Chapter 11
DEVON's POV
"Grandma can I stay here for the whole summer break? Can I?" Napatingin ako kay Grandma na ngayon ay nagpuputol ng mga bulaklak sa garden. Sumunod-sunod ako sa kanya habang patuloy sa pagputol niya ng mga rosas.
"But Devon you told your Mom you'll just stay here for only a week. Baka magalit ang Mommy mo niyan." Tumigil si Grandma sa pagputol ng mga bulaklak at humarap sa akin. Pero gusto ko dito lang ako.
"Grandma please po! I want to stay here. I don't want to go back in that house." Umiling-iling kong sabi kay Grandma. Napaupo ako sa damuhan at binubunutan ang mga iyon na para bang nakakatulong sa akin na matanggal ang nararamdaman ko.
Ayoko, Ayokong umuwi sa bahay. Iyan ang sinisigaw ng bata kong isip.
"Devon look at Grandma. Sabihin mo sa akin bakit ayaw mong umuwi?" Napatingin ako kay Grandma, sa murang edad alam ko ng may problema ang pamilya ko.
"I just want to stay here, ayoko sa bahay. Maingay sa bahay." Sinasabi ko sa kanya habang binubot ko ang damong mahahawakan ko na puno ng pwersa.
"Bakit maingay sa bahay niyo? Talk to Grandma, Devon." Malumanay niyang sabi sa akin. Napatingin ako kay Grandma at muling binalik ang tingin sa damuhan.
"Mom and Dad, they are always fighting. They shout to each other so loud." Nanlumo kong sabi kay Grandma. Sa mura kong edad naintindihan ko na sa sarili kong hindi nagmamahalan ang mga magulang ko that I'm an unwanted child.
"Parati ba itong nangyayari?" Tumango ako bilang sagot kay Grandma. "Okay, I'll tell your Mom that you'll spend your summer break here. Si Grandma na ang bahala." Ngumiti sa akin si Grandma. Biglang nag-ilaw ang mukha ko na tumingin kay Grandma at ngumiti ng malapad.
"Thank you Grandma! Your the best!" Hinalikan ko ang sa pisngi niya. Napalingon kami ng may sumigaw sa likuran namin.
"Renzo lets play!" Mabilis na tumakbo papunta sa direksyon namin si Serena na nakangiti ng malapad.
"I'll marry Serena someday." Sabi ko kay Grandma na nanlaki lang ang mga matang nakatingin sa akin at maya-mayang ngumiti.
"Devon do you know what the word 'marry' means?" Tumayo ako para tumakbo papunta kay Serena ngunit tumingin muna ako kay Grandma.
"Of course, Grandma. I'll make Serena happy forever." At tumawa na ng malakas si Grandma sa akin.
"Then I'll give you my blessings." Tumakbo na ako papunta kay Serena at nakipaglaro rito.
BUMABA NA ako sa helicopter at sinuot na ang shades ko. Naglakad na ako papasok ng building, kasalukuyang nasa helipad ako ng isang company building namin. Kakarating ko lang ng Pilipinas kaninang umaga galing New York at dumiretso agad ako papunta rito.
"Good Morning, Sir," napatingin ako sa papalapit na secretary ko. Ngumiti lang ako sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.
"What's my schedule today Jane?" Tanong ko sa kanya at sumakay na ng elevator, sumunod naman siya agad sa akin. Tumingin siya sa mini tablet niya para tignan ang mga gagawin ko.
"In 10 minutes' time you will have a board meeting, at 11:30 am a lunch with some investors, you also have to sign contracts and proposals to approve. That is all Sir. All in all, puno ang schedule niyo ngayong araw Sir."Mabilis nitong tugon.
Tumango-tango lang ako ng matapos siyang magsalita. May sinabi pa siya tungkol sa update ng bagong company na na acquire namin.
"Did someone called Jane?" Tanong ko, tumigil ako sa pagbukas ng pintuan ng opisina ko.
"Actually Sir, may nagpacancel po ng board meeting at lunch meeting niyo." Bumaba ang tingin nito ng sumingkit ang mga mata ko. At sino naman? Bigla kong naisip kung sino ang may kayang gumawa neto. Napahawak na lang ako sa noo ko.
"Ok don't worry Jane. Reschedule the board meeting and the lunch meeting with those foreign investors. You can go now." Pumasok na ako ng opinisa. Just like I thought. Napabuntong hininga ako.
"Is that how you greet your Grandma?" Lumapit agad ako kay Grandma na ngayon ay nakaupo sa swivel chair at hinalikan ko siya sa pisngi.
"Good morning Grandma, gumaganda kayo lalo!" Inirapan lang ako ni Grandma.
"Devon Lorenzo alam mo kung bakit nandito ang Grandma mo?" Sabi niya sa akin, uupo sana ako ng bigla itong nagsalita. "Sino ang nagsabing pwede kang umupo?" Agad akong bumalik sa pagtayo ng tuwid.
"Grandma naman." Napabuntong hininga ako. Aalm kong pupuntahan niya ako dito dahil tumawag na siya sa akin noong nasa New York ako pero hindi ko alam na nadito agad siya ni hindi ko man lang napaghandaan.
"Don't Grandma me! Hala sige umupo ka na at may pag-uusapan tayo."
"Thanks Grandma." Naupo na ako at hinintay ang sasabihin ni Grandma sa akin.
"Devon naalala mo pa ba noong mga bata pa kayo ni Serena. Naalala mo pa ba ang sinabi mo sa akin noon?" Napatingin lang ako kay Grandma. Alam na ba ni grandma? Alam na niyang hiwalay na kami?
"Hindi po Grandma." Sabay iling rito.
"Alalahanin mo Devon! I didn't give my blessings in your marriage for nothing." Dumagundong ang boses ni Grandma sa buong opisina ko. Pag ganito na ang pananalita ni Grandma ay big sabihing mainit na ang ulo niya.
I know alam na ni grandma ang lahat kaya ganito siya sa akin ngayon. Hindi tanga si Grandma para hindi malaman ang lahat. I know she knows everything thats why she is here.
"Hindi mo ba naaalala na noong mga bata pa lang layo ni Serena hiningi mo na ang kamay ni sa akin?" Napabuntong hininga ako, kanina hindi ko maalala pero ngayong na pinaalala na sa akin ni Grandma ay muling bumabalik sa akin ang araw na iyon. Malaki ang utang na loob ko kay Grandma, sa kanya ko sinasabi ang lahat ng hinaing ko sa mga magulang ko. Mula ng araw na sinabi ko sa kanya ang lahat ay si Grandma ang naging sandigan ko sa tuwing may problema ako, sa kanya lang kasi ako nagkakaroon ng lakas ng loob na magsalita sa mga nangyayari sa buhay ko.
Noong bata pa ako namulat na ako sa isang broken family, my parents didn't love one another. I overheard them one time fighting that they just married for my sake and I was just an accident. Ako ang naging dahilan kung bakit napatigil si Mom bilang mgaing sikat na model, naging matumal siya sa industriya dahil sa nabuntis ito.
Every night na umuuwi sila dati sa bahay wala na silang ginawa kundi ang mag-away. Minsan na nga lang magkatao sa pamamahay namin dahil sa parating wala si Daddy at puro trabaho na lang ang inaatupag at babae. Yes, my Dad is not just workaholic he's also a womanizer.
I grew up in an environment where everything was a lie. On the outside, our family looks so perfect that anyone would envy. We have the money and fame but there was no love. I didn't felt the love of my parents, I grew up not knowing what is the meaning of loving someone. Noon hindi ko matanggap kung bakit ganito ang buhay ko pero kalaunan ng unti-unti na akong nagka-edad naging klaro na ang lahat sa akin.
"Do you think hindi ko malalaman ang lahat Devon?" Parang nagising ako sa sinabi ni Grandma sa akin. Nagdial ito sa intercom at tumawag. "Jane papasukin mo si Atty."
Bigla akong napatingin rito at parang naestatwa sa kinauupuan ko.
"Grandma.."
"You and Serena can't be annulled. Atty. didn't process the papers of your annulment." Napatikom ang bibig ko, hindi ko magawang magsalita at hinintay pa ang sasabihin ni Grandma.
"What? Why Grandma?" Napatingin ako kay Atty na hindi din magawa magsalita at bumalik din ang tingin ko kay Grandma.
"Hindi mo makukuha ang mana mo Devon, sinabi iyan ng Daddy mo sa akin." Mas lalo akong nabigla sa narinig. Kailan pa naging ganito ang lahat?
"Anyway, that's not the issue here Devon." Tumayo na si Grandma kaya napatayo na din ako.
"Wait, Grandma," tawag ko sa kanya.
"I'm giving you another chance Devon," napatitig lang ako sa kawalan hanggang sa nakaalis na sila. Hindi ko na alam ang gagawin ko.