Chapter 22

'ENSLEY, dalian mo naman diyan sa restroom at baka mawalan na tayo ng mauupuan.' Saad ni Chloe sa kabilang linya.

Nasa loob ng cubicle si Ensley, bigla na lang sumakit ang tiyan niya nang makarating sila sa University. Hindi niya alam kung ano ba ang kaniyang nakain para mag loko ang kaniyang tiyan.

Ngayong gabi rin ang laban ng soccer teams, kahit naman papaano ay maaga sila nakarating kaya hindi siya nag aalala na hindi nila maabutan ang laban.

Sadyang exaggerated lang talaga ang kaniyang kaibigan tsaka sinabihan niya rin ito mauna na pero hindi ito pumayag.

"What did you eat ba kasi?" Pag bungad ni Chloe sa kaniya, pagkalabas niya sa restroom. "Baka expired na yung gatas nasa ref" Sagot na lang nito sa kaibigan.

Sa malawak na soccer field, maririnig ang mga drums at ilang turutot sa paligid. May mga hiyawan din ng mga babae kahit hindi pa nag sisimula ang game.

Bitbit ni Chloe ang isang coca-cola at isang hotdog sandwich. Si Ensley naman ay bumili na lang ng tubig dahil baka kapag bumili pa siya ng pag kain ay hindi na niya mapanuod ang buong game.

Kahit na marami ng mga estudyante ang nakaupo sa mga benches ay meron pa rin mga estudyante na nag lalakad at pumapasok. Isa na sila roon sa kakapasok lang at nag hahanap na ng mauupuan.

Puno na ang unang row, kaya kailangan pa nila Ensley pumanhik sa hagdan para makarating sa empty slots na mga upuan.

"Excuse me" saad ni Ensley sa mga estudyante na nakaharang, habang nakahawak naman siya kay Chloe.

Nasa bandang gitna ang nahanap nilang mauupuan. Maganda ang naging pwesto nila, hindi ganoon kalapit at hindi rin ganoon kalayo. Kitang kita rin ang buong soccer field.

"Finally, nakaupo rin tayo." Saad ni Chloe.

Hindi dapat manunuod si Ensley sa game ngayon kung hindi siya pinilit ni Chloe. Ang hula ni Ensley ay gusto lang nito mapanuod ang kuya Logan niya na mag laro.

Makikita rin sa soccer field ang ilang mga players. Ang ilan ay nag papractice at ang ilan naman ay nasa benches.

May dalawang mascot din na tag isa para sa Gaspard University at sa guest team na Maxence University.

Una niya nakita sina Xavier at Parker na nag uunat ng katawan. Hinanap naman ni Ensley si Dior pero hindi niya ito makita.

"Ang gwapo talaga ni Logan." Kinikilig na saad ni Chloe habang may kasama pang palo sa kaniya.

"Ens, bakit si kuya Dior hindi nakikisama sa kanila? Nasa bench lang siya nakaupo oh!" Sinundan naman ni Ensley ang kamay ni Chloe nakaturo kay Dior.

Nakita niya itong nakaupo lang doon, gusto niya sana tawagin ito pero baka kung anong isipin ng ibang estudyante. Sa huli ay wala na siya nagawa kundi titigan ito hanggang lumapit na ang kuya Logan niya rito.

Nag sigawan ang mag kabilang school ng mag simula na tawagin ang mga players para pumunta sa field.

Lalo lumakas ang sigawan at tunog ng drums ng mag simula na ang laban. May mga cheer leaders din ang nasa unahan para i-cheer ang mga players.

"Cheerleader pala si Scarlett?" Tanong niya kay Chloe pero hindi siya nito narinig dahil sa lakas ng mga hiwayan at tambol.

Magaling ang dalawang team, at hirap din sila maka score. Magagaling ang players at ang dalawang goalkeeper’s ng bawat grupo.

Ngayon niya lang din napanuod ang kuya Logan niya mag laro, aware siya na marunong ito pero hindi siya aware na pwede na maging professional ang kuya Logan niya.

Nagulat ang lahat ng pumasok ang bola ng kabilang team at nag hiwayan ang mga taga school nito.

Hindi niya akalain napaka nerve-racking nang larong ito. Mahirap maka-goal dito at lalo na nakakapagod ang laro na ito.

Nag hiyawan sila ng maka-goal na rin ang kanilang team. Tie na ang score.

Hindi rin maiwasan na ma-injured ang ibang players. Kanina nasanggi si Parker pero hindi naman ito malala at tumuloy pa rin sa laro.

Ilan minuto na ang nakakalipas pero hirap pa rin ang dalawang grupo maka-goal ulit. Simula magka-goal ang University nila ay mas lalo naging seryoso ang bawat grupo.

Nagkaroon ng 15 mins break sa bawat players. Nag uusap ang mga ito sa magiging strategy sa susunod na oras.

Nang makabalik ang dalawang teams sa field, mas naging mainit ang laban. Parehas pa rin na may tag isa itong score.

Pumito ang referee, ibig sabihin tapos na ang unang half.

"Ens, punta muna akong banyo. Dito ka lang." Pag papaalam ng kaibigan. Gusto niya sana ito samahan ngunit nag pimilit ito na hintayin na lang siya dito sa bench at baka mawalan pa kami ng pwesto.

Tumingin siya sa bench sa ibaba kung nasaan ang mga players. Nahagip ng mata niya si Dior, at si Scarlett na lumapit dito para abutan ng inumin at tinanggap naman ito ni Dior.

Napaisip si Ensley kung sumali rin kaya siya sa cheerleading para makita niya ng malapitan si Dior. 'Ano na naman kalokohan na iniisip mo, Ensley!' Pagalit niya sa sarili at binalewala na lang niya ang inisip kanina.

Sa sumunod na half ng laro, nakabalik na rin si Chloe kahit medyo natagalan ito dahil daw maraming estudyante ang nasa banyo.

Nang malapit na maubos ang oras ay talagang nag trabaho ang dalawang teams pero sa huli, ang Gaspard University ang nakakuha ng panalo.

2-1 ang naging scores, at si Dior ang naka goal sa huling oras.

Nag sigawan sila ng maka-goal si Dior sa huli, pagkatapos niya maka-goal ay tumakbo siya habang nakataas ang isang kamay.

Nasaksihan ni Ensley ang ngiti nito sa screen at napa-ngiti na lang din siya. Pagkatapos ay sabay-sabay na nag takbuhan ang mga players dito at nag group hug sila.

Nang matapos ang laro, hinila na siya ni Chloe pababa, gusto nito batiin ang kuya Parker niya at shempre ang kuya Logan niya rin.

Pagkababa sa bench, lumapit sila sa soccer field. Gusto niya rin bitiin si Dior sa pagka-panalo nito pero hindi niya inakala na maabutan niya ito kasama si Scarlett at ang mas kinagulat niya pa ay bigla itong humalik kay Dior na hinalikan din ng binata at humawak pa ito sa bewang ng dalaga at hindi man lang umiwas.

Napatulala siya sa nasaksihan, at nagulat siya ng pag mulat ng mata ni Dior ay gulat na diretsong nakatingin ito sa kaniya.

Umiwas si Ensley ng tingin dito at nag lakad na palapit sa mga ito. Nang madaanan niya si Dior ay hindi niya ito pinansin at dire-diretso lang lumapit sa kuya Logan niya.

Pagkakita niya sa kuya niya ay ngumiti siya rito ng malaki at binati "Kuya Logan, Congrats. I didn't know you're great at this. I should watch you often na and dapat kasama na rin sina Mama." Tumawa naman ang kapatid at yayakapin na sana si Ensley.

"Eww, you're sweating tapos yayakapin mo ko?" Pang-aasar nito sa kapatid at umiling pa. "Ang arte naman nito—" at hinila na siya nito para yakapin "Kapag kay Xavier mag papayakap ka?" Bulong nito sa kaniya. Kinurot naman niya ito "May makarinig sayo, Kuya!" At binitawan na siya nito.

"Ehem!" Lumingon si Ensley sa gilid niya at nakita niya si Chloe naka ngiti sa kaniya. "Kuy—" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil naunahan na siya ni Chloe. "Congrats." Habang nag papacute rito, gusto na sana niya masuka ng makita ang kaibigan mag pacute sa kapatid niya.

Kinuha ni Ensley ang cellphone sa loob ng bag para kuhanan ng litrato ang kapatid ngunit nagulat na lang siya ng makita ang 30 missed calls galing kay Lucas.

Kinabahan naman siya kung bakit ito nag missed call sa kaniya. May ilang text messages din ito, na puro sinabi lang ay 'Answer my call, Ensley!' 'Ensley!' 'Where are you?' 'Goddamn it, Ensley!'

Hindi nag mumura si Lucas sa kaniya kaya lalo siya kinabahan kung bakit ito tumawag sa kaniya.

Lumapit naman si Ensley sa kapatid. "Kuya, tumawag ba sayo si Lucas?" Mahinang tanong nito sa kapatid "Hm? Hindi, bakit?" Takang tanong nito kay Ensley "May 30 missed calls kasi siya sakin." Kinakabahan na sagot niya rito. "Text?" Tanong pa nito "Meron kaso hindi niya sinabi kung bakit." Napaisip naman si Logan kung bakit ito tumawag "Tawagan mo na lang ngayon." Tumango na lang si Ensley sa kapatid.

"Chloe, may tawagan lang ako." Pag paalam niya sa kaibigan at humiwalay na sa grupo. Nakita naman niya si Summer na girlfriend ng kuya Logan niya na kakarating lang. Nag tanong ito kung saan siya pupunta at tinuro na lang niya ang kaniyang telepono, pagkatapos ay nginitian siya nito na binalikan niya rin ng ngiti.

Nakita niya si Dior sa gilid na seryosong nakatingin sa kaniya pero hindi na nito kasama si Scarlett. Iniwasan niya ito ng tingin at dumiretso sa labas para tawagan si Lucas.

Nakailang ring lang at sumagot na ito. "Lucas?" Tawag niya sa kabilang linya pero hindi ito sumasagot. Natatakot at kinakabahan na siya kung napaano ito.

Katahimikan, hindi na maiwasan ni Ensley kagatin ang daliri sa takot at kaba. "Lucas?" Tawag niya ulit dito.

"Why you didn't tell me?" Hindi alam ni Ensley ang sasabihin dito.

"Kung hindi nadulas si Nora, hindi ko pa malalaman." Sabi ni Lucas sa kabilang linya habang tahimik naman na nakikinig si Ensley at hindi na rin niya mapigilan umiyak.

"A-Alam ko kasi na hindi ka papayag." Mahinang sagot nito sa kaibigan. "A-At siguradong hindi ka rin papayag na hindi ko sabihin kala Mama at kuya." Kinakagat na rin ni Ensley ang labi sa pag pipigil ng iyak.

Bumuntong hininga na lang ng malalim si Lucas at "Anong balak mo ngayon? And please stop crying, I'm not there para patahanin ka." Napaupo na lang si Ensley sa gilid at umiyak na sa kaibigan.

"Sabi ko huwag ka umiyak pero mas lalo ka naman umiyak. Ano na lang ang gagawin ko sayo, Ensley."

"L-Lucas, I met Xavier h-here at—"

"WHAT?! Paano nangyari yon? May ginawa ba siya ulit sayo?" Halata na sa boses nito ang pagka-inis.

Napatahimik naman si Ensley at hindi na alam ang sasabihin dito. Hindi niya alam kung paano pakalmahin ang kaibigan, dapat pala hindi na lang niya ito sinabi pero wala na siya magagawa dahil nasabi na niya.

"ENSLEY? Ens?" Tanong pa nito sa kabilang linya.

Inayos ni Ensley ang sarili at ang boses, "Wag ka na mag-alala, we're good naman na. Nag kausap na kami and he's engaged na rin—Arranged marriage." At ngumiti pa rito na akala mo ay makikita ni Lucas.

Hindi naman nakasagot si Lucas sa kabilang linya, "Laro kanina nila kuya Logan ng soccer at panalo sila. Sige na, usap na lang ulit tayo." Saad pa ni Ensley.

"Tsaka please huwag mo sabihin kala mama at kuya, sasabihin ko rin naman sa kanila tsaka matatapos na ang 1st sem baka sa susunod na sem may mahanap na akong dorm." Hindi na ni Ensley hinayaan si Lucas mag salita "Take care." At pinatay na ang tawag.

Siguradong hindi natuwa si Lucas sa inasal niya pero masisi ba siya nito kung ayaw niya marinig ang sasabihin nito lalo na-disappoint niya ito.

Hindi niya gusto ma-disappoint ang mga taong mahalaga sa kaniya pero unti-onti na niya na di-disappoint ang mga ito sa desisyun niya. Paano pa kaya kung malaman nang mga ito na lalaki ang kasama niya sa bahay at ang malala pa ay pumayag siya na ibigay ang katawan niya rito.

Bumalik na si Ensley sa soccer field. Lumapit naman agad sa kaniya si Chloe. "Ayos ka lang? What happened?" Tanong ni Chloe sa kaniya. "Sasama ka ba sa party nila? Gusto ko na kasi umuwi." Balik na tanong din ni Ensley dito.

Tinitigan muna siya ni Chloe, nakikiramdam kung ano ba ang nangyari o problema.

"Gusto mo matulog sa bahay?" Saad ni Chloe na tinanguhan ni Ensley. "Paalam lang ako kay kuya."

Ngumiti naman si Ensley at lumapit sa kapatid para mag paalam dito na uuwi na siya at hindi na sila makakasama sa party ng soccer team.

KINABUKASAN, naging si Ensley ng maaga dahil sa tunog nang kaniyang telepono. Buti na lang kagabi ay hindi na nag tanong pa si Chloe kung ano ang nangyari.

Kinabahan siya ng makita sa screen niya ang pangalan ng kaniyang ina, naalala niya agad si Lucas. Paano kung sinabi nito sa mga magulang niya? Knowing Lucas, gagawa ito ng paraan para maging mabuti ang kalagayan ni Ensley.

Pinakalma niya muna ang sarili bago ito sagutin, "Hi, Ma! Good morning po." Pag sagot niya rito "Good morning bunso, nagising ba kita?" Rinig ni Ensley na tanong ng kaniya mama sa kabilang linya. Naginhawaan siya ng malaman na hindi pa nito alam ang tungkol sa kaniya, ibig sabihin hinayaan siya ni Lucas ang mag sabi sa mga ito.

"Medyo po, Ma." Sagot niya rito at tumawa pa ng mahina. "Bakit po?" Habol na tanong niya pa rito. "Kamusta anak? Sabi ng kuya mo nanuod ka raw ng laro niya kagabi." Saad ng ina sa kaniya.

"A-Ayos lang po. Opo, nanuod po ako. Hindi ko po akalain na magaling po si kuya mag laro ng soccer, akala ko puro pag luluto lang alam niya. Sa susunod po, sama na po kayo ha."

"Yes, bunso. Anyway, kaya ako napa tawag sayo—" kinabahan ulit si Ensely sa sasabihin ng ina. "Malapit na birthday mo, we're planning na pumunta diyan para icelebrate natin ang kaarawan mo. We can also invite your friends diyan sa Centro and pwede ko rin isama sina Lucas and Nora, if you want." Masayang saad ng ina sa kaniya.

Sa totoo lang ay nakalimutan niya ang kaarawan niya, hindi na siya aware sa petsa at buwan these past months. Hindi niya akalain na ang bilis tumakbo ng oras.

"I'll think about it po muna, Ma. Balitaan ko na lang po kayo." Sagot niya sa ina.

MAAGA umuwi si Ensley.

Pag bukas niya ng pinto, bumungad agad sa kaniya sina Dior at Scarlett na kakababa lang galing sa kwarto.

Tumingin siya kay Scarlett na inaayos ang blouse na damit at kay Dior na naka boxer short at tshirt lang.

Hindi niya alam ang ire-react sa mga ito, kaya umiwas na lang siya ng tingin at pumasok na sa loob ng bahay.

"Oh! Ensley, right?" Tanong pa nito sa kaniya habang hindi mawari ni Ensley kung anong ngiti ang pina pahiwatig nito. Tumango na lang siya rito at di-diretso na sana siya sa taas ngunit napatigil siya ng mag salita si Dior.

"Scarlett, you may leave now." Poker face na sabi niya rito habang nakatingin kay Ensley. "WHAT? Hindi mo ako ihahatid?" Inis na saad nito sa binata. Lumingon naman si Dior dito "Kaya mo pumunta rito mag-isa, kaya mo rin umalis mag-isa." Seryosong sagot ng binata kay Scarlett.

Tutuloy na sana si Ensley sa taas dahil ayaw niya maipit sa dalawa, hahakbang na siya ngunit masyadong mataas ang mata ni Dior.

"Where the fuck are you going?! We're not done, yet!" Saad nito kay Ensley.

"What? Akala ko ba pinapaalis mo na ako?" Inis naman na tanong ni Scarlett dito, inakala nito na siya ang kausap ng binata. "I'm not talking to you." At binalik ulit ang tingin kay Ensley.

Padabog naman na sinara ni Scarlett ang pinto ng bahay.

Nakatalikod pa rin si Ensley dito, susubukan niya sana mag lakad ulit nang mag salita ulit si Dior.

"Aalis ka ng hindi nag sasabi tapos babalik ka na parang walang nangyari." Seryosong saad nito sa dalaga na kina-hinto ni Ensley sa pag lakad.

Namayani ang katahimikan sa paligid bago sumagot si Ensley dito.

"Di ko naman kailangan mag paalam sayo kung kelan ako aalis at babalik. Tsaka anong parang walang nangyare? May nangyari ba?" Tanong pa nito kay Dior.

Umurong naman ang mga gustong niyang sabihin sa dalaga, at wala na nagawa kundi titigan na lang ito. Sa totoo, simula na makilala niya si Ensley hindi na niya maintindihan ang sarili, at sa tuwing tinititigan niya ito ay para siya nahuhulog sa mga mata nitong parang may gustong sabihin.

Hindi niya pinapansin iyon nung una pero nang nakaraan araw ay hindi niya maiwasan pansinin ito.

Umiwas naman ng tingin si Ensley dito, pero hindi nakaligta sa kaniya ang luhang kumawala sa isa nitong mata at doon niya napagtanto na hindi ayos ang dalaga.

Nasa hagdan na si Ensley paakyat sa itaas, nang mag simula si Dior lumakad palapit dito.

Hinawakan niya si Ensley sa kamay at pinaharap sa kaniya. Doon niya nakita ang mga luhang pilit nitong pinipigilan. Humawak siya sa mukha nito at pinahiran ang luha nito gamit ang kaning hinlalaking daliri.

Habang ang mga mata nito ay diretsong nakatingin kay Dior.

"M-May alam ka bang malapit na dagat dito?" Tanong ng dalaga sa kaniya. Nag taka naman si Dior pero sinagot niya pa rin ito. "I think? Bakit?" Saad ng binata. Ngumiti naman si Ensley sa kaniya pero alam niyang hindi totoo iyon.

"I missed watching the sunrise and sunset." Simpleng saad nito at ngumiti ulit sa binata at umiwas ng tingin dito.

Ibinalik naman ni Dior ang tingin nito sa kaniya, "Okay, we'll go there." At humalik sa noo ng dalaga.

TAHIMIK lang si Ensley nakatanaw sa bintana ng sasakyan.

Pagkatapos sabihin ni Ensley na gusto niya pumunta sa dagat ay agad-agad din tumawag si Dior sa kakilala nito na may beach resort sa Calista.

Pinag-ayos agad siya nito ng gamit, at bukas din sila ng hapon balak umuwi.

Sa dalawang oras ng biyahe, tahimik lang si Ensley. Ang radyo lang ng sasakyan ni Dior ang maririnig sa buong biyahe.

Buti na lang din at hinayaan siya ni Dior at hindi nag tanong ng marami.

Pagkarating sa resort, pinaubaya na ni Dior ang gamit nila sa bellboy. Meron na rin naka book itong dalawang kwarto kaya hindi na sila natagalan. Kinuha na lang ni Dior ang card ng kwarto at umakyat na sila sa itaas gamit ang elevator.

Hawak-hawak din ni Dior ng mahigpit ang kanang kamay niya.

Bago si Ensley pumasok sa kwarto niya ay bumalik ulit si Dior sa tabi niya, kumamot pa ito sa batok.

"Gusto mo ba maligo? I-I mean sa beach. Shit! After mo mag ayos, kakain tayo ng lunch sa ibaba." At dire-diretso na itong pumasok sa kabilang kwarto, hindi man lang nito inantay ang sagot ng dalaga.

NARINIG na ni Ensley ang pagkatok sa kwarto niya. Sigurado siya si Dior na ito para magyaya kumain.

Wala siyang balak maligo sa dagat pero nag suot pa rin siya ng one-peice bathing suit na madalas niya sinusuot nung nasa Costa pa siya. Pinatungan niya rin ito ng puting loose pants with fila slippers.

Pag bukas niya ng pinto, nakita niya si Dior nakatayo roon habang inaantay siya.

Nakasuot ito ng sport short at puting manipis na polo with fila slippers as well, naka bukas din ang tatlong butones nito sa polo at may suot din itong sunglass.

Nakatingin din ito sa kaniya at umiwas na lang siya ng tingin dito.

"Let's go?" Saad niya rito at lumabas na ng kwarto. Mauuna sana siya mag lakad pero hinawakan agad ni Dior ang kamay niya.

"Don't you have another clothes? I see a lot of your skins." Saad ni Dior sa kaniya habang pinag-mamasdan ang buo niyang kasuotan.

"Are you for real?—" napatawa pa si Ensley dito "I didnt know you're conservative person." Sagot pa nito.

Nakatingin lang nang seryoso si Dior sa kaniya.

"Omg, Dior. Seriously?? I always wear like this, when I was still in Costa." Paliwanag pa ni Ensley dito.

"What?" Gulat na tanong ng binata rito.

"Yes!" Sarcastic na sagot naman ni Ensley dito.

"For real! This is my go-to. Our house is literally just across the beach. You didn't know?" Habol na sagot pa nito habang may kasama pang gesture ng kamay.

Poker face. "You didn't tell me." Mahinang sagot ng binata at umiwas ng tingin dito.

Doon na-realized ni Ensley na kahit ilang buwan na sila mag kasama sa iisang bahay, hindi nila kilala ang isa't isa. Hindi sila nag uusap tungkol sa mga ganitong bagay.

Ngumiti na lang si Ensley dito at hinawakan ang kamay nito at hinila na para kumain sa ibaba.