“Huwaw! So, binoyfriend mo si Dr. Sandoval, Ate?” Namangha si Fiona.
Napatawa ang pinsan. “No comment.”
“Regards daw, eh,” dagdag niya.
“Pakisabi rebound,” anitong natatawa.
Umismid si Fiona. “Okay. So, kailan mo nga masasabing seryoso na si guy sa ‘yo, ha?” hamon ni Fiona sa pinsan.
Dumukwang ito at tinitigan siya nang maigi sa mga mata. Parang ayaw nitong tanggalin ang paningin sa kanya. Napakurap-kurap tuloy siya.
“First, you play hard to get. If he’s committed to get you in spite of your chasing him away, then most probably, he is into you. Second, if you see him happy with you even doing the littlest thing, ‘yon! Ikaw talaga ang gusto niya. Third, he always takes care of you. And I mean, in whichever way he can. Absolutely not less than that. Fourth, he always chooses you over things, hobbies, or other people. You’re not the last resort or last choice. You’re always his priority. You’re above everything and everyone else. And fifth, he always makes you feel special. That’s non-debatable. That is if your brain is not the size of a peanut! Got me?”
Umawang lang ang mala-rosas na labi ng dalaga. habang pinapa-sink in sa utak niya ang lahat ng sinasabi ng pinsan. Matindi talaga iyon.
***
“It’s great to see you here today, Cyler. Akala ko magre-rain check ka na naman,” anang Dr. Solis, ang psychiatrist ng binata.
He was not supposed to come here, but he was compelled by Manang Kiki. Paano ba naman kasi ay ito ang pinakiusapan ng mga magulang niya at lalo na ng kapatid niya para mapilitan siyang um-attend ng kanyang weekly counseling? Hindi naman siya makatanggi dahil mapapalatak na naman ang matanda sa kanya. At nirerespeto naman niya ito kahit gusto na niyang magalit dito. Paano ba naman kasi ay mahal siya ng matanda. Alam niya iyon dahil suportado siya nito at hindi nagkukulang sa pangaral at pagpapaalala sa kanya. Kaso nga lang ay matigas ang ulo niya paminsan-minsan. Or maybe most of the time.
Gumuhit ang linya sa noo ng binata at napatiim-bagang siya. Napansin man iyon ng psychiatrist niya ay kalmante lang itong nakatitig sa kanyang nakaupo sa pang-isahang couch habang siya naman ay nasa mahabang sofa na kulay beige.
Sinalubong nito ang mga mata niya. “Just tell me what happened at school.”
“Why are there shitty people in the world?” tanong niya. But it was not out of the blue. May pinaghuhugutan siya.
Medyo natigilan ang psychiatrist sa ipinakli ng binata. “Can you elaborate on what you mean by ‘shitty people’?”
Cyler snorted. “You’re paid to listen to me rant and express my frustrations! Can’t you even answer a single question, Dr. Solis? You know damn well what I mean.”
Nag-lean forward ang doktor na naka-semi formal ang suot, black slacks at polo shirt na stripes na gray and white. Pinatungan iyon ng puting coat nito. He rested his elbows on his knees as he watched Cyler nonchalantly.
Prente namang nakaupo ang binata na nakipagtitigan sa doktor. “Now what?” he prompted. Pansin niya ang recorder nitong naka-on sa cell phone na ipinatong sa center table na salamin. Ganoon naman talaga ang doktor na ito, hindi nagte-take notes dahil ini-record lang ang sessions nila. Siguro ay para iyon sa mga magulang niya.
It had been their third session now.
“Your question is although relevant to what you’re going through, but the simplest answer to it is because of human nature. And human nature is very complicated, since it’s a package of many characteristics that include people’s ways of acting, feeling, and thinking,” marahang tugon ng doktor. “Humans have naturally likes and dislikes. Some are open and vocal about these, some are not. Do you agree or not?”
Kumislot ang mukha ni Cyler at umiling. “You’re not helping me with these sessions. You’re lecturing me about psychology, Dr. Solis.” Tumayo ang binata na halos sinabayan ng may edad na psychiatrist na may salamin ang mga mata.
“Sit down, Cyler. Please. We’re not done,” anang doktor na nagsusumamo sa kanya. “You can just perhaps tell me anything about school or your home. Anything. Anything at all.”
Cyler let out a sigh and sat again. Ikinuwento na lang niya ang tungkol sa mga kinaiinisan niyang kaeskuwela na binu-bully ang kaklase nilang babae. Alam na ni Dr. Solis ang tungkol sa mga magulang niyang palaging wala sa bahay. Nakinig naman nang maigi ang counselor niya. Humiga siya sa mahabang sofa na parang napagod at napatingin sa puting kisame habang ipinatong ang isang braso sa noo.
“I have observed that this girl is the trigger of your issue,” pahayag ng kanyang therapist.
Napalingon si Cyler sa doktor. “What? She’s not! It’s my horrible schoolmates who are very mean to her. They bully her! Weren’t you listening to what I said?” Napaupo siya pagkatapos.
The doctor smiled at him kindly. “Isipin mo na lang na kung hindi dahil sa kanya na binu-bully ng classmates and schoolmates mo, hindi ka magkakaganyan. You have this… urge to protect her because…” Sadyang ibinitin ng doktor iyon.
“Because?” aniyang itinukod ang siko sa tuhod at pinagsalikop ang mga kamay.
“You care for her,” simpleng sagot ng doktor.
Cyler snorted and shook his head. Kahit ayaw man niyang aminin, alam niyang ito nga ang sagot sa issue niya. Madali lang siyang nagagalit kapag may narinig o nakita siyang nambu-bully kay Fiona. Wala siyang ibang taong gustong-gustong protektahan kundi ito. May mga sabi-sabi nang narinig ang parents niya at kapatid na lumalala siya kaya naman ay nandito na nga siya at kaharap ang doktor.
But he did not think he was doing the wrong thing. Ang paniniwala naman niya kasi ay ipinaglalaban niya lang si Fiona sa mga bullies para hindi na umulit ang mga ito. Hindi kasi madadaan sa magandang usapan ang mga iyon kaya kamao at tadyak niya ang kailangang kumausap para tumatak sa utak ng mga iyon ang gusto niyang iparating.
“You sure know what you feel for this girl. You don’t even deny it.”
Tumayo na si Cyler. “I think I got to go now. This session is over.”
Tumango na lang nang marahan ang doktor na tumayo na rin mula sa kinauupuan nito. “I’ll expect you to come back next week.”
Bumuga ng hangin si Cyler. “I’ll think about it and if nothing comes up,” simpleng aniya.
Ngumiti na lang ang doktor saka nagsalita nang ipipihit na niya ang doorknob ng silid nito. “I would like to hear more about her, Cyler. I’m sure we can do something more about your situation then.”
Cyler chuckled without humor and turned around to look at his counselor. “We’ll see about that, Dr. Solis. If I’m not going to get better as you promised, I swear I’m going to ask my sister to post a review about you. I’m sure it will be nastier than what I can say in your face.” He smirked.
Ngumiti naman ang doktor sa kanya, hindi natinag sa sinabi niya. “I’ll do everything I can to help you, Cyler, if you’ll just let me.”
“Well, I hope you can. Para naman hindi masayang ang ibinayad sa ‘yo ng mga magulang ko, Dr. Solis.”
“We have to work on this together, Cyler. That means you have to cooperate with me.”
Tiningnan lang ito ni Cyler bago lumabas sa clinic. Sa isip niya, gumuhit ang mukha ni Fiona na may napakagandang ngiti. And yes, it was her and that smile he wanted to protect. The smile that always made him smile and feel good inside.