Chapter 20
Sue's Pov
Four days ng nakatira sa bahay si Eonnie Eun Ha at four days na din akong parang nakatira sa impyerno. Juicecolored! Yung military training na sinabi niya literal na military training talaga.
Yung 2nd day morning ay nag exercise at jog kami, pilit kong kinaya kahit masakit na katawan ko. Wala din siyang narinig sakin nung hapon ng dalhin niya ako sa gym ng bahay at pinagamit sakin yung treadmill. Noong una ay mabagal lang na parang naglalakad lang ako pero pinabilis niya yon na parang nag jojogging na naman ako. Sinunod niyang pinagamit sakin yung cross trainer, hindi ko alam paano ko nakaya pang gamitin yung rowing machine, stair climber at yung dumbbell.
Kahapon naman jogging ulit kami, halos tumalon ako sa tuwa dahil dalawang araw daw pahinga ko bago ulit mag gym. Masakit parin mga muscle ko at kahit mag gym kami ngayon siguradong bibigay ang katawan ko.
Sumapit ang hapon at nag aya si unni na lumabas, may pupuntahan daw kami. Sumama naman ako pero hindi ko inaasahan na ang pupuntahan namin ay isang climbing gym.
Hindi kami umalis ni unni sa gym na yon hanggat hindi ko natatapos ang pag wall climbing ko. Ang tagal kong nakasabit doon at hiyang hiya ako sa mga taong nakakakita at nag chi cheer sakin. Pero after so many years naabot ko din yung tuktok at parang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa palakpakan ng mga tao. Nagpasalamat ako sa lahat atsaka naman nag ayang umuwi na si eonnie.
Ngayon ay bumabyahe kami papunta sa Sokcho three days daw kami mag s-stay doon para sa program na ginagawa namin. Wish me luck.
Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako bigla ng ihinto na ni unni ang sasakyan. Pagkababa namin sa kotse ay may lumapit samin na lalaki na naka comouflage pants at white shirt. Pinakilala ako ni unni sa lalaki, nalaman kong magkaibigan ang dalawa at sundalo si Oh Byung Chul.
Hindi marunong mag english si Lt, Oh Byung Chul at may ibang accent din siya kaya wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya, pero dahil mabait ako ngumingiti nalang ako at tumatango.
Iniwan kami ni Lt. at huminga ako ng malalim sa harapan ni unni. Nakangiti lang siya sakin habang minamasdan ako. Tinanong ko siya kung may dumi ba mukha ko sumagot naman siya ng wala habang umiiling. Kumapit siya sa braso ko at inaya akong pumunta na sa tutuluyan namin.
Tinignan ko ang kabuuan ng kwartong tutuluyan ko, hindi yon gaanong malaki at wala rin sariling banyo. May single size bed na naroon at may cabinet na pwedeng paglagyan ng mga gamit ko. Bigla kong namiss tuloy ang kwarto ko sa pinas. Hinayaan kong ipahinga ang katawan ko kama at pumikit. Nang makukuha ko na tulog ko ay siya namang katok ni unni at sinabing magpalit na ako ng damit. Tinignan ko naman suot niya kaya alam ko na rin kung anong isusuot ko.
Dinala ako ni unni sa field at nakita doon ang maraming mga sundalo. Tinawag kami ni Lt. Oh at halos hindi ko mailakad mga paa ko para makalapit. Nagmamakaawang tumingin naman ako kay unni na sana huwag na niyang ituloy balak niya pero nagawa pa niyang ngumiti sakin.
Hindi ko alam paano ko kinaya at natapos ang drills na pinagawa samin. Sit and reach, push ups, sit ups, pull ups, takbo, squats yan mga ginawa ko at special treatment pa ako dahil mga kasama ko ay triple ang dami ng dapat gawin nila plus may swimming pa at takbo na may malaking gulong na nakatali sa baywang nila.
Gutom na gutom na ako. Kasama ba sa training nila dito ang hindi kumain?. Humiga ako sa kama ko at pikit mata na pinipilit matulog para hindi maramdaman ang gutom.
"Sue ssi?" Tawag sakin ni Unni mula sa pinto na ikinaangat ng ulo ko "come out the food is ready" sabi pa nito
Pagkarinig ko ng magic word ay mabilis akong tumayo at excited ng kumain. Naabutan ko pa si unni sa labas ng pintuan ko kaya't sabay na kaming naglakad palabas. Nasa labas daw kasi yung iba at doon kumakain.
Nang makarating kami sa labas ay naamoy ko agad yung usok mula sa barbeque na ginigrilled nila. Lalo tuloy akong nagutom. Lunok laway akong naglakad hanggang makarating sa mahabang mesa nila. Ang dami nilang pagkain at may soju pa.
"Yeogi eumsig i iss eoyo" (Here's your food) hindi ako makapaniwalang napatingin kay unni "naneun nae yagsog eul jikigoiss eo" sabi pa niya na tinutupad lang niya promise niya. Promise na ang pagkain na kakainin ko ay luto lang niya.
"Gomawoyo" thank you sabi ko at nagsimula ng kumain. Masarap naman ang luto ni unni at wala akong problema sa lasa ng luto niya. Kaso paliit ng paliit servings na pinapakain niya sakin, tulad ngayon orange chicken pasta niluto niya pero tatlong ikot na tinidor lang ubos na. Kaysa matulog ng walang laman ang tiyan ay kinain ko nalang yung pasta, babawi nalang ako sa ibang araw.
*************