Chapter 71
Sue's Pov
"Boyfriend mo pala si Cent? Bakit hindi mo sinasabi samin?" Hilang tanong ni Lorraine sakin pagkatapos niyang mag excuse kina Cent at Connor at sabihin na pupunta lang kami sa wash room.
"Na shock kami sayo hindi namin alam na mag jowa pala kayo" sabi naman ni Claire na nakahawak din sa isang kamay ko
"Hindi ko siya boyfriend nagpapanggap lang kami kasi may stalker siya na patay na patay sa kanya" paliwanag ko
"What?! Pumayag ka ng ganon lang? Paano na si Connor niyan mukhang natamaan pa naman sayo" sabi ni Claire
"Ayaw mo yon sayong sayo na si Conmor" sabi naman ni Lorraine kay Claire "Nandito ba yong stalker ni Cent? Mag ingat ka baka saktan ka nung stalker niya" sabi pa nito
"Hindi lang si Connor ang cute na lalaki sa mundo, ayokong saluhin yung mga basura ng mga kaibigan ko no!" Sabi naman ni Claire
"Nakakainis talaga! Akala ko pumunta siya dito para samahan ako pero mas gusto pa niyang makasama mga teammates niya na araw araw oras oras naman niyang kasama!" Napatingin naman kami kay Myca dahil sa panggigil nito sa panyo niya habang nagsasalitang mag isa sa likod namin
"Hoy! Nabaliw kana yata diyan? Anyare sayo?" Tanong ni Claire kay Myca
"Si Bryan kasi!" Inis na sabi niya
Pumasok kami sa wash room at binuksan muna lahat ni Claire mga pinto ng cubicles na naroon at pumasok sa isang napili niya.
"Hayan ba yung sinasabi mong masaya ka dahil kay Bryan? Wala pa kayong one month pero binabalewala ka lang niya" sermon ni Lorraine kay Myca habang nasa loob siya ng cubicle
"Nakakainis siya naglalambing lang ako sa kanya na samahan sumakay ng rides pero sabi niya magpasama nalang daw ako sa inyo dahil kasama niya mga team niya" busangot na sabi ni Myca
"Anong inaarte arte mo diyan? Edi breakin mo na!" Sabi naman ni Claire na kalalabas lang sa isang cubicle at naghuhugas na ngayon ng kamay
"Bakit hindi mo muna siya kausapin? Mag usap kayo, yung tungkol sa inyo kung ano ba balak niya" payo ko sa kanya
"Gusto ko nga siyang kausapin about sa relasyon namin kaso everytime na inoopen ko sa kanya umiiwas siya" sagot niya sakin
"Hindi pwede yon. Kausapin mo siya mamaya at itanong mo kung mahal kaba talaga niya. Kapag umoo siya tanungin mo kung ano balak niya sa relasyon niyo. Kapag umiwas siya o kaya nagalit dahil sa tanong mo breakin mo na dahil hindi ka talaga niya totoong mahal kapag ganon!" Gigil na payo naman ni Lorraine
Pagkatapos naming mag ayos ay bumalik na kami kung saan namin iniwan sina Connor. Nasa malayo palang kami ay nakikita na namin silang tatlo nila Joaquin na umiinom ng can beer.
"Hoy! Baka mapasobra ka diyan" mahinang hampas ko sa braso ni Cent. Hinawakan naman niya ang kamay kong nasa balikat niya at hindi inalis don
"Hindi ayos lang" sagot nito sakin
"Gusto niyo din ba?" Tanong naman ni Joaquin samin tinutukoy ay can beer
"Penge ako ha?" Mabilis na paalam ni Myca at binuksan ang isang lata at tumungga doon
"Bruha ka dahan dahan baka malasing ka" sabi ni Lorraine kay Myca
"San Mig light lang to emperador nga iniinom ko samin" sagot naman ni Myca kay Lorraine
"Kahit na mag dahan dahan ka dahil iiwan ka namin dito kapag nalasing ka" sabi naman ni Claire na kumuha din ng isang lata ng san mig light at uminom din.
X
"Ang lagay kayo lang iinom?" Sabi ko na kinuha yung dalawang lata na natitira sa mesa at inabot ang isa kay Lorraine at nakipag cheers pa sa kanila.
Nakaka tig dalawang San Mig light na kami ng mag paalam kina Cent at Connor. Hindi kami lasing at alam namin ginagawa namin. Medyo lumakas lang loob ko na sumakay sa Surf Dance pero never parin akong papayag sakaling ayain akong sumakay sa Star Flyer na sinasabi ni Myca.
Tawa ako ng tawa habang nakasakay at binabangga ng mga baliw kong kaibigan sa
Bump car smash. Nakisali din samin sina Joaquin at Cent na pinoprotektahan naman ako dahil ako talaga yung gustong gustong banggain ng mga bruhang kaibigan ko. Di nga ako makaalis alis sa pwesto ko dahil sa kanila.
Sunod namin sinakyan ay yung magic forest. Nasa unahan sina Cent at Joaquin habang katabi ko naman si Myca at nasa likod naman namin yung dalawa. Super enjoy talaga habang nakasakay kami sa train at nag seselfie.
Pagkatapos namin sa Magic Forest ay hindi namin alam kung ano ang susunod namin sasakyan. Gusto ni Joaquin sumakay sa Star Frisbee pero ng makita ko ay natakot naman ako. Sinunod nalang namin yung gusto ni Lorraine na sumakay sa Pirate Adventure. So yun nga nabasa kami.
"Dun naman tayo sa Gabi ng lagim!" Turo ni Claire
"Nakakatakot don kayo nalang" sabi ko
"May horror house bang hindi nakakatakot? Dali na pumila na tayo" hila sakin ni Myca
"Please ayoko kayo nalang hintayin ko nalang kayo dito" sabi ko na pilit tinatanggal kamay ko na hawak ni Myca
"Hindi pwede! Magkakapit kapit tayong apat para hindi mawala" sabi naman ni Lorraine na pinauna pa ako sa pila
"Hayaan mo uupakan namin ni Kuya mananakot sayo" sabi naman ni Joaquin
"Wala naman kasing multo mga mannequins lang naman ginagamit nila sa loob" sabi naman ni Cent
"Ayoko parin" tanggi ko ulit lalo na ng marinig ko yung mga taong nagsisigawan sa loob ng horror house "uy please ayoko talaga" pagmamakaawa ko
"Next" sabi nung lalaking crew tsaka pinapasok na yung iba. Nagdarasal ako na sana ma cut na yung pagpapapasok nila para may time pa ako makiusap sa mga kasama ko.
Halos magunaw naman ang mundo ko ng papasukin ako nung crew kasama mga kaibigan ko. Halos maiyak na ako ng makita yung mga mannequins na bangkay na nakahiga sa entrance ng pinasukan namin.
"Kapit lang girls walang bibitaw" paalala ni Lorraine samin habang naglalakad papasok sa madilim na bahay.
"Waaah!" Sigaw ko at napayakap kay Claire ng biglang may paniking dumaan sa ulo ko. Halos mawalan ako sa ulirat ng biglang bumukas yung ataol at may kalansay na lumabas.
Todo sigaw mga tao at nagtatakbuhan na rin sila habang palayo kami ng palayo. Lakad takbo rin ginawa namin hanggang sa mapabitaw ako sa kanila ng biglang may white lady na lumabas.
"Omma! Appa!" Umiiyak na sigaw ko habang naka pikit at naka steady lang don
"Hey!" Kahit madilim ay alam kong si Cent yon. Kahit hey lang ang sabihin niya sigurado akong boses niya yon, kilala ko din yung amoy niya.
"Cent!" Sigaw na tawag ko tsaka yumakap at sumiksik sa kanya "ayoko na lumabas na tayo" umiiyak na sabi ko
"Sshhh.. tahan na malapit na tayong makalabas" sabi niya na yumakap sa baywang ko para hindi ako makalayo
"Waaah!" Sigaw ulit ng may narinig akong sumigaw at nagtakbuhan ulit. Tawa naman ng tawa si Cent.
"Pumikit ka nalang kung natatakot ka, gagabayan nalang kita sa paglalakad" sabi nito sakin na sinunod ko naman
"Huwag mong palalapitin sakin yung mga multo" sabi ko habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya
"Hindi sila makakalapit sayo" paniniguro pa niya
"Waaaahhhh!!!" Sigaw ko ng may mga sumigaw na naman kasabay ang malakas na kalabog.
"Easy, wala lang yon" pagpapalagay sa loob ko ni Cent
Todo pikit ang mga mata kong naka yakap kay Cent habang nakasubsob parin sa dibdib niya hanggang sa sabihin nito na okay na. Dahan dahan kong minulat mga mata ko ng makitang nasa labas na kami.
Bumitaw ako kay Cent at lakad takbo ang ginawa ko at yumakap naman sa mga kaibigan ko habang umiiyak.
"Bad kayo iniwan niyo ako" humihikbing sabi ko
"Nagkahiwa hiwalay tayong lahat bruha. Nagkanya kanya kayong takbo" sagot ni Lorraine sakin
"Mabuti pa magpahinga na muna tayo" sabi ni Joaquin samin
"Balik nalang tayo dun kina Connor" suggestion ni Claire
"Kumain na muna tayo sigurado hindi pa kayo nag d-dinner" sabi naman ni Cent
"Libre mo?" Tanong naman ni Myca na ngayon ay malawak na nakangiti na. Mukhang nakalimutan niya panandalian si Bryan.
"Oo sige" sagot naman ni Cent
"Tara sa pizza hut!" Sabi naman ni Lorraine
"Ihh! Gusto ko ng rice" sabi naman ni Claire
"Oo nga mag rice tayo libre naman ni Cent" sabi naman ni Myca
"Mga bruha kayo kawawa yung tao baka umuwi yan na butas ang bulsa" sabi naman ni Lorraine
"Saan mo gustong kumain?" Tanong ni Cent sakin
"Kahit saan" sagot ko
"Kuya fast food nalang tayo" sabi ni Joaquin
"Nag fast food na tayo kanina" sagot naman ni Cent kay Joaquin "Mmm dito nalang" sabi ni Cent ng huminto kami sa tapat ng isang eat all you can restaurant
"Sure ka?" Tanong ni Lorraine kay Cent
"Oo. Tara na sa loob" aya nito sa lahat. Hinawakan pa nito kamay ko at hinila papasok
"Wala akong 399 na pambayad dito ah" mahinang sabi ni Claire
"Sagot tayo ni Kuya huwag kang mag alala" dinig ko naman sabi ni Joaquin
"Uy bruha kunin mo lang mauubos mo baka madoble bayaran ni Cent, kuha ka nalang ulit kapag nabitin ka" sabi ni Lorraine kay Myca na punong puno ang plato niya ng seafoods.
Seafood paella, garlic scallops at seafood chowder ang kinuha ko samantalang kay Cent naman ay malalaking alimasag, shrimp cakes, buttered cod at fisherman stew. Ni share din niya sakin mga pagkain niya at pinatikim ko naman siya sa mga pagkain ko. Puro seafoods ang pinag uusapan namin samantalang sarap na sarap naman kumain yung apat na puro lechon naman ang tinitira.
Pagkatapos naming kumain ay nag aya ulit mga kaibigan ko na sumakay ng rides. Hindi na nila ako napilit ulit sumakay sa mga extreme rides na gusto nila at nagpaiwan nalang kasama si Cent sa inuupuan naming bench.
"Gusto mong sumakay sa Giant Star Wheel?" Tanong ni Cent sakin
"Saan yon?" Tanong ko sa kanya tsaka niya tinuro yung malaking Ferris wheel na mabagal lang umikot. "Sige dali!" Nakangiting sabi ko at nauna ng tumayo
Medyo mahaba ang pila kaya matagal tagal din bago kami nakalapit sa unahan. Nagtext naman si Myca sakin tinatanong kung nasaan kami ni Cent. Nag reply naman ako at sinabi kung nasaan kami. Nakita naman nila kami at kumaway. Inaya ko din sila na sumakay kaya pumila din sila. Sayang lang kasi ang layo pa nila.
Nang huminto ang ferris wheel ay pinasakay na kami. Okay lang naman samin may makasama sa loob kaso ayaw yata nila kaming kasama ni Cent kaya kaming dalawa nalang ni Cent ang sumakay.
"Wow! Ang ganda" manghang sabi ko habang mabagal na umiikot yung wheel. Tumingin ako sa baba at hinanap mga kaibigan ko na nasa pila pa. "Ang ganda ng mga ilaw" sabi ko kay Cent na nakaupo lang na tila walang pake sa ganda ng paligid "Ang daming stars" sambit ko pa na tinaas ang mga kamay
"Gusto mo pang sungkit kita ng isa?" Pagbibiro ni Cent
"Kung nasusungkit lang yan sigurado ubos na dahil nasungkit ko na lahat" sabi ko tsaka umupo malapit sa inuupuan niya
"May itatanong sana ako sayo" napatingin ako kay Cent dahil sa pagka seryoso ng boses niya
"Ano yon?" Nakatingin na tanong ko sa kanya
"Sue pwede bang *%#~•;$€<•☆¿
"Wow! Ang ganda!" Napatayo at tuwang tuwang sabi ko habang pinapanood mga fireworks display.
"Ang ganda nga" dinig kong sabi ni Cent na tumayo din at tumabi sakin sa panonood
"Parang mga stars din" sabi ko habang sumasabog ang iba't ibang kulay.
Natapos ang fireworks display at natapos na rin yung ride time namin. Kumaway ako sa mga kaibigan kong nakapila at pinakita phone ko sa kanila para sabihing text ko nalang sila.
"Aww sayang hindi ako nakapag selfie kanina ang ganda pa naman ng mga fireworks" nakangusong sabi ko. Tumingin naman ako kay Cent na seryosong nakatingin sakin.
"Anong sagot mo?" Tanong nito sakin na kina kunot ng noo ko
"Saan?" Naguguluhang tanong ko
"Sa tanong ko kanina" sabi nito
"Ano ba yung tanong mo kanina?"
"Wala" sagot niya tsaka nagpakawala ng malalim na hininga
"Ano nga?" Kulit ko sa kanya
"Wala" sagot ulit niya
Nakasakay at nakababa na mga kaibigan namin at ngayon ay nakasakay kami ng bus pauwi pero ayaw parin sabihin ni Cent kung ano yung hindi ko nasagot na tanong niya. Napapaisip tuloy ako at di mapakali dahil hindi niya ako kinakausap at di man lang niya ako magawang tapunan ng tingin.
**************