabing ako yung nagbantay sa kanya, palayasin ba naman ako.
To: Qin, Dean
Hmn. Alam niya kung sino nagbantay sa kanya, may gagawin pa ako. Bye!