Chapter 2

Seren's POV

Habang inaayos ko ang sarili ko sa salamin panay buntong ko naman nang hininga dahil ito ang gabi na maka-kaharap ko ulit ang Kenneth Claude Calvin na 'yon at ang buong angkan niya na talagang hindi ko pa nakilala. I tried my very best to have information about them but none of those information could help me. Nang biglang may kumatok sa labas ng pinto ko kaya sinagot ko agad ito.

"Yes?"

"Miss, nakahanda na ho ba raw kayo? Sabi ni madam." Tanong ng katulong ko sa labas ng pinto.

Kahit kailan si mommy laging apurado. For one last time, i glanced myself at the mirror and sighed heavily. 'I can make this.' Turan ko sa sarili.

"Pakisabi ba-baba na ako." Sagot ko sa katulong habang sinusuot ang aking stiletto.

---

Pagkarating namin sa isang five star restaurant ay agad kaming sinalubong nang mga tauhan ng pamilya Calvin at sinamahan kami patungo sa isang table. Kompleto naman ang pamilya Calvin at malalapad na ngiti kaming tiningnan. Sanay naman na ako sa ganitong Sinaryo, but when Kent took a glance on me. Para akong natutunaw na yelo habang papalapit sa kanila. 'Why im acting nervous in this moment? Oh my gad!'

Nang makalapit na kami sa kanila ay bigla siyang tumayo at humila ng upuan saka nag-alok.

"Sit beside me,"

Maginoong alok nito sa 'kin habang nakangiti. I know he's something up to! Ngunit sinabayan ko naman ang pagiging pretending gentleman nito.

"Okay, thank you." Nakangiting sabi ko.

"My pleasure darling," He smiled.

Gusto kong paikutin ang mga mata ko sa kanya ngunit hindi ko na ginawa dahil baka isipin nang pamilya niya ang rude ng ugali ko.

Nagsimula na silang mag-usap habang ako naman ay tahimik lang na nakikinig at kumakain. Samantalang si Kent naman ay sumasabay rin sa kanila, ngunit minsan nababaling ang atensyon nito sa kanyang phone. Ngunit Ilang sandali pa habang nasa kalagitnaan na kami ng aming kain ay biglang nagsalita si mommy about engagement and wedding, dahilan para mabulunan ako sa 'king kinakain kaya mabilis akong napainom nang tubig habang nakatingin sa kanilang mga magiging reaksyon.

"Are you okay hija?" Tila may pag-aalalang tanong sa 'kin ni Mrs. Calvin.

"Y-yes po tita, im fine." Sagot kong nakangiti.

"Ow, okay! Be careful nextime hija."

Marahan ako nitong nginitian.

"Yes tita, i will." Sagot ko rito.

Unti-unti naman akong nakaramdam nang pagkabagot sa kanilang usapan kaya't nagpaalam na muna ako sa kanila na pupunta ako ng banyo ngunit sa parking lot ako dinala ng mga paa ko.

"What are you doing here wifey?"

Pamilyar na boses nang lalaki ang umalingaw-ngaw sa may likuran ko kaya nilingon ko ito. Kaagad naman akong napasimangot pagkakita ko kung kanino nanggagaling ang baritonong boses.

'Kenneth Claude Calvin!'

"Anong ginagawa mo rito?"

Tanong ko sa kanya na ilang dipa ang distansya. Ngunit imbes na sagutin ako ay sarkastiko lang ako nitong nginitian at dahan-dahan akong nilapitan.

"Should I be the one who would ask you that question don't you?" He sarcastically say. My brow raised on his sarcastic tone.

"Why do you care?" Masungit kong ani rito. Inilapit naman niya ang kanyang mukha sa 'kin and grimaced.

"Ako lang naman ang mapapangasawa mo, kaya karapatan kong malaman kung saan ka pupunta at kung sino ang magiging kasama mo." Giit nito.

'What the- Ganito na talaga siya ka atat na maging asawa ako para agad na pag-higpitan nang ganito?'

"Excuse me! Wala pa akong sinasabing pumapayag ako sa kasunduan nang mga magulang natin, kaya don't act like you already own me! 'Cause apparently im not a thing to be own." Pabagsak kong wika sa kanya saka mabilis siyang nilagpasan, ngunit naging maagap naman agad ang kanyang kamay sa braso ko dahilan para mapahinto ako sa paglalakad at saka ito bumulong.

"Your challenging me huh! Let's see how far you can get," Saka ako dahan-dahan na binitawan. Mabilis naman akong humakbang papalayo sa kanya habang sapo-sapo ang aking dibdib sa takot at kaba.

'Ano bang mga pinagsasabi niya? Ohh gad! nakakainis ang lalaking 'yon, bakit parang mas masungit pa siya sa 'kin?' Tanong kong bulong sa sarili.

---

Halos tamad na akong magbihis kaya pahampas nalang akong nahiga sa kama at nasubsob ang mukha rito. Saka muling naisip ang sinabi ni Kent sa'kin kanina.

'Bakit nanindig ang balahibo ko sa mga sinabi niya kanina? Gano'n ba talaga siya ka-fierce na tao para kahit isang gaya ko ay makaramdam din ng takot at kaba kapag kaharap at kalapit siya?'

No! It shouldn't be like this, dahil kapag nagpatuloy 'yon baka ako mismo bibigay sa magiging trap na inihanda niya. Dahil sa unang kita ko palang sa kanya halata na ang kanyang pagiging matigas at fearless na tao, at sigurado ako kaya siya pumayag na makipag-kasundo sa 'kin dahil may balak din siya at 'yon ang kailangan kong malaman.

Minsan tuloy naiisip ko mahirap din pala maging mayaman, dahil hindi ka pwedeng basta-basta nalang pumili ng lalaking mamahalin. Kasi kailangan katulad din ng standard mo ang magiging nobyo o asawa mo. Hindi ko nga alam kung may pagmamahal ba talagang nabubuo sa isang arranged marriage eh! Dahil tulad nang sa mga magulang ko. Kinasal lang sila dahil pinagkasundo sila ng mga magulang nila at ngayon halos wala silang oras para sa isa't-isa. 'Cause all they do is work, making a lot of money and spend it on luxury things! At 'yon ang nagpapasaya sa kanila.

Dapat din ba maging gano'n ako katulad nila? But apparently im not like them. Dahil gusto ko kapag nagkaroon ako ng kasintahan 'yong totoong mahal ako at mahal ko. Hindi 'yong pinagkasundo lang sa 'kin, at kung hindi naman 'yong pera lang ang habol sa 'kin.

"Ms. Seren, tawag po kayo ng mommy niyo po."

I wake up from my reverie dahil sa mahinang katok at tawag sa 'kin nang katulong namin.

"Just tell her im tired and im sleepy!" Sagot ko habang nakasubsob pa rin sa kama.

"Pero Miss nandito rin po si Mr. Kent." Ani 'to.

'What does that pervert doing here? Ugh!' Napilitan akong tumayo at padabog na lumabas nang kwarto.

"Where?" Tanong ko sa katulong.

"Nasa living room po" Sagot nito.

Nginitian ko siya at padabog na bumaba patungong sala. Nando'n nga si Kent, nakatayo habang ang isang kamay ay nakapamulsa at ang isang kamay naman ay may hawak na isang kopeta na may lamang wine.

"What are you doing here? 'Diba sinabi ko na sa'yo na--"

"Di'ba hinahanap mo ang kaibigan mo?"

Biglang sabat niya. Natigil ako sa paghakbang at napatingin sa kanya

'How did he know about Thalia?'

"Thalia Sanchez right?"

Dugtong niya. Nagsalubong naman agad ang kilay ko sa kanya.

"How did you know about her? Are you stalking me!" May bahid nang inis kong turan. Sarkastiko naman ako nitong nginitian saka ako inikutan.

"I know where she is," Napa-pantastikuhan ko siyang tinignan.

"Where?" I asked seriously.

"Somewhere! Huh' Do you think I would tell you? Hindi ako 'yong tipo ng lalaking magsasabi ng impormasyon nang walang kapalit." May bahid nang sarkastiko nitong turan sa 'kin.

'Ano raw? Nahihibang ba siya.'

"Huh! So, you think too na hihingin ko ang detalye kung nasaan siya kapalit nang ninanais mong gawin o hingiin sa 'kin? Are you insane!" May halong galit na turan ko sa kanya. But he just smirked.

"Fine. You're really challenging me sweetie. Okay' magpapaalam na ako, bye and have a goodnight." Bigla niyang paalam saka ako madaling tinalikuran at lumabas nang mansyon.

'Damn! Sira ulo ba siya. Talagang ako 'yong pinagtripan niya! Anong akala niya sa 'kin magpapa-uto sa kanya? Wala pala si mommy rito at talagang ang lalaking 'yon lang ang nagpatawag sa 'kin.

----------------

Please vote sa may nais. Papalubag lang ng loob. 😊