Chapter 22: Owen still guard up with them.
No one can make sure about the safety of all the time, but we can be sure that we always safe if we are willing to be safe as also.
Rule #1: Don’t trust anybody else!
Rule #2: Don’t let my kids alone with someone else that you don’t know.
Rule #3: Avoid Hector Miguel, he’s a killer.
Rule #4: Make my parents happy.
Rule #5: Study more and work as me in my company.
“Hangga’t naririto ako, at nanatili bilang isang buhay na kaluluwa. Mananatili akong nasa tabi ninyo, subalit kung darating man ang pagkakataon na— alam mo na. Kailangan mo na din kumilos para sa kapakanan ng dalawa nating anak at sa pamilya ko na din sana.” Sambit ni Owen kay Marriel.
Sino bang mag-aakalang darating na sila sa point na ito, noon wala sa isip ni Marriel ang mag-aral dahil hindi niya ito kaya at wala din susuporta sa kanya sa gastos. Pero ngayon, ang mommy na ni Owen ang nag-suggest na mag-aral siya at kapag walang pasok sa company siya tutuloy upang doon magsanay kung paano humawak ng kompanya.
“Sigurado naman ako sa pag-aaral, pero never pumasok sa isip ko na isang gaya ko hahawak ng isang tanyag na kompanya. Sa ganitong aspeto ng pamumuhay hindi ko alam kung saan ako lulugar at kung ano ang gagawin ko.” Puno nang tension ang tinig ni Marriel habang ipinapaliwanag kay Owen kung ano ang nasa loob niya.
“Me and Rankin, supposed to different forte in life and businesses. But we can handle to teach you how to be great businesswoman at kung paano ka din lalaban sa mga ahas tulad ni Hector Miguel!” Paglilinaw ni Owen kay Marriel.
“Yes, Marriel. I took business administration noong freshman palang ako, nag-shift lang ako sa nursing because of my mom. But I am also a masters in this kind of stuff.” Sambit ni Rankin, na ngayon ay nasa kanyang sariling katawan.
Gaya ng napagkasunduan, hindi pwedeng buong araw si Rankin na nakahiwalay sa kanyang katawan upang hindi matalo ng kaluluwa ni Owen ang kaluluwa ni Rankin. Malaki ang pasasalamat ni Owen kay Rankin dahil malaki ang papel nito sa kanyang buhay. Hindi man naipapakita ni Owen ang kanyang pasasalamat sa huli, ibibigay din niya kung ano ang para dito.
“Rankin, tinanggap ka ng mama ko as a new Medical staff. And accepted na iyon, hino-hold daw talaga ni Hector ‘yong sa ‘yo na resume. Maybe kilala ka niya or else, nararamdaman niya ang presence ko.” Sambit ni Owen kay Rankin.
“Hindi ko siya kilala.” Sambit ni Rankin.
“Lalo naman ako,” sambit naman ni Marriel.
“Maaring may something sa kanya, kaya tila kakaiba ang nagiging kilos niya sa tuwing nakikita niya tayo.” Sambit ni Owen.
“Paano ba iyon naging kaibigan?” Sambit ni Marriel.
“Alam mo sa totoo lang, hindi ko din alam?” Sambit ni Owen.
“Ano kaya kung magpa-psychiatrist ka! Tapos try mo din ‘yong sa kakilala ko magaling sa forte ng hypnosis. I’m sure kung mayroon kang mga hidden memories, lahat ng iyon maaalala mo!” Sambit ni Rankin kay Owen.
“Tingin mo, possible iyon? Sa totoo lang talaga hindi ko talaga matandaan, siguro dahil patay na ako? Kaya nabawasan ang memories ko or else dahil siya ang pinaka-masamang memories sa akin kaya ko pilit kinakalimutan.” Sambit ni Owen.
“Iyon naman pala! Subukan mo na agad bukas after ng office hour, pupunta ako sa friend ko.” Sambit ni Rankin.
“What if pumunta din tayo sa psychic, palagay ko ang mga haka-haka mo Owen tungkol sa memories ng mga namatay sila ang makakasagot niyan.” Sambit ni Marriel at nagkatinginan naman sina Rankin at Owen.
“Dahil kung sa mga expert na psychiatrist, baka tawanan lang kayo at isipin na nababaliw na kayo. Baka imbes na matulungan kayo sa mental pa kayo dalhin.” Sambit ni Marriel, tila naalarma naman ang dalawa at napaisip sa sinabi niya.
“Kung sabagay, kung ako hindi naniniwala sa ganito at kung hindi ko pa nakita at nadinig si Owen iisipin ko din baliw ka.” Sambit ni Rankin.
“Ang sakit naman,” sambit ni Marriel na tila umaastang nagtampo.
“Totoo naman, sa panahon ngayon wala nang naniniwala sa mga creepy thing tulad nitong nangyayari sa atin!” Sambit ni Rankin.
“Kahit naman ako, hindi ko akalain na totoo pala ang mga panganib na tulad ng itim na usok, pero ending set up lang pala ni Hector at walang kinalaman dito ang urban legend ng Santa Cristina.” Sambit ni Owen.
“Oo, dahil noong nakita natin si Yohana noon hindi naman ganoon ang black smoke ng Santa Cristina. Kung tutuusin ito ang taga-ipon ng mga kaluluwa na hindi pa handa na umakyat at ‘yong mga ayaw nang umakyat.” Salaysay ni Marriel sa dalawa.
Nagkatinginan ang tatlo kung itutuloy ba nila ang plan na pumunta sa isang psychic. Para masagot na rin ang katanungan na tumatakbo sa isipan nila.
“Ano sa tingin niyo?” Sambit ni Marriel sa dalawa, tila nagtitimbangan naman ang dalawa, at tila walang gustong sumagot kung itutuloy ba nila o hindi.
“Hoy, ano na kayong dalawa diyan?” May kalakasang sambit ni Marriel kay Owen at Rankin.
“Kung sa akin, ayos lang. We will never know if we don’t try it! Beside, marami naman na tayong na-experience like nitong nangyayari sa atin now. So nothing can harm na nga kung tutuusin, pero we can’t fight the most delicate part if we don’t know how to fight? Like noong sandaling na-aksidente si Owen, hindi ba’t everything became uncontrollable. And the fact about the dark smoke na biglang kinuha ang tinig ni Owen, how it is? Ang pagkakaroon ko ng gifts tulad ninyo, paano ang mga bagay na iyon?” Sambit ni Rankin.
Kung mayroon sigurong malalang sinapit sa kanilang tatlo, ‘yong kay Rankin ang pinaka-malala. He’s an angel already, but heaven close the door for him because it’s not time for Rankin. Ang weird lang sa tuwing nagkakapalit sila ni Owen, Owen get inside his body and Rankin will go to heaven. Without even knowing kung makakabalik pa ba siya sa katawan niya or hindi. Dahil kung magiging maka-sarili si Owen, mamamatay si Rankin ng wala sa oras.
“Owen Louise Burke, mangako ka sa akin! Hindi ka makikipag-away sa akin kahit anong mangyari, at hindi mo ako tatraydurin!” Sambit ni Rankin.
Dahil sa kanilang matagal na pagsasamahan, tila sila na ang mag-best friend na kakaiba ang sakripisyo sa isa’t isa.
“Pangako!” Sambit ni Owen sabay smack sa pisngi nito kaya naman tila nangdiri si Rankin sa part na iyon at pinunasan gamit ang likod ng kanyang palad.
“Ang baboy naman!” Angal ni Rankin, at tinapunan ng nanlilisik na tingin si Owen.
“Peace!” Nakangiting sambit ni Owen.
**