Chapter 23: The Parasite.
Women is a treasure of every men.
Halos hapong-hapo pa din si Devin dahil sa layo ng tinakbo nila ni Devine, samantalang ang kanilang ina ay nasa baba pa din ng hagdan na inakyatan nila dahil hingal na hingal pa ito.
“Mama, we’re here na. Come here and hurry up please.” Anya ni Devin na talaga namang excited na sa kung anong laro nila sa playground sa third floor.
“Bakit ba kasi ang taas-taas ng mga lintik na hagdan na ito? Baka bago pa ako makarating sa itaas lawit na ang dila ko.” Sambit ni Marriel at pilit na inakyatan ang mataas na hagdan.
Kung nagtataka man ang lahat kung bakit may matataas na hagdan dito patungo sa mga sumunod na palapag, dahil iyon din ang sadyang style nito. At si Owen ang may pakana. Katatapos lang ng kanyang klase at ngayon ay oras naman na para sa kanyang mga anak. Bukas sa office naman ang kanyang routine.
“Mommy, aalis po ba ulit tayo bukas?” Maxine asked her mother, tumango naman si Marriel sa katanungan ng kanyang anak.
“Yes anak, you’re daddy have a rule and kailangan kong sundin iyon. Especially those rules about you and Devin.” Sambit ni Marriel, nakangiti naman ang dalawang bata.
“Mommy, can we play again in the playground outside your school?” Devin asked her mother.
“Not again, my love.” Sambit ni Marriel sa kanyang anak.
“Why mommy? Ang ganda po doon, and I’m so amazed.” Maxine said to her mother.
“No more asked, okay! It’s delicate outside.” Sambit nito.
Tumatalima naman ang mga kambal tuwing mayroon siyang utos dito, parating ipinaparamdam ni Marriel sa mga ito kung gaano niya kamahal ang mga ito. Kahit na hindi siya nagabayan ng mga magulang niya, sapat na ang pagmamahal at pag-aaruga ng kanyang tito Thomas at si Joysie.
Halos ilang taon na din at hindi man lang niya naipakilala sa kanyang pamilya ang mga bata. Ang alam ng kanyang tito Thomas, nasa ibang lugar na siya at nagtatrabaho bilang isang parlor. Pero ang totoo full time mom siya, at si Owen ang sumasagot sa lahat ng expenses niya.
Dahil tanda pa ni Owen ang mga bank account niya at may mga access siya na hindi need ng valid ID. Mayroon siyang mga secret vault na pinagtaguan ng emergency money.
Mayroong mga moment na nagtataka ang mga bantay kung bakit ibang tao ang napunta, ayon pala hindi nila alam na patay na si Owen. Ang alam kasi nila hindi na gaanong nagpupunta si Owen at wala silang balita kung ano nang nangyari dito. Mahirap kabisaduhin ang account number ng account ni Owen, plus ang password. Kaya naman nakumbinsi kaagad ni Rankin na kamag-anak siya ni Owen at ang pera na iyon ay inilaan para sa mga anak ni Owen. Pero ngayon, kilala na sila ng magulang ni Owen. Hindi na nila gagamitin iyong pera na nandoon sa vault kung saan tinago ni Owen.
Mainam na mayroon pa rin matira sa account na iyon. Mahirap na kapag dumating sa araw ng kagipitan, ayaw ni Marriel na magpaka-kampante lang basta.
“Mommy, kailan po ulit tayo uuwi sa dati nating bahay? Namimiss na po kasi namin ‘yong gubat at gusto namin na maglaro doon sa may batis.” Sambit ni Devin Max sa kanyang ina.
“Sa ngayon, dito lang muna tayo. Hindi ko pa kasi alam kung kailan tayo uuwi sa little mansion natin!” Sambit ni Marriel sa dalawang bata, tila nauunawaan naman ito ng mga bata.
Hinawakan ni Marriel ang palad ng dalawang bata at hinagkan ang likod niyon. Napalingon naman ang dalawang bata at bakas mukha ng mga ito ang pagtataka at pag-aalala.
**
Kinabukasan, maagang nag-asikaso si Marriel upang pumasok sa school ganoon na din ang kanyang mga anak. Isasama niya ito sa kanyang school. Dahil hindi naman mahigpit ang eskwelahan na kanyang napuntahan, isinama niya na ang mga bata. Dahil inaasikaso ni Rankin ang DNA ni Marriel, Owen, at ng kanyang mga anak ay nauna na itong pumunta sa laboratory kasama ng ibang doctor at ang mga magulang ni Owen.
“Hello, Marriel right?” Bati ng isang lalaki na hinding-hindi niya makakalimutan ang hilatsa.
“Hi,” tipid na sagot ni Marriel sa lalaking nagngangalang Hector, hindi mapigilan ni Marriel na kumulo ang dugo.
“Papasok na ba kayo? Gusto mo ihatid ko na kayo sa school?” Sambit nito sa kanya sabay akmang aalalayan ang mga bata, subalit iniiwas ni Marriel ang kanyang mga anak sa mapanganib na si Hector Miguel.
Noong unang makita pa lang niya ito talagang mainit na ang dugo niya dito. Lalo na ngayong lumabas na ang mga bata, pakiramdam ni Marriel tila magiging mas lalong mapanganib dahil mahina pa ang mga kambal.
“No need,” sambit ni Marriel.
“Mayroon kaming service!” Sambit ni Marriel dito, at kinuha ang card na pinapakita kapag sumasakay sa sasakyan ng school.
“Hindi ka ba pamilyar, ito ay isa sa mga special service ng school ninyo. Hiniram ko ito para ihatid ko kayo!” Sambit ni Hector kay Marriel.
Lalong nagdilim ang paningin ni Marriel, at para bang gusto niyang sapakin si Hector para matigil na ito sa kahibangan nito. Subalit, hindi niya iyon ginawa dahil ayaw naman niyang maging bastos sa harap ng animal na ito.
“Ay pasensya kana, pero wala akong balak na sumakay sa special service. Dahil hindi ako nagbayad ng sasakyan na special. Wala akong binayaran kundi ang tuition fee ko lamang. Kaya please lang, huwag mo nang sayangin ang pera mo para lang ihatid kami.” Sambit ni Marriel dito.
Hindi niya alam kung hanggang kailan sila magbabangayan nitong si Hector Miguel, dahil tila ayaw nitong patinag at pinipilit pa din siya nitong sumakay sa special service.
Naisipan niyang tawagan si Rankin, dahil pakiramdam niya hindi talaga titigil ang bwesit na si Hector Miguel.
“Pwede ba tumigil ka, kay Rankin na Lang kami magpapahatid kung talagang hinarangan mo na ang school service. Wala na akong magagawa, pero please lang umalis ka na dahil baka kung ano magawa sa ‘yo ng kaibigan kong si Rankin.” Sambit ni Marriel sa lalaking nasa harapan niya.
“Bakit naman ako aalis?” Sambit naman ni Hector Miguel.
“Kasi harassment na iyang ginagawa mo! Hindi mo ba alam na puwede kitang i-pakulong dahil diyan sa pamimilit mo sa akin na sumakay diyan sa pisti mong sasakyan!” Inis na sambit ni Marriel, nilayo niya ang mga bata at tinawagan si Rankin, agad naman na sumagot si Rankin. Naroon lang sila sa loob ng bahay dahil nasa labas pa din si Hector Miguel.
“Hello Rankin?” Sambit ni Marriel.
“Oh, bakit? Mayroon bang problema diyan? Nasa school na ba kayo?” Sambit ni Rankin.
“Wala pa, nandito pa din kami sa bahay! Si Hector nandito sa labas ng bahay! Pini-pilit kaming sumakay sa school service. Pina-pasok ko muna ang mga bata, baka kasi kung anong gawin ng bwisit na ito.” Sambit ni Marriel kay Rankin.
“O sigi, huwag kayong lalabas. Sasabihan ko lang ang parents ni Owen. Para aware sila.” Sambit ni Rankin. Mayamaya pa narinig na ni Marriel ang pagdating ng sasakyan ni Rankin. Nagpaalam na din siya sa school upang hindi naman magtaka ang kanyang mga professor kung bakit wala siya.
“Pwede ba tumigil ka na?” Sambit ni Rankin sa labas.
“Oh, sino ka naman?” Sambit ni Hector.
“Wala ka na doon!” Sambit ni Rankin.
“Pwede ba iyon, hindi ako aalis dito. Best friend ako ni Owen, at ako lang ang pwedeng mag-ingat sa mga naiwan niya!” Sambit ni Hector kay Rankin.
“So,” pilosopong sambit ni Rankin dito.
“Kung best friend, puwes ako higit pa sa best friend. Mas maganda ang samahan namin ni Owen, kaysa sa ‘yo!” Sambit ni Rankin dito at may bakas na gigil sa boses nito.
“Itigil mo na kung ano man iyang tumatakbo sa isipan mo!” Sambit pa ni Rankin.
Hindi talaga tumitigil si Rankin dahil gusto nitong supalpalin ang pisti na lalaking ito. Base sa naging kwento ni Owen sa kanila sobrang ahas ng ugali ng taong ito. Magugulat ka na lang isang araw, sinaksak ka na nito ng wala kang kamalay-malay.
Narinig na lang niya ang pagbukas ng gate, hindi niya alam kung paano nito nakumbinsi si Hector na umalis.
“Hello mga babies, ayos lang ba kayo?” Sambit ng mga bata. Agad naman na nagtago ang mga ito sa likod ni Marriel. Dahil nga sa mayroong third eye si Marriel, hindi nakaligtas sa kanya ang tunay nitong kulay.
Never tinawag ni Owen at Rankin ng babies ang mga bata. Kapag si Owen whole name or nickname lang tawag, kapag si Rankin naman tawag lang niya nak. Kaya pala-isipan sa kanya kung sino ba talaga si Hector Miguel? Paano niya namamanipula ang mga tao? Paano niya nagagawang bastusin ng harap-harapan ang pamilya ni Owen.
“Stop acting crazy! Stop it right now!” Sigaw ni Owen.
Nakita ni Marriel nasa likuran ang tunay na Owen or Rankin. Tila nalinawan ako lalo, mayroong tactic na ginagawa si Hector upang makita ko siya as Rankin pero ang totoo si Hector talaga siya sa paningin ng ibang tao.
“Monster!” Sambit ni Devin at Devine kay Hector.
Tila tinablan naman ito ng hiya at hinayaan na silang mag-anak. Kung hindi pa ito titigil, pakiramdam ni Owen ng sandaling iyon maghahalo na ang katauhan nila ni Rankin at parang gusto na nilang mawala si Rankin sa mundong ito.
**
Dahil sa nangyari nang araw na iyon mas naging mahigpit pa ang seguridad para kay Marriel at sa kambal lalo pa at hindi pa klarado kung anong resulta.
“May kailangan pa ba kayo mga anak?” Sambit ni Marriel sa kanyang mga anak, si Owen nakatingin lamang habang si Rankin ay payapang tulog. Kailangan ni Rankin matulog dahil bukas siya ang magbabantay kina Marriel at sa kambal, pero sa ngayon kaluluwa muna ni Owen ang bantay.
“Papa, dada, pumpkin, you can sleep with us!” Sambit ni Devin Max sa kanyang ama.
“Devin, papa can’t sleep and I think that’s the bad guy fault. Do you remember his face, don’t you dare to come with him.” Sambit ni Devine Maxine.
“Maxine was right, you need to be careful to all the people you talk.” Sambit ni Marriel sa kanyang anak. Nakikinig naman ang kambal, hiling lang ni Marriel na huwag naman sanang mabilog ang mga ito ng kung ano mang i-ooffer ni Hector. Siyempre kahit anong sabihin, bata pa din sina Devin at Devine. Puwedeng-puwede silang linlangin nitong si Hector na malakas mang-hipnotismo.
“Remember it mga anak, huwag kayo makikipag-usap or titingin sa mga mata ng kausap ninyo. May mga bad guys kasi na i-hypnotism kayo, pwedeng hindi ni’yo na ma-kontrol ang mg sarili ninyo. Gusto ni’yo ba na ganoon ang mangyari sa inyo?” Sambit ni Marriel sa kanyang mga anak.
“Ayaw po!” Sambit nina Devine at Devin.
“Makinig sa mama ha, huwag matigas ang ulo para malayo sa—
Pinabitin ni Marriel ang kanyang sinasabi, upang matansya niya kung tanda pa ba ng mga bata kung ano nga ba ang sunod na sagot sa lagi niyang paalala.
“… Kapahamakan!” Sabay-sabay na sambit ng kambal. Alam niyang mali ang bastang mang-judge, pero mas masama kung hindi niya iingatan ang kanyang mga supling.
Tumatango lamang si Owen ng mga sandaling iyon sa bawat katagang binibitawan sa kanyang mga anak. Hindi na ito nagsalita at hinayaan lang niya na sumunod ang mga bata itong sa kanilang nanay.
“Husband ko, sleep na kami. Maaga pa tayo bukas!” Sambit ni Marriel kay Owen. Hinagkan ni Owen si Marriel sa pisngi, bahagya naman namula si Marriel dahil sa ginawa ni Owen.
“Okay sleep na kayo!” Sambit ni Owen.
“Okay sleep na kami!” Sambit naman ni Marriel kay Owen.
**
Kinabukasan, maagang nagising ang lahat. Ito na kasi ang araw na pinakahihintay nila, ito ‘yong tinakdang panahon upang malaman kung anak ba talaga ni Owen ang mga bata. Dahil para na rin maka-siguro din ang dalawang matanda kung si Owen nga ba ang ama ng mga bata.
“Ito na ang araw na pinakahihintay natin. Kung ano mang maging results ng exam na ito, tatanggapin namin.” Sambit ng nanay ni Owen.
Mayamaya pa ay binuklat na ng mga ito kung ang results ng DNA.
Mayamaya pa isang malaking ngiti ang iginanti ng mga matanda sa kanila.
**