Chapter 43: Special Chapter
"What do you want for lunch, Love?" Hinimas ni Simon ang namimilog na tiyan ko kaya napangiti ako. We explore New York for a year and half. Umuwi kami ng Pilipinas when Glen's totally recovered from the injuries he got.
They planned for his proposal for Julia na medyo nagpawindang sa akin. Hindi naman kasi ordinary proposal ang ginawa ni Glen.
I'm happy now. We're happy now. Akala ko hindi na ako makakaramdam ng contentment sa buhay ko pero eto ako ngaun kuntento at masayang masaya kasama si Simon.
Nag-pagawa ng bahay si Simon ng nabuntis ako. Kinuha nga niya ang pinaka magagaling na engineer sa buong Pilipinas came from Mercado's firm. It turns out na galing din pala sila sa LSU. Sila Zion, Troy, at Maico.
The house is superb. Ang galing at ganda ng pag kakagawa nila. I never knew that they are Simon's friend pala.
Kabuwanan ko na ngaun, at guess what? It's Julia's month of giving birth din. Akalain mo 'yon? Pag nagkikita nga kami sa mansion ay pareho kaming excited. Pareho pang lalaki ang magiging anak namin.
"I'm not yet hungry," sagot ko kay Simon at pinulupot ang comforter sa katawan ko. Ewan ko ba, these past days ay tamad na tamad akong tumayo.
Pakiramdam ko kasi ay bigat na bigat ako sa laki ng tyan ko. Tapos naiinis pa ako dahil ang pangit pangit at taba taba ko. Kapag lalabas kami ni Simon halos mabali ang mga leeg ng mga babaeng nakakasalubong namin kakatingin sa kanya. Tapos ako eto, ano? Pangit na, balyena pa!
Rinig ko ang marahas na buntong hininga ni Simon. Hindi na kasi siya pumapasok sa company niya dahil binabantayan na niya ako.
Ang sabi kasi sa amin ng OB ay pwede na akong manganak any moment.
"You need to eat," humiga siya sa kama at yumakap sa akin. Napapikit pa nga ako ng mariin ng kumalat ang amoy ni Simon sa ilong ko. Hindi ako nagsalita. Busog pa naman ako dahil sa dami ng nakain ko nung breakfast.
Nakahiligan ko kasi ang mga niluluto ni Simon kaya minsan ay naasar ako sa kanya. Lalo niya kasi akong pinataba. "Or you want me to eat you?" Bahagyang humalakhak si Simon. Nagtindigan ang balahibo ko dahil sa init ng hininga niya sa leeg ko.
"Are you serious? Tignan mo nga ako? Dambuhala! You still have the appetite?" Umirap ako at napanguso. Kumunot ang noo ni Simon.
"What are you saying? Kahit ikaw ang pinaka matabang babae sa mundo, I will never lose my appetite on you.. you are my favorite craving.." hinalikhalikan niya ang leeg ko kaya napasinghap ako.
Leche ka Simon!
Pakiramdam ko naging pervert ako ng tuluyan na kaming nagsama. Palagi nalang kasi akong kinakalabit ni Simon, at ako naman si tanga-- kahit ayaw ko ay napapa-oo nalang ako kapag niromansa na niya ako.
"hmmm," I moaned. Hindi ko napigilan! Bwiset talaga!
Napahalakhak ng malakas si Simon. Napatayo ako at hinampas siya ng malakas sa mukha ng unan.
"Hey, masakit na, Maggie." reklamo niya habang patuloy pa din ako sa paghampas.
"Hee! Demonyo ka talaga Simon!" gigil na gigil ako. Huminga ng malalim si Simon at tumayo. Pumwesto siya sa likuran ko sabay yakap sa akin.
"Yes I am, and I'm happy that I made you fall for me." he sniffs my neck. Kikiligin na sana ako kaso alam kong nilalandi na naman niya ako.
"Ano, gutom kana?" malumanay na salita niya. Bigla akong kumalma.
Sa dami ng masamang ginawa ko kay Simon, hindi ko alam kung ano ang nagawa ko para mahalin niya ako ng ganito.
Yung sobra sobra. Alagang alaga niya ako. He literally take care of me and love me despite of my mood swings, my evils and even my childish tantrums.
He spoiled me sa lahat ng bagay. Pakiramdam ko nga ay hindi ako mabubuhay kapag nawala si Simon sa buhay ko.
Sisigawan ko pa sana siya ng biglang sumipa ang baby namin. Natigilan ako. Lumuwag ng bahagya ang pagkakayakap sa akin ni Simon. "Woah," manghang salita ni Simon.
"See? our baby's mad at you.. Inaaway mo na ako, ginugutom mo pa siya." seryosong seryoso si Simon kaya natawa ako ng bahagya. Ang epic kasi ng itsura niya kapag gumagalaw o sumisipa ang baby.
Huminga ako ng malalim. Sa huli, Simon really knows how to get me.
"Are you ready, Love?" lumabas si Simon sa banyo na walang saplot. Bastos talaga! Pumikit ako ng mariin at tinakpan ang mga mata ko.
"What the--" salita ko. Humalakhak lang si Simon at nagpatuloy sa paghahanap ng damit sa closet na wala manlang balot na kahit ano. Grabe! Sanay na sanay siyang ibalandra ang katawan niya sa akin. At ako naman? Damn him! Hindi ko pa din siya kayang tignan kahit natikman ko naman na lahat sa kanya.
Pupunta kasi kami sa birthday ng mommy nila. Kanina nga ay tinawagan pa ako ni Julia to remind me na pumunta. Of course we will. Tsaka, invited din kasi sila mommy at kambal kaya pupunta ako. Miss ko na sila.
Hindi na kasi ako masyado nakakauwi sa bahay dahil malaki na ang tyan ko. Hindi din naman ako madalaw nila mommy dahil sa negosyo. Ang kambal naman? Busy sila sa mga buhay nila na wala manlang panahon para dalawin ako dito.
"Simon, lets go." sigaw ko. Kanina pa ako nakaupo sa sopa pero wala pa ding Simon na lumalabas. Ano ba ginagawa niya sa nursery?
Nang lumabas si Simon ay napanganga ako."Bakit dala mo yan?" tanong ko. Paano ba naman ay isang kwarto yata ng gamit ng baby ang dala niya.
He shrugged."Assurance, we don't know if the baby will come out today." tumunganga ako sa kanya habang buhat niya ang baby bag at kung ano ano pa.
Okay, I get it. May punto naman siya. Pero kailangan ba talaga na isang kwarto ang dala? "I get you, kailangan talaga ganyan kadami?"
Kumunot ang noo niya at sinamaan ako ng tingin. Oh-- basta sa baby namin, mababa ang tolerance ng patience ni Simon sa akin.
"Hindi naman tayo titira sa ospital diba?" ngumuso ako.
Kukunin ko sana ang isang bag ng masungit niya akong binalingan. "I can carry all of this, Maggie. Just carry our baby."
Ngumuso ako at lihim na napangiti. Simon's really sweet. Yun nga lang-- hindi niya alam yon. Ang swerte ko talaga na minahal niya ako. Tanga lang naman talaga ako nung nagpabebe ako noon.
Mabilis kaming nakarating sa bahay nila. Bumungad ang magagarang sasakyan na nakahilera. Nakita ko din ang sasakyan nila mommy.
Sa entrance ay nandon si mommy ni Simon katabi si Julia at Glen. "Dapat mauna kang manganak kay Julia." hinapit ni Simon ang beywang ko. Nahihiya pa akong lumakad sa dami ng mga matang nakatingin sa amin.
"Why is that?" bulong ko. Panay pa ang ngiti ko sa mga nakaksalubong namin.
"So that our baby will be the first born,"
"huh? What's the difference if not?" naguguluhang tanong ko. "He will not be the successor," natawa siya.
Hinampas ko siya ng mahina. "Grabe ka! May sarili ka naman company diba?" umirap ako.
Humalakhak ng bahagya si Simon at lalong humigpit ang hawak sa beywang ko. "That's for our second born."
Nalaglag ang panga ko. Hindi pa nga ako nanganganak sa una, pangalawa na nasa isip niya? My goodness! Sa dinanas kong katabaan at kalosyangan sa pagbubuntis ko ay parang ayoko ng mabuntis ulit. Tapos, siya, wala pang una nasa pangalawa na?
"Hi ate Maggie, kuya Simon!" ngiting ngiti si Julia ng salubungin niya kami. Nagbeso sa kanya si Simon at ganoon din ako. Si Glen sa gilid niya ay tumango lang sa amin.
"Ang laki laki ng tyan mo," she giggled habang haplos ang tyan ko. Tumawa ako sa ginawa niya.
"Mas malaki kaya ang tyan mo." sagot ni Glen kaha napanguso si Julia.
"Isang salita mo pang malaki ang tyan ko hindi ka makaka-score sa akin pag sexy na ako." sagot ni Julia kay Glen. Natigilan si Glen at madramang umirap.
"As if naman gusto ko pa umiscore seyo! Bago ako makapasok bugbog na bugbog ako seyo!" seryosong seryoso si Glen. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o ano.
Si Julia ay namilog ang mga mata at pumikit ng mariin. "I hate you!" nagmartya si Julia papasok ng bahay. Natawa si Simon sa gilid ko kaya siniko ko siya ng bahagya.
"Stop laughing," natatawang salita ko kay Simon.
"Can't, Love." natatawa pa din siya. Minsan kasi nag get together kami dahil umuwi ang mommy nila sa Pilipinas. We are all surprised na may black eye si Glen sa kaliwang pisngi.
"baby.. I'm sorry.." habol ni Glen kay Julia.
"Happy birthday po," yumakap ang mommy ni Simon sa akin. Si Simon din ay yumakap din sa mommy niya.
"I'm glad you made it. Kailan ba lalabas ang mga apo ko?" maktol ni mommy sabay buntong hininga.
"Very soon, mom." ngiti ni Simon sabay halik sa noo ko.
"I hope it will be today." ngiti ni mommy.
Maraming bisita ang dumating kaya umalis muna sila mommy. I roamed the place to find my parents. Simon didn't leave my side kahit madaming tumatawag sa kanya.
Bahagya akong napahinto ng biglang kumirot ang tyan ko. "What? Manganganak kana?" tarantang taranta si Simon kaya napairap ako.
"Adik ka! Hindi pa," ngumuso ako at nagpatuloy sa paglalakad. Sa dagat ng tao ay hindi ko makita kung nasaan ang magulang ko.
Padalas ng padalas ang pag kirot ng balakang ko kaya pabagal ng pabagal ang lakad ko. Butil butil na pawis ang namumuo sa noo ko.
"Ate--" napahinto kami ni Simon. My jaw literally dropped when I saw Julia standing infront of me na hindi maipinta ang mukha.
"What happened?" lumapit si Simon sa kanya. Ako naman ay natulala sa sobrang sakit ng tyan ko. Nakahawak na ako dito dahil naninigas na din. What's happening?
"0H. MY. GOD." salita ko ng pumutok ang water bag ko.
Si Julia ay basang basa na din. Siguro ay pumutok na din ang water bag niya.
"Simon!"
"Glen!"
Sabay kaming napasigaw ni Julia. Natigilan ang ilan sa party. Mabilis na bumalik si Simon sa akin.
"What? Naihi kaba?" tarantang taranta si Simon. Nakita ko din ang pagdating ni Glen na hindi malaman ang gagawin.
"Gago ka! Manganganak na ako!" sigaw ko.
"Manganganak na din ako!" kasunod ng sigaw ni Julia.
Binuhat ako ni Simon na biglang bumaling kay Glen. Hawak niya si Julia na ayaw magpabuhat sa kanya. "You drive, Glen." binalibag ni Simon ang susi kay Glen.
"Are you crazy? Can't you fucking see my face?" maputlang maputla si Glen.
Gusto kong humagalpak ng tawa sa itsura ng mukha ng dalawa. Mas mukhang sila pa ang manganganak kaysa sa amin.
"Hay nako.. ako na mag da-drive!" agaw ni Julia sa susi. Nagkagulo na kami. Sumulpot na sila mommy at parents nila Simon.
Sa huli, sa van kami sumakay at nagsiksikan. Halos hindi na kami nakaupo ni Julia sa dami namin sa loob.
"Bilisan niyo! baka mapano ang mga apo namin." sigaw ni mommy. Hindi na ako makasalita dahil sa sobrang sakit. Nakita ko lang na nakapikit si Simon habang hawak ang kamay ko.
Nang makarating kami sa hospital ay nag-uunahan silang pumasok sa labor room. Hindi iyon pwede. Si Simon at si Glen lang pinayagan pumasok.
"ahhhhhh," ire ko. Ang sakit.
"Doc, can--" hindi na natuloy ang sasabihin ni Simon ng biglang sumigaw si Julia.
"Hayop ang sakit!! Tang ina ka Glen! Habol ka kasi ng habol sa akin!" Sigaw ni Julia sabay ire ng malakas. Kung hindi lang ako manganganak ay hahagalpak ako ng tawa sa itsura ni Glen.
"Maggie, you can do this. I can see the baby's head. You really need a real hard push." salita ng doctor. Tumango ako.
Tumingin ako kay Simon na halos hindi na maipinta ang mukha. Nakapikit pa din siya at panay ang igting ng panga.
"Glen wag kang tumunganga jan! Mag video ka, dali!" sigaw ni Julia. Hindi na naman natuloy ang pag-ire ko.
"Maggie," the doctor warned me. Pawis na pawis na ako at ang doctor.
"Push, Love." salita ni Simon. Ngumiwi ako sa sakit. Damang dama ko na ang baby.
"I can't concentrate. Ang ingay ni Julia." salita ko. Marahas na bumuntong hininga si Simon at tumingin kay Glen.
"Glen hayop ka! Last na talaga to!" tuloy tuloy ang sigaw ni Julia.
"Can you shut the fuck up Julia? Mahiya ka naman!" iritado si Glen.
"Shut the fuck up your face! 0, sige tatayo ako ikaw ang manganak dito!" banta ni Julia. Natawa na ang doctor namin at staff na nasa loob ng labor room.
Natawa din ako ng bahagya. Lintik si Julia! Ayoko ng kasabay manganak si Julia!
"One more push, Maggie." salita ng doctor. Isang malakas na ire ang ginawa ko kasunod ang isang malakas na iyak ng baby.
"Are you okay?" salita ni Simon ng magising ako. Tumango ako. "Where's Caden?" Sagot ko.
Isang buwan na ang nakalipas ng manganak ako. Nauna akong manganak kay Julia kaya tuwang tuwa si Simon. Isang oras pa kasi ang lumipas bago lumabas ang baby nila Julia. Pinatulog na nga siya dahil sa ingay niya.
"Nursery," Sagot ni Simon sabay yakay sa akin. Umiwas ako ng bahagya dahil kinilabutan ako. Seriously Simon?
Hinalikhalikan ni Simon ang buhok ko. "Thank you for Caden.." bulong ni Simon sa akin. Lalong nagtayuan ang balahibo ko. What is he doing?
His hand traveled my left boob na medyo maga pa dahil ayaw lumabas ng gatas.
Bumaba ang halik ni Simon sa leeg ko kaya napaatras ako.
"What?" he said innocently.
"Seriously Simon? Kapapanganak ko lang, I'm still sore." sagot ko.
Napanganga ako ng walang bahid ng biro sa mukha niya.
"I want my second born," he smiled devishly. Kumalabog ang dibdib ko. Kinabahan ako kasi- natatakot ako na baka--- na baka bumigay ako! Damn him! Such a teased.
"S-seriously?" I stuttered.
Napahalakhak si Simon sabay tanggal ng saplot niya sa harap ko. "Try me, Love... You know I will not wave the white flag."
Shit!
The End
You finished this book. Find your next story below.





