Chapter 54
Sue's Pov
Dahil sa nangyari kaninang umaga umalis muna ako sa unit ko at gumala sa Mall. Nahihiya kasi ako na baka magkita kami ni Cent na hindi naman imposibleng mangyari dahil magkapit bahay lang kami. Isa pa baka hindi na naman siya nagluto ng lunch niya at balak makikain ulit.
Kahit alam ko na wala lang yung kiss na yon ay hindi parin mawala sa isip ko. First kiss ko kaya yon! Kahit anong tanggi ng utak ko na hindi masasabing kiss yon dahil hindi naman kami mag jowa ay hindi maitatanggi na nagdikit nguso namin kaya mapa aksidente man yon o sinadya dahil walang choice kiss parin yon.
Naka apat na akong halo halo ng tawagin ko ulit yung waitress para umorder pa ng isa. Bakit ba kasi ang bagal ng oras? Gusto kong mag gabi na ng makauwi na ako at makapag pahinga.
Alas kwatro y medya ng maisipan ko ng umuwi. Hindi ko naman siguro makakasalubong si Cent diba?. Bago umuwi ay dumaan muna ako sa bake shop, naalala ko tuloy yung cake na binigay ni Harry. Bumili ako ng french garlic toast bread, baguette at croissant.
Nakahinga ako ng maluwang ng makasakay ako ng elevator, may mga nakasabay ako pero naiwan akong mag isa ng magsibabaan sila sa mga floors nila. Bakit ba kasi nasa 34th floor pa yung unit ko. Pagbukas ng elevator ay para akong spy na tumingin tingin muna bago mabilis na naglakad hanggang makarating sa tapat ng pinto ko at binuksan yon. Buti nalang wala si Cent sa corridor.
Ala syete na ng gabi ng maisipan kong magluto ng hapunan, simpleng fried chicken lang niluto ko at nag saing ng konti. Nang matapos akong maglugo ay binuksan ko ang tv at nanood ng balita. Muntik ko ng makalimutan kumain ng magsimula naman ang probinsyano.
Kakagat na sana ako ng fried chicken ng tumunog ang door bell ko. Binaba ko sa plato ko yung manok at tumayo para buksan ang pinto. Hindi ko naman inaasahan na si Cent ang bubungad sakin. Bakit ba hindi ko agad naisip na si Cent nga nasa labas? Wala naman may ibang alam ng unit ko maliban sa kanya.
"Oh bakit?" Tanong ko na hindi tuluyang binuksan ang pinto
"Kanina ko pa kasi ginagawa itong conclusion pero hindi ko matapos tapos, magpapatulong sana ako" sabi nito na pinakita pa ang laptop niya
"Ahh.. okay sige" sabi ko atsaka palang tinanggal ang lock ng pinto at pinapasok siya.
"Kumakain ka pala sige kumain ka muna pasensya na sa abala" sabi nito ng makita ang pagkain ko sa center table
"Yeah naaliw kasi ako sa panonood hindi ko namalayan ang oras. Ikaw kumain kana?" Tanong ko sa kanya
"Hindi pa" sagot niya. Ilang segundo din kaming nagkatinginan hanggang sa umiling nalang ako at napangiti. Ngumiti din siya sakin at napakamot pa ng kilay.
"Halika na nga kumain na muna tayo" aya ko sa kanya
"Salamat. Nagutom nga ako ng makita ko fried chicken mo" sabi nito na nauna pa sakin sa kusina at nag hugas ng kamay
"Konti lang sinaing ko kaya yan lang kanin ko" panguna ko na sa kanya
"Ayos na to salamat" sabi nito tsaka nag simula ng kumain
"May orange juice ako wait lang kukunin ko" sabi ko na tumatayo at kinuha sa ref ang galon ng juice. Nagsalin ako ng juice sa dalawang baso at nilagay sa tapat niya yung isa.
"Ahm, about kanina yung nangyari sa pa-"
"Yun ba? Wala yon! Wala lang yon huwag mo ng isipin ayos lang yon sakin" putol ko sa sasabihin niya tsaka tumawa.
Letche siya nakalimutan ko na nga eh pinaalala pa.
"Wala lang yon sayo?" Nakatingin na tila binabasa nito ang mga mata ko na tanong niya
"Hahaha! Abnormal ka talaga wala lang nga yon! para nagkadikit lang labi natin. Isipin nalang natin na aksidente lang yon. Mabango naman hininga ko huh!" Di ko pinahalatang kinakabahan na sabi ko na dinaan nalang kunwari sa biro
"Okay" dinig kong sagot niya
Binilisan ko nalang kumain at nagpaalam sa kanya na mauna na sa sala dahil inaabangan ko yung palabas na Ang Probinsyano ni Coco Martin.
***************