Chapter 4: RIMO

KUMUNOT ang nuo ko habang papasok kung sana ako nag-tratrabaho.

Nakita ko ang bisor namin na na nagpapa-cute sa lalaking nakatalikod ngayon sa gawi ko.

Nang makalapit ako. Saka ko lang narinig ng maayos ang paguusap ng dalawa. Hindi naman ako tsimosa. Slight lang naman hehehe.

“Sure na sure pogi! Pwede kang magtrabaho dito! Gusto mo magumpisa ka narin ngayon”. Medyo pabebe yata ang pagkakasabi ng bisor ko. Tsk.

“Thank you madam.” Wika naman ng lalaking nakatalikod.

Pinigil ko na ‘wag matawa ng mamula ang bisor nila.

“O siya sige ipapasama nalang kita sa Isa sa mga sale lady dito. Okay lang bang kahit pangit nalang ang sumama sayo?”

Napataas ang kilay ko sa sinabi nito. Mukhang ako yata ang tiniutukoy niya.

Bahagyang tumango ang lalaki. Alam kong gwapo ito dahil matikas at napakaganda ng likod nito. Ano pa Kaya sa harap? May pandesal kaya?

Napaigtad ako ng magtama ang mata nila ng bisor ko. Nakita kong lihim na pag irap niya.

“Oh Aya! Halikana nga rito at may ipapagawa ako sayo !” Tawag ng napakabait na bisor niya. Please Note the Ahm! Basta !

Pilit akong ngumiti saka lumapit sa kanila. “Sige po” pagpayag ko.

“Ilibot mo itong bago nating trabahante At wag mong landiin. Iikot mo lang may pupuntahan kasi ako kaya ikaw nalang. Wag kang gagawa ng kapalpakan Aya. Maliwanag ba?” Anito ng may balala.

Lihim akong napalunok. Dahil para siyang mangkukulam. Yung parang nasa Hansel and Gretel.

Tumango saka tumingin sa damuhong lalaking ito-tour ko daw.

Nang makita ko ang kulang luntiang mga mata niya. Nanlaki ang kanyang mga mata ko.

“ O siya. Mauuna na ako Aya yung bilin ko” may babalang wika ng bisor namin na hindi ko naaintindihan. Dahil gulat na gulat parin ako sa nakitang damuho. Anong ginagawa ng hayop na ito rito?

“I-ikaw anong ginagawa mo dito?” Gusto kong tampalin ang nuo ko dapat hindi ako nautal.

Tumaas ang kilay niya at bahagya pang ngumisi. Aba!

“Obviously, magtratrabaho ako rito.” Anito

Lalong uminit ang ulo ko sa pamimilosopo niya.

Tinignan ko siys ng matalim. “At bakit aber? Mayaman ka kaya! At may kotse ka pa nga eh. “ Mataray na aniya. Eh sa totoo naman eh. Branded pa nga ang suot niya. White shirt and maong pants. Take note ha Original Nike pa ang shoes.

“Mukha lang pero hindi ako mayaman. I need work.” Anito.

“Im not beveling you.” Mataray na sagot ko.

Natawa siya at napapatitig siya na parang manhang mangha saakin.

“Seriously ! Hahaha Ayeshana it’s ‘believing’ you not beveling hahaha” natatawang saad niya.

Inirapan ko siya para itago ang pagkapahiya. Anak ng tokwa naman oh nakakahiya.

“Ede wow, halikana na nga at baka masapak pa kitang demonyo ka.”

“What?” Nakakunot na tanong niya.

“Anong demonyo? Its Rimo.” Pagtatama ng pangalan niya.

Umikot ang mga mata ko. “Parang Demonyo ka naman eh ang Arte, tsk!” Masungit na sabi ko saka tumalikod.

“Halikana, Kundi iiwan kita rito.” Sabi ko habang naglalakad. Naramdaman kong nakasunod siya sa likod ko.

Kunot nuo akong humarap sa kaniya ng marinig kong sumipot siya. Nahuli ko siyang nakatingin sa puwitan ko.

Aba bastos rin pala ang gonggong na to.

“Ano ba wag kang tumingin sa puwitan ko ! Ang bastos nito !” Inis kong saway sa kaniya at tinapunan siya ng masamang tingin.

Tumaas lang ang dalawang kamay niya na para bang nagpapahiwatig na suko siya.

Pilyo siyang ngumisi saakin. Kinagat pa niya ang pang ibabang labi. Parang bang nangaakit.

“Nice ass.” Husky ang pagkakasabi niya.

Mabilis ko itong inambahan ng suntok pero napaiwas siya.

“Pag hindi ka tumigil maysa sasapakin kita. Hindi na ako natutuwa sayo!” Bulyaw ko dito.

Tinignan ko ito ng sobrang Sama nang tumawa lang siya.

“Okay, okay hindi na i-tour mo na ko”

Tinignan ko siya ng may pagbababala.

Natawa lang siya saka sinenyasan akong magpatuloy na.

Pilit kong nilalabanan ang inis ko habang inililibot siya.

Mahigit tatlong oras ko rin siyang Inilibot.

“O ayan nailibot na kita. Pwede kanang magtrabaho.” Sabi ko saka nagsimulang maglakad palayo dito.

“Wait.” Pigil niya saakin.

Kaya napalingon ako dito at tinaasan ko siya ng kilay.

“Ano?” Tanong ko. Ano bang gusto niya?

Nakita kong nagaalangan siyang magsalita kaya tumalikod na ako at nag umpisang maglakad ulit. Aba kung ayaw niyang sabihin Edi wag tsk. Pabebe si kuya.

“Ayeshana.” Muling tawag niya saakin.

Naiirita ko itong tinapunan ng masamang tingin.

“Ano nga!?”

Napakamot siya ng ulo. Parang nagaalangan sa susunod na sasabihin niya.

“Ahm.” Tumikhim siya bago nagsalita. “Kain tayo sa labas total naman mag lu-lunch na. Don’t worry libre ko.” Anito.

Bahagya akong natigilan. Ililibre niya ako hmm wala naman sigurong masama. Bayad niya nalang sa pang ee-stress niya saakin.

“Sige.” Pagpayag ko.

Lumapit ito saakin at inakbayan ako.

“Let’s go.” Anito saka hinila ako palabas.

Pilit kong tinatanggal ang kamay niya pero lalo pa nitong hinihigpitan ang pag-kakaakbay saakin.

“Rimo, yang kamay mo Alisin mo nga!” Inis na suway ko rito. Masyadong feeling close.

Kumindat lang siya pero hindi tinanggal ang pag-kakaakbay saakin.

Napa buntong hininga nalang ako. Ang Tigas nang ulo ng hinayupak na to

Hiniyaan ko nalang hilain niya ako kung saan man. Napakunot nuo ko ng makitang papasok sila sa isang mamahaling Fine dining restaurant.

Dito sila kakain? Lumapit sa kanila ang isang waiter bahagya pa itong yumukod na ikitaka ko ang galang naman nito.

“Lord-este Sir, sumunod po kayo saakin nakahanda na po ang i-norder niyo” magalang na wika nito.

Pero lalong ikinataka ko kung bakit parang takot na takot ito kay Rimo. Lalo na ng tignan siya nito ng masama ng sabihin nitong Lord.

“Tsk, lead the way” utos ni Rimo.

Sumunod lang sila dito. Hanggang makarating sila sa isang table na may mga pagkain ng nakahain. Wow mukhang masasarap.

Napalunok ako saka tumingin sa binatang nakatingin rin pala saakin. Medyo kinabahan pa nga ako kasi parang may iba sa tingin niya. Parang kasi itong may tintignang bagay na pag mamayari niya. Yung look na parang bang papatay siya pra hindi lang ito makuha. Creepy right?.

“Eat now Ayeshana” baritonong utos niya.

Napalunok ako. Bakit parang ang sexy ng pangalan ko pag ito ang nagsasabi?

Kinuha ko ang kutsara at tinidor bago nag umpisang kumain.

“Hindi mo naman kailangan sabihin ng buo ang pangalan ko, Aya nalang” sabi ko habang kumakain.

“Nope, I will call you Ayeshana. I like it more” sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko.

Nakikita kong sersoyo ito. At para itong isang haring hindi mo pwedeng tanggihan.

“Kung yan ang gusto mo. Pero anong fullname gusto ko ring tawagin ka sa sa totoo mong pangalan para fair no”

Nakita kong natigilan siya. Saka seryosong tumingin saakin.

“ Do you really want to know?”

Tumango ako

Nagpunas siya ng bibig. Ang taray wala namang dumi eh. Sumandal ito sa upuan.

“I’m Rimo Alejares” anito.

“Rimo lang talaga ?” Taas kilay kong tanong.

“Yeah”

Napanguso ako. “Ede wow” sabi ko saka nagsimulang kumain ulit.

Rimo chuckled. “You really amazed me ayeshana.” Napatingin ako sa kaniya. Bahagya akonh napalunok sa klase ng titig niua. Parang nakakatunaw, nakakapanghina. “ You look so innocent, pure and funny, Happy go lucky woman.”

Nakikita ko sa mga mata niys na na-amuase ito saakin at parang may curiosity sa mga mata niya.

“ I wonder anong bagay ba ang makakasakit at wawasak sayo?” tanong niya.

Kinalibutan ako sa paraan ng pagkakasabi nito. Pero nais ko ring batukan ang sarili ko kasi napaka-gwapo niya lalo na pag seryoso.

Damn ang hot ni pogi. Pero secret lang yun.

Napatitig ako sa mga mata niya. Parang Nakakatakot ang mga tingin niya.

Naging intense ang atmosphere sa loob ng restaurant sa pagitan nila.

Ngunit nabasag ito ng ngumiti siya at tumawa ng malakas.

“ Hahaha Nakita mo sana yang mukha mo epic hahaha.” Natatawang anito.

Naningkit ang mata ko saka ibinato dito ang tissue.

“Baliw ka talaga!” Inis na sabi ko sa kaniya bago ako sumubo ulit.

Nakasimangot ako habang kumakain habang tawa ng tawa ang binata.

Bwisit