Chapter 13: Joysie’s gift

A new life is a gift, a charm is a gift, everything good is a gift.

Gaya nga ni Marriel, mayroon din kakayanan si Joysie na matukoy kung mayroong elemental na nakapaligid sa kanila. Isang umaga, hindi sinasadyang nahuli si Marriel ni Joysie na may senyales ng pagdadalang tao.

“Morning sickness?” Sambit ni Joysie sa kanyang pinsan na si Marriel, nagpupunas ito ng bibig at kinakabahan na napalingon kay Joysie.

Nang sandaling iyon mayroong bitbit si Joysie na strawberry banana smoothie.

“May nakain lang akong panis!” Paliwanag ni Marriel. Nakita niyang tila natatakam ito sa dala-dala niyang strawberry.

“H*ck, parehas lang naman tayo ng agahan.” Sambit naman ni Joysie sa kanyang pinsan na si Marriel. Hindi ito nagsalitang muli, kaya naman napagpasyahan na lang ni Joysie na umalis at huwag nang usisain ang pinsan.

“Medyo tumaba din siya kumpara noong nakaraang buwan.” Sambit ni Joysie habang pinagkukumpara sa isipan nito kung anong physical appearance ng kanyang pinsan na si Marriel.

Joysie notice that Marriel have a morning sickness, she vomit like a pregnant.

“Tama! Baka nga buntis siya?” Tanong niya sa kanyang sarili, hindi malaman ni Joysie kung may katotohanan ba ang kanyang mga haka-haka.

She decided to bought strawberry for her cousin, she will try something that might show if the things in her mind is facts or bluff.

“Hindi ako pwedeng magkamali, I know craving ang nakikita ko sa mga mata niya.” Sambit ni Joysie sa kanyang sarili.

Mabilis na nagtungo sa pamilihan upang bumili ng strawberry, mura lang ang kilo ng mga panahon na iyon.

“Ate pabili nga po ng isang kilo. Saka coco jam meron pa, pabili na rin po may strawberry flavor di naman siya diba?” Sambit ni Joysie habang tila exciting ang nararamdaman nito.

“Yes miss, meron pa bagong luto lang!” Sambit ng ale kay Joysie. Nang makabili na siya ng kailangan niya mabilis siyang umuwi at pinuntahan si Marriel sa apartment ng magulang nito. Inabutan niya ito na para bang may kinakausap. Nagulantang siya dahil tama ang kanyang duda.

**

Sometimes we can never explain why we feel coward, we runaway to the situation that we think we can’t explain or we can’t solve all alone.

Hindi makahinga si Rankin sa naging pag-uusap nila ni Marriel sa kanyang panaginip.

Rankin: Marriel can we talk?

Marriel: Ano pa bang pag-uusapan natin, Rankin?

Rankin: Gusto ko lang naman malaman kung sino ba ang tatay ng dinadala mo?

Marriel: Wala na tayong dapat pag-usapan. Nang iniwan mo ako, naisip kong tapos na ang lahat sa atin.

Rankin: Pero Marriel, huwag mo naman gawin sakin to. Pinagsisihan ko na ang lahat ng pinaggagawa ko sayo.

Marriel: Alam mo ba Rankin kung anong pinagsisihan ko sa buhay ko? Yun yung pinagkatiwala ko ang lahat-lahat sa’yo! Maling-maling na nakilala kita!

Sumasakit ang dibdib niya dahil sa mga katagang, ‘maling-mali na nakilala kita.’ Kaya naman dali-dali niyang pinuntahan si Marriel. Pero kakaiba ang awra ni Marriel ng datnan ni Rankin.

“Marriel, can we talk?” He asked her.

“I don’t know kung paano ko sasabihin ito sayo! Pero buntis ako!” Sambit ni Marriel kay Rankin, nakaramdam ng makirot si Rankin. Hindi niya maipaliwanang kung anong mararamdaman niya.

He asked for comeback, but he didn’t expect na mabubuntis naman si Marriel sa lalaking hindi naman nito pinapakilala sa kanya.

“I’m sure nothing can happened to us, kaya sure ako na the baby is not yours. Hindi ko pwedeng iasa sayo ang bata, hindi mo siya anak at ang tatay nito nakabantay sa akin.” Sambit ni Marriel sa akin na para bang walang alinlangan.

“Akala ko ba mahal mo pa ako, bakit bigla ka na lang nabuntis. Saka bakit hindi mo sa akin mapakilala ang ama ng dinadala mo?” Rankin asked Marriel, but it seems like Marriel don’t want to talk about it.

“Problema ko na yun, at kung mayroon man akong sasabihin ng problema ko hindi ikaw ‘yon.” Sambit ni Marriel sa kanya. Lalong nadurog ang puso ni Rankin dahil sa mga sinasabi ni Marriel.

“Siguro nga nasaktan kita noon, but Marriel I’m really sorry about it.” Sambit ni Rankin.

“Kung meron man ako ng pinagsisisihan sa buhay ko, anong panahon na ipinagkatiwala ko ang lahat sayo.” Sambit ni Marriel kay Rankin.

Saka narealize ni Rankin na tila nagkatotoo ang kanyang panaginip.

“Sorry!” Mahinang sambit ni Rankin kay Marriel, huling pagkakataon tinitigan ni Rankin si Marriel, ganoon na din ang tiyan nito.

“Paalam!” Sambit pa ni Rankin, bago tuluyang tumalikod at hindi na muling lumingon pa.

**

“B*tch!” Salitang lumabas sa bibig ni Joysie nang makita ang ginawa ni Marriel kay Rankin.

“Sinasabi ko na nga ba tama ang hinala ko. She’s pregnant! Pero bakit pina-alis niya si Rankin? Hindi ba si Rankin ang ama?” Sambit ni Joysie sa kanyang sarili.

“MARRIEL!” Sigaw ni Joysie at mabilis na pumunta kay Marriel. Joysie run to her and hugged her cousin.

“Don’t worry about the check up, I know somebody else who work as gynecologist. I didn’t expect that my suspected is correct, I’m so happy for you cousin, but the only things pop up on my mind— who is the father of the baby?” Joysie asked her cousin. She felt overjoyed, but the things Rankin is not the father. So she felt confused now.

“Can I tell you a secret?” Marriel asked her. Joysie waiting for the secret that Marriel talking too. She’s about to ask but.

“Hoy! Anong ginagawa niyo diyan mga pugo!” Sigaw ng kuya ni Joysie na si Tenner.

“Bwisit ka!” Inis na sambit ni Joysie sa kanyang kuya at palihim na kinalabit si Marriel.

“Anong ginagawa mo dito sa bahay ni pangit? Marami gagawin sa Funeral home? Bakit dito kayo nakatambay? Umuwi ka na, Joysie! At ikaw pangit tama iyan huwag ka na muna pumasok, dahil wala akong pasok ngayon sa work.” Sambit ni Tenner na walang ibang ginawa kundi ang laitin lang si Marriel.

“Sobra ka naman! Baka mamaya niyan pagsisihan mo lahat ng sinasabi mo sa akin!” Sambit ni Marriel.

“Bakit ko naman pagsisisihan?” Sambit ni Tenner.

“Kapag naging pangit din, future girlfriend mo!” Sambit ni Marriel kay Tenner.

Galit na galit ito at akmang sasaktan sana si Marriel subalit may kung anong humawak kay Tenner na hindi nito nakikita, subalit nakita nina Joysie at Marriel. Nagtatakbo ito na tila isang baliw.

**