EPILOGUE:
AFTER THREE YEARS:
“You’re not going to my graduation?” naiiyak na tanong ni Samarra kay Cadden habang kausap ito sa skyline apps.
"I'm sorry, love, I've been so busy. I oversee both your boutique and the O'Hara Empire. Your father was a very strict mentor, please… don’t cry,” nahihirapang pakiusap ni Zachary sa kaniya, iniwas niya ang tingin para punasan ang luha niya sa mata.
“But you promise me, right?” tanong ni Samarra na tila isang bata na hindi tinupad ng magulang ang ipinangakong laruan.
“Love?!” nahihirapang wika ni Zachary habang nakatingin sa kaniya na walang tigil sa pagpahid ng luha.
"It's fine, don't worry, I'm sleepy. I'm going to end this call."
Hindi na hinintay ni Samarra na makasagot si Zachary dahil agad niyang ini-end ang call. Dahil hindi na niya alam kung makakaya niya pang magsinungaling dito na okay lang siya kahit na ang totoo ay hindi. Bukas na ang graduation niya at matagal na nilang napag-usapan na uuwi ito pero hindi niya alam bakit biglang nagbago ang isip nito na hindi ito makakauwi, dati-rati ay umuuwi naman ito kahit anong araw na gustuhin tapos ngayon sasabihin sa kaniya na busy.
Busy his ass! Hinding-hindi na niya ito tatawagan kahit kailan inis niyang pangako sa sarili. Hinila niya ang comforter at pinilit na makatulog dahil ayaw naman niyang maging pangit bukas.
Kinabukasan mataas na ang araw nang magising si Samarra, masakit ang kaniyang ulo dahil sa walang tigil na pag-iyak niya. Umupo siya at isinandal ang likod sa headboard habang hinihilot ang kaniyang sentido. Ilang minuto rin ang ginawa niyang pagmuni-muni bago siya napilitan na tumayo.
Ang graduation nila ay gaganapin sa The House of Montserrat Film medyo malayo ito kaya napagpasyahan ni Samarra na bumaba na muna para kumain bago maligo. Ang isang bagay na natutunan niya ay kumain ng heavy sa umaga dahil noong nakaraang taon ay isinugod siya sa hospital dahil palagi siyang nagpapalipas ng pagkain na ikinabahala ng husto ni Zachary. Umuwi ang kaniyang asawa at nanatili ng ilang araw para bantayan at alagaan siya. Pinagsabihan din siya nito na itigil ang pag-intermitting fasting dahil hindi naman siya kumakain ng heavy na bagay na pinagbigyan niya si Zachary dahil ayaw naman niya na uuwi ito dahil lagi siyang nasa hospital.
Nang matapos kumain ay naglinis at naghugas muna siya ng kaniyang pinagkainan bago umakyat muli sa kuwarto para maligo. ‘Di nagtagal ay lumabas na siya sa bathroom at dumiretso sa walk-in closet pinili niya ang isang peach vintage length dress ang isinuot niya na pinadala pa ni Zachary sa kaniya mula sa paris noong isang araw. ‘Yon daw kasi ang gusto nitong isuot niya sa graduation niya.
Mayamaya ay sumilip si Manang Tessie para sabihin sa kaniya na dumating na si Frankie na siyang mag-aayos sa kaniya ngayon. May mga kasama na kasi siyang kawaksi sa bahay buhat nang umalis si Zachary. Ayaw kasi nito na mag-isa lang siya sa bahay, pinapalipat siya nina Mommy Lorraine at Daddy Calvin kaso siya ang tumanggi dahil gusto niya kung saan siya iniwan ni Zachary ay dapat doon siya nito babalikan.
“Hi! Madam,” nakangiting bati ni Frankie sa kaniya na kasama pa ang mga kaibigan nito na tinatawag niyang Frankie n’ friend. Dahil hindi niya nakikitang magkakahiwalay ang mga ito.
“Hi! Pasok kayo,” aniya sa mga ito.
“Gosh! Madam, ang ganda naman ng susuotin mo,” namamanghang wika ni Claire habang nakatingin sa kaniyang damit.
“My husband’s gift,” maiksing wika niya na ikinatuwa ng mga ito.
Pinaupo siya ni Frankie sa high stool na dala nito habang sina Claire at Izzah ang nag-ma-manicure at nag-pe-pedicure sa kaniya si Salome naman ang nakatoka sa kaniyang buhok at si Frankie ang sa make-up.
Isang tapik sa pisngi ang nagpagising kay Samarra agad niyang nasilayan si Frankie na nakangiti sa kaniya na tila nasisiyahan sa nakikita.
“I’m sorry, nakaidlip pala ako,” paghingi niya ng paumanhin sa mga ito.
“Okay lang, Madam,” nakakaunawang wika ni Frankie at tinulungan pa siyang tumayo, sina Claire at Izzah naman ay sinamahan para tulungan isuot ang kaniyang dress para hindi masira at dumikit ang make-up niya.
Nang matapos makapagbihis ay agad na nagpaalam sina Frankie sa kaniya samantalang siya ay pumasok muli sa walk-in closet para kunin ang kuwintas na ibinigay sa kaniya ni Zachary noong nineteen birthday niya. Nang makontento sa kaniyang ayos ay agad na niyang hinayon ang pinto ng kuwarto para lumabas.
Habang hinahayon ni Samarra ang hagdanan pababa ay agad siyang napasimangot nang makita niya si Ezekiel na prenteng nakaupo sa living room habang nagbabasa ng magazine.
“Where’s my gift?” tanong niya kay Ezekiel at inilahad pa niya ang kamay sa harapan nito.
“Gift? Why is it your birthday?” takang tanong ni Ezekiel na ikinakunot-noo niya.
Huminga muna nang malalim para kumalma kahit kailan ang galing manira ni Ezekiel ng mood. Hindi pa nga siya nakaka-move on sa inis niya kay Zachary ay mukhang dadagdagan ni Ezekiel.
“Let’s go, Kiel,” aniya at pilit na binabalewala ang inis na nararamdaman niya, ayaw niyang madala ang negative vibes hanggang sa graduation ceremony niya. Wala na nga ang magulang niya dahil busy ang mga ito tapos pati asawa niya hindi rin uuwi.
Hanggang sa makarating sila sa hall ay hindi niya magawang imikan si Ezekiel kahit si Jazz na sinalubong siya ay kiming ngiti lang ang ginawa niya. Ang sama-sama ng loob niya, kapag natapos ang graduation niya ay mag-bo-book siya papuntang Europe, siya naman ang magiging busy.
Hindi na naiintindihan ni Samarra ang buong graduation ceremony kundi pa siya kinalabit ni Jazz ay hindi pa siya tatayo para tanggapin ang parangal na Summa Cum Laude bilang pagtatapos ngayong taon. Habang naglalakad siya sa stage ay pilit niyang pinipigilan ang luha dahil pakiramdam niya hindi sapat ang presensiya ni Ezekiel. Hinahanap-hanap niya pa rin ang kaniyang asawa.
Nang tinanggap niya ang parangal ay pilit niyang ngumiti at nagbigay ng mensahe sa katulad niyang magtatapos ngayong araw na ‘yon.
"To my fellow graduates, never stop growing, never stop pushing yourself, never stop dreaming, never stop trying new things, and always be brave like a soldier in an epic battle," aniya sa kapwa niyang mag-aaral.
Habang naglalakad si Samarra pabalik sa kaniyang upuan ay nagpakawala siya ng isang buntong-hininga at tumingin sa paligid dahil umaasa siya na magpapakita sa kaniya si Zachary pero bigo siya.
Nang matapos ang kanilang graduation hindi magawang ngumiti ni Samarra dahil nagpaalam sa kaniya si Ezekiel dahil may importante meeting pa raw ito kaya hindi na siya nagpahatid pabalik sa bahay na mas lalo niya pang ikinainis dahil hindi man lang nag-insists na ihatid siya.
What a day!
Nang may huminto sa harapan niya ng isang taxi ay hindi na siyang nangimi na sumakay para magpahatid sa Villa Escaler. Habang sa daan ay sinusubukan niyang tawagan ang cellphone ni Jameson na siyang assistant ngayon ni Zachary sa Australia pero out of coverage area ang linya nito na mas lalong nagpadagdag sa inis niya.
Napakunot-noo si Samarra nang mapansin na tila iba ang dinadaanan nila pero hindi muna siya umimik at nag-observe muna siya baka nag-shortcut lang ang driver.
“Hmm... Manong, parang hindi po ito ang daan,” aniya dahil parang inikot-ikot siya ng driver.
“Ma’am, sa kabila po tayo dumaan para po mabilis,” mahinang wika ng driver na tila binabago ang boses.
“Ah... okay,” aniya at pilit na iwinawaglit sa isipan na baka paranoid lang siya, kaya kinuha niyang muli ang cellphone para tingnan kung may message man lang si Zachary ngunit wala.
Nang may naamoy si Samarra na tila mabango ay sisitahin sana niya ang driver ngunit huli na dahil nanlalabo na ang kaniyang paningin hanggang sa unti-unti na siyang nilamon ng kadiliman.
Nagising si Samarra nang makaramdam ng malamig, pilit na inaaninagan kung saan siya naroon ngunit puro dilim ang sumalubong sa kaniya. Agad siyang kinabahan nang maalala niya na nasa taxi lang siya kanina.
Kidnap?
‘Yon ang unang pumasok sa kaniyang isipan kaya kinapa niya kinapa niya ang sarili, ganoon na lang ang pagtataka niya dahil hindi man lang siya nakatali maski ang kaniyang paa ay malaya niya rin naigagalaw. Ganoon na lang ang pamimilog ng kaniyang mata nang makapa niya ang sarili na wala siyang suot na ano mang saplot sa katawan. Napalunok siya at awtomatik na kinapa ang pang baba kung may kakaiba ba siyang nararamdaman ngunit wala naman kaya nakahinga pa siya nang maluwag.
Maingat na bumaba siya sa kama at patingkayad na naglalakad na animo’y magnanakaw na takot makagawa ng ingay baka magising ang may-ari ng bahay. Pigil ang kaniyang paghinga habang naglalakad nang may biglang humila sa kaniyang kamay na ikinatili niya ng husto na agad din natigil nang may labing lumapat.
Natigilan si Samarra nang maramdaman niya ang pamilyar na halik na matagal na niyang hinahanap, ang kaniyang kamay ay awtomatikong humawak sa magkabilang bisig nito, paakyat hanggang sa balikat.
“Love?!” mahinang bigkas niya na tila naninigurado na si Zachary ang kaniyang hinahawakan.
“I love you,” bulong nito na ikinaiyak niya.
“I hate you,” aniya na ikinatawa nito na tila inaasahan na ang kaniyang sagot.
“I love you more.”
Zachary pressed his lips against hers once more, this time more forcefully and authoritatively. She fought back with equal ferocity. His hands moved over her body, squeezing her boobs and making her moan.
Nagising si Samarra na masakit ang buong katawan dahil sa walang sawang pag-angkin sa kaniya ni Zachary na hindi man lang siya pinatawad kahit na first time niya ‘yon. Nagigising na lang siya na inaangkin siya nito na hinayaan na lang niya dahil alam niyang matagal din itong naghintay bago pinitas ang kaniyang cherry.
Dahan-dahan na ibinaba ni Samarra ang paa sa sahig na ikinangiwi niya nang husto dahil sa sakit ng kaniyang gitna. Pilit niyang itinayo ang sarili dahil nakakarinig siya ng hampas ng tubig. Kipkip niya ang comforter sa katawan at paika-ika siyang naglalakad sa makapal na kurtina na tumatabing sa buong kuwarto.
Nang mahawi niya ‘yon ganoon na lang kaniyang pagkamangha dahil kitang-kita niya ang bughaw na langit na nag-re-reflect sa dagat. Alam ni Samarra na nasa itaas sila dahil medyo malayo ang dagat na nakikita niya.
"Do you like it?" bulong ni Zachary sa kaniya ang kamay nito ay yumakap sa kaniyang baywang.
"Yeah, I like it a lot,” pagsang-ayon niya at inihilig ang ulo sa dibdib nito habang nakatanaw sa malaparaisong lugar.
“This is our Isla Amara.”
Napabaling ang tingin niya kay Zachary na seryosong nakatingin sa kaniya kitang-kita niya ang sari-saring emosyon sa mata nito.
“Isla Amara?”
“Isla Amara means Everlasting.”
“Everlasting?”
"Yeah, like my love for you, everlasting."
The next thing she knew, Zachary was claiming her lips again and again.
The End
You finished this book. Find your next story below.





