Chapter 84

Sue's Pov

"Omo!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat ng buksan ko ang pinto at datnan doon si Cent sa gilid na naghihintay sakin. "Bakit hindi ka nag doorbell?" Tanong ko sa kanya

"Good morning babe" sagot niya sakin tsaka siya humalik sa pisngi ko. Nanlaki naman mga mata ko at mahinang tinulak siya. Tumingin din ako sa paligid at lumuwang pakiramdam ng walang makitang tao

"Abnormal ka talaga what if may nakakita sayo? Nakakahiya" sabi ko tsaka sinigurong naka lock na yung pinto ko

"Sabi ko po good morning" sabi pa niya. Pinaikot ko naman eyeballs ko tsaka kumapit sa braso niya

"Good morning din po tara na gutom lang yan ililibre kita ng breakfast" sabi ko habang naglalakad kami

"Kumusta tulog mo?" Kapagkuway tanong niya

"Ayos naman, mahimbing akong nakatulog. Ikaw?" Tanong ko sa kanya

"Hindi ako nakatulog" sagot niya tsaka tinanggal ang kamay ko sa braso niya at inakbayan ako "sa sobrang saya ko hindi ako nakatulog, excited din akong makita ka ngayong araw kaya lalong hindi ako nakatulog" sabi pa niya. Pumasok kami sa bumukas na elevator at may nadatnan kaming isang may edad ng babaeng nakasakay doon.

"Good morning po" bati ko sa kanya at yumuko pa. Binati naman niya ako pabalik at nginitian pa. Nag pwesto naman ako sa may bandang sulok at tinabihan naman ako ni Cent

"Kumusta pala sina Percy at Gidget?" Tanong sakin ni Cent

"Iniisip ko nga sila kung paano sila makakakain ng lunch mamaya. Wala akong nabiling dog food sa convenient store kanina pero nagawan ko naman ng paraan ang breakfast nila. Iniwanan ko nga lang sila ng milk at water sa bowl nila tapos pinagluto ko lang sila ng ginisang gulay" sagot ko kay Cent

"Bilhan nalang natin sila mamaya ng pagkain bago umuwi" sabi nito na ikinatango ko

Magkahawak kamay kaming lumabas ng elevator hanggang makarating sa basement. Inabot sakin ni Cent yung helmet na laging pinapagamit niya sakin tsaka yon sinuot. Kung dati ay natatakot akong sumakay sa motor niya ngayon ay takot parin ako pero alam ko naman na hindi niya ako pababayaan.

Nakarating kami ng school at hindi ako nag inarte ng hawakan nito ang kamay ko. Nakikita ng sulok ng mga mata ko ang tingin ng mga nadadaanan namin. May napapangiti pa nga at nagsasabing bagay kami. Tumingin naman ako kay Cent at napasimangot. Balik poker face na naman kasi siya.

"Sige na punta kana sa department niyo baka ma late ka" taboy ko kay Cent ng makarating sa tapat ng building department namin.

"Hatid na kita sa classroom niyo maaga pa naman" sabi nito

"Hindi okay lang kaya ko na, sige na baka malate kapa" pilit na tanggi ko

"Kung nagpahatid kana kanina pa edi nasa classroom niyo na ikaw ngayon. Hindi ako aalis dito at pareho tayong malelate kung ipiplit mo gusto mo" sagot nito sakin. Napilitan naman akong ngumiti at pumayag nalang sa gusto niyang ihatid ako.

Hindi naman sa ayaw kong magpahatid sa kanya. Kinakabahan lang ako sa magiging reaksyon nung tatlo kong kaibigan kapag nakita nilang magka intertwined ang palad namin ni Cent.

*************