Thymine
Pasado alas-tres na ng hapon subalit nasa ikatlong palapag pa lang kami. Mabuti na lang at gumagana pa ang orasan sa bawat dulo ng pasilyo kaya nababantayan namin.
"Hindi ko akalain na ganito pala talaga kalaki ang bahay na ito. Kung wala lang sigurong panganib, siguradong masayang tumira rito," mahinang bulong ko sa sarili.
Ayon din kay Wince, malabo na raw kaming makapaglibot ngayon sa ika-apat na palapag. Kung sabagay, mas mabuting magpahinga na muna kami. Kahit na hindi nila sabihin, alam kong pare-parehong masasakit na ang mga paa namin.
"Nasaan kaya si Kamatayan sa mga oras na ito? Posible kayang nasa loob lang siya ng mga kuwarto? Pero sabi nila, ligtas naman daw maglibot sa umaga. Isa pa, marami kami, isa lang si Kamatayan," muling bulong ko.
Halos puro silid ang makikita rito sa ikatlong palapag at tila biglang nanumbalik tuloy ang mga nangyari kagabi. Sariwa pa rin ito sa mga ala-ala ko kaya paminsan-minsan, napapakapit ako kay Rhian.
"Huwag kang mag-alala, Thymine. Wala si Kamatayan dito. Nandito lang ako, hindi kita iiwanan," sabi sa akin ni Rhian nang mapansing madalas na kumakapit ako sa kanya.
Nangunguna sa paglalakad si Trench at napapansin ko rin na medyo iniiwas niya ang tingin sa gawi ko. Mukhang naiinis pa rin siya sa inasta ko kanina. Hindi naman siya kawalan. Kung hindi lang dahil sa impormasyon na kailangan ko, hindi ako magpapakapagod na sumama sa kanya.
"Ako lang ba o talagang iniiwasan tayong tignan ni Trench? Kanina ko pa kasi napapansin," nagtatakang tanong ko kay Rhian.
Ano bang akala niya? Hihingi ako ng tawag at magmamakaawa na patawarin niya? Manigas siya, hindi ako kailanman hihingi ng tawad. Alam ko naman na sarili ko na walang akong ginawang masama.
Pasimpleng bumulong sa akin si Rhian. Sinigurado niya na magkalapit ang distansya namin bago siya magsalita. Pakiramdam ko tuloy, sobrang importante nito.
"Thymine, nakahanda ka na ba mamayang gabi? Kahit anong mangyari, huwag kang lalayo sa akin. Sa akin ka lang sasama, sisiguraduhin ko na magiging ligtas ka. Naiintindihan mo ako?" mahinang bulong niya sa akin at hindi ko napigilan ang sarili na mapangiti.
Agad niyang ibinalik ang atensyon sa harapan at hindi na muling bumaling sa gawi ko. Ano bang problema niya? Sa halip na usisain pa, nagpasya na lang akong magmasid-masid sa paligid.
Ayon kay Rhian, kaya raw kami naglilibot-libot ay para maging pamilyar kami sa lugar. Kung sakaling habulin kami ni kamatayan at pagtangkaang patayin, alam namin kung saan posibleng magtago.
"Hanggang dito na lang, bukas na natin itutuloy ang paglilibot. Magsiligo na kayo, may mga nakahandang gamit sa mga palikuran. May apat na palikuran sa bawat palapag, maaring magsabay ang mga babae sa iisang palikuran nang sa gayon ay mabilis matapos," paliwanag sa amin ni Wince.
Mabuti naman at naisipan na nila kaming paliguin dahil kanina pa ako nanlalagkit sa katawan. Amoy pawis na rin ako, nakakahiya tuloy sa tuwing lumalapit sa akin si Rhian.
"Thymine, sa ikalawang palapag na lang tayo maligo. Hindi ka p'wedeng lumayo sa kinaroroonan ko, masyado pang delikado. Kung p'wede nga lang na samahan kita. Basta mag-ingat ka," pagpapaalala sa akin ni Rhian.
Tumango na lang ako at kaagad na kaming bumaba sa hagdan na suwerteng malapit sa akin. Nasa dulong bahagi na kami ng ikatlong palapag sa silangang bahagi. Bigla tuloy akong napaisip.
"Bakit pa tayo pupunta sa ikalawang palapag kung nasa harapan na tayo ng palikuran? Dito na lang tayo maligo sa ikatlong palapag, nakakatamad bumaba. Wala naman gaanong tao rito," nagtatakang ko kay Rhian.
Agad na naman niya akong pinitik sa noo. Nagtataka nga rin ako dahil karamihan sa mga kasama namin ay bumaba na. May palikuran naman dito, bakit pa sila magpapakapagod?
"Nababaliw ka na ba? Dito sa ikatlong palapag naliligo ang grupo ni Trench, gusto mo na naman bang mapa-away? Nasa harap nga lang natin ang palikuran pero nasa iyo naman kung gusto mong magkrus ang landas niyo," mariing paliwanag sa akin kaya napatahimik na lang ako.
Hinatak na ako ni Rhian pababa sa hagdan at mabuti na lang, magkadikit lang ang palikuran ng ikalawang palapag sa hagdan. Hindi na kami gaanong maglalakad sa malayo.
"Mauuna na muna ako sa iyo, diyan ka na maligo sa tabi ng palikurang pagliliguan ko. Hintayin mo ako rito sa hagdan kapag nauna kang matapos, huwag kang lalayo. Naiintindihan mo ako? Huwag kang sasama sa iba hangga't hindi ko sinasabi," nagpaalalang sabi niya.
Tumango na lang ako tanda na naiintindihan ko ang mga sinasabi niya. Minsan nga lang ay paulit-ulit na siya. Medyo nakakarindi sa tainga, hindi ako sanay na may nagdidikta sa akin. Pero si Rhian ito, iba siya.
Pumasok na ako sa palikuran at p'wede pala rito ang tatlong tao. Medyo maluwag ang espasyo at may isa pang silid kung saan ka magbibihis. May limang timba at may tatlong tabo, mukhang kaysa talaga ito sa dalawa hanggang tatlong tao.
Nasimula na akong magtanggal ng damit at isinampa ito sa sampayan. Hindi na ako nagdalawang-isip na maligo dahil may nakahandang dalawang pares ng damit sa sampayan. Kahit papaano, mukhang pinaghandaan nila ito.
Sakto naman may pumasok na isang lalaki at mukhang dito rin siya maliligo. Isinara na niya ang pintuan bago magtanggal ng pang-itaas na damit. Hindi ko siya kilala pero nakikita ko siya sa grupo kanina.
Ngumiti siya sa akin bago tanggalin na rin ang pang-ibabang saplot. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang kausapin pero dalawa lang kami rito, nakakailang kung hahayaan ko lang siyang magsalita.
"Kamusta ka? Napapansin kong palagi kayong magkasama ni Rhian. Matanong ko lang, may gusto ka ba sa kanya? Hindi ko kasi maiwasang mag-isip ng kung ano tungkol sa relasyon inyo," nagtataka niyang tanong bago magsimulang sumalok ng tubig gamit ang tabo.
Sinimulan na niyang ibuhos ito sa kanyang sarili. Kumuha rin siya ng sabon na nakapatong sa isang tabi at ikinuskos sa balat niya. Kailangan ko bang sagutin ang tanong niya?
"Huwag kang mailang sa akin, pare. Dalawa lang naman tayo rito. Pareho pang lalaki. Depende na lang kung gusto mo ito kaya kanina mo pa tinitignan," makahulugang tanong niya sa akin at bahagyang itinaas-baba ang ari niya.
Bigla akong kinilabutan sa ginawa niya . Hinubad ko na rin ang pang-ibaba kong damit kahit na nakakailang. Kung ikukumpara kasi ang katawan ko sa katawan niya, magmumukha akong katawa-tawa.
"Biro lang 'yon. Alam ko namang si Rhian ang gusto mo at hindi itong hawak ko. Pero kung gusto mong magpalabas ng init sa katawan, p'wede naman nating gawin. Dalawa lang naman tayong nandito," nakangising sabi niya.
Mas lalo akong kinilabutan sa ginawa niya. Ano bang akala niya sa akin, bakla? Kahit na ganito ang katawan ko, hindi ako kailanman nagnasa sa iba. Anong bang iniisip niya? Ito ba ang epekto ni Kamatayan sa kanya? Natitigang siya?
"Hindi ko alam kung bakit ganyan ka kumilos pero hindi ako interesado sa iyo. Kilabutan ka sa sinasabi mo, hindi ako bakla na pumapatol sa kapwa lalaki," mariing giit ko sa kanya.
Mala-adonis ang katawan niya na sinamahan pa ng mga naglalakihang braso. May anim na bato rin ito sa kaniyang kalamnan, nahiya ang katawan ko. Ito ang dahilan kung bakit ko siya tinitignan kanina, gusto kong maging ganito rin ang katawan ko.
"Sabi mo 'yan. Pero pare, bakit ang payat mo? Hindi ka ba nahihiya ka kung sakaling may ma-ikama kang babae at pagtawan ka. Paano siya gaganahan na makipagtalik sa iyo, kung patpatin ka?"
Hindi ko alam kung pang-iinsulto ba ito o pinapangaralan niya lang ako. Nagbuhos muna ako ng dalawang tabo ng tubig at muling ikinuskos ang sabon balat ko.
"Hindi ko naman iniisip 'yan. Wala namang problema kung patpatin ako. Ang mahala marespeto naman akong tao. Iginagalang ko ang mga babae," mariing giit ko sa kanya at muling nagbuhos ng tubig.
Natawa na lang siya at nagsimulang punasan ang sarili niya gamit ang tuwalyang nakasabit. Ito ang ayaw ko kapag may kasamang maligo, kinakausap ako. Hindi ko rin gustong sagutin ang mga itinatanong niya.
"Payo lang, magpalaki ka ng katawan. Nakakahiya kung ganyan ang katawan mo. Gayahin mo ako, maraming nahuhumaling at gusto nilang ikama ko sila," nagmamalaking sabi niya.
Ngumiti muna sìya sa akin bago muling magsalita. Siya 'yung tipo ng lalaki na mahilig magbuhat ng sariling bangko.
"Malaking katawan ang gusto ni Rhian, mag-ingat ka. Baka imbes na ikaw ang piliin niya, sa akin siya sumama at ako ang magiging ama ng mga magiging anak niya," nakangiting sabi niya bago pumasok sa silid para magbihis.
Ano raw? Malaking katawan ang gusto ni Rhian? Sandali, anong kinalaman ko ro'n? Ano ba ang tingin niya, may gusto ako kay Rhian.