Chapter 70
Sue's Pov
"Waaah! Sa wakas nakarating din tayo!" Malakas na sabi ni Claire ng makarating kami sa Star City
"Manahimik ka nga diyan daig mo pa mga bata" sita naman ni Myca kay Claire
"Bata lang ba pwede maging excited dito? First time ko kaya, sayang hindi ko kasama mga kapatid ko" sagot nito kay Myca tsaka niya kami hinila ni Lorraine papunta sa entrance.
Nang makapasok na kami ay mas lalong natuwa si Claire. Agad niya kaming niyaya sa Tornado kaya kanya kanyang batok binigay namin sa kanya.
"Tumurnado kang mag isa mo!" Sabi ni Lorraine sabay hampas sa braso ni Claire
"Ang oa niyo ah! Ano gagawin natin dito kung hindi tayo sasakay sa mga rides? Anong silbi ng mahiwagang bracelet na to kung hindi ko rin lang naman magagamit?" Sabi ni Claire samin
"Kung gusto mo dun sa Tornado susuportahan ka namin kami naman yung Grand Carousel ang bet namin" sabi naman ni Myca
"Gusto ko din don pero samahan niyo din ako sa Tornado" naka pout na sabi ni Claire
"Sorry Claire sa ibang rides nalang kita sasamahan hindi ko kayang sumakay don eh" malungkot na paliwanag ko sa kanya.
"O siya! Sa iba na muna tayo pero nagugutom na ako eh hindi ako nakapag lunch kanina" sabi ni Claire samin
"Nyee! Anong ginagawa mo sa buhay mo bakla? Mag aalas singko na ah! Tara dun may nakita akong food stall" nakangiting sabi ni Myca na tinaas taas pa mga kilay niya sa tuwa.
"Ginawa mo pang dahilan si Claire kanina kapa kaya may balak ng masama doon sa shawarma house" sabi naman ni Lorraine na ikinatawa ko
"Kanina ko pa nga din siya napapansin na tumitingin don eh" sabi ko naman
"Hoy anong akala niyo sakin patay gutom?! Ang cute kasi nung tindero kaya napapatingin ako" sagot nito sakin
"At yung tindero pa pala ang gusto mong kainin. Baka nakakalimutan mo may boyfie kana" sabi naman ni Claire
"Porket may boyfie na hindi na pwede magka crush?" Nameywang na reaksyon naman ni Myca
"Pwede naman" sagot ni Lorraine na napaisip talaga
"Tara dun nalang tayo sa shawarma kumain" masiglang aya na samin ni Claire "Pero tandaan mo may bf kana kaya hanggang crush ka lang dahil mapapasakin siya" malanding sabi pa niya kay Myca
"Kumerengkeng ang bruha, oo na iyong iyo na. Tara na nga" sagot naman ni Myca sa kanya at magka yakap pa silang naunang naglakad papunta sa food stall.
"Ano pang ginagawa natin dito? Tara na din" sabi naman ni Lorraine sakin na niliyad pa ang kamay. Nakangiting tumango at inabot ko naman yon.
Umupo kaming dalawa ni Lorraine sa mesa na naroon at hinintay namin sina Myca at Claire na umorder ng shawarma.
"Cute naman pala talaga yung guy eh" nakangiting sabi ni Lorraine habang nakatingin sa nagtitinda. Tumingin naman ako sa tindero at parang nakita ko sa kanya yung ngiti ni Cent.
"Cute nga" sang ayon ko. Napasulyap sa pwesto namin yung tindero at nagka banggaan ang paningin namin dalawa. Nagtagal ang mga mata namin sa isa't isa habang kapwa kami nakangiti. Una akong bumawi ng tingin at tinignan sina Claire at Myca na naglalakad na palapit samin.
"Ang cute niya talaga!" Kinikilig na sabi ni Myca ng makarating sa pwesto namin
"Hep hep! Pwede magka crush pero bawal kiligin may boyfie kana bruha" paalala naman ni Lorraine habang kinukuha ang drinks niya sa food tray
"Akin nalang siya please?" Sabi naman ni Claire na nag puppy eyes pa samin
"Hindi namin siya pag aari kaya hindi namin siya maibibigay sayo" sagot pa ni Lorraine
"Matuto ka kasing magpa cute! Tignan mo si Bryan nakuha sa pacute ko" tumatawang sabi naman ni Myca
"Paano ba magpa cute?" Tanong naman ni Claire na inabot pa sakin yung shawarma on plate ko
"Thanks" tipid na sagot ko lang tsaka kinuha na din yung drinks ko at nilagay yung straw
"Madali lang magpacute yun nga lang nasa lalaki kung ma c-cutan sila sayo" sabi ni Myca
"Paano ba gagawin?" Interesadong tanong ni Claire. Mukhang balak nga niyang magpa cute dun sa tindero ng shawarma.
"Jusko naman edi mag beautiful eyes ka! Kapag hindi umubra gamitin mo yang natatagong skills mo. Yang off shoulder mo ibaba mo pa tsaka ka tumingin sa napupusuan mo habang binabasa ang labi mo sabay kagat. Ganern! Pak na pak yon!" Turo ni Myca na ikinatawa naming lahat
"Seduce na yon hindi na pacute" komento ko naman na tumatawa
"Bruhang to ginawang sabik sa lalaki si Claire" tumatawang sabi din ni Lorraine
"Muntik na akong maniwala sayo buti nalang nandito sina Sue at Lorraine kundi nagmukha akong pokpok" sabi naman ni Claire na tumawa
"Bakit may guts kaba para gawin naman yon?" Tanong naman ni Myca
"Ayun lang" napangusong sagot ni Claire "pinangalanan akong Claire ng parents ko dahil kay Maria Clara kaya never kong magagawa yon kung hindi ibibigti ako patiwarik ng magulang ko" sabi pa nito tsaka tumawa
"Tsaka hindi natin kailangan ng lalaki sa buhay natin no! Mga sakit ulo lang mga yan" sabi naman ni Lorraine habang kumakain ng shawarma
"I object! Kailangan ko si Bryan sa buhay ko para maging masaya" komento naman ni Myca
"Bakit hindi kaba masaya samin at sa pamilya mo? Masaya kaba sa ginagawang pambabalewala sayo ng jowa mo? Ano nakausap mo naba siya?" Tanong ni Lorraine kay Myca
"Masaya naman ako kahit wala si Bryan sa buhay ko pero mas masaya ako kasi dumating siya sa buhay ko" sagot naman ni Myca na nakangiti pa
"Edi ikaw na may lovelife" sabi naman ni Claire tsaka dambulang sumubo sa shawarma niya
"Paano kaba naman magkaka lovelife kung ganyan ka lumamon? Maria Clara pero kung kumain nakataas ang paa? Baka si Crisostomo Ibbara ka talaga" sabi naman ni Lorraine.
"Hoy sa bahay lang ako kumakain ng nakataas paa ah!" Tanggi nito sa sinabi ni Lorraine
"Sus! Kung hindi ka lang naka palda itataas mo din ngayon yan" singit pa ni Myca
"Hi" napatingin kami sa nagsalita at parang may liwanag na bumalot sa lalaking nakangiti sa harapan namin
"H-hello" sabay sabay naming sabi kumaway pa nga sina Myca at Claire kay Cute guy.
"Nakalimutan niyo kasing humingi ng tissue kanina kaya dinalhan ko kayo sakaling kailanganin niyo" nakangiting sabi nito tsaka inabot sakin yung tissue. Medyo napaurong pa nga ako at napaisip kung bakit niya sakin binibigay yung maraming tissue. Mukha ba akong dugyot ngayon sa itsura ko?
"Thank you" pasasalamat ko nalang sa kanya tsaka kinuha yung mga tissue
"Ako nga pala si Connor" sabi nito tsaka niliyad ang kamay sa harapan ko
"Ah yeah nice to meet you I'm Sue" nahihiyang sabi ko tsaka tumayo at inabot ang kamay niya para makipag shakehands
"Ehem ehem" napatingin naman ako sa mga kaibigan ko at pinakilala sila
"Hello" sabi ni Connor at nagpakilala ulit siya sa kanila
"Join us" sabi naman ni Claire at tinuro ang bakanteng upuan. Umupo naman siya at ngumiti.
"Okay lang bang iwan mo yung stall mo?" Tanong ni Lorraine
"Yeah, dumating na yung tindero ko" sagot niya
"Tindero mo? You mean iyo yung food stall na yon?" Tanong naman ni Claire
"Yeah" tumatangong sagot niya "nakiusap lang siya sakin ngayon dahil late daw darating asawa niya walang magbabantay sa daughter niya kaya ako muna ang tumao kanina" sagot niya. Tumingin naman kami sa food stall niya at may lalaking nagtatrabaho nga don.
"Nice naman ang bata mo pa may business kana" sabi naman ni Myca
Nagkamot naman siya ng kilay niya at ngumiti na tila nahihiya.
"Ano surname mo?" Biglang tanong ko. Gusto ko kasing malaman kung kamag anak niya si Cent dahil pareho silang ngumiti at pati yung mannerisms na pagkamot ng kilay ay magkatulad sila.
"De Guzman" mabilis na sagot niya na ikinatango ko "taga saan pala kayo?" Tanong naman niya
"Makati, Cavite, Makati, Bulacan" kanya kanyang sagot naming apat na sabay sabay tsaka tumawa
"Ang layo ng Cavite at Bulacan sa Makati buti nagka kilakilala kayo" nakangiting sabi ni Connor
"Well ganito kasi yan. Magkakaklase kasi kami sa Montreal University" maarteng sabi ni Myca
"Ohh! Kaya pala ang gaganda niyo dahil sa MU kayo nag aaral. Anong course niyo?" Tanong pa ni Connor
"BSN lang naman" sagot naman ni Lorraine na nag flips hair pa
"So future nurses pala kayo" tumatangong sabi ni Connor "saan ka pala sa Makati nakatira?" Napatingin ako kay Connor tsaka tinuro pa sarili ko sinisigurado kung ako ba tinutukoy niya at hindi si Myca
"Taga Makati lahat kami, nag d-dorm sina Claire at Lorraine tapos sa Bancal naman si Myca ako naman sa G. Tower umuuwi sa ngayon" sagot ko sa kanya
"Galaxy Tower? Wow! May unit din kami don" sabi nito
"Talaga? So dun ka umuuwi?" Tanong ko dito habang iniisip na baka kamag anak nga niya si Cent
"Hindi eh. Yung dalawang kapatid ko yung nakatira don ngayon. Hindi na ako kakasya kung makikisiksik pa ako sa kanila" pigil ang pagtawang sagot nito
"Ahh" tumatangong sagot ko nalang
"Baka pwede akong dumalaw sayo minsan?" Tanong nito.
"Sakin?" Turo ko ulit sa sarili ko. Sakin kasi siya nakatingin eh.
"Oo sana" sabi pa niya
"Bakit?" Kumukurap kurap na tanong ko
"Kasi unang kita ko palang sayo nabihag mo na ang puso ko" sagot nito sakin na ikinanganga ko
"Yiiie! Waaah! Kinikilig ako pakbet!" Sabi naman ng tatlong bruhang kaibigan ko
"Babe" nagulat ako ng may biglang humawak sa balikat ko mula sa likod ko at sinabayan pa ng pagtawag na babe sakin at halik sa buhok.
Napatulala ako ng tumingala ako at makita si Cent sa likuran ko.
"Kanina pa kayo?" Tanong nito na tinikman pa yung shawarma sa paper plate ko
"Babe!" Napabaling naman ako kay Myca na lumawak ang mukha ng tawagin nito si Bryan.
Tumingin naman ako kina Lorraine at Claire na parang na engkanto sa kinauupuan nila. Lumingon naman ako sa mga kasama ni Cent at nakita sina Bryan, Harry, Joaquin at ilan pang basketball ng university namin na pakalat kalat.
"Anong ginagawa niyo dito?" Kapagkuway tanong ko kay Cent
"Narinig ko si Bryan sinasabi kay Harry na nandito daw kayo kaya inaya ko silang pumunta dito" tamad na sagot niya sakin tsaka tumingin kay Connor "Sino siya?" Kunot noong tanong niya habang nakatingin kay Connor
"Ahh si-"
"Cent bro boyfriend ni Sue" sabay liyad niya sa kanyang kamay kay Connor para ipakilala ang sarili
"Connor bro" sagot naman ni Connor na nakipag laban ng titigan kay Cent tsaka sila nagbitiw ng kamay. Ngayon sigurado na ako na hindi talaga sila magkakilala at nagkataon lang pagkakatulad nila.
Pero wait lang bakit nagpakilala si Cent na boyfriend ko? Anong babe na pinagsasasabi niya?. Nagkandahaba haba na naman leeg ko sa kakatingin sa paligid kung nandito rin ba yung stalker niyang si Shane.
******************