Chapter 83

Sue's Pov

"Cent may gusto sana akong sabihin sayo bago ka umuwi" seryosong sabi ko ng magpaalam na siyang uuwi na.

"Sige ano yon?" Tanong nito na humarap sakin at tinitigan ako

"Cent kasi ano" hindi ko alam kung itutuloy ko ba sasabihin ko o mananahimik nalang ako.

"Ano yon?" Nakangiting tanong nito sakin na hinawakan pa kamay ko. Huminga muna ako ng malalim tsaka nagpasyang sabihin sa kanya. Ayokong magsimula kami ng relasyon na puno ako ng sikreto. Kung magalit man siya o anumang maging reaksyon niya sa sasabihin ko at least naging matapat ako at pwede na naming tapusin agad ang relasyon namin habang maaga.

"Cent ang hirap sabihin hindi ko alam kung saan at paano magsisimula pero gusto ayokong itago sayo ang bagay na to" mabilis na sabi ko tsaka bumitaw sa kamay niya "Cent kung ano man maging reaksyon mo tatanggapin ko, kung babawiin mo sinabi mo na mahal mo'ko tatanggapin ko" sabi ko dito tsaka kinagat muna ang ibabang labi bago dumiretyong tumingin sa kanya "Cent ang nakikitang mukha mo ngayon ay peke. Mula ulo hanggang baba puro retoke lang. Wala kahit ano sa mukha ko ang orihinal" sabi ko at inihanda ang sarili sa sasabihin niya

"Ano ngayon kung nagparetoke ka? Maganda naman kinalabasan ah" sagot nito sakin

"Cent peke ang mukha ko hindi ako totoong maganda. Nagparetoke ako kasi pangit ako at hindi lang basta pangit kundi sobrang pangit" paintindi ko sa kanya

"Babe ikaw parin si Sue. Walang problema kung nagpa retoke ka marami namang gumagawa niyan ngayon diba? Nag iba man mukha mo ikaw parin si Sue ikaw parin yung babaeng mahal ko" sabi nito. Napaiyak naman ako dahil hindi ko naisip na ganito niya ako kadaling matatanggap. Yumakap ako ng mahigpit sa kanya at umiyak.

"Thank you. Thank you sa pagtanggap mo sakin" sabi ko habang yakap yakap siya

"Thank you kasi pinagkatiwalaan mo'ko. Thank you din kasi tinanggap mo din ako kahit na sabi mo nga abnormal ako" sagot niya sakin tsaka tumawa. Nang maghiwalay kami ng yakap ay hinalikan pa niya ako sa noo. Nakapikit na napangiti nalang ako.

Hinatid ko si Cent hanggang sa pinto. Ayaw pa talaga niyang umuwi kaso pinilit ko lang. May pasok pa kasi kami bukas. Tinignan ko naman sina Percy at Gidget na mahimbing ng natutulog. Kailangan kong bumangon ng maaga bukas para maibili sila ng pansamantalang dog food. Hahaplusin ko pa sana sila kaso baka magising ko sila kaya pinigilan ko nalang ang sarili at pumasok na sa kwarto ko para magpahinga.

****************