Chapter 31

Pagdating ng mag-asawang Tragora sa bahay ni Gavin. Agad syang niyakap ni Aya, niyakap din nya ito. Alam nyang kailan lang nya nakilala si Aya, pero magaan na ang pakiramdam nya rito.

"You look stunning Ellise" bati ni Aya sa kanya.

"Thank you" nahihiyang sagot nya, dahil nakatingin sa kanya si Gavin, kahit nasa harapan na nito si Joshua.

"You look more prettier" bati naman nya kay Aya. Aya is really beautiful, kahit yata anong isuot nito ay bagay rito.

Sa komedor puro mga special na pagkain ang pinahanda ni Gavin. Hindi man nga nya alam ang pagdating ng mag asawang Tragora kung hindi pa sya tinawagan ni Aya.

Sa hapag kainan, puro negosyo ang pinag-uusapan nina Gavin at Joshua. Sila naman ni Aya wala masyadong mapag-usapan, nahihiya pa kasi syang magtanong kay Aya tungkol kay Sabrina.  Baka kasi marinig ni Gavin. Kaya naman nasa pagkain ang atensyon nilang dalawa ni Aya, at about sa mga diet na ginagawa nila para ma maintain ang magandang katawan nila.

Matapos ang dinner nagyayang uminom si Gavin sa may mini Bar kasama si Joshua, na as usual business at mga properties nanaman ang pinag-uusapan ng mga ito.

Naupo sila ni Aya sa di kalayuan ng mini bar, kung saan alam nyang hindi sila maririnig nina Gavin at Joshua.

"How are you and Gavin?" tanong ni Aya. Linigon muna nya si Gavin bago sumagot kay Aya.

"Mess'" tanging sagot nya. Alam nyang mapagkakatiwalaan nya si Aya. At alam nyang hindi sya pagtatawanan nito kung sakaling aminin nya ang totoong sitwasyon nila ni Gavin. Isama pa ang totoong nararamdaman nya kay Gavin. Kailangan kasi nya ng advice ng isang kaibigan, bago mag desisyon sa gagawin nya. At nakikita nyang kay Aya lang nya maaaring sabihin ang nararamdaman.

"Can we talk about it sa labas?" yaya ni Aya sa kanya. Liningon nya muli si Gavin. Nakatingin ito sa kanya.  Alanganin syang ngumiti at binalik kay Aya ang atensyon.

"Sige, para naman masabi ko lahat sa iyo" sagot nya.

"Let's go" at tumayo na sila mula pagkakaupo.

"Where are you going?" tanong ni Gavin na nakasunod pala ng tingin sa kanila.

"Sa labas we are going to take some fresh air" sagot ni Aya.

"Don't worry man your girlfriend is safe with my wife" sabi ni Joshua. Tumango lang sa kanila si Gavin, at tinuloy ang pag inom.

Wala syang idea kung bakit pinapunta nya ang mag -asawa sa bahay nito. Posible kayang tulad nya may gumugulo rin sa isip ni Gavin, at kailangan din nito ng makakausap? at si Joshua yon. At sya naman ay si Aya.

Pagdating sa may pool agad syang tinanong ni Aya kung ano na ang nangyayari sa kanila ni Gavin.

"I want to first who's Sabrina?" seryosong tanong nya kay Aya.

"Of course" sagot nito at sumandal sa upuan.

"I'm not telling this to hurt you Ellise, it just I want you to know who's Sabrina to Gavin's life"

"I ready and I want to know" sagot nya. Kahit alam nyang masasaktan sya sa maririnig at malalaman nya tungkol kina Gavin at Sabrina.

"Well, aacourding to Joshua, Gavin and Sabrina met at Europe, bakasyon daw yon ni Gavin. He was in college that time" simula ni Aya. Napasinghap sya. College pa pala magkakilala ang dalawa kaya marahil, mahirap kay Gavin ang bitawan si Sabrina.

"Sabrina is Gavin first love. Actually he never had another woman, until you Ellise" Tumango lang sya. Mamaya na sya mag co-comment gusto muna nyang marinig ang lahat. Para mas maintindihan nya ang sitwasyon nila ni Gavin.

"Sa Europe palang nagkaroon na ng relasyon ang dalawa, until theu came back here at San Sebastian. Sabrina's Mom is from here. So mas naging malalim ang relasyon nila ni Gavin. According to Joshua talaga naman daw tumagal ang relasyon ng dalawa. though on and off daw"

"On and off? why?"

"Sabrina cheated on him" Nagulat sya sinagot ni Aya. Nakuha pang magloko ni Sabrina sa isang Gavin Saavedra na wala ka ng hahanapin pa. Mayaman, matalino, gwapo, malakas ang dating. Ano pa ba ang hahanapin mo?

"Not that one Ellise. Sabrina cheated on him, sa mga kaibigan at investor ng kompanya ni Gavin"

"What?!" gulat na tanong nya. Dahil kung nagawa nga ni Sabrina na lokohin si Gavin at pumatol sa mga kaibigan nito at mga investor. Nakaramdam sya ng lungkot kay Gavin. Alam nyang malaking kahihiyan yon para rito.

"I can't believe her!" may galit na sabi nya.

"Me too, how can she do that to Gavin right?"

"Yeah, and ang kapal ng mukha para tawagan pa si Gavin"

"Well, nagkakalabuan daw kasi sila ng mister nya"

"Mister? she's married?"

"Yes, at isa sa close friends ni Gavin" nagulat sya sa sinagot ni Aya. Hindi nya naisip na maaaring kasal na si Sabrina at hinahabol-habol pa nito si Gavin. At itong si Gavin naman tila hindi mapigilan ang sarili pagdating kay Sabrina.

"Kasal sya kay Mark matalik na kaibigan ni Gavin" Natuptop nya ang bibig sa shock. Totoo ba ang naririnig nya?

"She's married and still, ginugulo parin nya si Gavin. Well Sabrina know's na hindi sya maiindihan ni Gavin" patuloy ni Aya. Nahimigan ang galit sa tono nito. Kung sa bagay, pinsan ito ng asawa si Gavin, kaya marahil naiinis na rin ito kay Sabrina. Katulad nya naiinis sya at nagagalit na sya lalo kay Sabrina.

"And there's more Ellise, she's pregnant" Natahimik sya sa sinabi ni Aya. Tila huminto sya sa paghinga.

"Pre- pregnant?" tanong nya, habang nagdarasal na hindi sana si Gavin ang ama.

"Yes, she's pregnant with Mark of course, but look si Gavin ang ginugulo nito, kay Gavin sya nagpapaalaga hindi kay Mark"

"But why?"

"She still want's Gavin"

"Pero niloko nya si Gavin"

"Exactly, sadyang makapal lang ang mukha ng babaing yon, para guluhin pa si Gavin" Sagot ni Aya.

Tila naiintindihan na nya ang lahat, tila binili sya ni Gavin para kalimutan si Sabrina at para mailayo nito ang sarili kay Sabrina. At dahil tila hindi uubra ang pagkakaroon lang nito ng girlfriend kay Sabrina, kaya kinakailangan sya nito para magpanggap na asawa nito. Pekeng asawa para lang lumayo na si Sabrina rito. Tumaas ang kilay nya, tila alam na nya ang isasagot sa offer ni Gavin, tila handa na syang sumagot rito, hindi na nila kailangan maghintay ng dalawang araw. Mamaya pag alis ng mag asawang Tragora sasabihin na nya ang sagot nya kay Gavin. Tutulungan nya itong malayo si Sabrina rito. Hindi isang tulad ni Sabrina na manloloko lang ang nababagay kay Gavin. Hindi sya papayag na maloko muli ni Sabrina si Gavin.

"I need to tell you something Aya"

"About what?"

"About me and Gavin" sagot nya. Aaminin nya ang totoong relasyon nya kay Gavin. Aaminin nya kung ano sya kay Gavin. Kailangan nya si Aya, kailangan nya ang tulad ni Aya para mailayo si Gavin sa mapanlinlang na si Sabrina.