Chapter 12
NATE's POV
"Hintayin mo na lang ako sa labas, sandali lang ito at kakausapin ko lang si Zayne," ngumiti siya sa akin at lumabas na ng opisina ni Zayne. Hinintay ko munang makalabas si Solemn bago humarap ulet kay Zayne. Nandito kami ngayon sa ospital para sa monthly check-up ni Solemn,
"It has been six months since the accident. How come she still can't remember anything?" Naupo ako at napatingin kay Zayne na ngayon ay binabasa ang resulta ng ginawang pag-check up kanina kay Solemn.
"Well as I can see, the blood clot in her head is now reducing. Alam mo na ang ibig sabihin ng sinasabi ko." Tumingin siya sa akin at binaba ang nasabing papers,
"Alam ko, anytime soon ay maaalala na niya ang lahat kung hindi man ang lahat ay unti-unting babalik sa kanya ang mga alaala niya." Napabuntong hininga ako.
"Whats the big deal of it?" Tanong ni Zayne. Nagkatinginan lang kaming dalawa. "Ayaw mong makaalala siya?"
"I'm going back to the Philippines. I'm going back with her." Yes, I'm going back to the Philippines with Solemn. "She must not remember yet. My plans can't be jeopardized." At ayokong mawala siya sa akin. Gusto ko sanang idugtong pero sinarili ko na lang. Nasapo ko ang noo ko sa naiisip.
"What was that for?" Tatawa-tawa sabi ni Zayne. Napatingin ako sa kanya habang umiling-iling lang siya sa akin, iyong tingin na binibigay ni ay parang sinasabi niya akong na-aabnoy na ako. "Its good to have you back Nathaniel but you've gone crazy though." Natawa na lang din ako at tumayo na.
"See you when I see you cousin." Hindi ko na siya pinansin habang naririnig ko pa ang tawa niya.
Lumabas na ako ng opsina niya at lumingon lingon para hanapin si Solemn. Lumapit ako rito habang tinitignan ito at ang batang kinakausap nito ngayon.
"I want to give you this," sabi ng batang lalaking naka wheel chair na nag-abot ng isang rose kay Solemn. Unit-unting kinuha ni solemn ang rosas at tinitigan iyon. Ngumiti si Solemn sa bata.
"Thank you cute little boy," hinalikan nito sa noo ang bata na ngayon ay nakangiti na din ng malapad. Ang swerteng bata. "Get well soon okay? Then lets play again," ginulo ni Solemn ang buhok ng bata at tumayo na dahil napansin ata niyang ang presensya ko. Kinuha na din ng nurse ang bata at umalis na ang mga ito.
"Tara na," hinawakan ko ang kamay at hinila siya papalapit sa akin.
"O bigla ka atang nangyayakap sa akin ngayon." Sabi niya sa akin na niyapos na din ako ng yakap.
"Ako lang ba o nararamdamam ko din ang kamay mo sa likuran ko." Binaon lang niya ang mukha sa dibdib ko at tumawa.
"Bitawan mo na nga ako. Masaya pa naman ako ngayon." Binitawan ko na siya ngayon ngunit hinawakan ko ang kaliwa niyang kamay habang naglalakad na kami. Ito pala iyong tinatawag na HHWW, ang corny ko.
Simula ng nakasama ko si Solemn pakiramdam ko nagiging corny ako, nababaklaan ako sa sarili ko pero hindi ko mapigilan.
"O hindi ka masaya para sa akin?" Patanong akong tumingin sa kanya. Ano bang sinabi niya kanina pansin na pansin talagang hindi ako nakikinig sa kanya.
"May naaalala na ako Renzo," masaya siyang humarap sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya. "Pilit na pilit ata iyang ngiti mo mister?"
"I'm happy, I'll gonna miss you." Bumutong hininga ako at kinuha ang isang rosas na hawak-hawak niya at nilagay iyon sa kanang tenga nito.
"Why would you miss me if I'm in front of you?" napangiti ako sa kanya dahil nakakunot ang noo niya, ngayon nakakapagsalita at nakakaintindi na siya ng english. Kung alam mo lang Solemn, iiwan mo ako pagdating ng panahon.
"You'll gonna leave me." Mahina kong sambit para hindi niya marinig ngunit hindi pala iyon nakalusot sa tenga nito.
"I'll never do that, hindi kita iiwan Renzo. I promise," hinawakan niya gamit ang dalawang kamay niya ang magkabilang pisngi ko. Sana nga. I'm gonna hold onto that promise.
"Let's go." Hinawalan ko ng mahigpit ang kamay niya at umalis na kaming ospital.
TAWA ITO ng tawa sa akin habang naglalakad kami sa loob ng mall. Paano ba naman nakasuot kasi ako ng wig at naka shades na hindi bagay sa akin.
"Tigilan mo nga iyang pagtawa mo." Hindi pa rin siya tumitigil kaya napapatingin sa kanya ang mga tao lalo na ang mga lalaki. Maganda ba naman kasi ang kasama ko, nakakainis lang dahil sa disguise ko hindi ko sila mabigyan ng tinging 'back off' kundi makikilala ako.
"Kasi naman bakit nandito tayo kung ayaw mong magmukhang ganyan?" napameywang siya sa akin. She looks so adorable trying to be fierce.
"Nandito tayo para mag-shopping ng mga gamit mo." Sabi ko sa kanya at hinila ko na siya papasok sa isang botique.
"Bakit? May pupuntahan ba tayo?" Tanong nito kaya tumango ako rito. She's really sharp. Isa sa mga gusto ko sa kanya.
"We're going to the Philippines." Kumuha ako ng damit at inabot rito. Agad ko siyang pinapasok siya dressing room.
Ilang oras din kaming nag-ikot sa ilang mga boutique para bumili ng mga damit niya at ilang mga pangangailangan niya. Nakakatuwa lang tignan ang mukha ni Solemn pag hindi niya gusto ang napili kong damit. Adorable? Nope, she's beautiful.
"THANK YOU Renzo." Inamoy nito ang kakabigay ko lang na isang bouquet ng red roses. Ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi na kinabigla ko.
"I know you'll like it." Tumingin siya sa akin at pinanliitan ako ng mga mata. "What? This is your favorite flowers right?" Yes, roses are her favorite flower.
"Alam mo din?" Ngumiti na lang ako sa kanya. Of course hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang totoo. Hindi ko pwedeng sbaihin kung anong nalalaman dahil hindi siya pwedeng mawala sa akin. I will not lose here.
"Of course, I know everything about you." Naglalakad-lakad pa kami at tumitingin sa pwede pang pasokang boutique. Tumakbo siya sa isang accessory shop. Napatigil ako sa paglalakad ng may namukhaan akong lalaki na nadaanan ni Solemn na napatigil din at napatingin kay Solemn.
"Devon Lorenzo Yan," sambit ko.
Hindi ako pwedeng magkamali. Pagkakataon nga naman.