Chapter 5
Naupo ako sa upuan ko ulit at nakangiting naghihintay sa pagbalik nila.
Ako nalang mag isa. Makalipas ang ilang minuto ay wala pa din sila. Kinain ko ang dalawang biscuit na nasa bag ko pero hindi pa din nawala ang pagkagutom ko.
Napanguso ako.
"30 minutes nalang tapos na yung lunch break," mahinang saad ko.
"25minutes," mahina kung saad ulit habang nakadungaw sa bintana.
Ayaw ko naman lumabas kasi baka bigla sila dumating.
"20minutes" malungkot kung saad napahawak sa tiyan ko dahil kanina pa ito nagrereklamo.
Napanghalumbaba ulit ako sa upuan ko at nilaro ang Ballpen ko hmp wala akong cellphone nakalimutan ko kanina sa bahay.
15 minutes nalang tapos na yung lunch break pero wala pa din sila. Napanguso ako, naiiyak na. "Gutom na gutom na ako," malungkot kong saad.
Napagpasyahan kong lumabas na sana pero naisip ko na naman na baka bigla silang dumating tapos dala ni Sen yung pagkain ko. Bahagya kong itinaas sa ire ang kamay ko, napabuntong hininga ako ng makitang nagshashake Ito. Kapag nalilipasan ako ng gutom nanginginig talaga yung kamay ko. Nakaraan nga nung nagpa enroll ako sa dati kong school at nalipasan ako ng gutom kasi whole day ako doon ay halos hindi ako makapagbasa at makapirma ng form eh.
"5minutes," mahina kung saad tsaka ko narinig ang bell hudyat na tapos na ang lunch break at magkaklase na naman kami.
"Tapos na ang lunch break pero walang Sen na dumating para sa pagkain ko." Pinunasan ko ang mata ko dahil napasukan ata ng lamok at biglang nabasa.
Makalipas ng ilang segundo ay narinig ko ang malalakas na tawanan nila at ang pagpasok nila sa loob ng room. Agad akong tumayo at sinalubong sila bahagya kong itinago sa likod ko ang kamay ko para maitago ang panginginig nito, baka mamaya sabihin nila magtratransform ako bilang isang Zombie.
Rawr!.
"Asaan na pagkain ko?" Nakangiti kong tanong kay Sen, tumaas ang kilay niya.
"Oh pasensya na Miss. Namarih napasarap kasi ang kain namin ng mga pagkain sa cafeteria, nakalimutan ka naming dalhan, pwede ka pa naman lumabas—" napatigil siya sa pagsasalita at bahagyang nanghinayang. "Kaso tapos na ang lunch break, sinasarado na yung cafeteria." Dugtong niya at inakbayan si Thea na nakangiting nakatingin sakin.
Napayuko ako, wala akong pagkain.
"Tara na andito na mamaya si Sir. Manalo, busog na busog ako t*ngina ansarap nung pagkain HAHAHA," rinig kong saad ng isa sa kanila.
Kinagat ko ng bahagya ang labi ko dahil nanginging ito ganoon din ang kamay ko sa likod.
Humahalakhak na nilampasan nila akong lahat as in lahat kahit yung si Mr. Dejas.
Nanghihinang bumalik ako sa upuan ko rinig na rinig ko pa din ang tawanan nila.
Nilagay ko ang kamay ko sa tyan ko. "Gutom na gutom na ako," munting bulong ko sa sarili. Naiiyak na.
Mabilis kong pinunasan ang luhang kumawala sa mga mata ko ng biglang dumating si Sir.
Yumuko ako para hindi niya ako mapansin, natatakot akong tawagin niya ako at pasagutin sa harap. Masaya at nakangiting nakikinig silang lahat sa math na tinuturo ni Sir. Napangiti ako, ako din sana.
Lumipas ang ilang minuto at halos grabi na ang panginginig nung kamay ko. Gutom na gutom na talaga ako ng may biglang may kumalabit sakin galing sa likod agad akong napalingon at nakita ko ang isang lalaking nakakulay red ang buhok, may dalawang dimples na halatang-halata at mukhang teddy bear dahil ang cute cute niya.
Bahagya akong suminghot at nagtatakang tiningnan siya na nakatago sa likod ng upuan ko. "Bakit?" Ngumiti lang siya at may inilapag sa hita ko na isang lunch box.
"Kainin mo dun sa Cr," Nakangiting saad niya at bahagyang inginuso ang isang pinto na siguro nga ay yun ang Cr.
Pagkain Ito! Sigurado ako. Bago pa man ako makapagsalita ay Wala na siya sa likod ko at ng hagilapin ko siya sa room ay nakita ko siyang nakapanghalumbabang nakikinig kay Sir nasa pang last na row din siya bago yung sa akin na upuan.
Agad Kong pinunasan ang pisnge ko at tumayo.
"Sir!" Malakas kong tawag kay Sir na ikinalingon nilang lahat. Itinago ko sa likod ko ang lunch box.
"CR Lang Po ako," nakangiting Saad ko sa kanya habang siya naman ay nagtataka hindi siguro inakalang nandito ako.
Tumango lang siya. Dali-daling akong pumunta sa Cr at nilock, binuksan ko ang lunch box at napaluha ako ng makitang Ito yung pinabili ko kanina.
Mabilis ko itong kinain habang naiiyak ang iba ay bahagya pang natapon dahil sa panginginig ng kamay ko.
Mabilis ko itong kinain habang naiiyak ang iba ay bahagya pang natapon dahil sa panginginig ng kamay ko.
Nasa kalagitnaan ng pagkain ng bigla nalang akong naubo ng naubo, ano ba yan mukhang nabulunan pa ako ah wala pa naman akong tubig. Tinapik tapik ko ang bibig ko habang nakatayo humihinga ako ng malalim sa sobrang bilis kong kumain ay nabulunan na ako gutom na gutom kasi ako tsaka baka magtaka si Sir at matagal ako dito.
Napakalad lakad na ako at tumatalon-talon para maiwasang lumakas ang ubo ko ng may matapakan ang paa ko at ng tingnan ko Ito ay isang Tumblr na may lamang tubig. Nanlaki ang mga matang kinuha ko ito at walang pakealam na ininom.
"Ahh yes!" Mahinang sigaw ko ng sa wakas ay nakatakas ako sa pagkakabulunan. Sinipat ko naman ang Tumblr na nakalahati ko ang laman. Napangiti ako siguro galin Ito doon sa lalaking may dimple na nagbigay sakin ng pagkain. Ang bait naman niya.
Pero ng makita ko ang takip ng Tumblr ay may nakita akong isang nakamarkang letra.
"PAULO. DJS." Pagbasa ko sa nakasulat naka calligraphy din ito.
Paulo? Siguro yun yung pangalan niya, di bale at pasasalamatan ko siya mamaya.
Mabilis kong inubos ang natitirang pagkain at ng maubos ko Ito ay pasimple akong bumalik sa upuan dala ang lunch box at Tumblr na wala ng laman. Napahagikhik ako dahil walang nakapansin sakin. Ibinalik ko Ito sa bag, bukas ko na ibabalik sa kay Paulo kapag ka nahugasan ko na.
"OMG!" Mahina kong tili. Paano ko maibabalik sa kanya kung bukas ay di na ako babalik dito kasi sasabihin ko si Daddy na ayaw ko dito, dahil ayaw nila sakin.
Napanguso ako at napatingin sa taong yun matiim siyang nagsusulat. Crush ko na sya. Kasi ang bait niya tsaka cute. Bahagya naman akong napabaling sa lalaking nasa unahan ko. Si Mr. Dejas, mas lalo akong napanguso akala ko mabait siya pero katulad lang din pala siya ni Sen.
Umayos ako ng upo matapos kong ilagay Ito sa bag, siguro aabangan ko nalang sa gate si Paulo bukas para maibalik ko sa kanya yun.
Itinaas ko sa ire ang kamay ko at laking ngiti at pasalamat ko dahil hindi na ito nanginginig, napahawak ako sa tyan ko.
"Busog na ako hehe," napalingon ako kay Paulo at saktong nakatingin din pala siya sakin. Nag okay sign ako with big smile, bahagya lang siyang ngumiti at tumango bago matiim ulit na nagsulat sa mga sinasabi ni Sir.
Susulat na din sana ako ng mahagip ng Mata ko si Sen na masama ang tingin sakin at nahagip din ng mata ko si Mr. Dejas na nakatingin din sakin na parang inaasahan na may sasabihin ako sa kanya.. Pareho ko silang nginusuan bago inirapan at tinuon ko na ang tingin ko sa papel.
Bahala sila, si Paulo lang ang bati ko dito hmp.
Hindi nagtagal ang pakikinig ko kay Sir dahil umalis na din Ito at mayroon daw silang emergency meeting. Tuwang-tuwa naman ang mga kaklase ko dahil sa nalaman.
Agad silang nagtipon sa malapit sa upuan nila Thea. As in silang lahat kaya napagpasyahan kong pumunta din.
"Pwede ako pasali?" Nakangiting saad ko pero walang pumansin sakin kahit na lumingon man lang.
"Ano pinag-uusapan niyo? Pasali ako." Ulit ko pa pero wala talagang pumansin.
Napakamot naman ako sa ulo ko.
"Pasali ako sa pinag-uusapan niyo!" Malakas na sabi ko pero wala pading pumasin.
Napanguso ako at nalungkot, malakas na nga pagkakasabi ko eh.
"Ikaw Thea kung anong gusto mong puntahan sa sabado, dun kami," rinig Kong sabi ng Isa sa kanila.
"Yup, you decide princess,"
"San ka dun kami,"
"Tsaka AYAW ka naming mag isa baka mapahamak ka," napalingon ako sa nagsalita. Si Paulo.
"Owemjiii really??!" Tiling saad ni Thea, bahagya ko namang shinake ang ulo ko dahil nabasag ata eardrums ko.
Sinang ayunan naman siya ng lahat. Prinsesa talaga siya nitong Section D.
Susubukan ko na sanang magsalita ulit ng nakita kong masamang nakatingin sakin si Sen. Imbes na umirap ay nginitian ko siya, hindi na ako galit eh busog na ako, kanina lang ako medyo galit pa at nagtatampo.
Kinawayan ko siya na ikinataas ng kilay niya. "Pasali sa inyo." Mahinang bigkas ko pero ako naman ang inirapan nito at nakangiting bumaling kay Thea.
Malungkot na bumalik naman ako sa upuan ko habang sila naman ay biglang nagbulungan.
Tahimik akong nakapanghalumbaba sa upuan ko ng biglang magsalita ng malakas yung nakablue ang buhok habang nakatingin sakin.
"So guys what if bigyan natin ng Goodbye party si Miss. Namarih, total wala na naman siya dito bukas, right?!" Nakakalukong saad nito.
Napaayos naman ako at napalunok. Goodbye party? Hala! Hala! Hala! Gagawan nila akong party?! Wow!
Napangiti ako sa isiping iyon sa utak ko.