Chapter 21

Sue's Pov

Ang bigat ng pakiramdam ko pero kailangan ko ng tumayo dahil kailangan namin mag jogging ni unni. Alas kwatro y medya na pero wala parin si unni kaya pinasya kong katukin nalang siya sa kwarto niya.

Mapungay ang mga mata at halatang wala pa sa wisyo ng pagbuksan niya ako ng pinto. Tinanong ko agad siya kung hindi kami mag jojogging ngayon at umiling agad siya na ikinangiti ko. Matulog pa daw ako dahil may training pa ako mamaya.

Masayang bumalik ako sa kwarto at nahiga ulit upang ituloy ang tulog. Hindi naman nagtagal at nilamon na rin ulit ako ng antok.

*******

Alas syete ng tawagin ako at muling dinala sa field. Tulad kahapon push ups, sit ups, pull ups, squat, running at ngayon nadagdagan ng planking. Mas tumagal din bilang at oras ko sa lahat at yung pag squat ko ay binigyan ako ng dumbbell.

Wala naman siguro silang balak na patalunin ako sa bilog na may nagbabagang apoy o kaya naman pagapangin sa putik diba?. Napapaisip ako kung diet ba talaga ginagawa ko o nagtitrain ako para maging si superman?. Baka naman balak talaga nila akong dalhin sa North Korea at makipag gyera.

Nasa 47 push ups palang ako pero feeling ko hindi ko na talaga kaya, mga hayuf sila sinabi ko ng magpahinga muna ako saglit dahil hindi ko na kaya pero pinipilit pa rin ako tapusin agad agad yung 100 push ups?

Kahit ngayon lang pagbigyan niyo akong pairalin katigasan ng ulo ko. Hindi ko na nga kasi kaya at hindi ako nagdadahilan lang. Hinayaan kong nakahiga ang katawan ko sa damuhan at pinahinga ang sarili.

Nilapitan ako ni unni at hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Binuhusan niya ako ng tubig sa mukha na halos ikalunod ko.

"Mwo hago isseo?" (What are you doing?) Tanong ko sa kanya na hindi mawala sa boses ang pagkadismaya. Umupo ako at tinitigan siya.

"Neoneun malhal su eobsni? (can't you tell?) "Stop being stubborn and continue your task. Everyone here works their asses everybody's tired but did you see them complaints?" Sagot nito sakin

"But what you did is not right, you almost killed me!" Mariin kong sabi. Sa sixteen years kong pamumuhay sa mundo ngayon lang ako nagkalakas ng loob na sumagot. Dahil ba sa pakiramdam ko kaibigan ko siya? Na close kami?.

Tinalikuran ako ni unni at naglakad paalis. Nilapitan naman ako ng isang private at binigyan ako ng towel na pamunas. Inexplain din niya sakin na kaya lang daw ginawa yon ni Eonnie ay dahil sinabi ni Lt. Oh Byung Chul na itapon ako sa swimming pool. Pinigilan daw niya ito at sinabi na siya na bahala sayo.

Sinabi din niya sakin na lahat ng tatamad tamad sa training o nagrereklamo na pagod na sila o di kaya ay kailangan nilang magpahinga ay tinatapon nila sa swimming pool.

Hindi ko gets kung bakit kailangan nilang gawin yon. Paano kung sobrang pagod nung tao at di niya kinayang lumangoy at nalunod siya? Maibabalik ba nila buhay niya?. Pero kahit ganon ay nakunsensya ako, mag so sorry nalang ako mamaya kay unni. Sa ngayon ay kailangan kong tapusin lahat ng pinapagawa nila para maging fair din naman ako.

**********