Chapter 30
Kanina pa nya tinititigan ang sarili sa salamin. Tapos na syang magbihis at ayusan ang sarili. Maya-maya lang darating na ang mag-asawang Tragora para sa dinner nila.
Matapos ang pangyayari sa silid ni Gavin ay tila lalo syang naguluan. Ano bang dapat nyang gawin? Aaminin nyang gusto nya ang ginagawa nila ni Gavin, na eexcite sya at naghahatid ng kakaibang kilabot ang bawat haplos at halik ni Gavin sa kanya. Pero tama ba ang narinig nya mula rito, na kailangan muna nyang pumayag na pakasal rito, bago makuha ang bagay na hinihiling nya mula kay Gavin? yon ay ang may mangyari sa kanila. Hindi ba't binili na sya nito? at hindi ba't sinabi nitong isang buwan silang maglalaro sa kama nito? eh bakit biglang mag pekeng kasalan ang na involve? naguguluang tanong nya sa sarili. Alam nyang hindi sya maaaring pakasal kay Gavin kahit pekeng kasal lang yon, masyadong kumplekado ang lahat. Bumuntong hininga sya at nagkibit balikat.
"Ano ba kasing pinasok mi Ellise?" bulong nya sa sarili. At muling sinulyapan ang sarili sa salamin. Maganda ang pagkakaayos nya sa sarili. Naglagay sya ng light na make up sa mukha, kinulutan ang buhok sa may dulo. Pinili din nyang isuot ang isa sa mga elegant dress na pinili ni Gavin para sa kanya. Black dress yon na umabot lang hanggang sa pang upo nya, medyo reaveling din dahil nakikita ng kaunti ang clevage nya. Mukha naman syang desente kahit may pagka sexy ang dress. Napangiti sya sa sarili.
"Huwag masyadong mag-isip Ellise" bulong nya sa sarili, habang pangiti-ngiti. At pinagmamasdan ang sarili sa salamin.
Nang biglang may bumukas sa pinto ng silid. Agad syang napatingin sa may salamin, nakita nya si Gavin, bihis na din ito gray polo shirt at maong pants, casual lang but still elegante at malakas ang dating. Yung tipong pag nakasalubong mo eh lilingunin mo ng sampung beses. Nakatinginan sila mula sa salamin. And Gavin is really a breathaking. Yung kahit wala pa man itong ginagawa sa kanya ang lakas na ng tibok ng puso nya.
"Are you done?" tanong nito, habang palapit sa tokador kung saan sya nakaupo. Tumango sya at nagkunwaring may inilalagay sa mukha. Naramdaman nya sa likod nya huminto si Gavin at napapitlag pa sya ng maramdaman ang mainit na palad nito sa may batok nya.
"Gavin!"
"It's ok, I just want you to weae this" bulong nito sa tenga nya. Napakislot nanaman sya sa pagdampi ng mainit nitong hininga sa batok nya. Napapikit syang wala sa sarili. At naramdaman na tila may isinusuot si Gavin sa leeg nya. Napatingin sya sa ginagawa ni Gavin sa leeg nya. Nakita nya ang necklace sa leeg. Hinawakan nya ang pendant non na puso.
"What is this?"
"A gift for you Ellise" sagot ni Gavin.
"But, Gavin I can't accept any-"
"Come on Ellise" simula nito at hinawakan sya sa magkabilang balikat, at itinayo mula sa pagkakaupo. Lumakas nanaman ang kaba nya habang kaharap ang gwapong si Gavin.
"I want to give you everything. I want to shower you with all the things money can buy" sabi nito. Habang daan-daan nitong hinahaplos ang mukha nya. Napapikit nanaman sya. Inaakit ba sya ni Gavin? inaakit na sya nito at pinasasabik para pumayag sa gusto nito na pakasalan nya ito? Nagmulat sya ng mga mata at tumama ang mga mata kay Gavin. Nagkatinginan sila. Wala naman syang ibang nakikita sa mga mata ni Gavin kung di lust.
"I can give you everything Ellise"
"But, i don't need everything Gavin' seryosong sagot nya, habang sa mga mata nito nakatingin.
"I'm not good in making promises Ellise, but I'll try to be good. I'll try to give you what you want from me"
"Wala naman akong ibang gusto Gavin, just you, your time, your effort" Your love idudugtong sana nya pero hindi nalang nya sinabi pa.
"You can have all that, after we get married" sagot nito, at niyuko ang mga labi nya. Bago pa sya makasagot nasa mga labi na nya ang mga labi nito. She kissed her passionately at nadadala nanaman sya. Matapos ang tila napaka habang sandali ng paghahalikan nila ay huminto ito sa paghalik sa kanya.
"Just accept my offer Ellise, marry me so I can f*ck you hard" he whispered. Naramdaman nya sa buong katawan ang paglakbay ng magaspang na salitang ginamit nito. Hindi sya natakot sa sinabi nito, aaminin nyang na excite sya at naghatid ng kilabot at kiliti sa katawa nya ang sinabi nito. Tinitigan nya ang magagandang mata ni Gavin.
"I'll think about it Gavin" sagot nya. At lumayo ng konti rito. Dahil baka kung saan at ano nanaman ang magawa nila. Nakaayos na sya at ano mang oras darating na ang mag asawang Tragora.
"I'll give you 3 days Ellise"
"Bakit ba kailangan mo pa kong gamitin para lang mailayo sa iyo si Sabrina? Do you love her?" lakas loob na tanong nya. Yon kasi ang nais nyang malaman kung mahal ba nito si Sabrina kaya ito nagyayayang pakasal sa kanya.
"About that thing Ellise" simula nito at humakbang palayo sa kinatatayuan nya.
"After you agree with my proposal, I will make an arrangement. Para mas maintindihan mo ang magiging papel mo sa bago nating kasunduan" Sagot nito. Nakaramdam sya ng lungkot.
"Beside, hindi biro ang matatanggap mo'ng pera once na pumayag kang pakasal sa akin. Beside it's a fake marriage, pareho tayong malaya pagkatapos ng kontrata. Once na maayos na ang lahat sa amin ni Sabrina, and if ever I'll find the woman for me I'll let you go Ellise. Matatapos ang usapan natin once na mangyari ang isa sa mga yan" mahabang litanya nito. Na pakiramdaman nya wala syang naintindihan ni isa. Basta malinaw lang sa kanya, mawawala na sya sa buhay ni Gavin pag hindi na sya nito kailangan. Napalunok sya at naramdaman ang patak ng mga luha sa pisngi.
"Why are you crying Ellise?" kunot noong tanong nito, matapos makita ang pagtulo ng mga luha nya. Hindi sya agad nakakilos. Nanatili syang nakamata kay Gavin na nagtataka sa ikinikilos nya.
"Ellise?" he called. Humugot sya ng malalim na paghinga.
"I'll give you my answer in 2 days" taas noong sagot nya. At mabilis na tumalikod at doon pinunasan ang mga luhang pumatak.
"Ok then, I'll see you downstair. Bumaba kana parating na sina Joshua at Aya" bilin nito. At narining ang paghakbang nito, maya-maya pa narinig na nyang bumukas sara ang pinto. Bagsak ang mga balikat na napaupo sya sa upuan ng tokador.
"I hate you Gavin" umiiyak na sabi nya. Hindi na nya kayang pigilan ang damdamin. Nasasaktan na sya, sinasaktan na sya ni Gavin. At ngayon alam na nya ang dahilan ng lahat ng sakit na nararamdaman nya pagdating kay Gavin.
She's falling in love with Gavin Saavedra