Chapter 6: Love
Gising na gising ang aking diwa simula pa kanina. Rinig na rinig ko ang mga salitang binitawan ni Zion at pigil na pigil ko ang aking hininga habang sinasabi nito ang mga katagang iyon.
Siguro ay may magandang naidulot din ang pagkukunwari kong tulog. Kaya ako ay labis na nagsalamat sa aking Ina na palagi akong pinapasok dati sa kuwarto at tinitingnan kung gising pa rin ako nang alas dose ng hating gabi. Dati kasi ay nahumaling ako sa panonood ng anime kaya naman minsan ay wala talaga akong tulog at madalas aking masermonan nang dahil doon.
Pinapakiramdaman ko lang si Zion hanggang ako ay pinangko nito at dinala sa aking silid. Sinadya ko talagang itaas ang aking damit upang subukan ito at ako ay labis na humanga ng aking naramdaman ang marahang pag-ayos nito ng aking damit.
Gentleman din pala ang gago.
Inantay kong makalabas ito nang tuluyan sa aking
silid at agaran kong idinilat ang aking mata at tahimik na tumili. Para akong kiti-kiti na hindi mapakali. Napakalikot ko at napakasaya rin ng aking puso.
Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Sobrang init ng aking magkabilaang pisngi, at sa palagay ko rin ay ako'y maiihi. May kung anong bagay din sa aking tiyan na labis kong nagugustohan.
Nakakakilabot. Ganito pala ang feeling ng kiligin. Ngayon ko lamang naramdaman 'to sa tanang buhay ko at kay Zion pa talaga! Well, matagal ko ng hinahanggan si Zion dahil hindi naman talaga maipagkakailang isa itong makisig at guwapong nilalang kaso lang ay madalas kaming magkasama kaya naman ay nagsasawa na ako sa mukha nito pero iyon ang akala ko. Habang tumatagal kasi ay mas lalo itong nagiging kaakit-akit sa paningin ko, daig ko pa ang napana ni kupido iyong tipong tagos hanggang buto.
Agad akong tumikhim at inayos ang sarili. Kailangan kong kumalma dahil nagmumukha akong tanga. Walang ingay akong lumabas at ak
gad kong natanaw si Zion na seryosong gumagawa ng aming school assignments.
Napakaamo nitong tingnan habang magkasalubong ang kilay. Halatang seryoso itong nag-iisip dahil paminsan-minsan ay kumukunot ang noo nito pero kahit ganon ay naaakit talaga ang dito lalo na sa mga labi nitong marahang kumikibot habang may sinasabi ito na kung ano.
Hindi ko lubos na mawari kung anong pumasok sa aking isip at ito'y binato ko ng aking sapatos. At ako ay lihim na nagbunyi nang ito ay natamaan ko.
Kita-kita ko ang pagbalatay ng sakit sa mukha ni Zion pero wala akong pakialam kasi ako ang batas sa unit na 'to. Kung hindi pa ito umalis o lumabas agad ay hindi ko na mapipigilan pa ang aking sarili na sunggaban at angkinin ang labi ni Zion.
"ANO PANG GINAGAWA MO SA BAHAY KO? UMALIS KA NA!" malakas kong sigaw dahilan para si Zion ay kumaripas ng takbo.
Nakangiti at naiiling kong isinarado ang pinto nang aking unit at napasandal doon habang sapo-sapo ang aking dibdib. Malakas ang pintig ng aking puso at iyon ay dahil kay Zion. Hindi iyon makalma kahit ano ang aking gawin kaya naman ako ay napabuntong hininga na lamang.
Inabala ko na lamang ang aking sarili sa paggawa ng aking mga aralin at gawaing bahay kahit na tapos na naman lahat ng iyon ay ginawa ko pa rin para lamang kumalma. Ngunit agad kong napansin ang selpon ni Zion na nakatiwangwang sa sahig. Agaran ko itong dinampot at saktong mayroong tumawag doon na siyang kinakunot ng aking noo.
Engineer Gelotin Calling....
Accept. Declined.
"Engineer?" kunot noong tanong ko sa aking sarili at agad na sinagot ang naturang tawag dahil baka ay importante.
Magsasalita pa lamang ako upang sabihin na wala si Zion ngunit naunahan na ako ng taong nasa kabilang linya.
"Engineer nand'yan ka ba? Sinulit mo ata leave mo. Huwag mo lang kakalimutan na may project ka pang gagawin, aba'y huwag mo naman akong iwan sa project na ito. Ikaw ang pinaka kailangan dito," mahabang saad ng nasa kabilang linya at bahagyang tumawa pa.
Nangunot naman ang aking noo ng dahil sa sinabi nito. Ako ay lubhang naguguluhan ngunit mabilis akong napatakip siya ng aking bibig nang maproseso na ng aking utak ang ibig nitong sabihin.
Labis akong nabigla, hindi ko lubos inakala na ang aking nag-iisang kaibigang lalaki ay may propesyon na pala. Akala ko ay kagaya ko lamang ito na nag-aaral pa pero tama nga sila, maraming namamatay sa maling akala at mukhang isa na ako roon.
Ngunit paano iyon nangyari? Halos sabay kasi kaming dalawa nong mag-aral but there are times na may ibang pinupuntahan si Zion at halos mahigit isang taon ko rin itong hindi nakita noon.
"Hello Engineer? Nabingi ka na yata," saad nito at bahagya pang tumawa. "By the way Engineer, kamusta ang kababata mong mahal mo? Nakaporma ka na ba? Galaw-galaw Engineer baka ikaw ay pumanaw," muling wika nito at walang pag-aatubili kong pinatay ang tawag at itinapon ang telepono.
Napaupo ako sa sahig nang dahil sa mga rebelasyong aking nalaman. After all this time isa lang palang kasinungalingan ang lahat.
Hindi ko na alam ang totoo. Hindi ko matukoy kung alin sa mga ipinapakita sa akin ni Zion ang dapat kong paniwalaan sa hindi. O marahil, ako ay nabulagan lamang nang dahil sa aking nararamdaman? Ganito ko na ba talaga siya kamahal?
Napasabunot na lamang ako sa aking buhok. Nalilito at hindi mapakali. Nais ko na lamang kainin ng lupa sa dami ng aking iniisip.
Isang katok mula sa pinto ang nagpabalik sa lumilipad kong diwa. Agad akong nagtungo roon at walang ganang binuksan ito at doon tumambad sa akin ang mukha ni Zion na may alanganing ngiti sa labi.
Agad na umarko ang aking kilay nang dahil sa lalaking nasa aking harapan.
"Anong kailangan mo?" walang gana kong tanong dito.
Tiningnan ako ni Zion na para bang ako ay isang kakaibang elemento.
"Bakit ganiyan na naman hilistya ng mukha mo? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa at kulang na lang pati impyerno," pabirong saad nito at bahagya pang pinisil ang aking pisngi na siyang ikina-inis ko lalo.
Tinampal ko ang kamay nito at tiningnan ito ng masama.
"Mukha ba akong nakikipag biruan?" seryoso kong saad na siyang ikinalunok ni Zion ng laway.
"Chill, para mo naman akong kakainin sa tingin mong 'yan. Nandito ako para kunin ang cellphone ko" ani ni Zion.
Muli kong naalala ang mga sinabi ng lalaki sa telepono dahilan para muling kumirot ang aking puso. Ang mga salitang iyon ay paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan.
Padabog kong dinampot ang selpon nito na hinagis ko at pabalang ko itong ibinigay kay Zion.
"Hanap ka na sa construction site, Egineer." tiim bagang na saad ko rito at kitang-kita ng dalawa kong mata kung paano ito nabigla sa aking tinuran.
Magsasalita pa sana ito ngunit pinagsarhan ko na ito ng pinto.
Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang duwag at sinungaling. Mahal ko siya pero hindi ako tanga.
Balisa, iyan ang aking kasalukoyang kalagayan. Nakatingin ako sa kawalan at nag-iisip ng mga posibleng idadahilan kay Cia na kausap ko lamang kanina.
Mukhang wala na akong maitatago pa rito. Nalaman na nito ang pinakatatago kong sikreto.
Hindi ko naman talaga gustong itago iyon. Sa totoo nga'y naghahanap na aka ng tsempo para sabihin dito ang lahat…tungkol sa trabaho ko at sa buong pagkatao ko pero wala e, nalaman na nito.
Mukhang kailangan ko na namang umisip ng bagong plano.
Dagli kong kinuha ang aking telepono at tinawagan ang natatanging taong makakatulong sa akin sa ganitong sitwasyon.
"Anong kailangan mo ijo?" tanong ng taong nasa kabilang linya.
"911, Tita." simpleng wika ko habang kinakagat ang aking pang-ibabang labi ng dahil sa kaba.
"Susko kang bata ka! Napakakupad mo talaga. Oh siya, ako na ang bahala," nakukunsomeng wika nito at binabaan ako pinatayan ako ng tawag.
Napasuntok na lang ako sa hangin nang dahil sa naging resulta ng aming pag-uusap.
Sa wakas, may maganda ring nangyari sa araw na ito. Mabuti na lamang at umaayon sa aking gusto ang mga pangyayari well, except do'n sa part na nalaman ni Acacia ang lihim ko pero mas maigi na rin iyon.
Mabuti na lamang talaga at boto sa akin ang pinakamamahal na Ina ni Acacia dahil kung hindi, sa kangkungan ako nito pupulotin.
Ang kailangan ko na lamang gawin ay ang umisip ng plano at siguradohing may positibo iyong epekto. Mahirap pa namang suyuin ang babaeng may toyo sa ulo. Paniguradong mahihirapan na naman ako nito. Ilang french fries, burger at prutas pa kaya ang mabibili ko?
"Bahala na bukas!" wika ko sa kawalan kasabay ng isang buntong hininga.
Alam kong matagal na akong gago pero s sitwasyon ko ngayon mas narealize ko na talagang gago nga ako. Hindi ko ginustong maglihim pero wala na akong choice. Iyon na lang ang tanging paraan para makasama ko si Acacia ng matagal at para na rin mabakuran ko ito laban sa mga lalaking gusto lamang siya dahil sa pisikal niyang anyo.
I love Acacia so much. I love her funny side, drama queen side, sadista side, palamura side and her naughty side. I love everything about her, especially her smile.
I love Acacia to the point na nag-enroll ulit ako kahit na ako ay graduate na.
I love Acacia to the point na niligawan ko muna ang mga magulang niya para pumayag ang mga ito na mapalapit ako sa kaniya. Ilang suntok din ang natamo ko muka kay Tito but it's all worth it.
Lahat ay kaya kong gawin at isakripisyo para lamang kay Acacia. Masyado akong baliw sa kaniya kaya nga minsan na akong nagpatingin sa espesyalista sa utak dahil pakiramdam ko'y nababaliw na ako nang dahil sa halo-halong emosyon na aking nadarama sa tuwing ito ay aking nakikita at nahahagkan.
I am not Zion without Cia, kaya nga nangako na ako kay Lord na darating ang araw at ihaharap ko sa altar ang babaeng nagngangalang Acacia at kung hindi man iyon matupad ay maaari niya ng bawiin ang buhay na ipinagkaloob niya sa akin.
I love Acacia to death.