Chapter 12: How deep is your love?
Being different is not abnormal, the problem here is in the eyes and mouth of the people belittle us.
Kadarating lamang ni Joysie, agad siyang pumasok sa kwarto ng kanyang pinsan na si Marriel. Naulinigan niyang mayroon itong kinakausap na kung sino, mayroon din siyang kung anong nararamdaman. Ilang taon na rin ang nakakalipas ng magsimulang umingay ang paligid ni Joysie. Kakaiba ang ingay na ito, kung ikukumpara sa normal na ingay ng mundo.
“Paano kapag hindi sila maniwala sa sinasabi ko?” Dinig niyang sambit ng kanyang pinsan na si Marriel. Walang kasama ang pinsan niyang si Marriel sa apartment ng pamilya nito, kaya ganoon nalang ang pagtataka ni Joysie sa inasta ng kanyang pinsan.
Kumatok muna si Joysie upang malaman ni Marriel na may tao.
“Sino iyan?” Kabadong tanong ng kanyang pinsan na si Marriel.
“Si Joysie ito. Busy ka ba? Narinig ko kasing may kausap ka!” Sambit ni Joysie sa kanyang pinsan. Pinagbuksan naman siya nito ng pintuan at tumambad kay Joysie ang kabadong mukha ni Marriel.
“Pinsan, ayos ka lang ba?” Sambit ni Joysie sa kanya. Tumango naman si Marriel at para bang hindi nito magawang itingin sa kay Joysie ang paningin nito.
“Ano bang nangyayari sayo? Kinakausap mo nanaman ba ang mga kaluluwa na nakikita mo?” Sambit ni Joysie sa kanyang pinsan.
“Joysie, gusto ko sana pakasal sa kaluluwa.” Sambit ni Marriel kay Joysie, animo’y isang baliw na obsess na obsess sa isang taong pumanaw na.
“Gaga ka ba?” Inis na sambit ni Joysie sa kanyang pinsan, nakatingin lamang si Marriel sa kanya na para bang isang diskumpyadong babae na gustong-gusto na makawala.
“Itigil mo na nga ang kahibangan mo! Kahit sinong nasa matinong pag-iisip matatawa sa mga ginagawa mo. At kung maririnig ni kuya Tenner ang lahat ng sinasabi mo, I’m sure ipapatapon ka nanaman ni kuya sa old house.” Pananakot ni Joysie sa kanyang pinsan.
“Gusto ko lang naman iparanas kay Owen ang ikasal!” Sambit ni Marriel.
“Shut up! Patay na si Owen, huwag mo nang guluhin ang kaluluwa niya.” Sambit ni Joysie sa kanyang pinsan. Naramdaman ni Joysie ang paglamig ng paligid. Isang blurred na bulto ang kanyang nakita.
“Sino iyan, Marriel!” Sigaw niya kay Marriel.
“He’s my boyfriend!” Proud na proud na sambit ni Marriel sa kanya, lalong nakadama ng pagkahilakbot si Joysie dahil sa kaalamang hindi na buhay ang tinutukoy ng kanyang pinsan.
“Maghunus-dili ka. Hindi ko na naaninag ang kanyang mukha, patunay na isa na siyang ghost!” Sambit ni Joysie sa kanyang pinsan na si Marriel.
“Mas pipiliin ko pang maging boyfriend si Owen, kaysa makipagbalikan sa ex ko na si Rankin Basil.” Sambit ni Marriel kay Joysie. Napansin niyang mayroong maitim na usok na pumasok sa loob ng apartment ni Marriel.
“What’s going on?” Mahinang bulong ni Joysie sa kanyang sarili.
**
The soul of the person who died is not actually staying in this world, but if they have a mission that they’re not completed they are going to stay here no matter what happened.
Owen started to feel something, hindi mo maintindihan kung ano bang klaseng pakiramdam ito! He’s dead, at kahit kailan hindi na siya nakakaramdam pa. Pero sa sandaling ito kakaiba talaga ang kanyang pakiramdam, kakatwa mang isipin dapat wala nga talaga siyang nararamdaman. Pero magmula ng balakin nilang magkaroon ng anak ni Marriel, bumalik ang kanyang pakiramdam.
“Marriel, I love you!” Sambit ni Owen sa dalaga.
“Nagkakaroon man ng himala sa mundong ito, gusto ko sanang hilingin na mabuhay ka, gusto kitang makasama, gusto ko makasama ka rin ang magiging anak natin hanggang sa pagtanda niya. Kung meron man himala, kung meron man awa ang diyos sa akin, at kung ako ang papalarin napaghimalaan ng diyos malugod ko itong tatanggapin.” Sambit ni Marriel sa kanya habang tila iniimagine nito ang magiging buhay nilang dalawa na magkasama.
“Kaso randomly, at hindi pa natin alam kung maririnig niya ba tayo?” Sambit ni Owen kay Marriel.
“Mahal na mahal na kita, at hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag hindi na kita nakita o madama sa paligid ko!” Sambit ni Marriel kay Owen.
Nang sandaling iyon hindi na alam ni Owen kung paano kapag dumating ang sandali na hindi nya na mapuntahan si Marriel tulad ng sandaling iyon. Mayroon ka ng pagkakataon na biglang dumadating yung itim na usok at tinatangay na lamang siya.
Naisip ni Owen paano kung hindi na talaga siya makapunta doon upang bisitahin si Marriel? Pumapasok sa isip ni Owen ang kasintahan noon ni Marriel na si Rankin. Gustong gusto ni Owen na maramdaman ni Marriel kung paano mahalin ng totoo, paano ipagmalaki sa buong mundo, at maging sweet sa harap ng maraming tao. Pero sa kaso nilang dalawa imposible ng mangyari ang bagay na iyon, nalulungkot din siya para kay Marriel.
“Love, lubos na nga talaga kitang iniibig. Naiisip ko paano nalang kapag gusto mong ipagmalaki kita, naiisip ko din yung mga sandaling maging sweet tayo sa harap ng mga tao. Nalulungkot ako para sa ating dalawa! Hindi ka ba nalulungkot?” Pahayag ni Owen kay Marriel.
“I will be happy even if you’re not around, in case I have your child- I will still loyal on what I feel all about you. Love is not about physical contact, love is the strong foundation that you felt about that person. This is not always about the physical contact, this is not about what people see between the two person, love is not about when that person proudly say to everyone that you are the only one in they’re life.” Litanya ni Marriel sa kanya habang patuloy nitong sinusuklay ang mahaba nitong buhok.
“Your love stay inside my heart and in my brain, this will be forever stay here. I’m good at it. I am loyal, in case you say to stop, I will do that too, but you’re impact in my life- will be forever stay here in my heart.” Madamdaming litanya ni Marriel kay Owen.
“Paano naman kita iiwan kung ganyan ka naman ka-sarap magmahal. Bakit ba naman kasi ang t**** ko, kung kailan wala na ako saka ko naman na-realized kung gaano kita kamahal. Minsan ang tanga din ng tadhana din ng tadhana, napaka-wrong timing. Pero kung darating man ang panahon na tuluyan na kitang hindi makikita, pakiusap magmahal ka ng taong mananatili sa tabi mo at mamahalin ka gaya ng pagmamahal mo sa akin ngayon.” Sambit ni Owen kay Marriel at narinig ni Owen ang paghikbi ni Marriel.
Hindi alam ni Owen kung kakayanin ba niyang iwan ang babaeng dahilan ng kanyang pananatili sa mundong ibabaw.
“Mahal na mahal kita!” Sambit niyang muli at hinagkan ang noo nito.
**