Chapter 4: Chapter Three
- Robie
She was still asleep when I tried to sneak through her slightly-opened door this morning. It's around 6 but the sun's rays blanketed the whole greeny yard.
Pagbaba ko nakita ko agad si Tita Linda na naghahanda ng pagkain. Such an early bird. Ang akala ko pagbangon ko nasa garden siya at binabantayan ang mga gardener na naglilinis doon.
Her gaze turned to me when I reached the entrance of the kitchen. I can tell, she has a very sensitive sense.
"Oh gising ka na pala. May pagkain na akong hinahanda, maya maya'y kumain ka na." ang sabi niya nang makalapit ako sa may counter malapit sa stove.
Napangiti ako nang maalala kung paano niya ako minulat sa realidad. She was the one who gave me another chance to live with a happy life.
I answered with a nod. Her gaze was still stuck on me while stirring what she's cooking.
"Si Madam? Gising na ba?"
Madam? Ay, oo nga pala.
"Tsk. She's still asleep." I replied with a disappointed tone. Never in my whole life working for the Monteliola family that I expected that the only heir is this carefree. I never thought of this scenario where the sun rises brightly but she's still happily sleeping at her bed.
"Hindi pa kasi siya sanay. Let her make the adjustments herself." sagot naman sakin ni Tita. Napabuntong hininga na lang ako.
Adjustments? For how long?
It may took some time at kailangan na niyang matuto. Bakit ba kasi ako pa?
~•~
- Ash
Harley Ash Monteliola, you need to wake up. Now!
Napabalikwas ako ng upo dahil doon. Panaginip ba yon? Ewan ko.
Tumayo ako at inayos ang kama ko bago nagtungo sa banyo at nagsagawa ng morning ritual, as usual.
Matapos kong mag-ayos ng sarili ay bumaba na rin ako. Sa hallway, bumungad sa akin ang isang malaking lumang orasan. Nananadya ba to? O talagang gusto lang akong iinform na late na kong gumising?
Yeah, it's already 8:17 in the morning.
"You're late." bungad na bati sakin ni.. Sino nga 'to? Ro.. Ro.. Row your boat? Ah! Robie pala.
Tinignan ko siya ng masama. Tagos hanggang esophagus niya.
"Ganyan ka ba bumati ng 'Good Morning'?" banat ng nasa harap ko na tinatakpan ang malaking lumang orasan sa likod. In fairness nagmukha siyang nakakatakot dun.
"Excuse me? Nahiya naman ako sa bati mo?" sagot ko ng nakangisi pa. I want to ruin his morning in a great way. At mukhang effective dahil biglang umasim ang mukha niya. Hindi katulad kanina na nakikipaglabanan pa sakin ng ngisihan.
"Let me excuse myself," ang sabi ng nasa harap ko nang hindi na kinaya ang staring contest namin. Wala ka pala eh.
Then I saw myself staring at his back, when suddenly he enters a secret door.
Pero syempre imagination ko lang yun. Masyado lang akong matakaw ng krimstix kaya kung anu-ano ang naiimagine ko. Imagination mo ang limit ano ba!
Napailing-iling na lang ako sa mga nangyayari sa utak ko. Minsan talaga gusto ko na lang magpa-drug test.
Bumaba ako sa hagdan at nalanghap ang mabangong niluluto sa kusina. Syempre si Tita Linda yon. Wala namang ibang tao dito maliban saming dalawa ni Ro.. Roghan? Reghan? Ah, Robie.
Why do I keep forgetting his name? Ah, siguro hindi lang siya worthy para maalala ko. *flips hair*
Nang makababa ako napasilip ako sa sala. Ang gara pa rin tulad kahapon. Pero bakit parang ang dami naman yatang kalat ngayon? Hindi ba marunong maglinis yung mokong na yon? Aysh.
I rolled my eyes then took a step to the kitchen. There goes the oozing smell na kanina ko pa naaamoy. Nagugutom na ko. Kaya walang anu-ano ay pumasok ako doon para mag-almusal na.
"Ahm.. kuya di pa ba tapos yan? Nagugutom na kasi ako." ang sabi ko sa matipunong lalaking nakatalikod sa akin at abalang nagluluto. Ang bango naman ng niluluto ni ku-- wait, what? Kuya? Lalaki? What the he--
"Reghan?"
Humarap ang lalaki sa akin na maaliwalas ang mukha. His astonishing almond eyes directly looked at mine. Then I felt it again. That chill that that guy gave to my spine when he called me last time at my apartment. Pero hindi siya ang nasa harapan ko.
"Sino ka?!" halos pasigaw na tanong ko sa maamo niyang mukha nang ma-realize na hindi ko naman siya nakita kahapon dito.
"That's Lux." ang sabi ng malalim na boses na nasa likod ko.
"And by the way, my name's Robie, not Reghan." dagdag pa nito habang naglalakad palapit sa upuan sa tabi ko. Akmang hihilahin na niya ito nang agawin ko ang upuan.
"What the he--"
"Sino siya?" pabulong kong tanong sa kanya para hindi kami marinig ng lalaki sa harap namin.
"That's rude, you know?" sabi naman ng lalaking nasa harap namin habang hawak pa din ang spatula.
Is he Spongebob of some sort? Human version?
"I said he's Lux. Bingi ka ba?" bulyaw niya sakin sabay hila pabalik ng upuan.
"That too, is rude, man." singit na naman ng lalaking nasa harapan namin na nagaala-chef.
Nakita ko namang umirap ang lalaking katabi ko at halos magdikit na ang makakapal niyang kilay.
"By the way, to introduce myself clear, I'm Luxan Salazar." pagpapakilala niya sakin at inabot ang kanyang kamay habang nakangisi.
Nakatitig lang ako sa makinis at maputi niyang kamay. Hindi halata sa mga ito kung masipag siya. Sa totoo lang mukha siyang matino, at the same time, manyakis.
Bigla namang napabuga ng kape ang katabi ko. Napaso kaya? Buti nga.
After our little 'Introduce Yourself', though hindi naman ako nagpakilala sa kanya, eh tumayo na din ako at nagtimpla ng sarili kong kape. Which is sinigurado kong hindi ako mapapaso dahil baka mapatulad ako sa katabi ko. Mabuti na yung nag-iingat.
"Breakfast's done. Eat up, Madam Monteliola." sabi ng feeling chef na si Lu.. Lu.. Lulu? Lula? Ah, ewan, habang nilalapag ang pinggan na may fried rice at bacon.
"Thanks." sagot ko naman sa kanya tsaka kumuha ng kubyertos. Pero teka nga, kilala niya ko? Hindi ko naman matandaan na naging famous na ko ah?
Tinignan ko siya ng masama, deretso sa mata niyang mala-almond ang kulay na tagos hanggang pupils niya. Ganon din naman ang ginawa ng Lulu na to. Ah, staring contest din gusto niya? Tignan natin.
"I give up. I know your name because of him." sabi ni Lulu habang tinuturo si Ro.. Re.. Reg--
"Robie."
Ah, oo Robie. Eh chismoso naman pala tong si Lulu eh.
Muli, napabuga na naman ng kape si Robie. Anong klaseng kape kaya iniinom niya? Bakit parang hindi lumalamig?
Hindi ko na lang pinansin yun, well hindi naman ako madamot para ipagkait ang maganda kong apelyido.
~•~
Nang matapos ako sa pagkain ay umalis na ako sa kusina at bumalik sa kwarto ko. Syempre nagpasalamat naman ako kay Lulu bago ako tumayo at nagprisinta naman si Tita Linda na maghuhugas ng plato.
Nang isara ko ang pinto ng kwarto, dumiretso ako sa kama at binuksan ang laptop ko. Bumungad sakin ang isang pop-up ad na galing sa Grifhorst University. Nakalimutan ko na ang tungkol doon nang sumulpot sa buhay ko tong si Ro.. Ro.. Robie nga? Ah, oo.
Nagdadalawang isip man, cinlick ko ang ad na nasa screen ng laptop ko. Bumungad ang isang text:
Congratulations, you have been chosen. Welcome to the kingdom!
Seriously? Anong chosen yang alam nila? Am I some sort of a hero? Ganon ba yon? At anong kingdom? Enchanted Kingdom?
Nilakbay ng mga mata ko ang buong screen. Naandon ang isang fill-up form para sa enrollment.
Sinara ko ang laptop ko at saka humiga sa kama. Pag-iisipan ko muna. May time pa naman siguro? Malayo pa naman ang pasukan.
Tok. Tok. Tok.
Tinatamad man, tumayo ako para tignan kung sinong alien ang istorbo sa pagmumuni-muni ko.
Pagbukas ko, bumungad sa maganda kong pagmumukha ang isang alien na may apat na mata.
"What's with the eyeglasses?" tanong ko sa alien na nasa labas ng kwarto ko. Tumawa siya ng mahina, habang ako, nagugulumihanan kung bakit siya napapunta sa aking teritoryo.
"Just to give you this." sabi niya nang makabawi sa pagtawa.
Iniabot niya ang isang malaking box sa akin tsaka nagpaalam na aalis na.
Reghan gave me a box, a heavy one. Lumapit ako sa side table at ipinatong doon ang box. Umupo ako sa kama ko tsaka ko kinuha ang malaking box na kung ano ang laman. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang isang school uniform na may kulay puting blouse at navy blue na vest. At ang pinakakumuha ng atensyon ko ay ang note na nakapatong doon: G. U.
(It's Robie.)
G. U? Isa lang ang pumasok sa isip ko nang makita ang mga letrang iyon. Grifhorst University. Imposible namang G*go U di ba?
Dali-dali kong isinara ang box at ipinatong ulit sa side table. Lumabas ako ng kwarto para hanapin si Robie. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa sunod na mangyayari. Bakit ba parang pinipilit ako ng mundo na pumasok sa GU?
Kinatok ko lahat ng pinto sa hallway ng second floor pero ni isa walang nagbukas. Bumaba ako para doon hanapin si Robie. Sa sala ko siya nadatnan.
"Oh? Di mo ba nagustuhan yung uniform?"
"Di ko matandaan na nag-enroll ako sa GU." halos pasigaw na sabi ko sa kanya nang makalapit ako sa kanya. Binaba naman niya ang librong binabasa bago humarap sakin.
"You don't have to enroll. That, also, is on your father's will and testament." paliwanag nito sa akin bago tumayo at nilagpasan ako. "Whether you like it or not, you have to." dugtong pa niya bago naglakad ulit papunta sa hagdan.
Now it is clear.
Siyang pag-akyat naman niya ay pagbaba ni Lulu. Nagkatinginan pa ang dalawa bago nag-iwas pareho ng tingin. Nang makaapak sa pinakahuling baitang ay lumingon siya sa akin. Tinignan ko siya sa mata ng nagtatanong.
"Nothing. Don't worry, may kasama ka naman sa school na yan." sabi niya sa akin habang papalapit. A curve on his lips started to flash, slowly.
Mukha talaga siyang manyak.
"We will be there. You'll not be alone." dagdag pa nito nang makalapit siya sa akin. Tinitigan niya ako sa mata. Our eyes were fixed to each other. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan nang lumapit pa siya sa akin. Suddenly, his charmy grin became a devilish one. Lalong nanlamig ang mga palad kong unti-unting kumukuyom dahil sa kaba.
He stepped back a little as his eyes started blinking like he had seen a mysterious creature. He even breathe deeply while staring at me.
"I-I'm sorry. I think I startled you."
"I-It's ok."
Pagkasagot ko sa kanya ay tumalikod na siya sa akin. Weird.
~•~
Nakahiga ako sa aking kama habang nakatitig sa kisame na sobrang plain. Sa dami ng schools dito sa bayan bakit dun pa? It's not that ayaw ko doon, but I think I don't deserve to be in that kind of school.
Kung hindi niyo alam, Grifhorst University is not a typical college school. Maraming kabataan ang gustong pumasok doon. Ngunit hindi lahat ay pinapalad na makapasok. The tuition fee, I can tell that it's value is near the price of a diamond ring. Kilala ang school na yon sa pagiging world class sa sobrang mahal ng tuition fee. Maganda ang turo at hindi basta bastang papasa. But what I thought the most craziest, ridiculous yet confusing fact about the school is that they have their own monarchy. Not a simple monarchy. When I said 'monarchy', of course they have a King or a Queen. They are the ones who the students depend on. Nasa kanila ang desisyon sa bawat galaw at ikot ng mundo sa loob ng university. Then there goes the rumor the bees are buzzing about: Students are not allowed to get out unless school years are over. What a rule di ba? May mga apartment sa loob ng campus kung saan doon titigil ang mga estudyante. One of the reasons why I hate that school. You know I don't have friends to accompany with. At sa ganoong klaseng eskwelahan, hindi ka makakasurvive kung wala kang kaibigan.
Hindi ko maintindihan pero wala namang kung anong misteryoso na meron sa school na yon but still, I can't sense ease. Dahil na rin siguro sa sinabi ni Lulu sakin kanina. Why do they have to be there? Ah, sabagay mayayaman naman sila, kaya nilang makapasok doon ng walang kahirap-hirap.
Bumangon ako at saka hinimas ang aking baba. Why do they sound so suspicious? Or am I just being confused?
Tumayo ako at nilibot ang tingin sa aking kwarto. Ngayon ko lang napansin ang laki nito. Maayos ang kagamitan at masasabing high class ang pagkakagawa ng mga iyon. Halatang mamahalin. Pero ang pinakanapansin ko ay ang patong patong na librong nasa mini table sa isang gilid katapat ng isang pang-isahang sofa. Lumapit ako para tignan at usisain ang mga libro. Nang makita ang mga title ng mga yon pati na rin ang mga cover, wow. Just wow. Puro sci-fi at horror stories ang mga yon. May iilang parang mystery ang genre dahil sa mga covers. May may-ari kaya nito?
Inilapag ko ang mga libro sa mini table at saka nagtungo ulit sa kama ko. Humiga akong muli nang makitang unti-unti ng nagiging kahel ang kulay ng kalangitan.
Napabalikwas ako ng bangon nang biglang bumukas ang ilaw sa kwarto ko. Hindi ko matandaang may sensor ang ilaw dito para magbukas pag lumubog na ang araw.
Tumingin ako sa paligid at wala namang nakitang kakaiba. Nakasara ang pinto at walang ingay na pwedeng magpataas ng balahibo ko. Ah, siguro nga may sensor yung ilaw dito.
Tok. Tok. Tok.
"Ma'am?" pagtawag sa akin ng nasa labas. Tumayo na ako para pagbuksan kung sino man yon. Pero sigurado akong hindi si Tita dahil lalaki ang boses nito.
Paglapit ko sa pinto ay kumatok ulit ang nasa kabila ng tatlong beses. Akmang bubuksan ko na ang pinto nang--
"Shi--!"
"Easy. Chill ka lang."
"Paano ako mag-chichill lang ha?!"
"Pumasok ako dito para kunin yung mga libro ko." ang paliwanag ng lalaking kulay abo ang buhok. Hindi ko siya kilala at malayo ang itsura niya sa dalawang lalaking nakilala ko na ngayong araw. Ah, so siya pala ang may-ari ng mga librong yon. Pero teka, paanong--
"Lock picking." saad naman ng lalaking nasa harapan ko na walang emosyon ang mukha. Malamang na nabasa niya ang mukha ko kaya niya nasabi yon.
"Hindi mo ba alam na--"
"I know. Don't worry I didn't see anything except my books." putol niya sa sasabihin ko sana. Ok edi siya na magaling mambara. Tsh.
Then there goes another staring contest. But now, between me and this guy with ash gray hair and oceanic blue eyes. It's cold as ice.
I gave up. Mukhang hindi siya papatalo sa pakikipagtitigan kung hindi ako iiwas.
Nag-iwas na rin siya ng tingin bago lumabas ng kwarto ko. I even felt a cold breeze when he walked pass through my side.
Nanatili akong nakatayo, pilit na inaabsorb ang mga nangyayari at nakikita ko. Yesterday, I met this guy who called himself as my guardian slash assistant, then this morning, that - what was his name again? - Ah, Lux. Who then said I should not worry about my enrollment in that university. He even stood really near to me, and now I met this cold-appealing guy, who has very interesting books, and his looks, that ash gray hair and his eyes. I can even feel the coldness around him.
How am I even supposed to live a normal life with these men? In this huge mansion?