Chapter 35: P1: Game
Vanessa
Napapakunot ang noo ko dahil sa hindi man lang matapos-tapos ang shoot ko na dapat ay kanina pa natapos kung hindi lang sa…
“I can be the model.” Halos mapatampal na ako sa aking noo nang magsalita na naman si Haines sa harap ng kaniyang mga magulang na ngayon ay hindi moa lam kung matatawa o maiinis sa kanilang anak.
“Son, are you feeling well right now?” Daddy Joeffrey asked his son in a very concerned way but all of us in the room know it was like he is mocking his son.
Malungkot na tinitigan ni Tita Helen ang anak niya na nakasimangot at kunot na kunot ang noo habang masamang nakatitig sa akin. Tingan mo ‘tong lalaking ito. Dinaig pa ang nire-regla.
“He is holding her on her private part! How can I be okay, Dad?”
Gusto ko na lamang lamunin ng lupa dahil sa kaartehan ng isang ito.
“It’s just a shoot, honey. Isa pa, they are portraying Wanda and Killo. Those two are touchy and they are husband and wife now. They need to make it visible on the pictures.”
Napa-padyak si Haines sa sahig na akala mo ay bata na nagdadabog saka halos maiyak na nang mag-angat ng tingin.
“Papatayin ko ang lalaking hahawak sa kaniya, Mom. Ako na lang si Killo.”
“Ang OA na, Haines Gian. Tita, Tito, I am sorry for his behavior.”
Napatawa naman si Tita Helen at saka ako nilapitan. “I should be the one getting embarrassed with my son. Oh good God, Dad. ‘Yang anak mo, kausapin mo iyan. Lalabas na kami ni Vanessa kasi may schedule pa ang model nating lalaki. Nakakahiya sa kaniya.”
“Please, lock him up here para hindi na makasunod at doon magtantrums ang anak mo.”
Tinawanan ko si tita at saka niya ako hinila papalabas. Walang magawa si Haines dahil kapag si tita ang nagsalita ay tiklop siya.
That is how he loves his mother. Kay tito, nakakapag-inarte pa siya nang bongga at napagbibigyan pero dahil nakakahiya na talaga siya, si tita na ang gumawa ng paraan.
Imagine, he broke a chair just because he saw my partner hugging me and touching my boobs but it’s fine for me. As in he is grabbing my boobs because it serves as my cover. I never felt harassed or molested. My partner si very professional. May part pa na bubuhatin niya ako, dikit ang aming pang-itaas na walang damit. I have done more mature role like this before and I am just enjoying it. Hindi ko siya tinitingnan na bastos or what because it is an art.
Nang matapos akong magbihis ay nakaabang na ang nakasimangot na si Haines. Kanina pa sirang-sira ang mood ng lalaking ito. Nakakatamad siyang kausapin kapag ganyan. Bwisit.
“Sa bahay tayo uuwi ngayon. Mom and Dad will be out of town later. Someone needs to look out for the house.”
Napatango na lang ako dahil sinabihan na rin ako kanina ni Tita. Of course, I won’t say no. Automatic na yes iyan. I am so grateful that Haines’ parents can shout to the whole company that I am their son’s girl.
Parehas kaming tahimik nang sumakay ng sasakyan niya at hanggang sa marating ang bahay nila ay walang umiimik.
Kahit naman ganon ay pinagbuksan pa rin niya ako ng pinto. Hindi ko siya papansinin dahil siya itong parang bata kung maginarte kanina.
He held my back as he guided me on their house. Mukhang walang katulong sila ngayon. “Wala ang mga katulong namin at driver. Mom made them have some day offs and we are responsible on the household chores.”
Napatango muli ako nang buksan niya ang isang high-tech na pinto at saka automatic itong sumara nang makapasok kami. Napanganga ako nang maigala ang paningin sa kanilang bahay. Napakalawak at makikita mo na advance and high tech ang mga gamit.
Nakakatakot naman dito tumira, pakiramdam ko ay nakabantay lagi ang magnanakaw.
“You want to eat?” tanong niya pero wala namang kabuhay-buhay ang tono. Napa-irap ako sa ere at sumunod na lang sa kaniya sa kusina nilang akala ko ay nasa isa akong bar. Ang astig! There is an island counter and on the cabinet, there are lots of beverages and wines.
Sa kabila naman, katapat nito ay ang kanilang lutuan na wala kang makikitang stove, dahil tila nasa mismong black marble tiles na ito at may pinipindot lamang. I just realized it when Haines showed me.
“I am not yet hungry.”
Napatango siya bago ako inaya sa taas. Maging sa hagdan nila ay na-amaze ako dahil sa disenyo nito na tila gumagalaw kapag tumatapak ka at mayroon siyang itinuro na elevator kapag may ibaba raw silang malalaking equipments at ibang gamit.
Seryoso masyado si Haines pero hawak-hawak niya ako sa baywang. Hindi nga lang katulad dati na dikit na dikit, ngayon ay para akong may sakit sa aming pagitan.
Hindi naman ako lumayo at umalis sa hawak niya dahil hindi iyon makakatulong sa init ng ulo niya.
Masyado kasing seloso at parang tanga, alam naman niyang magagalit siya sa ganong pose, manunuod pa. Nakakainis!
Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko alam kung paano. Even if I am so bold and tackless, right now with his mood, I cannot get talkative and witty. Masyado siyang hot, baka masunog ako.
Kahit ganito ako ay nangangatog ang tuhod ko sa galit na mukha niya. Mas lalo na kanina noong itinumba niya ang bangko. Jusko, parang dragon na halos magbuga ng apoy.
Hindi naman kasi ako ang may kasalanan. Saka, alam na niya dapat sa una pa lang nag anon ang magiging scene namin tapos nakinuod pa siya.
Hanggang ngayon ay gusto ko pa ring mahiya sa ginawa niya kanina.
Pero sa kabilang banda ay natatawa ako nang maalala na siya na lang daw ang model. Halos mapahagalpak ako kung hindi ko lang kinagat ang labi ko at maging ang dila ko.
Binuksan niya ang pinto ng isang kwarto. Madilim.
Napanganga ako nang bumukas ang ilaw sa kisame ng kwarto. Lalo na nang magtungo siya sa may kanang banda at nanlalaki ang mga mata nang umilaw ang game chair niya at ang kaniyang computer.
“Welcome to my game room,” he plainly said and made me sit on the couch. Napasandal agad ako dahil sa lambot. Ngayon ko naramdaman ang pagod kanina.
“I’ll just change. Balik ako rito kasi maglalaro ako. May pagkain at drinks sa fridge, just feel at home because this is also your room. You can familiarize yourself here.”
Napakunot ang noo ko nang lumabas siya ng wala man lang halik o I love you para sa akin. Ganyan pala ha. Lagot ka sa akin.