Chapter 9: AT THE GARDEN OF EDEN
— Hazel's POV
"Saan mo ba ako balak dadalhin? You keep on pushing me to go with you," Cael said habang nakatingin sa bintana ng sasakyan. I was the one driving the car, baka kasi mamaya may tama pa rin ang lalaking ito at madisgrasya kami kung siya ang magmamaneho.
"Easy, I just want you to bring to a peaceful place. And aside from that, your mom calls me before we leave and she knows what happens to you. Someone video you at the bar and she asks me for a favor," sagot ko sa katanungan niya.
"And what is it?" he responded without looking at me.
"To keep you calm, sabi raw. Ayaw niyang malaman ng dad mo kaya ako nalang, she said to me about a place where you always go whenever you wanted a piece of mind, sa pagka alala ko it was called the Garden of Eden?" sagot ko naman sa kanya.
"I didn't think mom would mention that," he murmured softly but enough for me to hear it. I just rolled my eyes and didn't bother to speak.
I look at my phone when I receive an email to an anonymous person which made my brows knitted in confusion. I just ignored it since nagmamaneho pa ako, baka mamaya ay makasagasa pa ako.
It took hours to arrive to our destination. Agad na kaming umalis sa sasakyan at may akayatan pa pala ito papunta sa itaas. Gawa sa makakapal na glass ang hagdanan at sa bawat gilid nito ay may nakatanim na mga bougainvillea na may iba't ibang kulay. Ang gaganda ng mga bulaklak nito, halatang alagang-alaga.
Dinampo ko ang aking kamay sa bulaklak nito at pumitas nang dahan-dahan without Cael's knowing. Malay ba natin, bigla akong pagalitan ng bruhong ito. Nauna itong naglalakad sa akin, ni hindi man lang gumawang lumingon dahil sobrang seryoso ang tingin nito.
Hawak-hawak ko pa rin ang bulaklak na pinitas ko kanina at maya-maya pa ay huminto siya. Narating na namin ang lugar, ang paboritong lugar ni Cael ayon sa kanyang ina.
Nanlaki na lamang ang aking mga mata nang makita ko ang mga iba't ibang klase ng mga bulaklak kasabay nito ang pagdampi ng hangin sa aking balat dahilan para manginig ako dahil may pagka malamig ang hangin dito. Pakiramdam ko rin ay nangungusap sa akin ang kalikasan. This place is lovely! I didn't think Cael likes places like this, I wonder if he ever take Cassy here?
Dahan-dahan akong naglakad at hinawakan ang mga bulaklak. Ramdam kong namula ang aking mga pisnge sa sobrang kilig, hindi ko akalain na may ganitong lugar pala rito. Para itong isang malawak na talampas kung saan tanging mga bulaklak lamang ang makikita, dagdag mo pa ang napakagandang tanawin sa itaas. May mga ibong nagsisiliparan, mga ibong kumakanta na ang sarap sa tenga. Mayroon ring isang maliit na pavillion na tanaw mula rito.
Inilibot ko muli ang aking tingin at ang hula ko ay isa itong private property. Siguro ang may-ari ng lupang ito ay pagmamay-ari nila Cael. I saw him sitting on the ground at ako naman ay nakatayo lamang sa likuran niya habang tinitignan ang likod niya.
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya pero mukhang tina-try niyang pakalmahin ang sarili niya. Dahan-dahan naman akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya. "Maari rin ba akong pumunta rito?" tanong ko sa kanya.
Kita kong malalim lang ang mga titig nito sa bundok na nasa harap namin. "Kahit saglit lang, you know? Kahit ako lang mag-isa," dagdag ko pa.
Ang kapal talaga ng mukha ko! Aba syempre magandang place ito para magsulat ng novela ano! Para kang pumasok sa kakaibang dimensyon, kulang nalang ang mga magical creatures na nakakalat sa paligid para magmukhang mahiwaga rito. P'wede naman akong magbayad kung ayaw niya, makapunta lang dito ano.
"Do whatever you want, mother gave you permission anyway," he responded still staring at the mountain in front of us. Ako naman ay ngumiti ng napakalaki nang marinig ko iyon, muli kong tinignan ang mga mata nitong malungkot pa rin.
Hindi na ako kumibo at hinayaan siyang marinig niya lamang ang nakakabinging katahimikan sa paligid namin na tanging hangin lamang ang nagbibigay ingay sa paligid. Mga bulaklak na sumasayaw at mga dahon na lumilipad dahil sa hangin.
Matapos ang ilang minuto ay tahimik pa rin si Cael, dahan-dahan ko namang tinignan ang mukha nito. Nagulat akong makitang natutulog na siya. Seriously? Kaya niyang matulog na ganyan ang posisyon niya?
I bit my lower lip at dahan-dahang ipinatong ang kanyang ulo sa aking braso. Sana huwag ka magising baka bigla akong hampasin nito e! Nakakaawa naman kasi, natutulog ganyan ang posisyon. Napabuntong hininga naman ako nang hindi pa rin siya nagising nang ipinatong ko ang kanyang ulo sa aking braso.
I look like a babysitter, babysitting a cold hearted CEO. Matapos ang ilang mimuto ay gising pa rin ako at tinignan na lamang ang email na dumating kanina. It was one of my fans wanted to talk with me in private. How did this human know my private email? Is he some sort of a stalker or something?
Hindi ko muling pinansin ito ngunit bigla na naman siyang nag email dahilan para magulat ako. Tinignan ko ang ang nakasulat sa email, laking gulat ko nalang na makita na binanggit niya ang dati kong nickname. No one knows about it except for my brother and to my one trusted long friend. It could be?
I emailed him back to agree to meet up with him. My curiousity will kill me, right! Pero, I want to meet this person mo matter what. Nakakapag taka lang na alam niya ang dati kong nickname. Iniiling ko na lamang ang aking ulo, for sure hindi siya 'yon.
Balita ko wala na ang ampunan nang mamatay si Mrs Vilda at lahat ng natirang mga bata sa bahay ampunan at idinala na ang mga bata sa iba't ibang lugar. Ang iilan sa kanila ay may kumopkop na rin.
After I heard about it, syempre I ask a favor to grandpa kung p'wede kunin na nalang ang friend ko roon bago pa man sila ipa ampon at idala sa iba pang mga bahay ampunan. However, pagbalik namin ay tumambad sa amin ang balita na umalis na pala siya nang mag-isa. They tried to find him pero wala talaga, until now I felt guilty na dapat nung inampon kami ng kapatid ko ay triny ko na rin sanang humingi ng pabor kay grandpa kung p'wede ay isama siya.
"What's with that sad face?" Nagulantang na lamang ako nang marinig ko ang boses ni Cael. Gising na pala siya, napatawa na lamang ako nang mahina.
"Nag-iisip kasi ako ng bagong scenes sa novel ko at biglang pumasok sa idea ko about sa malungkot na pangyayari sa characters ko," sagot ko sa kanya at tumawa muli ng mahina. Dahan-dahan naman niyang inalis ang kanyang ulo sa aking braso, he stretched his neck and arms and take his phone out from his pocket.
"Writers are weird, huh?" wika niya. I flinch after I heard that. Whom he called weird? Me? The writers are weird? How could he say that! Parang sasabog ang ulo ko sa galit, yeah parang mababaw pero kasi para sa akin ay parang iniinsulto niya ang mga writers! "But, they're creative and have a wide imagination. Someone told me writers are sweet, pero bakit parang iba ka sa kanila?" dagdag pa niya.
Okay na sana e, mapapatawad ko na sana siya pero bakit may padagdag na ganyan? "Ewan ko sa’yo," tanging sagot ko nalang. Bigla namang may tumawag sa phone niya dahilan para magulat kami parehas.
"Cassy?" sambit niya dahilan para mapalingon ako sa gawi niya. Sinagot naman niya kaagad ang tawag. "Yes?" mahinahong sambit niya.
"I'm sorry and I miss you," rinig kong sabi ni Cassy dahilan para manindig ang balahibo ko. Huwag mong sabihing makikipag balikan ka pa diyan Cael matapos mong malamang nag cheat siya sa'yo. P*kpokin talaga kita.
"Same here," sagot niya. Napawindang nalang ako. Bakit ba ako binigyan ng asawang ganito, kawawang nilalang.
"Then can I come to your house tonight? I would like to meet–" pinahinto ni Cael si Cassy at nagsalita muli ito.
"No, I'm busy. I miss you but I didn't say na gusto kong ibalik ang relasyon natin. You gave me pain, Cassy. Hindi gan'on kadaling magpatawad so please don't call me again... for now," sambit niya at agad na pinutol ang tawag nilang dalawa. He stood up and throw his phone far away, he screamed and let out the pain in his heart.
He bend his knees to the ground and clenches his fist. I see no tears from his eyes pero halata naman itong malungkot. Napabuntong hininga na lamang ako, hindi naman talaga ganoon kadali makalimot lalo na at matagal mong nakasama ang taong mahal mo.
It's the first time I've seen a man writhe in pain, but Cael is different. He's not crying, I wonder why? Is it just that he doesn't want me to see him cry?