Chapter 8
Sue's Pov
"Sigurado ako ginayuma niya si Harry"
"Pupusta ako kinulam niya!"
Mabilis ang mga lakad na lumabas sa gate ng school. Wala naba silang ibang makikita kundi ako? Dati mukha at katawan ko lang problema ngayon pati si Harry na. Nakakahiya kay Harry pag nalaman niyang pinag uusapan at inuugnay kami sa isa't isa, sana lang di niya malaman.
******
KINABUKASAN
Pagbaba ko palang sa jeepney ay huminga na ako ng malalim at inihanda ang sarili. Ngayon ang practice game nila Harry, napatingin ako sa paper bag na dala ko na may lamang jacket niya.
Sigurado maraming manonood mamaya at sigurado pagtitinginan na naman ako. Nagdadalawang isip nga ako kung tutuloy ba ako pero nangako kasi ako sa kanya, ayoko naman magtampo siya.
Katulad ng inaasahan ko tinginan at bulungan na naman kahit hindi pa ako nakapasok sa school. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at tulad ulit ng dati hindi ko sila pinansin.
"Hoy baboy anong sikretong sangkap ginawa mo para mapansin ka ni Harry ko?" Napatingin ako sa babaeng lumapit sakin pati sa tatlong taga sunod niya na ngising ngisi sakin. Harry daw niya? Kailan pa? Sabagay lahat ng kababaihan yata dito pag aari si Harry.
"Wala akong ginawa" lakas loob na sagot ko
"Huwag mo nga akong pinaglololoko" sabi pa nito habang tinutulak tulak ako. Nagkumpulan na naman ang mga miron at imbes na awatin ang babae ay pinupush pa nila ito para saktan ako.
"Wala akong alam sa sinasabi mo" mahinahon na sagot ko sa kanya tsaka kinagat ang ibabang labi
"Nagmamaang maangan ka pang aswang ka! Sigurado inaswang mo si Harry kaya nilalapitan ka niya! Sabihin mo sakin kung anong ginawa mo kung ayaw mong masaktan kita!" Malakas na sabi nito
"Sunugin na yan!" Sigaw ng kung sino
"Sunugin! Sunugin!" Sabay sabay pang sabi ng mga nanonood
"Ano ba talaga gusto mong malaman? Wala akong ginawa at ginagawang masama. Nagsabi na ako ng totoo pero ayaw mong paniwalaan ano ba talaga ang gusto mo?" Naiiyak na sabi ko
"Gusto ko iwasan mo si Harry" mariin na sabi nito tsaka tinulak ang noo ko
"At sino ka para sabihin iwasan niya ako?" Marahas akong tumingin sa likuran ko at namilog ang mga mata ko sa gulat ng makita si Harry. "Okay ka lang ba?" Tanong pa sakin ni Harry at muling hinawi ang buhok ko at tinignan ang mukha ko
"Ha-Harry k-kasi lapit siya ng lapit sayo kaya sabi ko iwasan ka niya" nabubulol at halatang takot na sabi ng babae
"Oo nga Harry sinisira ng baboy na yan ang image mo" sabi naman nung isang alipores niya
"Oo nga" sang ayon pa ng iba
"Gusto ko lang sabihin sa inyo na ako ang lumalapit kay Sue at hindi siya. At sino kayo para panghimasukan ang buhay ko? Salamat sa concern niyo pero walang nasisirang image sakin at kung meron man problema ko na yon" sagot ni Harry sa mga ito tsaka niya kinuha sa balikat ko ang bag ko "hatid na kita" sabi nito na ikinatango ko.
*************