Chapter 9
Sue's Pov
"Goodluck dude!" Sabi ng nadaanan namin ni Harry na ka team niya at nakipag apir pa ito
"Double meaning" sabi naman ng isang ka team niya na tawa ng tawa
"Mga gago!" Tumatawang sagot naman ni Harry tsaka siya tumingin sakin at naglakad na ulit kami papunta sa classroom ko
"Woah!" Gulat na sabi ni Jason ng makita niyang magkasama kami ni Harry. Napatayo pa nga mga kaklase ko at tila hindi makapaniwala na hinatid ako ni Harry hanggang sa upuan ko.
"Yung promise mo manonood ka mamaya, asahan kita" huling sabi ni Harry bago ito lumabas ng classroom namin.
"Omg! Kayo naba ni Harry?!" Masiglang tanong ni Audrey na lumapit pa sakin
"My God! Ang naba ng hair mo girl!" Sabi naman ni Coleen na tila kinililig
Maging ang mga katabing classroom ay nakiusyoso at ang ilan pa ay pumasok pa sa classroom namin para makita lang ako. Tinakpan ko nalang ang mukha ko ng buhok ko tsaka yumuko.
"Grabe I'm happy for you" sabi naman ni Eunice na yumakap pa sakin
"H-hinatid lang niya ako wala kaming relasyon" paliwanag ko sa lahat
"Kahit na girl! Hinatid kapa rin niya ibig sabihin interesado siya sayo" pilit ng iba pa
"Kung walang gusto si Harry sayo never ka niyang lalapitan o kakausapin ang swerte mo nga eh!" Sabi pa ni Coleen
Tumahimik ang lahat at nagsipag urong pa. Tanging isang pares nalang ng paa nakikita ko ngayon na nakatayo sa harapan ko. Naglakas loob akong tumingala para makita kung sino yon pero nagulat ako ng sampalin agad ako nito.
"Hindi lang pala taba mo ang makapal pati mukha mo" sabi nito tsaka tinignan ang palad niya "ano niyan gagawin mo nasaktan kamay ko dahil sa pangit na pagmumukha mo? Paano kung mahawa ako sa kapangitan mo?" Sabi pa niya at humingi ng alcohol sa kasama at nilagyan ang kamay niya. "Oh sorry kailangan mo rin pala ng alcohol para hindi ka kumalat at hindi makahawa" rinig ko ang pang singhap ng mga tao sa paligid ko habang binubuhusan niya ako ng alcohol sa ulo.
"Tama na" mahinang sabi ko na ikinatigil naman niya. Yumuko siya sakin at inangat niya ang mukha ko
"Bakit? Lalaban ka? Palagay mo ba dahil may gusto sayo si Harry ay nakahanay kana saming mga ex niya? Masaya ka" sabi nito tsaka niya marahas tinulak ang mukha ko
"Hindi ko sinabing may gusto sakin si Harry at hindi ko iniisip o sumagi sa isip ko ang gugustuhin niya ako. Mabait lang talaga siya at tinulungan ako" sagot ko dito na pigil ang pag iyak
"Gaga! Alam ng lahat na loko loko si Harry! Mabait lang si Harry kapag may kailangan. Heto ang tandaan mo akin lang si Harry at hindi ang isang tulad mo ang makakaagaw ko sa kanya" sabi nito tsaka naglakad palabas ng classroom.
Hindi ko namalayan na may tumutulo na palang luha sa mga mata ko. Marahas ko yong pinunasan at inayos ang sarili. Nagsi upo naman na ang mga kaklase ko ng makitang pumasok na si Sir Felipe ang unang guro namin sa araw na ito.
*************