Chapter 49: MACEDONIA PART 2

Tobias

Sumandal ako't naramdaman ang mabatong pader ng silid. Mula sa aking puwesto'y tanaw ko ang labas at kitang-kita ang mga naglalakad na tao. Ako'y nakahalukipkip habang nakatayo sa harap ng napakalaking bintana. The wooden window is six-foot-wide and four-foot-tall. And it was full of hanging seashells. Ang silid kung saan kami naghihintay ay tahimik at tanging tunog lamang ng mga baso ang maririnig.

"Paabot ako ng pilak." Isang makahulugang ngiti ang binigay ko kay Eaton. Mula sa aking gilid ay tinapunan ko ng tingin ang nag-iisang pilak. Ito'y nakapatong sa isang bilog na mesa na aking katabi. Kinuha ko ito gamit ang kanan kong kamay at inabot sa kaniya ngunit agad ko ring sinara ang aking palad. I opened my right palm but the coin is nowhere to be found.

"Hindi ako nakikipagbiruan, gungong!" bulaslas ni Eaton dahilan upang humalakhak ako. Sa isang iglap ay lumipat ang pilak sa kaliwa kong kamay. Binuklat ko ang palad ko't lumutang 'yon sa ere't bumalik sa aking palad. Malawak ang ngiti ni Owen habang ito'y nakaupo mula sa malayo na tila ba natutuwa sa namumulang mukha ni Eaton dahil sa inis.

Ginala ko ang aking paningin sa silid kung saan kami nagtungo. Ang unang palapag kung nasaan kami ay maluwang. Ang dingding ay gawa sa kahoy kung saan nakahilera ang mga naglalakihang estante na puno ng mga diyaryo. Kahit saan ako tumingin ay wala akong makita kundi mga estante't pinikit ko ang aking mga mata upang hindi ako mahilo.

"Nahihilo ka ba? Mabangis talaga ang karma!" Dumilat ako nang marinig ko ang boses ni Eaton at ako'y ngumisi. Inangat ko ang kaliwa kong kamay at binuka ito. Tila kasingbilis ng kidlat na lumutang ang pilak papunta sa kaniyang mukha ngunit ito'y agad niyang sinalo nang 'di siya kumukurap.

"Bibili lang ako ng buko sa labas." Nakangising sabi ni Eaton habang nakatingin sa akin. Binato niya ang pilak sa ere't ito'y kaniyang sinalo.

"Hintayin na muna natin sila," diretso kong sabi't sinuklay ang buhok ko gamit ang aking kamay. Dumako ang mga mata ni Eaton sa bintana't tumingin pabalik sa aking mukha.

"Nakakapagtaka... Hindi ba'y ang sabi mo'y magkikita tayo sa lugar na ito bago ang tanghalian?" Sa boses at tono ng pananalita ni Eaton ay alam kong seryoso na ito. Ako naman ay napaisip at napahawak sa aking baba.

Tama siya. Ang nakasulat sa liham na tinali ko sa katawan ni chipipi ay detalyado't walang labis walang kulang. Para hindi sila mawala'y isang hiwalay na papel kung saan nakaguhit ang mapa ng Macedonia ang sinama ko sa liham. Sigurado akong natanggap nila ang aming liham dahil nang lumipad pabalik sa amin si chipipi ay wala na ang mga papel na tinali ko sa kaniyang katawan.

"Sa harap ng gawaan ng gatas ang ating tagpuan bago ang oras ng tanghalian." Sumandal ako sa estante't binigkas ang eksaktong mga salita na nakasulat sa liham. "Iyon ang sinabi ko ngunit 'di ko alam kung bakit hanggang ngayon wala pa rin sila." Nanatili ang tingin ko sa harap kung saan nakatayo ang isang edipisyo na may tatlong palapag. Ito'y walang iba kundi ang gawaan ng gatas na aming tagpuan.

"O talaga? Sila'y mga dayo sa Nokkan hindi ba? Baka'y naligaw sila rito sa Macedonia!" komento ni Owen. Tumayo ito't agad na naglakad palapit kay Eaton. "Hoy. Sasama ako sa iyo! Kanina pa ako uhaw dito!" malakas niyang sabi na animo'y isang makulit na chikiting.

"Impossible." Lahat kami'y lumingon sa direksyon ni Castor nang siya'y magsalita. Sinandal niya ang kaniyang ulo sa upuan at kami'y tiningnan. "Sigurado akong ang mga dayo na tulad nila'y hindi luluwas papunta rito nang walang kasamang nakatira sa Nokkan. Ang ginuhit na mapa ni Owen ay magulo't mahirap intindihin."

"Aba! Ang galing mo naman! Paano mo nalaman na ako ang gumuhit! Gusto kitang apiran sa mukha gamit 'yang upuan mo!" sarkastikong singhal ni Owen na animo'y gustong manapak. Nanatili namang blanko ang mukha ni Castor at panay ang halakhak ni Eaton. Nahawak ito sa kaniyang tiyan na tila'y hindi na makahinga kakatawa.

"Isa ka pa e. Kung hilain ko kaya ang dila mo! Tingnan natin kung makatawa ka pa!" Pagdadabog ni Owen na parang bata't ako'y napailing na lang nang asarin ito lalo na ni Eaton. Dumako ang mga mata ko kay Castor na blanko ang mukha habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Sa isang iglap ay napatigil si Owen at napadaing sa sakit. Kami'y nagtaka ngunit nang hawakan niya ang kaniyang noo'y alam na namin kung ano ang nangyayari. Tumingin kami sa direksyon ni Castor na tila isang haring nakaupo sa kaniyang trono.

"Aray! Aray ko! De puta ka talaga, Castor! P'wede ka namang magtanong sa akin kung may gusto kang malaman!" He started screaming and shouting like a madman. Imbes na tulungan siya'y nanatili kaming nakatingin sa kaniya. Pagkatapos ng ilang segundo'y pinagpapawisan siyang sumandal sa pader. Owen raised his middle finger.

"Limang blankong papel lang ang binigay mo sa kanila? Hindi ba ang sabi ko'y lahat ay bigyan mo? Ang mga papel na 'yon ang gagamitin nilang liham kung sila'y magsusulat pabalik sa atin. Ang papel sa Nokkan ay dalawang lupa't isang manok ang katumbas na presyo." Humalukipkip si Castor at wala akong magawa kundi ang mapakamot ng ulo.

"Pinagsabihan ko siya tungkol diyan ngunit hindi siya nakinig." I shrugged my shoulders. Ganoon din ang ginawa ni Eaton dahil wala siyang ideya sa mga ginawa ni Owen.

"Pinagsabihan mo si Owen ngunit iba ang kaniyang inatupag. Pumunta siya sa Nokkan at nakihalubilo sa magagandang mga dilag. Ginabi siya't napagtanto na 'di niya pa nagagawa ang dapat niyang gawin kaya nagmadali siyang iguhit ang napakasimpleng mapa." Walang preno niyang sabi't lahat kami'y natahimik.

Tumingin ako sa direksyon ni Owen habang umiiling at siya naman ay nakayuko na tila isang makulit na paslit na tinuturuan ng leksyon. Alam na namin ang sagot kung paano nalaman ni Castor lahat ng ginawa ni Owen.

Castor did it again. We all knew that he has the ability to look into people's minds.

Pinagmasdan ko ang itsura ni Owen na animo'y tumakbo't nagehersisyo. Pawis na pawis ito't nanghihina ang tuhod. Ito ang epekto kung ika'y tinamaan ng kapangyarihan ni Castor. Sa isang iglap ay kaya niyang pasukin ang memorya't alaala mo kaya lahat ng mga sikreto mo'y kaya niyang makita't malaman.

That's the reason why he's silent. . . He can see everything inside our minds, so he doesn't need to talk anymore.

Naiinip kaming tinapunan ng tingin ni Castor habang nakapatong ang palad niya sa kaniyang baba't tinitigan ako. Sa tingin niya'y alam kong naghihintay siya ng dapat kong sabihin. I knew it. Alam ko ang bawat kilos niya.

"Sinabi ko sa kanila ang lahat ng mga dapat nating gawin," maikli kong sabi ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay.

Titigan ko lang si Castor sa mga mata ay alam kong hindi siya kuntento sa sinabi ko't gusto niya ng isang mahabang paliwanag. He remained his poise. . . cold and full of authority.

At bago pa kami makapagsalita'y tinaas niya ang kanan niyang kamay.

"Nakita ko na lahat." malamig niyang sabi't humalukipkip sa amin. Nagkibit balikat naman si Owen at ako ang tiningnan ni Eaton. Ganito ang lagi nilang ginagawa't ako ang naiipit sa sitwasyon. Ako ang inaasahan nilang magsalita para sa kanila.

"Pasensya na." Napakamot ako sa batok at tiningnan ang dalawa. "Hindi rin kasi maasahan ang dalawang 'to e." dagdag ko't siningkitan sila ng mga mata. Nanatiling nakasimangot si Owen habang ito'y nakatayo sa harap ng pinto. Sa itsura niya'y para itong paslit na nakasiksik sa gilid at nagmamaktol. Alam kong tumatakbo sa isip nito na sana'y hindi nalang siya nagsalita para hindi naudlot ang pabili nila ng buko ni Eaton sa labas.

"O, ba't pati ako? Hindi ba'y sinunod ko naman ang sinabi mo. Ako kaya ang bumili ng papel. Hindi nga kayo nagbayad sa akin." Komento ni Eaton. Ako'y napasapo nalang ng noo dahil hanggang ngayon ay halata na hindi maganda ang timpla ni Castor.

"Siguro'y maghintay na muna tayo ng limang minuto. Kung wala sila'y tatawagin natin si chipipi upang mahanap sila." Nakita ko ang pagtango nila Eaton at Castor sa sinabi ko't samantala si Owen naman ay nakasimangot. Siguro'y dahil naudlot ang pagbili nila ng buko sa labas. Alam kong walang laman ang utak niya kundi pagkain.

Ang usapan namin ay magkita sa gawaan ng gatas at buong akala namin ay agad namin silang makikita. Sa hindi malaman na dahilan ay may kutob ako kung bakit sila'y natagalan. Pakiramdam ko'y hanggang kasama nila ang binibini ay sila'y lalapitan ng mga sakim sa kapangyarihan.

Kung ano man ang nalalaman namin ngayon ay siguradong hindi pa nila alam.

Alysa Espanosa

Nanghihinang sumandal si Errol sa upuan at pinikit ang kaniyang mga mata. Yumuko ako hanggang sa maging magkatapat na ang aming mga mukha't sinuri siya. Nakapikit siya't pinagpapawisan at pansin kong mabigat din ang kaniyang paghinga. Bumaba ang tingin ko sa suot niyang kuwintas at ako'y napakunot nang makitang ito'y kulay lila't sa isang iglap ay nagiging kulay pula. Tinagilid ko ang aking ulo dahil may na-alala ako.

I wonder why I never saw Errol in his cat form these few weeks.

"Masakit ba sa dibdib ang paghinga mo?" diretsong sabi ni Flyn habang ito'y nakatayo sa kanan ko. Sa kaliwang bahagi ko naman ay nakatayo si Shaja habang hawak nito ang isang buko na mukhang handa niyang painumin kay Errol.

Dumilat si Errol at ako'y napaurong. I cleared my throat. Humakbang ako't tiningnan si Flyn. Mukhang naintindihan niya naman ang ibig kong sabihin dahil siya naman ang lumapit kay Errol. Katulad ng ginawa ko'y nilapit niya ang kaniyang mukha rito't sinuri ang kaniyang itsura.

"May nararamdaman ka bang kakaiba?" Nagtatakang sabi ni Flyn at agad na umurong si Errol bilang tugon. Pansin kong hindi ito makatingin sa amin sa hindi malaman na dahilan kaya ako'y nagtaka. Tinapunan ko ng tingin ang aking mga kasama't mukhang lahat sila'y nagtataka.

Mula sa aking kinatatayuan ay napansin ko ang pagkalbit ni Antonio kay Shaja at isang bagay ang kaniyang inabot. Ito'y maliit at nakabalot sa dahon ng saging. Pagkatapos ng ilang segundo'y humakbang naman si Antonio at ito'y inabot kay Flyn.

"Ito ang amin gamot sa sinat o ano mang malubhang sakit. Dinurog na bawang at may halong mga halamang gamot." Isang diretsong tingin ang binigay ni Antonio at agad na kinuha ni Flyn ang inaabot nito't nagpasalamat.

"Hindi kaya'y napasa sa iyo ang trangkaso ni Glo?" Lumingon si Flyn at ito'y kaniyang tiningnan. Nakita ko pa naman ang pagtataka sa mukha ni Glo.

"Nagkasama kami sa pagsibak ng mga kahoy at pag-aayos ng mga uling." Agad na sagot ni Glo at nangunot naman ang noo ni Koen sa kanilang likod. Si Neo naman ay may hawak na kung ano'ng lalagyan ng tubig sa kanan nitong kamay. Ito'y mas maliit na kawayan.

"Ayos lang ako," mahinang sabi ni Errol at pinilit ang sarili niyang makatayo. Pagpilitan niya mang mabuti siya't pagod lang ay alam kong may iba itong nararamdaman. Tuwing nagsasalita ito'y hindi makatingin nang diretso sa mga mata namin. No one can lie to me. I can spot liars.

Lumapit si Shaja at pinakita ang hawak nitong buko. Isang ngiti ang ginanti ni Flyn at sinabing inumin na lang ni Shaja ang buko't salamat sa pagtulong sa aming kasama. Tuwid na tumayo si Errol ngunit hindi kami gumalaw sa aming puwesto.

"Oi. Oi. Huwag ka ngang tumatayo riyan! Baka mamaya'y bigla kang matomba uli! Kinabahan ako sa iyo!" walang prenong sabi ni Koen at napahawak sa kaniyang dibdib. Sa pagsesermon nito kay Errol ay para itong isang nanay na pinagsasabihan ang sakitin nitong anak.

"Hindi kaya'y napunta sa kaniya ang trangkaso ko dahil masyado siyang malapit sa akin?" Nagtatakang sabi ni Glo at agad na lumingon sa kaniya si Flyn upang umiling.

"Impossible 'yang sinasabi mo." Tinupi niya ang inabot sa kaniya ni Antonio at binulsa. "Kung pakiramdam mo'y nasusuka ka't masakit ang katawan ay sabihin mo lang sa akin. Itatago ko muna ang gamot na ito." dagdag niya.

"Ayos lang ako," pabulong na sabi ni Errol. Humawak siya sa upuan at tumayo. Panay naman ang bulaslas sa kaniya ni Koen na 'wag siyang padalos-dalos sa pagkilos. Nangunot ang aking noo habang nakatingin sa kanilang dalawa. Since when did they become close?

Pagkatayo ni Errol ay pansin kong lumapit sa kaniya si Shaja. Dumako naman ang tingin ko kay Flyn habang siya'y nakatingin sa kawalan na tila nag-iisip kung magpapatuloy pa ba kami sa paglalakad o hindi na.

"Sabihin mo lang sa amin kung gusto mo munang huminto't magpahinga." Lumingon si Flyn kay Errol at ito'y tumango naman sa kaniya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at ako'y nagtaka dahil naglakad palapit sa tabi ko si Shaja. Buong akala ko'y magsasalita siya't kakapit sa akin ngunit nanatili siyang nanahimik. Nagtaka rin ako dahil wala na ang buko na hawak niya ngunit nakita ko itong bitbit at iniinom na ni Koen. Napailing na lang ako dahil mas asal bata pa siya kaysa kay Shaja.

"Oi. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit blanko ang mga papel na ito?"

Ang katahimikan sa paglalakad namin ay binasag ni Koen nang siya'y magsalita. Lumingon ako sa kaniya't nakita kong habang hawak niya sa kaliwa niyang kamay ang maliit na buko'y hawak niya rin ang isang papel sa kanan niyang kamay. Ito'y nakataas at pansin kong nakapikit pa ang isang mata ni Koen na parang isang batang may sinisilip.

"Napansin ko rin 'yan. Tingnan mo itong akin o, blanko't kahit isang titik ay walang nakasulat." Komento ni Glo at kinuha ang papel mula sa kaniyang bulsa at pinakita sa amin. Nanahimik naman ako't inobserbahan sila dahil wala akong natanggap na blankong papel. Kung para saan ang mga ito'y 'di pa namin alam hanggang ngayon.

'Di ko rin alam kung bakit kami'y naglalakad dito sa Macedonia at habang tumatagal ay isang kakaibang pakiramdam ang nararamdaman ko. The streets, the people, the two-story houses seem familiar to me. Sa hindi malaman na dahilan ay pakiramdam ko'y hindi ito ang unang beses na pumunta na kami rito sa Macedonia. Kahit ang itsura ng loob ng Central Library ay tila alam ko pa.

I don't know why I feel this way. It felt like my memories are altered. Someone is controlling our memories. Whoever this person is, he or she is unfortunate because I am aware.

Sa paglalakad namin ay kami'y lumiko at tama nga ang kutob ko na isang maliit na pamilihan ang bubungad sa amin. The stalls are small huts and some are moved on wheels. Marketmen standing inside their stalls full of vegetables and hanged meat. I can see wooden baskets full of butter too. Pansin kong karamihan sa mga benta nila'y gulay.

Sa paglalakad namin ay tumigil ako dahil nakita kong huminto si Flyn sa paglalakad sa unahan. Lumapit siya sa ceramic plate na nakadisplay. Ito'y nakatayo upang mapansin ng mga dumadaan dito. Puno ng bulaklaking disenyo ang platito't makulay na sadyang agaw pansin. Nakatayo naman si Koen sa gilid nito't ang atensyon niya'y nasa mga pamaypay na nakabuka't patayong nakapatong sa isang pahabang mesa.

Humakbang ako't sumunod sa aking likod si Shaja. Nanatili ang tingin ko sa mga baso't chopsticks. The stall is full of kitchenware that are made of clay and ceramic. Kumpara sa mundo ko'y simple lamang ang mga ito. Pansin ko ang mga plato nila'y gawa sa clay.

The vendor is an old woman who looks like in her in her mid-fifties. Ang kayumanggi niyang balat ay isang palatandaan na siya'y nagtratrabaho sa init ng araw. Sa buhok niya'y nakabalot ang isang makapal na puting tela. She is dressed in layered clothes full of colors. Halos umabot na rin hanggang paanan ang kaniyang suot kaya hindi ko makita ang sapin niya sa paa.

"Magkano ho ang isang platito?" Magalang na sabi ni Glo nang ako'y lumingon sa kanilang direksyon. Nakangiting lumapit sa kaniya ang tindera ngunit agad na napawi ang ngiti sa mga labi niya nang makita niya ang mukha ni Errol. Nanginginig ang kamay niyang hinablot ang isang ceramic bowl at ito'y binato niya sa pagmumukha ni Errol ngunit siya'y hinarangan ni Koen.

"Aray!" Tumama ang ceramic bowl sa gilid ng pisngi Koen at siya'y napadaing sa sakit. "Bakit bigla ka na lang namamato, tanda! Ano'ng problema mo sa kasama namin, ha!" bulaslas niya na tila wala lang sa kaniya ang nangyari kahit kita na ang pamumula ng kaniyang pisngi.

That looks very painful... What is happening?

Agad namang lumapit si Flyn sa kanila na halatang hindi alam kung ano ang sasabihin at gagawin. Tumakbo ako palapit sa kanila dahil 'di ako papayag na nakatayo lang ako't nanonood. Agad akong tumayo sa harap ni Errol at tumabi naman sa aking gilid si Shaja.

"Demonyo! Halimaw!" Puno ng paghihinagpis ang boses ng tindera. Balot man siya dahil sa kaniyang kasuotan ay pansin ko ang panginginig ng kaniyang buong katawan. Muli siyang humablot ng isang platito kaya'y hinanda namin ang sarili namin sa susunod na mangyayari. Kahit malaking plorera pa ang ibato niya kay Errol ay handa kong sasaluhin.

"Hindi ko akalain na buhay ka pa! Totoo nga ang balitang ikaw may gagawan sa nangyari sa Estrela!" Pagpapatuloy niya't pati ang boses niya'y nanginginig. Puno ng pagkasindak ang kaniyang boses.

Lumingon ako kay Errol ngunit blanko lamang ang kaniyang mukha. May kung anong emosyon sa kaniyang mga mata ngunit hindi ko matukoy kung ano ito.

"Huminahon ho kayo't baka'y ibang tao ang tinutukoy niyo." Nakataas ang dalawang palad ni Flyn sa kaniyang harapan. We became the center of atrraction. Pansin ko ang takot sa mukha ng mga tao habang sila'y nakatingin sa amin.

"Ibang tao? Dalawampung tao na ang nakalilipas ngunit hindi ko makakalimutan ang mukha ng halimaw na 'yan! Walang duda dahil hindi nagbago ang pagmumukha mo! Demonyo!" Dumura ito sa aming harapan at kami'y napaurong na lang. Tumayo ito sa aming harap at inalis ang makapal na telang nakabalot sa kaniyang ulo. Natigilan kami nang makitang walang buhok ang kaniyang ulo't puno ng sugat. Her scalp is full of stitches and looks like she experienced something miserable.

Lahat kami'y tumingin sa direksyon ni Errol habang siya'y nakatayo't walang ekspresyon ang mukha. Everyone is watching. We can't say anything. Lumipat ang tingin ko sa matanda habang siya'y nakasiksik sa gilid. Napuno ng katanungan ang isip ko habang nakatingin sa kanila.

Errol is a . . . monster?