Rhian
Hindi ko maintindihan ang eksaktong nangyari dahil ang tanging naaalala ko lang ay pinapaypayan ko si Milo. Inaamin ko na medyo nawala ako sa sarili noong hubarin niya ang damit dahil hindi ko ito inaasahang gagawin niya. Alam kong naiinitan siya at kailangan ng tulong ko.
"Ano bang nangyayari sa iyo, Rhian? Bakit ka natulala sa maskuladong katawan ni Milo? Hindi siya ang tipo mo kaya anong nangyayari? Bakit ka nagkakaganito? Nababaliw ka na ba?" naiinis na bulong ko sa sarili ko.
Malinaw naman sa akin na kaya ko ito ginagawa ay para ibalik ang pabor na ibinigay sa akin ni Milo. Tinulungan niya kaming dalawa ni Thymine at ito lang ang dahilan kung bakit ko sinusunod ang mga sinasabi niya. Ang hindi ko lang maintindihan ay mga ikinikilos ni Milo. Masyado itong nakakailang.
"Milo, may iba ka pa bang binabalak sa akin? Malinaw naman na pinapaypayan lang kita pero bakit parang napapasin ko may ibang gustong gawin ang mga mata mo? Umamin ka nga sa akin, talaga bang nagkataon lang ang lahat? Tama ba ang pagkakaintindi ko?" nagtataka kong tanong sa kaniya.
Ayokong mag-isip nang kung anong mga bagay pero may ibang ipinahihiwatig ang mga mata niya. Masyado itong malagkit na akala mo pinagnanasan niya ako o hindi kaya ay hinuhubaran na sa isipan. Alam kong mabait si Milo pero lalaki rin siya na may pangangailangan. Alam ko ang mga ganoong galawan.
"Anong ibig mong sabihin? Wala naman akong ibang ginagawa sa iyo. Gusto ko lang paypayan mo ako. Sobrang init din dito sa loob kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na maghubat ng damit. Hindi naman bawal ang ginawa ko, hindi ba?" nagtataka niya ring tanong sa akin.
Ewan ko ba pero pakiramdam ko ay may mali rito. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa akin. Maayos naman ang pakiramdam ko at walang masamang panganib sa palinig ngayon pero pakiramdam ko may hindi tama. Ayoko namang husgahan na lang si Milo dahil malaki ang utang na loob ko sa kaniya.
"Mabuti naman kung gaoon. Mas magandang malinaw at nagkakaintindihan tayo. Ayoko may isa sa atin ang hindi nagtitiwala sa isa't isa. Tayo lang din ang mga magtutulungan kaya mas maganda na manatili tayong tapat," mariing giit ko.
Kahit na may iba pa kaming kasama rito, hindi ko masasabing ligtas ako. Maraming mga posibleng mangyari sa bawat minutong nagdaraan. Gaya na lang nang biglaang paggising ni Thymine. Hindi ko namalayan ang presensya niya dahil nakatuon ang atensyon ko kay Milo.
"Nakakainis talaga! Ano ba kasi talagang nangyayari sa iyo Rhian? Nang dahil sa kapabayaan mo, umalis si Thymine. Paano na ngayon 'yan? Bakit ba kasi masyado kang nasilaw sa bato sa tiyan ni Milo? Ang tanga mo!" naiinis kong sabi sa sarili at bahagya pang kinurot ang tagiliran.
Nang umalis kanina si Thymine ay hindi na ako nag-abalang sundan siya dahil alam kong naiinis siya sa akin. Hindi ko lang alam kung bakit naging ganito siya bigla matapos bumangon sa kama. Sa tingin ko ay may kinalaman ito sa ginagawa namin ni Milo. Mula nang may mangyari sa amin, parang gusto niya na sa kaniya lagi ang atensyon ko.
"Thymine, ano bang problema? Paano kita matutulungan kung naglilihim ka sa akin? P'wede mo naman sabihin kung anong gusto mong malaman. Hindi tayo magkakasundo kung patuloy kang magiging tahimik kahit na alam mong may mali. Bakit ganito ka?" mahinang bulalas ko.
Gusto sana siyang habulin pero noong makita ko na hindi maganda ang timpla ng mukha niya, hindi ko na itinuloy. Sigurado ako na kahit tumakbo ako papalapit sa kaniya ay tatakbo rin siya papalayo. Kailangan niya rin siguro ng oras para makapag-isip kaya hinayaan ko na lang muna siya.
"Rhian. ayos ka lang ba? P'wede mo naman siyang sundan para hindi ka na gaanong mag-alala pa. Patapos na ang gawain dito sa kusina kaya hindi na namin kailangan pa ng tulong. Kaya na namin itong tapusin. Dumiretso ka na lang sa silid mamaya pagkatapos mong hanapin si Thymine," sabi sa akin ni Glenda matapos isalansan ang mga plato.
Nag-aalala na ako sa kaniya dahil basta na lang siyang lumabas ng kuwarto. Limang araw pa lang siya rito kaya hindi niya pa gaanong kabisado ang lugar at ang mga taong dapat pagkatiwalaan. Hindi niya alam kung napapahamak na ba siya. Marami sa mga kasamahan namin ang handang isakripisyo ang buhay ng iba para sa pansarili nilang kaligtasan.
"Thymine, huwag naman sanang tama ang iniisip ko. Alam kong marunong kang mag-isip kaya sana huwag kang sasama kung kanino. Hindi mo sila kilala. Hindi mo alam kung ipapahamak ka ba. Jusko naman! Bakit ka pa kasi lumabas sa kuwarto at iniwan ako?" kinakabahang sabi ko.
Sana huwag siyang gamitin ng kung sino. Kaunti pa lang ang nalalaman niya at madali siyang mapagsasamantalahan. Hindi ligtas sa labas. Hindi niya ba naisip ito bago siya lumabas ng kuwarto? Nakakainis naman siya. Pinag-aalala na niya naman ako. Alam niyang mag-alala ako pero hindi niya ba inisip ito?
"Bakit ganiyan ang mukha mo, Rhian? Huwag kang masyadong mag-alala sa kaibigan mo dahil natitiyak kong alam niya ang kaniyang ginagawa. Hindi naman siguro siya aalis sa silid na ito kung wala siyang nakahandang plano. Kumalma ka muna dahil ikaw din ang nahihirapan," nakangiting paliwanag sa akin ni Milo.
Tapos na siya sa ginagawang paghiwa kaya ngayon ay kasalukuyan siyang nakaupo sa kama habang ako naman ay hindi mapakaling nakatayo at naglalakad-lakad sa paligid. Hindi ko kayang maging kalmado lalo na at may posibilidad na may nangyayaring hindi maganda kay Thymine.
"Alam mo naman na hindi gaya natin, bago pa lang siya sa bahay ni Kamatayan. Hindi na rin bago sa iyo na may ipinapahamak ang mga kasamahan natin para lang makaligtas. Milo, sundan ko na kaya siya ngayon? Bahala na kung magalit siya sa akin. Ang mahalaga ay ligtas siya," naguguluhang sabi ko.
Malaki ang tiyansa na may lalapit sa kaniyang babae lalo na at isa sa paraan para makaligtas sa impyernong lugar na ito ay makasiping ang lahat ng lalaki. Malakas ang pakiramdam ko na may nagtangka o magtatangka pa lang na galawin si Thymine. Nakakainis! Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin.
"Rhian at Milo, mauuna na kami sa inyo. Sumunod na lang kaya sa silid kapag tapos na kayong mag-usap diyan. Kami na ang bahalang maghanda sa mga pagkain. Sige na, mauuna na kami," pagpapaalam ni Glenda bago sila lumabas ng silid dala ang mga inihandang pagkain.
Tumango na lamang ako tanda nang pagsang-ayon. Sinabi ko rin sa kanila na kung sakaling makita si Thymine sa silid, huwag na nilang paalisin. Doon ako pupunta kapag hindi ko siya nahanap. Masyadong malaki ang bahay na ito kaya baka magkasalisi pa kami.
"P'wede ba na kumalma ka muna? Masyado kang maraming iniisip ngayon. Posible 'yang mga sinasabi mo pero wala tayo pruweba na nangyayari talaga. Anong malay natin na baka haka-haka lang nila ang bagay na 'yon? Hindi nila pababayaan si Thymine dahil alam nilang mananagot sila sa iyo," pagpapaliwanag ni Milo.
Hindi ko na kaya ito. Mas lalo siyang manganganib kapag nanatili akong walang ginagawa. Kailangan ko na siyang hanapin ngayon. Magiging ligtas lang siya kapag magkasama na kaming dalawa. Doon ko lang siya maipagtatanggol. Hangga't malayo ako, nanganganib ang buhay niya.
"Milo, hindi niya pa kabisado ang lugar na 'to? Paano na lang kung napahamak na pala siya tapos wala akong kamalay-malay? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag napahamak siya. Alam mong hindi ko basta hinahayaan na mapahamak ang mga minamahal ko," nag-aalalang sambit ko at napahawak na lang sa noo ko.
Sumasakit ang ulo ko sa sobrang daming iniisip. Hindi naman ako ganito dati pero sumali nang makilala ko si Thymine, unti-unting nag-iba ang lahat. Nagkakaroon na ako ng pakialam sa iba. Nagagawa kong ipagtanggol ang isang lalaki sa halip na ako ang protektahan nito. Hindi ako sanay nang ganito.
Nagulat na lang ako nang bigla akong hatakin ni Milo pahiga sa kama at walang pagdadalawang-isip akong tinititigan sa mga mata. Kaming dalawa lang ang natira sa silid na ito dahil nauna na ang apat niyang kasamahan at ipinamamahagi na ngayon ang pagkain.
"Rhian, huwag mong pagurin ang sarili mo sa mga walang kabuluhang bagay. Bakit hindi mo ibigay ang oras mo sa akin? Dalawa na lang tayong naririto. Hindi ba ito ang perpektong oras para paligayahin ang mga sarili natin? Ano sa tingin mo?" nagtatakang sambit ni Milo at humiga na rin sa kama, katabi ko.
Kitang-kita ko ng malapitan ang kaniyang maamong mukha at kahit na nag-aalala ako ngayon kay Thymine ay hindi ko mapigilan ang sarili sa malakas na pagtibok ng puso. Ano ba itong nangyayari sa akin ngayon? Bakit parang nawawala ako sa sarili sa tuwing magtatama nang malapitan ang mga mata namin?
"Milo, ano bang mga pinagsasabi mo? Tulungan mo na lang akong maglibot sa labas at hanapin si Thymine. Halika ka, tumayo na tayo. Kung ano na ang tumatakbo riyan sa isipan mo ngayon. Huwag mo na lang pansinin iyan," sambit ko sa kaniya at akmang i-aangat ko ang sarili ko subalit kinulong niya ang katawan ko gamit ang mga bisig niya.
Hindi ko alam kung bakit kailangan niya itong gawin. Ano bang nakita niya sa akin at nagiging ganito siya? Hindi naman ganito ang pakikitungo sa akin ni Milo noon. Gumagaya na rin ba siya sa iba naming kasamahan at kinakapitan ang pangalawang paraan para makaligtas sa lugar na ito?
"A-Ano bang problema mo, Milo? Hindi ako sang-ayon sa gusto mong gawin. May nanganganib na lalaki sa labas at kailangan ko siyang tulungan. Hindi ito ang perpektong oras para sa naiisip mong bagay. Isa pa, hindi ko ibibigay ang sarili ko sa iyon ngayon," mariing giit ko sa kaniya.
Nakakainis! Bakit ba ganoon ang pagkakasabi ko? Bakit 'yung tono ng pananalita ko ay parang ineenganyo ko siyang pilitan pa ako? Jusko naman, Rhian! Ano na namang kalandian 'yan? Hindi ito ang tamang oras para bumigay ka. Kailangan mo pang hanapin at tulungan si Thymine.
"Hindi mo naman kailangang pahirapan ang sarili mo. Alam kong gusto mo rin na may mangyari sa akin. Nararamdaman ko. Bakit mo pa pipigilan? Baka pagsisihan mo pa ito. Talaga bang matatanggihan mo ako? nang-aakit na sabi niya sa akin.
Tang ina! Pakiramdam ko mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. 'Yung malambing at nang-aakit niyang boses, pakiramdam ko bibigay na ang katawan ko. Ramdam ko rin ang malalagkit niyang tingin na siyang lalong nagpapakaba sa akin. Rhian, umayos ka! Hindi ka p'wedeng madala.
Sinusubukan kong manlaban subalit hindi hamak na mas malakas siya sa akin at wala akong panama sa kaniya. Sobrang lapit na rin ng mga mukha namin at ramdam ko na ang mainit niyang hininga na lumalabas sa kaniyang bibig sa tuwing nagsasalita. Kaunting na lang at kakagat na ako sa pang-aakit niya.
"Rhian, ayaw mo ba? Alam kong pareho tayong dalawa na nangangarap makalabas sa lugar na ito. Alam kong alam mo na may iba pang paraan para makalabas. Bakit hindi natin gawin ito ngayon? Hindi ka na birhen kaya p'wede na rin kitang galawin," mariing giit niya sa akin.
Nang dahil sa sinabi niyang ito ay unti-unti akong lumayo sa kaniya. Hindi ko akalain na ito pala ang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng lakas ng loob na akitin ako. Alam niyang may iba nang nakauna sa akin kaya kanina niya pa ako pinagnanasahan. Hindi ko ito inaasahan.
"Bakit ka ba hindi papayag? Sisiguraduhin ko naman na mas magaling ako kaysa sa nakauna sa iyo. Hindi ka na lugi sa akin. Isa pa, pareho rin naman tayong makikinabang. Pareho tayong panalo sa dulo kaya bakit magdadalawang-isip ka pa?" nakangising tanong niya.
Sa halip na masindak ako sa kaniyang mga sinasabi ay tila magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ko. Kung sa ibang pagkakataon sana ay baka pinag-iisipan ko ito subalit iba ngayon, hindi ko pa nahahanap si Thymine. Hindi ko p'wedeng unahin ang sarili ko.
"Milo, sa ibang pagtataon mo ito gawin at baka sakaling pumayag ako. Huwag mong guluhin ang isip ko dahil may kailangan akong hanapin. Tumabi ka na riyan. Saka mo na ako balikan kapag wala na akong problemang iniisip. Naiintindihan mo?" mariing giit ko sa kaniya.
Gusto ko rin na malabas sa lugar na ito pero kailangan na si Thymine ang unang makaligtas. Hindi na baleng makulong ako sa bahay na ito basta wala na siya at hindi na nanganganib ang buhay. Doon lang ako tuluyang makakahinga nang maluwag at iisipin ang sarili.
"Rhian, hindi naman ako 'yong tipo ng taong sasamantalahin ang pagkakataon. Magiging maingat ako sa mga galaw ko at bibigyan kita ng pagkakataong maramdaman ang saya. Siguradong hindi mo pagsisisihan kapag ibinigay mo sa akin ang sarili mo. Hindi kita bibiguin," determinadong sambit niya sa akin.
Mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa akin at halos tumama na ang mukha ko sa kaniyang matigas na dibdib. Wala kaming ibang ginagawa subalit pawis na pawis na ngayon ang aming mga katawan. Nanginginig din ang mga tuhod ko dahil sa sensasyon na nararamdaman ngayong magkadikit ang katawan namin ni Milo.
"Milo, naiintindihan ko na gusto mong makalabas subalit iba ang prayoridad ko ngayon. Kailangan kong hanapin at protektahan si Thymine. Saka na kita babalikan kapag nakaligtas na siya. Makapaghihintay ka naman, hindi ba? Hindi pa ito ang oras para gawin ang bagay na ito," seryosong sambit ko sa kaniya.
Hindi ako p'wedeng magpadala sa tukso lalo na at hindi ko alam kung nasa maayos na kalagayan ba si Thymine. Kailangan kong labanan ang taksil kong puso at malanding isipan. Kahit na gusto ng katawan ko, kailangan ko itong pigilan.
"Bakit ba palagi na lang si Thymine ang bukambibig mo? Paano naman ako, Rhian? Gusto kita. Pagkarating pa lang sa lugar na ito ay tinatangi na kita. Lagi kitang tinitingnan at nangangarap na mangyari ang pagkakataon na ito. Ang makasama ka at tayong dalawa lang," puno ng emosyon na sambit sa akin ni Milo.
Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin at paniwalaan. Nagtatalo ang isip ko ngayon kung dapat na ba akong umalis o manatili na lang sa tabi ni MIlo. Pinahihirapan niya ako. Buo na ang loob ko kanina na tumayo pero nagbabago na naman ito ngayon. Nakakainis!
"M-Milo, hindi pa talaga p'wede sa ngayon. Hayaan mo, ako na ang mismong lalapit sa iyo kapag p'wede na. Manatili kang ligtas at buhay para mangyari ang bagay na iyon. Nakukuha mo ba ang gusto kong sabihin?" kalmadong tanong ko sa kaniya.
Nagulat na lamang ako nang bigla niyang hawakan ang ulo ko at ginawaran ako ng isang halik. Hindi ko ito inaasahan. Dahil sa gulat ay hindi ko masabayan ang kaniyang dila na nagpupumilit pumasok sa bibig ko. Ano bang nangyayari? Bakit nagiging mapusok si Milo? Ganito niya ba talaga kagusto na may mangyari sa amin?
Hindi siya nagpatinag hanggang sa tuluyang bumigay ang bibig ko at sa wakas ay nagawa niya nang laruin ang dila ko. Nakikipag-espadahan ito at dahil na rin sa kabog ng damdamin ay nagawa kong makipagsabayan sa kaniya. Tang ina naman, Rhian! Tama ba itong ginagawa mo? Umayos ka!
Walang may balak bumitaw sa paghahalikan namin at habang tumatagal ay mas lalong itong lumalalim. Sinusundan ko lang ang kaniyang halik at napapansin ko na unti-unti itong nagiging agresibo. Mas nagiging mapusok. Madiin at halatang sabik na sabik.
Bumalik lang ang katinuan ko nang bigla niyang hinaplos ang likuran ko at naglalakbay ito papalapit sa hinaharap ko. Tama na ang isang pagkakamali. Hindi na dapat ako magpadala pa sa kaniya. Ako na ang bumitaw sa halik dahil alam kong sa iba pa 'to mapupunta kapag nagpatuloy.
"Kung ayaw mo akong samahan ay bahala ka. Basta ako, hahanapin ko si Thymine at poprotektahan siya. Hindi ko kailangan ng tulong mula sa iba dahil kaya ko naman 'yon gawin mag-isa. Saka na lang tayo mag-usap kapag maayos na ang lahat," determinadong sambit ko bago hawiin ang kaniyang mga braso na napulupot sa akin.
Mabuti na lang at hindi na niya ako pinahirapang makatayo. Saglit kong inayos ang suot ko na kupasing damit at bahagyang sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri. Kailangan kong ayusin ang sarili ko at walang ibang dapat na makaalam sa nangayri ngayon. Siguradong pagkakaguluhan ako ng iba.
"Maiwan na kita. Mayroon pa kasi akong hahanapin na Thymine at siguradong hinahanap na niya ako ngayon. Siya nga pala, huwag mong bigyan ng malisya ang halik natin kanina. Balewala lang 'yon. Huwag mong isipin na nakaisa ka sa akin. Sige na, mauuna na ako," kaswal kong sambit sa kaniya bago lumabas ng silid.
Sana naman ay hindi niya iniisip na ginusto ko ang ginawa naming halikan kanina. Sadyang nadala lang ako ng emosyon at hindi ko napigilan ang bugso ng damdamin ko. Alam kong mali ang bagay na iyon pero masyado akong nadala sa sensasyon na ibinibigay niya. Muntik ko na namang makalimutan si Thymine.
Nagpalinga-linga na lang ako at nagbabakasakaling matanaw si Thymine sa palapag na ito. Siguro naman hindi siya pumunta sa malayong lugar dahil wala siyang ibang kasama. Hindi mahina ang utak niya para sa bagay na 'yon. Hindi niya magagawang ipahamak ang sarili niya.
"Saan ka ba nagpunta, Thymine? Masyado mo akong pinag-aalala. Saang lupalop ng bahay ni Kamatayan kita matatagpuan? Masyado itong malaki para maghanapan tayong dalawa. Nasaan ka ba?" mahinang bulong ko sa sarili ko.
Nakarinig ako ng mga yabag at sa palagay ko ay papunta sila sa kinatatayuan ko ngayon. SIgurado ako na sa gawing ito sila dadaan. Hindi nagtagal ay tumambad sila Klian sa paningin ko matapos nilang lumiko sa may pasilyo. Sinasabi ko na nga ba, hindi ako nagkamali.
"Rhian, tulungan mo kaming magtago. Hinahabol kami ni Kamatayan dahil may nabasag na gamit si Thymine sa silid ng misteryo. Hindi na namin alam kung anong gagawin. Siguradong papatayin niya kami," hinihingal na sambit ni Klian at hinawakan pa ako sa braso.
Sa sinabi niyang iyon ay biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Kaagad kong hinablot ang braso ni Klian at mariing siyang tiningnan. Siguradong may alam siya kung saan ko makikita si Thymine. Kung totoo ang sinasabi niya, nanganganib ang buhay nito ngayon.
"Nasaan si Thymine? Bakit hindi niyo siya kasama? Hindi niyo naman siya iniwan, hindi ba? Klian, sagutin mo ang tanong ko kung ayaw mong ako ang pumatay sa iyo ngayon," singhal ko sa kaniya.
Kinakabahang tumingin siya sa akin at bahagya pang tumango bago magsalita. Kinakabahan ako sa mg posible niyang sabihin pero kailangan ko ng impormasyon. Hindi ako p'wedeng mahuli. Kailangan kong iligtas si Thymine kahit na anong mangyari.
"Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon. Tinangay siya ni Maxine papalayo sa amin. Hindi ako sigurado kung saan sila pumunta. R-Rhian, iligtas mo kami sa kamay ni Kamatayan. Nakikiusap ako sa iyo," kinakabahan at nagmamakaawang sambit niya.
Nagimbal ang mundo ko nang dahil sa narinig. Kahit na hindi alam kung saan pupunta ay kaagad akong napatakbo sa pasilyong tinahak kanina nina Klian. Hindi ito p'wedeng mangyari. Hindi siya p'wedeng makita ni Kamatayan ngayon dahil wala ako sa tabi niya. Hindi ko siya maipagtatanggol.
Thymine, sana ligtas ka. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may hindi magandang nangyari sa iyo.