Chapter 6: Kabanata 5
Julie
BUONG MAGHAPON akong naging lutang sa klase. Hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin ang ginawang pagbati ni Sir Kris kaninang umaga. Ewan ko ba at bakit ang big deal sa akin ng ginawa niya.
Siguro ay nabigla lang ako dahil araw-araw ay kami mismo ang nabati sa teacher, baka nagulat lang ako dahil siya mismo ang nanguna sa ginawa namin.
"Oo, ayun lang. Nabigla lang ako kaya ganito pa rin ako ngayon. 'Wag mo munang masyadong isipin, Julie," pangungumbinsi ko sa sarili ko kasabay non ay ang malalim kong buntong hininga.
Hindi ko alam kung pang-ilan ko na itong ginagawa, gusto ko lamang maalis ang tensyon at kaba na namumutawi sa dibdib ko dahil malapit na pala ang time ni Sir Kris sa amin. Kailangan kong maging komportable sa klase niya.
“Nag-away ba kayo ng Kuya mo?” Napaigtad na lang ako sa gulat ng magsalita si Jen na katabi ko kaya mabilis ko siyang binalingan ng tingin. Nang mag-angat siya ng mukha ay halo-halo ang emosyong nakikita ko dito. Nag-aalala na nagtataka sa inaasal ko.
“Why did you ask? Hindi naman kami nag-away ni Kuya,” kalmadong sagot ko kaya napatango siya at muling tumingin sa pinapanood niya kaya nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi na siya muling nagtanong pa.
"Napapansin ko lang na kanina ka pa humihinga ng malalim, talaga bang ayos ka lang?" Muli niyang pagtatanong kaya tumawa ako ng peke para mahalata niyang ayos lang talaga ako.
"I'm okay, Jen. Promise," pagpupumilit ko kaya napatango na lang siya habang ako naman ay ipinagpatuloy ang pagbabasa para madistract.
"Good afternoon class!" Agad kaming napatayong lahat ng marinig namin ang boses ni Sir Kris.
"Good afternoon, Sir!" Bati namin pabalik at umupo na. Nakita kong may dala pala siyang flat screen at nilagay ito sa lamesa. Nagkibit balikat na lang ako dahil baka manood kami ngayon.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ko para mabawasan ang kaba na namumutawi sa dibdib ko ngayon, napangiti na lang ako ng mabasa ang isa sa mga lines sa libro na hawak ko.
"Choosing you is one of the achievements that I get in my life and I'm so grateful to have you."
Awit na 'yan, ako kaya? Kailan naman ako makakaranas ng ganito? Kailan naman ako pipiliin? May tao kayang handa rin akong piliin kasama ang mga pangarap niya? At kung sino ka man, maghintay ka lang. Charot.
"Ms Montiero."
Nawala na lang ako sa pagi-imagine ko ng marinig ko ang boses ni Sir Kris na tinawag ako kaya mabilis kong isinara ang libro na hawak ko at tumingin sa unahan kung saan siya nakapwesto.
"Bakit po, Sir?"
"Can you help me to fix this thing," tukoy niya sa hawak niyang cord kung saan isasaksak ang laptop para maconnect ito sa flat screen.
Nang akmang tatayo na ako ay biglang nagsalita si Janna na ikinasinghal naman nila Jennelie kaya bigla ko silang sinamaan ng tingin dahil baka magkagulo pa.
"Sir marunong din po akong magkabit niyan, tulungan na po kita," nakangiting saad ni Janna at ng akmang tatayo na sana siya ay muli na namang nagsalita si Sir Kris pero ang paningin nito ay nasa akin dahilan para muli na naman akong kabahan.
"Si Ms Montiero ang kailangan ko. Come here, help me to fix this things," malumanay niyang utos kaya wala na akong magawa kundi ang lumapit sa unahan.
Nang tumayo ako ay ramdam na ramdam kong pinapanood nila ang bawat galaw ko, ang mga kaibigan ko naman ay naririnig ko ang impit na tili nila kaya lihim akong napairap. Habang si Janna naman ay masama ang pagkakatitig sa akin kaya hinayaan ko na lang.
Anong ginawa ko sayo?
"Hold this cord," sabay bigay sa akin ng cord at hinawakan ko naman ito. Nang makita kong kinabit ni Sir ang cord sa laptop ay pinuntahan ko naman ang saksakan para ako naman ang magsaksak.
Nang akmang isasaksak ko na sana ang saksakan ng flat screen sa extension ay nagulat ako ng biglang hawakan ni Sir ang kamay ko at kinuha sa akin ang saksakan ng flat screen.
"Bakit niyo po kinuha sa akin 'yan?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Ako na ang magsasaksak. Ikaw na lang ang magkabit ng cord sa tv, nakapalda ka pa. Baka mamaya ay may mangyaring hindi maganda," sagot niya dahilan para maghiyawan ang mga kaklase ko. Habang ako naman ay biglang nahiya at dali-daling kinuha ang cord ng laptop at sinaksak ito sa flat screen.
"Gentleman naman ni Sir!" Rinig kong pang-aasar ng kaklase kong lalaki kaya napailing na lang ako. At ng makita kong okay na ay humarap na ako kay Sir Kris para magpaalam na babalik na ako sa upuan ko.
"Okay na po, Sir. Balik na po ako sa upuan ko," dire-diretso kong saad at tuluyan na siyang tinalikuran.
Nang makabalik ako sa kinauupuan ko ay mapang-asar na tingin ang sinalubong sa akin ng mga kaibigan ko kaya inirapan ko sila at umayos ng upo.
"Manahimik kayo diyan," pagbabanta ko pero nginisian lang nila ako at mahina akong siniko ni Jen dahilan para siya naman ang sinamaan ko ng tingin.
"I smell something fishy, ha," pang-aasar niya pero umismid lang ako at muling binalik ang paningin sa unahan ng marinig kong nagsimula ng magsalita si Sir Kris.
"Nagpatulong lang si Sir, huwag kang masyadong maisyu dyan, be." Pangungumbinsi ko pero irap ang natanggap ko sa kanya na hinayaan ko na lamang.
"Sa dami ng kaklase natin na nasa unahan ay bakit ikaw pa na nasa 2nd row ang tinawag niya para ipahawak lang sayo ang cord na isasaksak sa flat screen." Mahabang litanya niya at doon ay napatigil ako sa pagsusulat at natulala.
Gusto kong sumagot pero naumid ang dila ko, wala akong masabi sa mga oras na ito dahil napaisip din ako sa sinabi ni Jen, ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko at dahan-dahan kong inangat ang paningin ko para salubungin ang mapanuri niyang paningin.
Bakit nga sa dinami-rami naming kaklase na nasa unahan ay bakit ako ang kailangan niyang tawagin?
"Baka nagkataon lang," pagsisinungaling ko para hindi na siya maghinala pa lalo. Nakahinga na lang ako ng maluwag ng hindi na siya umimik at nakinig na lang kay Sir Kris na busyng-busy na sa pagtuturo sa unahan.
***
"So, kumusta maging teacher ang isang Buenavista?"
Napatigil ako sa pagsubo ng kanin ng marinig kong nagtanong si Kuya Lucas na ngayon ay naka formal attire pa dahil kauuwi niya lang galing trabaho at sinabayan na ako ng makita niyang kumakain na ako sa lamesa.
"Ahm…" Napaisip ako saglit dahil tatlong araw pa lang namin nagiging teacher si Sir Kris at hindi ko pa alam kung ano ang tamang isasagot ko kay Kuya Lucas na ngayon ay nakatitig lang sa akin ngayon.
"Magaling magturo si Sir Kris, kung dati ay medyo nahihirapan akong i-absorb sa utak ko readings ngayon ay isang basahan ko lang at turo niya ay gets ko na agad. He's a great teacher," pag-amin ko at nagpatuloy sa pagkain.
Ewan ko ba, miski kay Kuya Lucas ay nahihiya akong magsabi kung ano ang naiisip ko kay Sir Kris, baka kasi mamaya ay iba ang isipin niya.
"Well that's good to hear. At least may natutunan ka sa kaniya. Sabagay, 'di na ako magtataka kung bakit hanga ka rin sa kanya. He's a Buenavista, magaling talaga ang mga 'yon." Saad ni Kuya kaya muli na naman akong napatingin sa kaniya at hindi na napigilang magtanong.
"Kuya, kilala mo ba siya? It seems like you know him for so long because the way you agreed with my statement," aniya ko kaya napailing na lang siya at uminom ng tubig bago ako sagutin.
"Anak siya ni Mr Fredo Buenavista, kilala ko mo naman siya 'diba?" Pagtatanong niya kaya nanlaki ang mata ko at napahawak sa bibig ko.
"Are you serious?!" Naghihisterikal kong tanong kaya tumango naman siya habang ako naman ay pinoproseso pa rin sa utak ang sinabi ni Kuya.
"Mr Fredo Buenavista is one of our sponsors to our Perfume Company, right? Sa katunayan nga ay siya pa ang pinaka-malaki na ibinigay na sponsor sa atin, 'diba?" Naninigurado ko pang muli kaya muli na naman siyang tumango.
"Bakit hindi ko man alam na anak niya si Sir Kris?!"
"You're not asking, Julie." Tipid niyang sagot kaya napasimangot ako dahil sa narinig, kung kailan seryoso naman ako dito.
"Just kidding, ayaw niya lang ipaalam sayo dahil baka mailang ka raw sa anak niya. Ang gusto ni Mr Fredo ay maging komportable ka habang teacher mo yang si Kris Buenavista. At saka para maguide mo rin ang anak niya kung paano mamalakad ang school niyo, Julie. " Dugtong niya kaya napahinga na lang ako ng malalim at naibaba ang kutsarang hawak ko sa narinig.
"Why would I do that?" Pagtukoy ko kay Kuya na kailangan kong maging komportable kay Sir Kris kaya napangisi naman siya. "Malaki na si Sir Kris, kaya niya na ang sarili niya. Hindi niya kailangan ang tulong ko para i-guide siya. May teacher at principal siyang malalapitan."
Hindi ko na mapigilang masabi po ang idinugtong ko kaya napangiwi na lang ako ng tumawa si Kuya at napaiwas na lang ako ng mukha ng kurutin niya ang pisngi ko.
"Because you're the one who can be trusted by him, Julie." Anas niya dahilan para manlamig ako at hindi na makapagsalita.
I'm doomed, kailangan ko na nga talagang maging komportable kay Sir Buenavista.
SABADO ngayon at nandito kami ngayon magkakaibigan sa mall para mag-relax dahil malapit na naman ang exam namin for the final semester.
"Grabe, hindi ko akalain na mas mage-gets ko pa ang lesson natin sa subject na hawak ni Sir Kris dahil siya ang mismong nagtuturo," rinig kong saad ni Sharrah sabay inom ng milk tea na inorder niya.
Kaya nagsitanguan naman kaming lahat sa sinabi niya dahil tama naman. Simula ng maging teacher namin si Sir Kris ay mas naging madali ang pag-intindi namin sa lesson pero minsan ay hindi pa rin ako komportable sa kanya.
"At hindi ko rin akalain na magiging komportable tayo sa kanya. Kasi naman grabe ang intimidating ni Sir Kris sa unang linggo ng pagtuturo niya. Mabuti na lamang at nagiging komportable na tayo sa kanya," segunda naman ni Jen kaya napangiwi naman ako.
Buti pa sila nakapag-adjust na. Samantalang ako ay inuunti-unti ko pa ang sarili ko na maging komportable kay Sir Kris.
"Bakit be, may problema ka ba kay Sir Kris?" Nag-aalalang tanong ni Zyra ng mahuli niya ang reaksyon ko sa sinabi ni Jen.
"Ako?" Pagtuturo ko sa sarili ko kaya nagtanguan naman silang lahat. Wala namang masama kung sasabihin ko sa kanila ang nasa isip ko ngayon, baka mabigyan pa nila ako ng advice.
"Ah, ang totoo niyan ay nag-aadjust pa rin ako na maging komportable kay Sir Kris. May times na komportable naman ako sa kanya pero may oras na mas nai-intimidate ako sa kanya." Pag-amin ko kaya napatango naman sila at inakbayan naman ako ni Jen at nginitian ako.
"We understand you, Julie. Don't worry, may oras naman para sa ganyan. Mamamalayan mo na lang sa sarili mo na close na kayo at komportable na kayo ni Sir Kris sa isa't-isa tulad namin," pagpapagaan niya ng loob ko kaya ngumiti na lang ako at tumango.
Dahil sa ginawa kong 'yon ay muli na naman kaming bumalik sa pagke-kwentuhan.
"Yeah, magaling magturo ng lesson si Sir Kris kaya 'di rin ako nahihirapan. He's a great teacher," compliment ko kaya natawa na lang ako ng mapang-asar na tingin ang ibinigay nila sa akin.
"Huwag niyo akong bigyan ng ganang tingin. Tusukin ko mga mata niyo, eh." Kunwaring pagtataray ko pero halos mapatalon kami sa kinauupuan ng may magsalita sa likuran ko at boses niya pa lang ay kilala ko na.
"Hi ladies! Anong ginagawa niyo rito?" Pagtatanong ni Sir Kris at palihim akong suminghap ng hangin ng tumabi siya sa akin kung saan doon ay walang nakaupo kaya nagkatinginan naman kaming magkakaibigan.
"Nagre-relax lang po, Sir. Kayo po?" Si Angge na ang sumagot kaya tipid namang ngumiti si Sir sa amin.
"Just passing by." Tipid niyang sagot kaya natawa na lang kami. Napatingin naman ako sa lima na tumayo at nagpaalam pa sa amin.
"Sir, iwan lang po muna namin kayo ni Julie. May kukunin lang po kaming order," paalam nila at ng akmang magsasalita na ako ay basta-basta na lang nila ako tinalikuran.
Grabe, gaano ba kabigat ang isang tray na kukuhanin nila? At talagang iniwan pa ako dito kasama si Sir Kris. Nang akmang magsasalita na sana ako para putulin ang awkward na atmosphere ay naunahan na ako ni Sir Kris.
"I heard everything that you said about me, Julie." Pormal na saad ni Sir kaya mabilis akong tumingin sa kanya na ngayon ay nakatingin na rin sa akin.
Nanlalamig ang kamay ko at 'di ko alam kung paano magpaliwanag ng ayos sa narinig niya. Ano ba 'yan, magsalita ka Julie, 'wag kang tumunganga dyan.
"Ano po kasi…"
This is frustrating! Walang gustong lumabas na paliwanag sa bibig ko kaya ang nagawa ko na lamang ay awkward na tumawa sa kanya na ikinangiti niya.
"There's a lot of time para maging komportable ka sa akin, Julie. You don't have to force yourself because I'm not forcing you. Just enjoy what you are feeling towards me. If you are comfortable with me, go and if you are intimidated by my aura just go. Let your emotions feel what they are going to feel, Julie." Mahabang linya ni Sir kaya napatango na lamang ako at totoong ngiti na ang binigay ko sa kanya na ikinatulala niya saglit.
"Thank you po at sorry po dahil narinig mo pa ang sinabi ko kanina," natatawang saad ko kaya natawa naman siya.
"And may pambawi ka naman. I love hearing compliments about me when it comes to you, Julie. I just love hearing it."