Chapter 30
Sue's Pov
"Hyun Woo Oppa!" Tawag ko kay Hyun Woo ng makita ko siyang naglalakad. Sigjrado pupunta siya sa bahay para dalawin si Ahjumma.
Huminto siya sa paglalakad at napatingin siya sakin pagkatapos ay lumingon pa siya sa ibang direksyon.
"Hyun Woo Oppa!" Natatawang tawag ko ulit sa kanya
Tumingin siya ulit sakin at pagkatapos ay tinuro ang sarili, sinisigurado niya yata na siya ang tinatawag ko. Napayuko ako at pilit pinipigil ang pagtawa tsaka binuksan ang kotse, bumaba ako at lumapit sa kanya.
"Mwo? Wae?" (What? Why?) Tanong pa nito na parang ewan "naneun imi yeoja chingugaissda" (I already have a girlfriend) sabi pa nito na umurong pa ng mapalapit ako. Napahinto naman ako sa kinatatayuan ko ng sabihin niya na may girlfriend siya, hindi kasi halata.
"Jeongmal?" (Really) hindi makapaniwalang tanong ko pero natutuwa naman para sa kanya
"Ne, geunyeoneun goengjanghi yeppeo" (yes, she's very pretty) mayabang na sagot niya sakin "geunyeoneun i geuncheoa sanda" (she live in this neighborhood) sabi pa niya
"Jeongmal? Naleul sogae haejwo" masayang tanong ko at sinabi na ipakilala sakin
Kapwa kami napatingin kay Mr. Nam ng tawagin niya kami. Sa bahay nalang daw kami mag usap dahil kailangan na niyang mag banyo. Walang sabi sabing hinila ko si Hyun Woo pasakay sa kotse at muling nagtanong sa kanya kung saan banda dito bahay ng girlfriend niya.
*******
Hindi makapaniwala si Hyun Woo ng sabihin ni Ahjumma sa kanya na ako si Sue. Tinakpan ko ang mukha ko ng buhok ko at napatayo pa siya habang turo turo ako.
Tawa naman kami ng tawa ni Ahjumma sa reaction niya. Umupo ako sa tabi ni Hyun Woo at pinakita sa kanya ang mukha ko. Pinagmalaki ko sa kanya ang ilong ko na mas matangos pa keysa sa ilong niya ngayon. Natawa naman siya at nakuha pang guluhin ang buhok ko.
Pagkatapos mag meryenda ay nag paalam din agad si Hyun Woo may klase pa daw kasi siya. Humingi naman ako ng paumanhin sa kanya dahil inubos ko ang oras niya. Nakalimutan ko na bibisitahin niya nga pala sana dapat girlfriend niya. Sinabi naman niya na ayos lang daw at wala akong dapat ipag alala.
Hinatid ko si Hyun Woo hanggang sa gate. Sabi ko pa nga ipapahatid ko nalang siya kay Mr. Nam pero tumanggi naman siya. Bago siya tuluyang umalis ay tinanong pa niya ako kung masaya daw ba ako sa bagong mukha ko. Ngumiti muna ako sa kanya bago tumango. Sabi pa niya piliin ko daw lagi yung magpapasaya sakin. Mas lalo akong napangiti dahil sa sinabi niya, ramdam ko kasi na suportado niya naging desisyon ko.
**********