Chapter 34: Girls
Vanessa
I am busy sipping on my frappe na paubos na, when Haines entered my unit. Nang makita ako na nakaupo sa couch ay agad siyang nagtungo sa akin at agad na ipinalibot ang kamay sa aking baywang. “I miss you,” he said as he kissed my temple.
Natawa naman ako sa kaniya at naloloka siyang tininingnan. “You just came here earlier kaya! Ang OA mo talaga, Haines Gian.”
Sumimangot siya at ipinahinga ang baba sa balikat ko. “Kahit na. I just want to be by your side always.”
Napapantastikuhan ko siyang tiningnan lalo na nang halik-halikan na naman niya ang aking balikat. “Hindi pwedeng ganon. Let’s go na nga.”
Tumayo ako at humarap sa salamin na nasa may pintuan. I am wearing a simple pants and a fitted crop top. Nakasuot na rin ako ng aking sandals na simple rin para bumagay sa aking suot.
Dito natulog si Haines kagabi. At nang magising ay may natanggap siyang tawag mula kay Juan na nagpapatulong para sa kaniyang proposal. I got excited of course. It’s my first time being involved at sa mga kaibigan pa ni Haines na mga kaibigan ko na rin.
“Panira talaga iyang Juanderpets na ‘yan. Wala sa timing.” Parang bata ito habang nakaupo sa couch, nakahawak sa kamay ko kahit na nakatayo na ako. Nagmatigas ako kahit na hinihila niya ako nang marahan para mapaupo muli.
“Hindi pwede ang gusto mo. Stop that, Haines Gian. Let me ask you, talaga bang panira si Juan? Ayaw mo siyang tulungan? Aren’t you happy for him that finally he is ready to commit himself to his love?”
Kumunot naman ang noo niya at saka ako inirapan. Aba, tingnan mo ang isang ito. Kung nagpapa-cute siya ay sobrang gwapo niya, shemay! Imagine a very handsome guy rolling his eyes on you like a madrasta.
“What kind of question is that?”
Tinawanan ko siya at saka pinatay ang aircon at ang ilaw. “See? Kunwari ka pang panira ng moment pero ikaw naman ang unang um-oo kanina sa inyo. Come on, naghihintay na si Juan sa inyo.”
Nakakainggit talaga ang pagkakaibigan nila.
Patakbong sumunod sa akin si Haines at saka ako hinawakan sa baywang.
It’s been a week since we went to the beach at super na-enjoy namin ang bawat sandali namin doon. Maliban sa pinagsawa namin ang aming mga sarili sa pagswimming, boating, fishing and or course, hindi namin pinapalipas ang gabi na hindi namin mae-enjoy ang katawan ng isa’t isa.
And that made us more intimate with each other. Mas nagkakilala kami at mas naging open pa lalo sa isa’t isa and that is a good start in a relationship. Alam kong bago pa lamang kami at malayo na agad ang nararating. We are both consenting adults, nasa lugar ang relasyon at ginagawa kaya wala namang masama. I know for some, having sex outside marriage is a sin but call me a sinner but this is what I wanted. This makes me happy. As long as I am not degrading other people or harming them then, walang problema.
“It would be my second time meeting his girl, Isabelle and Juan really loves her. I am glad he has the guts to do that so that he can give his daughter a whole family.”
Napalingon ako sa kaniya na seryosong nakatingin sa reflection namin sa salamin. So Isabelle ang pangalan. Napangiti ako sa kaniyang tinuran. Bigla rin akong napahanga kay Juan.
Mabilis naming narating ang isang napaka-gandang bahay na salamin at napakalawak ng paligid nito. Sumisigaw ito ng sobrang kayaman! Kahit malaki ang bahay namin ay pakiramdam ko ay doble ang laki nito.
Hindi ko naman minamaliit si Juan pero tingin ko sa kaniyang personalidad ay hindi siya mahilig o magpapatayo ng ganitong kalaking bahay.
“This is Isabelle’s house."
Napa-wow ako at saka tumango-tango habang sinisilip mula sa bintana ang ganda ng bahay at ang malawak na frontyard na may ilang puno at tanim pa.
I wonder how rich his girlfriend is. At may anak na sila! I am so eager to meet those two.
Bumaba na si Haines at saka ako pinagbuksan. Kalalabas ko lang nang may pumarada sa harapan ng sasakyan ni Haines. Nagmamayabang ang kotse at parang alam ko na kaagad kung sino ito, Kung hindi si Dalton ay paniguradong si Miguel. Hindi pa nakakalabas ang naroon sa loob nang may tatlong sasakyan na naman na pumarada.
Napakunot ang noo ko nang mapansin na may pagkakaparehas ang kanilang mga sasakyan. Ang aangas! I will buy a car soon. Pinapainggit nila ang ganda ko.
Sabay-sabay na nagsi-bukasan ang kanilang mga pintuan na parang mga nagpractice talaga. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Jusko, wala pa silang ginagawa, nakikita ko na agad ang kanilang mga kalokohan!
I got shocked when Lothaire and Killian have a companion with them.
Nagbatian silang magkakaibigan na may kasama pang sapakan sa balikat. Mga baliw.
“Hi, our gorgeous and sexy Vanessa!” bati ni Dalton. Nakigaya na rin ang iba kaya nginitian ko sila at saka bumati pabalik.
Nagkatinginan kami ng kasama ni Lothaire. Simple lang siya pero napakaganda. I would want her to be my friend. “This is Lisa, my girlfriend. Babe, meet Vanessa, Haines’ girlfriend.”
She smiled at me and my heart jumped when I saw how genuine her eyes and smile is. “Hi. Pleasure to meet you, Vanessa.”
Inilahad niya ang kamay niya sa akin.
Ginantihan ko ang kaniyang magandang ngiti. “So formal naman, girl! Hello, ako lang 'to oh. Si Vanessa.” Instead of answering her hand shake, hinila ko siya at saka niyakap. Nakipag-beso pa ako at saka nginitian siya nang humiwalay.
“And Vanessa, this is my sister, Bryar. Baby, this is Ate Vanessa.”
Aaw! She is so gorgeous! Akala ko ay girlfriend ni Killian kasi hindi niya kamukha. Pero may mga ganon namang magkapatid.
I smiled at her too who is smiling shyly at me. Aaw, she looks younger than us but her body is so sexy! Even her face except how innocent she looks like. I can erase that innocence she has. I smirked.
“Hi, baby Bry! Nice to meet you!”
Katulad ng ginawa ko kay Lisa ay niyakap ko rin siya at saka nakipag-beso.
I want to be their friend!
Bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Juan na buhat-buhat ang isang napaka-cute na batang babae at kamukhang-kamukha niya. Shit! Gusto ko siyang agawin sa ama at panggigilan.
“My Tito Ninongs! I miss you all!"
Oh my! Even her voice is so cute. Isama pa ang kaniyang accent. Ang taas ng energy.
“Baby, meet Tita Vanessa, Tita Lisa and Tita Bry. Girls, this is my daughter, Niccola Shaeina or Nicca for short.” Inisa-isa kaming itinuro ni Juan kay baby Nicca.
Malawak kaming ngumiti at saka kumaway sa kaniya.
Nagpababa siya sa daddy niya bago patakbong lumapit sa amin at niyakap kami isa-isa. Sweet. Parang gusto ko na rin ng anak dahil sa ka-kyutan niya.
Matapos ay niyaya kami ni Juan sa loob. Napanganga ako dahil sa ganda ng bahay. Ibang-iba ang style! Yes, we are rich but this house, parang ayaw kong tumapak sa sahig dahil kahit iyon ay tila salamin na pwedeng mabasag anytime at kung mangyari man, wala akong maipa-pangbayad dahil mukhang milyon ang halaga! Ganon ka-gara ang bahay ni Isabelle. Now, I am so excited to meet her.
Nahuhuli kaming tatlong babae, nagtatanungan ng mga personal na impormasyon para mas makilala pa ang isa’t isa.
“You are a model too?” I asked Lisa.
She smiled at me. “Hindi ba halata?”
Natawa naman kami ni Bryar dahil sa maloko niyang pagtaas ng kilay at pumamewang pa sa akin. “I am a model too kasi.”
“Kaya naman po pala. You are both pretty. I want to design clothes for the two of you and of course Ate Belle.”
“So I guess, you are a fashion designer?” sabay pa naming tanong ni Lisa kay Bryar sa isang mataas na boses at sa huli, nang marealize ang pagsasabay ay natawa na lamang kaming tatlo.
Shit! “Kaibigan ko na kayo ah. I love you both agad. Sagad na sagad,” I said and hug the two on their waists. Nasa gitna kasi nila ako kaya nayakap ko sila agad sa baywang.
Mahal ko na agad ang dalawang ito. Sa isang tao kasi, mararamdaman mo talaga kapag gusto mo ang isang tao at ang presensya nila at sila pa lang dalawa ang nakapanatagan ko kaagad ng loob. Iba sila sa mga nakilala ko.
Naging busy na nga kami sa pagintindi. Kaming tatlo ang nagkakausap madalas, minsan nagpapapansin si Haines pero hindi ko siya nilalambing dahil busy ako makipagkwentuhan sa dalawa kong bagong kaibigan habang nagugupit.
“I am doing it right kaya! Kuya Ki, look at Miguel. He is bullying me again!”
Natatawa kaming pinanuod ang dalawa na nagbabangayan. They actually look cute but I can see the stares and smile of Miguel to Bryar. There is something else na hindi ko masabi.
Nakakulitan na rin namin si Nicca na sobrang cute. Tuwang-tuwa kami lahat sa kaniya.
Juan's proposal was successful na muntik pang pumalpak dahil umuwi si Isabelle nang hindi nagsasabi kay Juan. Dapat kasi ay susunduin niya para prepared pero tinatapos na namin ang mga gagamitin nang biglang dumating kaya lahat kami kabado, hindi lang si Juan. May nakahandang pagkain para sa aming lahat kaya kumain muna kami bago nagsi-uwian.
“Bye, girls. I am rooting on our night out with Li and Baby Bry, Sabby. Congratulations again!”
Yes, may nickname na agad sila dahil mas komportable ako na tawagin sila roon. Ibig sabihin lang niyon, may special place na sila sa puso ko. Hindi ako mabilis makipagkaibigan pero sa kanila, parang ayaw ko ng umuwi at makipagkwentuhan na lamang.
I am happy that they are the girls that the boys pursue. Bagay na bagay rin naman sa personality nila na mababait.
“You want me to propose to you also?” Nakatitig ako sa labas ng bintana ng itanong ni Haines ‘yon.
Napalingon ako sa kaniya na nakakunot ang noo. “What?”
“Naiinggit kasi ako kina Juan, hon. I want to marry you.”
"I want that too but not now. Huwag kang inggitero, Haines Gian."
Nakita ko ang pagsimangot niya pero hindi ko iyon pinansin at saka ipinagpatuloy ang pakikipag-chat sa tatlo. May GC na kami at ako ang gumawa kanina matapos naming kumain. We had another short talk and we added each other on social media kaya may GC na kami ngayon.
"Who are you texting?"
"My girl friends..."
"I am glad you liked them, hon. Mababait silang lahat. I hope you won't brainwash them with your s*xual fantasies and knowledge"
Napapantasikuhan naman akong tumiitig sa kaniya. "Anong akala mo sa akin? Ang bad mo sa girlfriend mo." Kunwari ay mabigat ang loob ko sa sinabi niya at may kasama pang pagtaas ng kilay na akala mo ay tunay.
"I know you already, hon. Just don't... with Bryar. She's innocent."
I laughed at how concern he is. May kasama pang pagkunot ng noo. "Edi mas maganda!"
Bry is already an adult. She needs to be knowledgeable when it comes to this aspect. Hindi lang siya, lahat sila.
"Honey!"
I smirked.