Chapter 7: Kabanata 6

Julie

MAKALIPAS ang dalawang buwan ay hindi ko namalayan na naging komportable at close na kami sa isa't-isa ni Sir Kris. Hindi ko akalain na makakabiruan ko siya na tulad ng mga ginagawa ng mga kaklase kapag nagsama-sama kami sa isang event or klase.

At sa loob ng dalawang buwan na 'yon ay maraming nagbago pati na rin ang nararamdaman ko sa teacher na 'yon. Nakakatakot mang aminin pero habang tumatagal na nagiging close na pala kami ni Sir ay naging crush ko na siya.

Well, happy crush lang naman ito mga mare. Isang buwan na lang ang natitira sa amin at kami ay ga-graduate na at alam kong mawawala rin itong nararamdaman ko kay Sir Kris. Mawawala rin ito kasi maghihiwalay na kami ng landas lahat.

Bukod sa feelings ko na nabago at itinatago ko sa kanila ay mas nakilala ko pa lalo si Sir Kris. May pagkakataon na seryoso nga siya sa lahat ng bagay, may oras naman na sinasakyan niya ang lahat ng trip namin at ayun ang isa sa nagustuhan ko sa kanya. Kaya niyang sumabay sa mga trip naming klase.

Bukod pa ron ay kapag kaming dalawa minsan ang natitira o nagsasama ni Sir Kris para asikasuhin ang isang events kulang na lamang ay mag-away kaming dalawa dahil sa lagi niya akong trip at pang-aasar sa akin. Lagi siya tuwang-tuwa kapag nakikita niyang naiinis ako o nabi-bwisit kapag may isang bagay ako na hindi nagustuhan o narinig na ginagawa niya.

Pero kahit ganon pa kami ka-close minsan ay nililimitahan ko o dinidistansya ko ang sarili ko mula sa kanya. Ayoko lang na magkaroon ng isyu at madamay ang trabaho niya kaya ako na ang unang gumagawa non. Bukod pa ron ay ayokong lumalim ang nararamdaman ko sa kanya.

Hanggang crush lang muna dapat, Self. Charot!

"Good morning, Julie!"

Isang masiglang boses ang nagpakabog ng malakas sa puso ko kaya pilit kong huminga ng malalim. Julie Ann, boses pa lang ni Sir Kris ang naririnig mo grabe ka na kabahan. Umayos ka, 'wag kang maharot!

Kaya ng naramdaman kong medyo kumalma na ang puso kong mabilis pa sa kabayo ang bilis nito ay nakangiti akong humarap kay Sir Kris na ngayon ay sobrang aliwalas ng mukha. Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang suot niya, katulad ko ay ripped jeans ang suot niya at naka-uniform na inassigned na kailangan suotin sa event ngayon.

Habang kami namang mga estudyante ay maroon ang kulay ng damit at pantalon ang pinares namin. Tipid akong ngumiti sa kaniya at binati rin siya. Ramdam ko na rin ang tingin sa amin ng ibang estudyante na nandito sa hallway.

"Good morning din po, Sir," balik kong bati sa kanya at nagsimula na muling maglakad. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kalmado ang puso ko kaya palihim naman akong huminga ng malalim.

"Ang ganda mo ngayon, Julie."

Napatigil ako sa paghakbang ng marinig ko mismo 'yon kay Sir Kris na ngayon ay malawak na ang ngiti ng tumingin ako sa kanya. Dahil doon ay naramdaman kong namula ang pisngi ko kaya mabilis naman akong umiwas ng tingin. Sana ay hindi mahalata ni Sir na kinilig ako.

Hindi ko kasi alam kung nagbibiro ba siya o trip na naman niya ako sa mga oras na 'to. Pero mas lalong dumoble ang pagtibok ng puso ko ng marinig ko iyon. Julie, kumalma ka. Baka trip ka lang ni Sir Kris.

"Trip mo na naman ako ngayon umaga, Sir Kris," pag-iiba ko ng usapan at pekeng tumawa para mabawasan ang tensyon na nararamdaman ko ngayon.

"Hindi ah. Ang totoo nga niyan ay araw-araw ka namang maganda." Dugtong niya pa at sa mga oras na 'to ay tuluyan na akong nawala sa sarili ko. Mas nanaig ang malakas na pagtibok ng puso ko dahil sa mga salitang 'yon. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa paligid ko. Masyado akong lutang dahil sa sinabi ng taong kaharap ko ngayon.

"Ahm…" Fuck! Say something Julie, huwag mong ipahalatang kinikilig ka. Save yourself from embarrassment, baka asarin ka ni Sir Kris.

"Bakit ka namumula? Kinikilig ka ba?" Halata sa boses niya ang pang-aasar kaya nanlaki ang mata ko at hindi ko na siya mapigilang sigawan dahilan para maagaw namin ang atensyon ng iilang estudyante na ikinagulat naman niya.

"Ang yabang mo naman, Sir!"

"Damn… I made you shout in this hallway Ms Montiero," tuwang-tuwa niyang saad kaya nahihiya akong tumalikod at mabilis na naglakad papunta sa room namin.

Nakakahiya dahil nasigawan ko pa si Sir Kris sa hallway, baka sabihin ng iba ay wala akong respeto sa taong 'yon. Kasi naman eh… ba't kasi nambibigla si Sir Kris, nasigawan ko tuloy siya dahil sa kilig.

"Hey, I'm sorry." Rinig kong pahabol niya pero hindi na ako lumingon dahil hiyang-hiya na ako sa ginawa ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kalmado ang isip at puso ko.

Akmang papasok na sana ako sa classrooms ay napasinghap na lang ako sa gulat ng hulihin niya ang kamay ko at pinaharap sa kaniya. Kasabay non ay narinig ko ang iilan na sigaw at pang-aasar ng mga kaklase ko.

"Sir, yung kamay mo… maraming… maraming nakakakita," kabado kong paalala pero naging seryoso lamang ang mga mata niya at marahang pinipisil ang kamay ko na ngayon ay nanlalamig dahil sa ginagawa niya.

"I'm sorry sa ginawa ko pero-" Bigla na lamang ang naputol ang sinasabi niya ng may malakas na tumulak sa akin sa likuran. Akala ko ay matutumba ako sa sahig pero mabilis akong nilapitan nila Jen na ngayon ay bakas pa rin sa mukha ang gulat at pag aalala.

"Okay ka lang, be?" Pagtatanong niya at itinayo ako kaya tumingin ako sa kanya at tumango na ipakita na ayos lang ako. Nang tingnan ko si Janna ay pareho silang lumayo ni Sir Kris na sa tingin ko ay may pinag-uusapan.

"Tara na, Julie. May sumapaw na naman eh," pagpaparinig ni Zyra at wala na akong nagawa kundi ang magpahila sa loob at basta-basta na lang ako pinaupo sa upuan. Ang iba ko namang kaklase ay bumalik na sa kanilang ginagawa.

"Make kwento, Julie. Anong nangyari? Bakit may paghawak sa kamay mo si Sir Kris? May hindi ba magandang nangyari?" Seryosong tanong ni Sharrah at tumango naman ang tatlong kaharap ko.

Napahinga na lamang ako ng malalim dahil masyado nilang sineryoso ang nakita nila kanina. Paano ko ba 'to malulusutan?

"Alright, calm down guys. It's just a little bit misunderstanding sa nakita niyo, he just accidentally touch my hand because he's chasing me to give something. Wala lang 'yon," pagdadahilan ko pero mas lalong naningkit ang mata nila na akala mo ay pinagloloko ko sila.

"Eh bakit nanghihingi ng sorry si Sir Kris?" Segunda naman ni Shel kaya lihim akong napangiwi at napakagat ng labi dahil hindi ko na alam kung ano ang idadahilan ko pa sa kanila.

"Ano… gawa ng-" Bigla na lamang naputol ang sinasabi ko ng may malakas na humatak sa buhok ko kaya napasalampak ako sa sahig at narinig ko naman ang sigawan ng iilan kong kaklase na babae sa nangyari.

"Julie!" Sigaw nila Sharrah at akmang lalapit sa akin ng sumigaw ang taong nasa likuran ko habang hawak-hawak pa rin ang buhok ko.

"Sige, subukan nyong lumapit lalong masasaktan tong kaibigan niyo."

Nang tingnan ko kung sino ang gumawa sa akin non ay napaigik na lang ako dahil sobrang sakit ng pagkakasabunot niya sa akin ngayon. Damn! Ano bang problema sa akin ni Jana?

"Stop this shit, Jana. Pag-usapan natin 'to sa maayos na paraan," pakiusap ko at napahawak na lang ako sa ulo ko ng bitawan niya ako kaya tumayo ako at hinarap siya na ngayon ay galit na galit.

"Ikaw! How dare you! Bakit lagi na lang ikaw ang napapansin ni Sir Kris! Kahit sa maliit na bagay ay ikaw lagi ang nakakaagaw ng atensyon niya! Sabihin mo sa akin kung bakit ikaw na lang ang nakikita niya!"

She burst out kaya mabilis akong napahawak sa gilid ng mesa ng itulak niyo ako ng malakas kaya tiningnan ko naman siya ng masama.

"Ayan lang ba ang ikinagalit mo sa akin? Kung ako ang tatanungin mo kung bakit ako na lang ang nakikita niya ay hindi ko alam. Kay Sir ka magtanong dahil siya ang makakasagot ng tanong mo," hindi ko na mapigilan ang tarayan siya kaya nakita kong lalo pang namula ang mukha niya at nabigla na lang ako ng sugudin niya ako ng sabunot kaya tuluyan ng nagkagulo ang mga kaklase at kaibigan ko.

"Ang taas ng tingin mo sa sarili mo porke ikaw ang laging napapansin!" Sigaw niya habang hawak ang buhok ko at ako naman ay pilit na kumakawala sa kanya.

Ayokong mapaaway ng 'di oras.

"Just let me go, Jana. Idaan natin 'to sa ayos na usapan. Kung ano man ang ikinagalit mo, mag-usap tayo sa mahinahon na boses at paraan," pakiusap ko habang nadaing pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakasabunot sa akin at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Ayoko. Gusto kong makita nila na may itinatago ka ring masamang ugali, Julie." Nakangising saad niya at tuluyan na akong napaigik sa sakit ng malakas niya akong itinulak palabas ng pinto kaya napahampas ang ulo ko sa pader ng hallway kaya nagsisigawan ang mga nakakita.

"Jana ano ba! Stop hurting her, you bitch!" Rinig kong sigaw ni Jen at ng akmang susugod ay pinigilan sila ni Sharrah na ikinahinga ko ng maluwag dahil ayoko rin silang madamay.

Napahawak na lang ako sa ulo ko ng maramdaman kong kumikirot ito, sumuporta ako sa pader ng hallway para tumayo at harapin si Jana na ngayon ay pinipigilan na ng mga ibang estudyante pero mas malakas siya kaya nakawala siya at mabilis pumunta sa pwesto ko.

This is shit! Masyado bang malaki ang galit sa akin ni Jana kaya grabe ang pananakit niya sa akin ngayon. At saka ano bang problema niya at nadamay si Sir Kris? Fuck this senior high school life! Kuya will be mad sa oras na malaman niya ito.

"Kung kinakailangang saktan kita, Julie. Gagawin ko," galit niyang anas at hinanda ko ang sarili ko ng mabilis pa sa alas kwatro ang gagawin niyang pagsampal sa akin. Paniguradong mamumula ang pisngi ko sa oras na dumapo ang kamay niya sa dito.

"Jana Delos Santos!" Someone voice thundered in hallway. Pareho kami natigilan ni Jana ng marinig ang boses na 'yon, panigurado ng nakarating na sa kanya ang away na nangyayari ngayon.

Kahit nanlalamig ay dahan-dahan akong lumingon at napalunok na lang ako ng makita ko ang madilim na mukha ni Sir Kris, ang bawat hakbang na ginagawa niya ay mabigat at parang sinasakal ka dahil sa madilim na awra na bumabalot sa kanya. Nahihirapan akong huminga sa mga oras na'to dahil sa kabang lumalamon sa akin ngayon. Nakatayo lang kaming dalawa ni Jana at hinihintay kung ano ang sunod na mangyayari sa amin.

"To the Principal Office now!"

***

"Nasaktan ang kapatid ko, Mr Lirio! Tapos nalaman ko na nauntog ang ulo niya sa pader dahil sa pagkakatulak, paano kung napasama ang pagtulak sa kanya? Madadala sa hospital ang kapatid ko ng 'di ko alam!" Histerikal na saad ni Kuya kaya mabilis kong hinawakan ang kamay niya para pigilan siya sa pagtayo.

"Kuya Lucas, please calm down," bulong ko at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya para kumalma siya. Naiiyak na ako at lalong kumikirot ang mga sugat na natamo ko dahil sa nangyayari ngayon.

"Ikaw. Anong problema mo sa kapatid ko? Sabihin mo nga sa amin ng harapan tutal nandito na tayo. Sabihin mo, huwag mong idaan sa ganitong klase ng pananakit, halos patayin mo na ang kapatid ko, eh." Gigil na saad ni Kuya habang nakatingin kay Jana kaya lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniya. Natatakot ako kay Kuya Lucas, baka mamaya ay tuluyan siyang lamunin ng galit.

Nasaan na ba kasi si Kuya Keegan?

"Mr Montiero, please calm down," rinig kong saad ni Sir Kris pero nanlamig na lang ako ng masama itong tingnan ni Kuya at bumalik naman kay Jana na ngayon ay umiiyak, habang ang magulang naman nito ay nakayuko na tila ay nahiya sa ginawa ng anak niya.

"Mr & Mrs Delos Santos, ako kahit kailan hindi ko pinagbuhatan ng kamay ang kapatid ko. Kahit kurutin ko 'yan ay hindi ko magawa tapos itong anak niyo na idinaan sa pananakit ang galit niya sa kapatid ko ay 'di makatarungan," mahabang linya ni Kuya at tumayo kaya napatayo na rin ako. Naramdaman ko rin ang presensya ni Sir Kris sa likod ko at nakita kong tinatapik nito sa balikat si Kuya na parang pinapakalma.

"Kaya kong palampasin ang ginawa niya kung hinampas lang ng pabiro pero ang sabunutan at malakas na nauntog ang ulo sa pader ay hindi ko na ho palalampasin. Alam kong parang wala na akong respeto pero pagdating sa kapatid ko talagang mawawalan ako ng respeto," pagpapatuloy ni Kuya at nataranta na lang ako ng kumawala siya sa pagkakahawak sa kamay ko at unti-unting nilapitan si Jana na ngayon ay lumakas ang pag-iyak.

"Kuya, please calm down…"

"Mr Montiero, please pag-usapan natin 'to sa maayos na paraan."

"Maayos naman ang pakikipag-usap ko," seryosong sagot ni Kuya at tumigil siya sa tapat ni Jana. Hindi ko makita kung ano ang itsura ni Kuya ngayon.

"Ms Jana, sa oras na may nakita akong problema kay Julie Ann mula sa ginawa, please ready yourself. Iba akong magalit kapag kapatid ko na ang nasaktan." Walang gatol na banta ni Kuya kaya napasinghap na lang kaming lahat.

Magsasalita na sana ako pero basta na lang ako hinigit ni Kuya Lucas palabas ng opisina. Nasundan pa ito ng isang yapak at hindi ko alam kung sino ang sumunod sa amin ni Kuya. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang panginginig ni Kuya kaya mabilis kong niyakap ang braso niya.

"Kuya, I'm okay now. Kapag walang nakitang problema sa nangyari sa akin ay patawarin natin si Jana. I'm okay, I promise," pagpapagaan ko ng loob kaya tumigil si Kuya at ng akmang magsasalita ay napatigil siya at mariing napatingin sa likuran ko kaya napatingin na rin ako.

Laking gulat ko na si Sir Kris ang nasa likuran ko na ngayon ay kitang-kita ang pag aalala sa mga mata niya kaya napaiwas ako ng tingin at muling ibinalik ito kay Kuya.

"Mr Montiero, as one of those subject teachers of Julie. I am deeply sorry for what happened to her. I promise that it will never happen again." Paninigurado niya kaya naramdaman ko na naman ang malakas na pagtibok ng puso ko.

Nang marinig 'yon ni Kuya ay napangisi siya at tumingin saglit sa akin at muling ibinalik kay Sir Kris ang paningin niya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo ngayon sa isip ni Kuya Lucas.

"I hope it will never happen again. I trusted you this time to take care of my sister, Kris Adler. You know what will happen if Julie gets hurt again, hindi mo magagawa ang gusto mong gawin Kris Adler Buenavista."