Chapter 23

ILANG buwan niya rin na hindi nasilayan ang pag baba ng araw at pag taas nito.

Kaya ngayon ay nakaupo siya ulit sa dalampasigan at pinag mamasdan ang pag lubog nito sa malawak na kalangitan.

Hindi man katulad sa Costa ay nag bibigay pa rin ito ng peace of mind sa kaniya.

Sinabihan niya si Dior na huwag na sumama sa kaniya, katulad nang palagi niya ginagawa ay hindi siya pumapayag na may suma-sama sa kaniya.

Napahinto siya sa pag-iisip na maalala na may isang tao siya pinayagan na samahan siya sa tuwing pinag mamasdan niya ang pag lubog ng araw at pag angat nito.

Umiling na lang siya ng maalala ito ulit, ilang beses na niya ito pinipigilan na isipin ulit pero ngayon kahit anong gawin niya ay kasama na si Xavier sa mga alaala niya, lalo na kapag napunta siya sa dalampasigan.

Pinunasan niya ang kaniyang pisngi dahil sa mga luha niya na hindi niya mapigilan bumuhos.

Napahinto na lang siya sa pag pahid ng mga luha niya ng may mag lagay ng blanket sa balikat niya.

Lumingon siya agad dito, at hindi niya inaasahan ang pag lingon niya ay makikita niya si Xavier sa tabi na naka ngiti sa kaniya.

Isa ang mga ngiti na iyon sa nag papabilis ng puso niya.

"Xavier." Mahina nitong saad sa binata.

Nagulat naman siya ng hilahin siya nito para yakapin. "Bakit sa tuwing nakikita kita rito sa dalampasigan ay palagi ka na lang umiiyak?" Saad ni Xavier sa tenga ng dalaga at dahan-dahan hinahaplos ang buhok nito.

Aalis na sana siya sa pagkakayap nito, "Ikaw pala yung babaeng sinama niya rito." Sagot pa nito sa kaniya.

Napa-kunot na lang ang dalaga at nag-taka sa sinabi nito.

Tahimik lang si Ensley at hindi sinasagot ito.

"Dior." At sa pag banggit nito sa pangalan ay doon na lang tumango ang dalaga.

"Wait! How did you kno—" tanong sana ni Ensley ngunit naunahan siya ni Xavier sa sagot sa tanong niya at napag tanto ang gusto nitong sabihin.

"Sa amin itong resort beach/Ikaw yung kakilala ni Dior na may resort beach?"

Sabay na salita ng dalawa habang nakatitig sa isa't isa.

SINAMAHAN na siya ni Xavier sa pag balik sa loob ng resort house, habang nag lalakad sila pabalik ay hindi niya alam ang sasabihin dito. Kung bakit siya andito kasama si Dior? Pero kahit ganoon ay hindi ito nag tanong sa kaniya, tahimik lang din ito sumasabay sa kaniya.

Napahinto sila sa pag lalakad ng makita si Dior at napahinto rin ito.

Tumingin naman si Ensley sa kamay nito na may hawak na jacket, sa tingin niya ay sa lalaki iyon.

Lumapit si Dior sa kanila, at tumingin kay Xavier.

"Anderson, I didn't know you're here—" saad nito kay Xavier habang kinukuha kay Ensley ang blanket nakabalot sa balikat nito at inabot ang isang jacket na bitbit nito sa kamay.

"Pasensya na kung biglaan ako tumawag kanina." Tugnong pa nito rito.

"Bigla kasi nag crave ng dagat itong si Ensley, sa tingin ko namimiss niya yung sa kanila." Saad pa ni Dior.

Tinulungan naman si Ensley ni Dior na i-zipper ang jacket sa kaniya habang hindi makatingin ang dalaga rito, nakagat na lang niya ang ibabang labi sa kaba nararamdaman.

Tumawa ng mahina si Xavier bago sagutin ang kaibigan, "Gusto ko sana makita yung babae na dinala mo rito, for the first time."

Napalingon si Ensley kay Xavier, "But I guess, you already met her." Sagot naman ni Dior dito at tumawa pa.

At nabalik ang tingin niya kay Dior na kanina pa nakatingin sa kaniya, namula naman siya at umiwas na lang ng tingin dito.

Ngumiti si Dior sa naging reaksyon ng dalaga at walang sabi na inakbayan ito.

"Nakita ko siya sa dalampasigan kaya lumapit na ako." Sagot naman ni Xavier.

Na kinalingon ni Dior sa kaibigan at pagkawala ng ngiti nito sa labi.

Napansin iyon ni Ensley kaya dali-dali niya kinuha ang blanket nasa kamay pa ni Dior at inabot kay Xavier. "Salamat."

KANINA pa siya nahatid ni Dior sa kwarto niya, naka paglinis na rin siya ng katawan at nagpalit sa pajama niya.

Ngunit hindi siya makatulog nang maayos. Paikot-ikot siya sa kama pero wala siyang mahanap na kumportable na pwesto.

"Argh!" Inis na saad ni Ensley at tumayo sa kama at lumabas ng kwarto.

Napatigil siya sa harapan ng pinto ni Dior na katabi niya lang. Kakatok na sana siya rito ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa kaniya si Dior.

"Di—" naramdaman na lang ni Ensley ang kamay ng binata na humawak sa pisngi niya at ang bibig nito na ngayon ay naka dikit na rin sa bibig niya.

Ibinalik ni Ensley ang halik dito at kumapit na rin sa binata.

Namalayan na lang niya nasa loob na sila ng kwarto nito at nadikit na siya nito sa ding-ding.

Binuhat din siya ni Dior and she willingly put her legs around his waist.

Bumaba ang halik ni Dior sa kaniya at napunta ito sa leeg niya, nahubad na rin nito ang pang itaas niya na malaya na nitong hinahawakan ang kaniyang dibdib.

Naramdaman na lang niya ang malambot na kama sa kaniyang likuran, hindi niya namalayan nadala na pala siya nito sa higaan.

Tinanggal ni Dior ang pajama pants niya at hinalikan ulit siya nito.

"God! I love this." Saad nito sa kaniya at pinang-gigilan ang labi nito.

Hindi alam ni Ensley ang nangyari pero bigla na lang niya ulit naalala si Xavier at ang mga desisyun na ginawa niya at kung paano naging disappointed si Lucas sa hindi niya pag sabi dito ng totoo.

Unti-onti pumasok ang mga bagay na ayaw niya isipin at pilit kinakalimutan.

"What's wrong, baby?" Nag aalalang tanong ni Dior dito ng maramdaman na umiiyak na si Ensley.

"Did I hurt you?" Tanong pa nito. Umiling lang ng umiling si Ensley dito at patuloy pa rin sa pag iyak.

Hinubad ni Dior ang suot na damit at pinasuot kay Ensley ito.

"What are you doing?" Takang tanong ng dalaga rito.

Hinila naman siya ni Dior para pahigain ng maayos at kinumutan din siya nito. "Shh, I know you're tired. I'll let you sleep na." Saad nito sa tenga niya at niyakap na siya nito patalikod.

Habang si Ensley naman ay patuloy pa rin sa pag iyak.

MAAGA nagising si Ensley katulad ng karaniwang ginagawa niya sa tuwing pumupunta siya sa dalampasigan nu'ng nasa Costa pa siya.

Inayos niya ang kumot ni Dior habang mahimbing ito natutulog sa kama.

Bumalik siya sa kwarto niya para maligo at mag bihis na rin. Mamayang tanghali ay babalik na rin sila sa Centro.

Bumababa na siya sa lounge at hindi niya inaasahan na makita si Xavier dito habang may hawak na dyaryo at umiinom ng kape.

Hindi niya alam kung lalapit ba siya rito o hindi, pero sa huli ay nag desisyon siya na lumapit pa rin dito.

Katulad nang madalas nilang ginagawa sa Costa, binati niya ang binata.

"Morning, Xavier."

Napalingon naman sa kaniya ito, at ngumiti ng malaki. "Good morning, Ensley."

"Sige, mauna na ako. Morning routine." Saad pa ng dalaga.

Nilagay na ni Xavier ang dyaryo sa coffee table at tumayo na ito at kinuha ang isang gatas na ngayon niya lang napansin.

"Tara na?" Saad nito at ibinigay sa kaniya ang gatas.

"Ha?" Takang tanong ni Ensley sa binata.

"Pupunta tayo sa morning routine mo. Kasama ako sa as usual routine mo, diba?" Namula naman siya.

At sa huli ay pumayag pa rin si Ensley na sumama si Xavier. Katulad nang palagi niyang pag payag dito nung nasa Costa pa sila.

INUNAT ni Dior ang kamay para kapain si Ensley sa kama pero wala siya naramdam sa kaniyang tabi.

Minulat niya ang mata at nakita na walang Ensley naka higa sa kama ngayon.

Madalian siya bumangon at pumunta sa loob cr para maligo.

Pagkatapos niya mag bihis ay dumiretso siya agad sa kwarto ng dalaga. Kumatok siya ng ilang beses dito pero walang sumasagot dito.

Sinubukan niya rin tawagan ito pero walang sumasagot at tinext na rin niya ito pero hindi rin ito sumasagot.

Bumababa siya sa lounge at tinanong sa receptionist kung nakita niya ang babaeng kasama niya kahapon.

"Kausap niya po kanina si Sir Xavier and sa tingin ko po ay nasa dalampasigan sila ngayon."

Nag pasalamat naman si Dior dito at lumabas na para pumunta sa dalampasigan.

Naabutan niya ang mga ito nakaupo sa dalampasigan habang nakatanaw sa malawak na karagatan. Sumikat na rin ang araw at nasa kalangitan na ito.

Napansin naman niya ang dalawa, si Ensley ay nakatingin lang sa malawak na dagat habang si Xavier naman ay nakatingin kay Ensley.

Kumunot ang noo ni Dior ng makita ang akto na iyon. Madalas niya mapansin kung paano tumingin si Xavier sa dalaga at kung paano hindi alam ni Ensley kung paano kumilos sa harapan nito.

Naalala niya ang sinabi ng dalaga kagabi nang gusto niya sana samahan ito manuod ng sunset.

"Sorry, Dior. I want to be alone with myself and my thoughts kapag nanunuod ng sunset and sunrise."

Hindi niya alam ang kaniyang nararamdaman ngayon. Gusto niya puntahan ang dalawa at ilayo si Ensley sa kaibigan pero hindi niya magawa igalaw ang dalawang paa papunta sa kanila.

Namalayan na lang niya nakaharap na sa kaniya sina Ensley at Xavier.

"Oh my god! Dior! I'm sorry, hindi na kita nagising kanina." Saad ni Ensley dito.

"Ha? Mag kasama kayong dalawa sa isang kwarto? Akala ko ba dalawang kwarto ang kinuha mo?" Gulat naman na tanong ni Xavier sa kanilang dalawa.

Mag sasalita na sana si Dior ng maunahan siya ni Ensley.

"Mali ka ng iniisip, what I meant is hindi ko na siya nakatok para gisingin." Sinagi naman ng dalaga si Dior para mag salita.

"Yeah! I guess." Seryosong sagot nito.

"Saan dito yung pinag mamalaki mong menu niyo, Anderson?" Pag balin nito sa kaibigan.

KATULAD ng biyahe papunta sa Calista ay tahimik lang ulit ang dalawa pauwi sa Centro.

Nag paiwan muna doon si Xavier dahil may aasikasuhin pa raw ito.

Hindi naman niya alam ang sasabihin kay Dior, palagi na lang siya kinakabahan kapag kasama niya ito at palagi na lang din siya hindi alam sasabihin sa tuwing mag kasama silang dalawa.

Gusto niya sana mag kwento rito pero hindi niya alam kung makikinig ba ito lalo na mukha itong galit sa kaniya.

Pagkarating nila sa bahay ay tahimik lang na bumaba si Dior at kinuha ang mga gamit sa sasakyan.

Bumaba na rin siya at tutulong na sana rito para bibitin ang gamit niya pero naunahan siya ni Dior bitbitin ito at nauna na sa loob ng bahay.

Inis naman na sumunod si Ensley dito.

"Why are you mad?" Tanong niya sa binata at tinitigan ito.

Hindi siya nilingon ni Dior at dumiretso lang sa itaas para ilagay ang mga gamit nila.

Sumunod naman si Ensley nang nasa kwarto niya na si Dior.

Inis na tinitigan niya ito. "What is it?" Tanong niya ulit dito.

Seryoso naman nakatingin si Dior "Nothing." Hindi kumbensido si Ensley sa sagot nito at lumapit na rito.

"I'm sorry, okay?" Hinawakan niya pa ang dalawang braso ng binata kahit na sobrang tangkad nito sa kaniya at mas hamak na malaki ang mga braso nito kaysa sa mga kamay niya.

"I'm famished." Flat na sagot nito with a stern look in his face at nilagpasan siya.

Hindi agad nakakibo si Ensley sa inakto nito.