Chapter 4
Pinagpatuloy ko lang ang pagsasagot ko hindi nila alam na nakikita ko sila sa salaming nasa mesa ni Sir sa gilid ko lang, nakatagilid ito kaya Kita ko sila. Napahagikhik ako.
Akala nila ah maiisahan na naman ako nila ulit napataas kilay ako.
"Hindi noh matalino ako." Mahinang pagmamalaki ko sa sarili.
Binilisan ko ang pagsagot napatingin ako ulit sa salamin nakita kong may kinuha yung isang lalaking nakatuck in na isang bato at ibinalot Ito sa papel.
Napasimangot ako, hmp. Hindi nila pansin na nakikita ko sila sa salamin dahil halos lahat sila ay doon nakatingin sa lalaking nagbabalot ng bato mukhang excited na excited pa sila. Ng ilang sandali ay natapos niya itong balutin ay tumingin sya kaagad sa pwesto ko kaagad naman akong nagkunwaring may sinusulat pa din kahit ang totoo ay tapos ko na ito.
Sa salamin ulit ako tumingin at nakita kong iaambang itatapon niya na ito sakin napakamot ako sa ulo at hinanda ang pag ilag ko. Maya maya lang ay bahagyang nanlaki ang mata ko dahil itatapon niya na to sakin, buti sana kung papel lang. Kaagad akong tumakbo sa kabilang gilid bandang pinto dahil lumipad na ito patungo sa akin kaagad akong humarap kung saan ito tumama at nanlaki ang mata ko ng tumama nga Ito sa pisara na kung nandoon ako kanina ay siguradong sapol ang ulo ko, nanlaki ng tuluyan ang mata ko ng bahagya itong nagbounce at naglanding sa kalapit lang na loptop ni Sir dahilan para guwewang Ito sa impact nung bato at nahulog.
Napatakip ako ng bibig at napatalon talon sa pwesto ko. "Hala ka! Hala ka! Lagot ka kay Sir, patay ka!" Sabay duro duro sa kanya.
Nakaawang din ang bibig nilang lahat habang nakatingin sa loptop na nabasag nga ata lalo na yung screen bago nila ilipat at tingin sakin.
"Bakit ka umilag!" Sigaw sakin nung tumapon sakin nung bato.
Napahawak naman ako sa dibdib ko at pumikit. "Eh tatapunan mo kaya ako ng bato," madramang sabi ko at iminulat ang mga mata.
Galit na nagtatakang tumingin siya sakin.
"Eh bat ka tumakbo dyan?! Nakatalikod ka naman eh so hindi mo kita!" Malakas ang boses na saad niya.
Hala. Bakit parang kinakabahan sila na nasira niya ang loptop ni Sir, sabagay sino ba naman hindi, ako nga eh natakot nung nabasag ko jalousie.
Napahagikhik ako. "Kita mo yun—" sabay turo ko sa salamin. "Doon Kita nakita heheehe, akala mo ah, antalino ko noh!" Pumapalaklak ko pang saad.
Lumipat ang tingin nilang lahat sa salamin at mas matalim itong tumitig sakin.
"Anong nangyayari dito? Miss Namarih bakit nandito ka? Tapos na ba ang pinapasagutan ko sayo?"
Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman si Sir sa likod ko.
"T-tapos na po Sir." Pilit ngiti kong saad at sinulyapan yung lalaking nakatuck in na tumapon sakin nung bato nakaupo na sya ngayon at mukhang kinakabahan pero masamang nakatitig sakin ngitian ko naman siya ng napakatamis tamis.
Tumango si Sir at pumunta sa harapan naiwan ako sa pwesto ko. Pero ganun nalang ang panlalaki ng mata niya ng makita ang loptop sa sahig.
"Who did this?!" Malakas niyang saad na ikinaigtad ko.
"Si Namarih po Sir!" Nanlaki ang mata ko ng ako ang itinuro ni Thea.
Napunta ang tingin sakin ni Sir. Yays masama yung tingin niya.
"Miss Namarih Jessica Gudeon." Nagbabantang saad niya.
Mabilis akong umiling-uling. Tahimik silang lahat at mukhang nasisiyahan dahil ako ata ang malalagot.
"Hindi ho ako Sir eh tingnan niyo po ayun!" Sabay turo ko sa batong nakabalot sa papel sa gilid ng nahulog na loptop ni Sir.
Nakita kong may sulat yung papel na nakabalot.
"Hindi po ako Sir, may nagtapon po ng bato sakin at iniwasan ko lang po kaya yung loptop niyo po yung natamaan," paliwanag ko na ikinakunot noo niya. "Tingnan mo Sir yung papel na nakabalot sa bato may sulat baka po kilala niyo yung handwriting nun, yun po yung tumapon," dagdag ko pa sabay tingin sa lalaking may sala, masama ang titig sakin ni Sir.
Kinuha nito ang bato at inalis sa papel kasabay ng pag usisa nito sa sulat at nagulat nalang ako ng hinarap niya ng diretso ang lalaking may gawa nun, napalunok itong nakatingin kay Sir. Tahimik lang din silang lahat.
"Sir si Namarih talaga yu—"
"Mr. Guevarro!" Pagpuputol niya sa sasabihin sana nito.
Guevarro pala name niya, napatango tango ako.
"Go to my office now!" Sigaw nito, Hala hala kilala ni Sir handwriting niya?, sya nga yung may ari ng sulat sa papel.
Nakita ko na gustong tumutol ng iba pero hindi sila nagsalita. Ay weh... mukhang takot sila kay Sir lalo na yung si Guevarro.
"Kapag hindi ka pa pumunta sa office ko Mr. Guevarro! Malalaman mo talaga!" Malakas ulit na sabi ni Sir.
"Kuy—"
Hindi na siya pinatapos ni Sir dahil nauna na itong lumabas. "Bumalik kana sa upuan mo." Rinig kong sabi nito pag daan sakin. Kasunod naman nun ang pagdaan din nung si Guevarro.
"Hindi pa tayo tapos tandaan mo Yan." Madiing Sabi nito bago ako nilampasan.
" Sige," mahinang saad ko at napakamot sa ulo, wala naman kaming inumpisahan eh.
Patalon talon akong bumalik sa upuan ko ng nakangiti.
Akala niyo maiisahan niyo si Namarih.
Dumating ang lunch break at gutom na gutom na ako, gutom na gutom na ako kasi halos hindi man lang ako makagalaw sa upuan ko para kunin ang pagkain ko na biscuit. Ansasama kasi nila tumingin, galit ata sila kasi nisumbong ko yung si Mr. Guevarro alangan naman yung sarili ko isumbong ko eh hindi naman ako yung may gawa nun.
Sayang yung loptop ni Sir, napanghalumbaba muna ako sa upuan ko tsaka sila tiningnan, mamaya na ako lalabas papuntang cafeteria kapag ka nakaalis na silang lahat, kasalukuyan silang nag aayos ng gamit nila ganun din si Thea na tinutulungan nung mga boys.
"Bilisan niyo may pag-uusapan pa tayo." Rinig kong saad nung naka blue ang buhok. Napakamot ako sa ulo ko madaya naman at hindi ko pa sila kilala si Thea, Mr. Dejas na kung makahalakhak ay wagas at yung Mr. Guevarro palang.
"Pwede ba akong sumama nalang sa inyo ," biglang saad ko na ikinatawa nilang lahat.
Baka kasi mabait pala sila at joke joke lang yung kanina kahit naman masakit pa likod ko eh.
"Ikaw—" sabay turo sakin nung nakablue yung buhok na naman. Tumango ako. "Oo, pwede ba?" Napatingin ako doon kay Mr. Dejas na nakangiting nakatingin sakin habang nakasukbit yung bag niya sa isang balikat niya.
"Pwede! Pwede! Pwede!?" Napatayo ko ng tanong pero sa ngayon ay doon ako naka harap kay Mr. Dejas.
"No!" Biglang sigaw ni Thea. Hindi ko sya pinansin at tumingin doon kay Mr. Dejas sa kanila kasi sya yung hindi masama yung tingin sakin eh.
Tumaas naman ang kilay niya. "Sa akin ka nagpapa alam Miss. Namarih?" Mabilis naman akong tumango sa tanong niya.
"Oo kasi mukhang nice ka naman kesa sa kanila eh." sabay turo sa mga kasama niya na obviously ay masama ang tingin sakin.
Mahina siyang tumawa. "Sen, isasama ko sakin to HAHAHA," sabay tingin niya dun sa lalaking tumawag sakin ng p*ste.
"Hala! Ikaw si Sin!" Malakas na sabi ko na ikinatakip nilang tenga lahat.
"D*mn so loud I'm not Sin I'm Sen!" Malakas pero madiing sabi niya sakin.
"Ahh S-sen akala ko Sin eh mukha ka kasing kasalanan hehe," mas lalong sumama ang tingin niya, nilang lahat sakin lalo na si Thea pero ngumiti lang ako.
"Sasama ako!" Masayang sabi ko ulit doon kay Mr. Dejas na tumingin lang ulit kay Sen.
Sen! Mas bagay yung Sin hehe mukhang siya yung susunod na kasalanan ko ah.
Napakunot noo naman ako sa naisip ko, bakit ko naman siya magiging susunod na kasalanan?
"No, you stay here, kami na ang kukuha ng lunch mo," seryusong sabi ni Sen sakin na ikinalaki ng mata ko.
"But Sen....." angal ni thea pero pinatahimik lang siya ni Sen. Hehe peace offering niya siguro sakin yun.
Hindi naman umimik ang iba pero sa ngayon ay nakangisi sila parang tuwa-tuwa sila sa sinabi nung Sen. Kukunan niya lang naman ako lunch.
"Talaga! Sige, sige gutom na kasi ako eh," masayang sabi ko napatingin naman ako ulit doon kay Mr. Dejas na seryuso na ngayon ang mukha pero may ngiti pa din sa labi niya.
Bahagya akong ngumiti at sumeryuso, Hala hala bat parang nagmukha akong manyakis.
"Wtf are you doing?" Nakakunot noong tanong sakin nung palaging epal na walang iba kundi si blonde ang buhok.
Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin kay Sen ulit.
"Salamat ah, Dalawang sandwich, sprite, spaghetti, salad tsaka rice lang tapos adobo na din, gutom kasi ako eh," masayang sabi ko.
Napahawak naman ako sa tiyan ko ng bahagya itong tumunog.
"Okay, guys let's go." Aya niya sa mga kaklase at lumabas na silang lahat sa pinto, inirapan pa ako ni Thea na nginusuan ko lang.
Nakita ko nalang na napapailing na lumalabas sa pintuan si Mr. Dejas habang humahalakhak naman na lumalabas ang iba.
Masaya na sila?
Sabi ko na nga ba eh mabait sila pati yung Sen kasi libre niya ako pagkain. Naupo ako sa upuan ko ulit at nakangiting naghihintay sa pagbalik nila.