Chapter 53
Sue's Pov
Pagbalik ko sa unit ko wala na si Cent. Nainip siguro siya kaya umalis. Mas mabuti na rin na wala siya makakapag isip ako kung ano bang dapat kong gawin.
Pumasok na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Kahit anong isip gawin ko hindi ko parin alam kung ano bang isasagot ko kay Harry. Isa pa, hindi niya alam na yung Sue na pinagpustahan nila dati at Sue ngayon na gusto niya ay iisa. What if malaman niya? Sasabihin ko ba? Kung sasabihin ko naman kailan? Hindi pa ako handa. Natatakot ako sa pwedeng sabihin niya at ng ibang tao pero alam ko rin na kailangan ko parin sabihin.
Paano nga ba ako maniniwala kay Harry na hindi niya ako niloloko ngayon at totoong gusto niya ako? Kapag ba nalaman niya na ako yung Sue na pinagpustahan nila noon matatanggap parin niya ako?. Ano kaya magiging reaksyon niya? Okay lang kaya sa kanya o magagalit siya?
Lahat naman ng tao deserve ang second chance diba? Kung sakali sigurong masiguro ko na nagbago na talaga siya baka maisipan kong bigyan siya ng second chance. Pinatawad ko naman na siya at matagal na, pero satwing nakikita ko kasi siya naaalala ko parin ang sakit. Siguro kailangan ko lang ng sorry niya na never niyang ginawa o sinabi para mawala lahat ang sakit na dinulot niya sakin.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit pilit kong pinakikisamahan si Harry. Pilit din sinasabi ng utak ko na mag move on na ako dahil tapos na yon tapos sasabihin pa niya na wala naman ginagawang masama si Harry kaya huwag ko siyang iwasan. Kinakain din ako ng kunsensya ko sa kadahilanang paulit ulit kong naiisip panloloko niya sakin samantalang niloloko ko rin siya ngayon.
Matagal na akong naka move on kay Harry salamat sa mga kaibigan kong may aning aning. Naging katulad din ako ng ibang estudyante na nagkakaroon ng crush pero hanggang crush lang talaga. Marami rin nanligaw sakin pero ni isa wala akong sinagot, masyado akong tutok sa pag aaral nung nasa High School ako at sinarado ko talaga ang puso ko. Pinadlock ko pa nga.
Bumuntong hininga muna ako bago pumikit. Tsaka ko na iisipin gagawin ko, sa ngayon gusto ko munang ipahinga ang utak ko kakaisip. Unti unti naman akong niyakap ng antok.
*******
Alas singko ng umaga ng lumabas ako at pumunta sa park para mag jogging. Kahapon ko lang napansin ang park na to at masasabi kong ayos siya para sa mga katulad ko na nag eexercise. May mga cctv at mga taga galaxy tower lang pwede pumunta at makapasok kaya masasabi ko na safe siya.
May mga tao na din karamihan ay mga katulad ko na nag jojog. Napangiti ako ng makita ang isang lalaki na tumatakbo kasama ang apat na malalaking aso niya. Namiss ko tuloy si Betty. Si Betty na walang ibang gawin kundi kumain, matulog at mag lambing. Ang arte ng aso naming yon ayaw niyang umapak sa lupa ng walang suot na sapatos, ke arte arte takot naman maligo.
"Hi Miss good morning" sabi ng isang lalaki na biglang sumabay sakin sa pagtakbo
"Hello po good morning" magalang na sagot ko
"Ngayon lang kita nakita dito bagong lipat ka lang ba? Ako nga pala si Sam residente din ng g. tower" sabi nito na huminto sa harap ko at inoffer kamay niya for shakehands
"Opo bago lang po" magalang na sabi ko "Sue nga po pala" tsaka ako nakipag shakehands sa kanya
"Huwag ka ng mag po sakin bata pa ako" sabi nito tsaka tumawa.
"Sorry" sabi ko tsaka nagsimula na ulit kaming tumakbo
"Ayos lang, anyway gusto mong mag coffee after natin mag jog?" Tanong nito sakin na bumaliktad pa sa pagtakbo para makita ako
"Ahm, okay lang naman" nag aalangan na sabi ko. Ngumiti naman siya ng malapad at umayos sa pagtakbo.
"Alam mo ba na napaka ganda mo? Sigurado marami ng nagsabi sayo niyan tama?" Sabi pa nito
"Hindi naman po pero salamat" nahihiyang sabi ko
"May boyfriend kana?" Tanong pa nito sakin na ikinatingin ko sa kanya. May balak pa yata siyang manligaw, huwag naman sana.
"Meron. Ako" napahinto kami sa pagtakbo ng may magsalita sa may bandang likuran namin. Lumapit si Cent samin at pumagitna. Nilagay din nito ang isang kamay niya sa balikat ko.
"Boyfriend mo si Cent?" Tanong ni Sam sakin na tila hindi makapaniwala
"Ahh yeah? Oo boyfriend ko siya" nag aalangan na sagot ko. "Magka kilala pala kayo" Naramdaman ko pagpisil ni Cent sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. Kinuha nito ang isang kamay ko at pinalupot sa baywang niya. Wala akong magawa kundi sumunod at ngitian siya.
"Oo kilala ko siya lagi kaming nagkakasabay sa pag j-jogging dito minsan nakakalaro ko rin siya ng basketball. Magaling yang bf mo maglaro ng basketball" puri pa nito kay Cent
"Yeah team captain siya sa basketball kaya imposibleng hindi siya magaling" sabi ko pa
"Ohh! Nice! Kaya pala hindi ako manalonalo sa kanya pagdating sa babae at basketball magaling siyang mambola" sabi nito. Hindi ko alam kung nagbibiro lang siya o talagang may pagka sarcastic talaga dating ng sinabi niya. Tumingin ako kay Cent na poker face.
"Brad kung gusto mong manalo sa isang babae paghirapan mo, hindi mo kailangan mambola. Bola lang nilalaro ko brad hindi babae" napangiti naman ako sa sinagot ni Cent
"Kaya pala binola mo at pinaasa kapatid ko" seryosong sabi ni Sam na lumapit pa kay Cent. Nilayo naman ako ni Cent sa tabi niya at humakbang din palapit kay Sam
"Hindi ko binola at pinaasa kapatid mo. Hindi ko nga yon tinitignan pero lapit parin siya ng lapit" sagot ni Cent sa kanya
"Anong gusto mong sabihin? Na kasalanan ng ni Shane dahil nagkagusto sayo? Kung hindi ka nag ala superman sa paningin niya palagay mo magugustuhan ka niya? Pinaasa mo siya kaya aminin mo na" mariin na sabi ni Sam. G
Gusto ko sanang pumagitna at umawat habang hindi pa sila nagkakasakitan
"Dapat pala hindi ko nalang siya pinagtanggol sa mga nambabastos sa kanya? Nasaan kaba sa panahon na kailangan ka ng kapatid mo? Hindi ako nagpakita ng kahit anong motibo sa kapatid mo brad kaya masasabi kong hindi ko siya pinaasa" sagot naman ni Cent
"Kuya! Cent!" Napatingin ako sa isang babae na patakbong lumalapit samin. Naka jogging attire din siya yun nga lang masyadong nagpapakita ng skin suot niya. "Nag aaway ba kayo?" Tanong niya ng makalapit ito samin. Hinila niya si Sam palayo at humingi ng sorry kay Cent. Siya siguro yung Shane na kapatid ni Sam.
"Ano bang ginagawa mo bakit mo inaaway si Cent?!" Galit na sabi nung babae sa kapatid niya. Napahilamos naman ng mukha si Sam na tila nagtitimpi.
"Tara na" dinig kong sabi naman ni Cent na inakbayan pa ako
"Cent wait!" Dinig kong sabi ng babae. Lumingon ako sa babae pero binalik ni Cent ang mukha ko sa harap.
"Tinatawag ka niya" mahinang sabi ko kay Cent pero tinignan lang niya ako
"Cent! I'm sorry" sabi ng babae na huminto sa harap namin "Kung ano man sinabi ni Kuya ako na humihingi ng dispensa" sabi pa nito tsaka siya tumingin sakin at sa kamay ni Cent na nasa balikat ko. Pasimpleng tinanggal ko naman ang kamay ni Cent.
"Hindi lang kami nagka intindihan ng kuya mo wala ka dapat ihingi ng sorry" sabi ni Cent dito
"Shane halika na umuwi na tayo" napatingin naman ako kay Sam na hinawakan ang kamay ng kapatid
"Hindi. Sandali" taboy nito sa kapatid "Cent sino siya?" Tanong ni Shane na tinutukoy yata ay ako
"She's Sue my girlfriend" diretyong sabi ni Cent. Tatanggi sana ako kaso nakatingin sakin si Sam.
"No way!" Nag iba ang awra ng babae na from mabait ay biglang naging mabangis. "Hindi mo siya girlfriend wala ka ngang nililigawan eh" sabi pa nito
"Wala akong pake sa paniniwala mo kaya excuse me aalis na kami ng girlfriend ko" sabi ni Cent na hahakbang na sana pero humarang si Shane.
"Prove to me na girlfriend mo nga siya" may galit sa boses ni Shane habang masamang nakatingin sakin
"Ahm, Hi. Ako nga pala si Sue girlfriend ni Cent" sabi ko tsaka kumapit sa braso ni Cent. Ginawa ko yon para maniwala na siya, baka sakali kasi kapag ako nagsabi maniwala siya.
"Ambisyosa" sabi nito na tumawa. Nanlambot naman mga tuhod ko ng sabihin niya yon. Matagal na panahon na rin ng huli kong marinig ang salitang yon. "Palagay mo maniniwala ako na girlfriend ka niya? Saang planeta kaba galing umalis kana nga!" Halos sigaw nito sakin
Walang sabi sabing hinila ako ni Cent palapit sa katawan niya. Nanlalambot parin ako at hinaluan pa ng kaba ng magkatitigan kami. Hinapit niya ang baywang ko at hinawakan ang mukha. Walang paalam nitong nilapit ang mukha niya sakin at hinalikan sa labi.
Lalong nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa paglapat ng mga labi namin ni Cent. Nakamulat lang ako habang magkadikit ang labi naming dalawa. Heto na yata ang pinaka mahabang sampung segundo sa buhay ko.
Paghiwalay ng labi namin ni Cent ay wala na yung magkapatid. Na eskandalo yata sila. Hindi ako makatingin kay Cent sa sobrang kahihiyan, ramdam ko rin ang pag apoy ng mukha ko. Para maibsan ang kahihiyan ay walang sabing tumakbo ako. Tinawag ako ni Cent pero imbes na lumingon binilisan ko pa lalo ang pagtakbo.
***********