Chapter 12: Confirm or Ignore?

Confirm or ignore

Buong gabi ay hindi nawala sa isip ko ang nangyari kanina sa pool. I tried to sleep, pero hindi ko kaya. Every time I think about it, namumula lang ang pisngi ko. Hindi ko tuloy matingnan ng maayos si Blake kanina habang lahat kami ay nasa baba.

Pagod ang lahat kaya eleven pa lang ay mga natulog na sila at heto ako. Alas does na ng umaga pero hindi ako makatulog! Umayos ako ng higa sa kama ko at nagkalukbong ng comforter. Madilim na ang pagilid dahil tulog na ang lahat.

Umilaw ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon sa tabi ng unan ko. Halos mapatayo ako nang makita ang pangalan ni Blake sa screen.

He texted me!

I bit my lower lip before I clicked his message.

Blake:

Tulog ka na?

Iyon lang nakalagay na mensahe. Umayos ako ng upo bago nagtipa ng mensahe para sa kanya.

Ako:

Hindi pa. Why?

Naka-indian sit ako sa kama habang nakabalot ng comforter ang buong katawan ko hanggang ulo. Nakatingin ako sa cellphone ko na nasa harapan ko. Hinihintay kung mag re-reply siya.

Halos mapatalon pa ako nang mag-reply siya! Mabilis ko na kinuha ang cellphone ko at binasa ang reply niya.

Blake:

I'm sorry kanina... I didn't mean to do that. I'm sorry, Ava.

Ewan, pero nakangiti ako sa message niya. I know he didn't mean to do that. Nag-reply ako.

Ako:

Okay lang 'yon. I understand.

I clicked the sent button. I can't help but to smile.

Baliw na yata ako! Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa'kin. Mabilis siyang nag-reply.

Blake:

Thank you. Nga pala, I forgot something about us. It's on your social media account. Please, confirmed it. Tulog ka na. Good night, Ava!

I bit my lower lip. Pinipigilan na huwag mag-ingay dahil tulog na ang kasama ko sa kwarto. Nag-reply muna ako sa kanya ng good night bago nag-log in sa social media account ko.

I got a notification from Blake. Kumunot ang noo ko nang pindutin 'yon.

You have a relationship request! Blake Ivan Herrera Relationship Request! Confirm or ignore?

Hindi na talaga nawala ang ngiti sa aking labi. Wala sa sariling pinindot ko ang confirm button.

Nakatulog ako nang ngiti sa aking mga labi. Nagising na lang ako dahil inaalog ako.

"Savannah, gumising ka na!" rinig ko ang boses ni April.

"Mamaya na, please?" nagpalukbong ako ng comforter. Akala ko titigil na sila kaso hindi.

"Ava, kailangan mo nang magising dahil kanina pa tawag ng tawag ang Daddy mo!" inalog ako ni Althea sa balikat.

"Ano bang pumasok sa kukute mo at pinublic mo ang relasyon niyo ni Blake? You said it was just a fake? Bakit naka-posted na sa social media account niyo na in-a-relationship kayo?" boses iyon ni Kath.

"My god, Ava! Get up! Alam na ng parents mo na may boyfriend ka!"

Automatic na tumayo ako sa sinabi ni Althea. I looked at them. "Anong nangyari? Bakit nalaman?!" sunod-sunod na tanong ko.

"Kanina pa tawag ng tawag ang Daddy mo!" sagot ni April. "go to your social media account! Pinag-pipisyestahan ang relationship status niyo ni Blake!"

Mabilis ko na kinuha ang cellphone ko. I go to my account and I saw 99+ notification! Sabog na sabog ang notification ko!

Savannah Leigh Aragon is in a relationship with Blake Ivan Herrera.

May four thousands likes at maraming comments about doon. Pero wala roon ang atensyon ko, kundi sa mga magulang ko na nag-comment!

John Dante Aragon:

What is the meaning of this, Ava?

James Ian Evangelista:

Aww! So, my future sister-in-law has a boyfriend now? Congrats for both of you!

Emerald Annatasia Aragon:

Ano ito, Ava? Nag-bibiro ka ba? Akala ko ba pagkain inaatupag mo. Boyfriend pala haha!

Nathalie Aragon:

We need to talk, Ava!

May mga nag-comment pa doon na kaibigan ko sa Maynila. 'Yong iba nag-congrats at 'yong iba'y nang-aasar. May mga nagulat din.

"So, totoo talagang sila? Stay strong!"

"I thought they were just joking around. Anyway, congrats!"

"Galing talaga ni Blake! Nadali agad si transferee!"

"Ava, ikaw ah? Akala ko ba boyfriend is not your thing? But you're boyfriend is so damn handsome!"

"Galing pumili ng pamangkin ko!"

Napapikit ako ng mariin. God! What did I do? Alam na nila Daddy na kami ni Blake? Hindi ka nag-iingat, Ava! Gusto kong sabunutan ang sarili ko! Hindi ako nag-iisip kagabi!

"What's your plan now?" tanong ni Kath.

Umiling ako bago natulala. "Ewan," wala sa sariling sagot ko bago ginulo ang buhok. "ang tanga-tanga mo, Ava!"

"Nandiyan na 'yan, Ava. Better to talk Blake about this. Siya naman ang nagsimula nito, eh." saad ni April.

Bumukas ang pinto ng kwarto at niluwa nito si Blake. He looked at me. Worried was written on his dark brown eyes.

Tumingin siya sa tatlo. "Could you leave us alone?" malumanay na sambit niya.

Tumingin muna sa'kin ang mga kaibigan ko bago tumango at lumabas ng kwarto. Napayuko ako habang nakaupo.

"I... I don't know how to face my parents," malungkot na sambit ko.

Potek! Naiiyak na ako!

Nangingilid ang luha ko sa mata. Naramdaman ko na umupo siya sa tabi ko. Hinawakan niya ang dalawang balikat ko bago pinihit paharap sa kanya.

"This is my fault, Ava... I'm sorry." mababa ang tono ng boses niya.

Ngumuso ako. "Hindi ako nag-iisip kagabi!"

Tumunog ang cellphone ko at nakagat ko na lang ng mariin ang labi ko nang makitang si Daddy ang tumatawag. Nag-angat ako ng tingin kay Blake.

"I can talk to him," aniya.

Mabilis akong umiling. "Ako na lang," sagot ko bago sinagot ang tawag. "D-Dad?"

"Ava, I need to talk to your boyfriend. Hindi mo man lang sinabi sa amin na meron kang boyfriend! Ni manliligaw wala kang binanggit sa amin!" may diin ang bawat binitawang salita ni Daddy.

He's not mad, he's just concerned. Alam ko dahil hindi ganito magalit si Daddy.

"Dad, I can explain," sagot ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. "You really need to explain, Anak. Nag-aalala kami ng Mommy mo lalo na't wala kami riyan sa tabi mo." ngayon ay malumanay na ang boses niya.

"D-Dad, I... I-I'm so sorry po." pinigilan ko na huwag umiyak.

"It's fine. I just need to talk to your boyfriend. Where is he? Ang sabi ng Lola mo, umalis raw kayo ng mga kaibigan mo. I know, he's with you right now." aniya.

Tumingin ako Blake na puno ng pag-aalala ang mukha. Kinuha niya cellphone ko at nilagay sa tenga niya.

"Sir, I'm your daughter's boyfriend. I know you're mad but please I can explain to you. Huwag niyo na pong pagalitan si Ava. Ako na lang po." seryosong pero magalang na sabi niya.

Umawang ang bibig ko. I just looked at him when I felt his hand holding mine. He's assuring that everything will be okay.

"Okay po... ako na pong bahala sa anak niyo. Don't worry Sir, she's safe with me. I can assure that. Salamat po!" binaba niya ang tawag at binigay sa'kin ang cellphone ko.

"Anong sabi?"

"He wants to meet me on Sunday night," sagot niya.

Nakahinga ako nang maluwag. Alam ko na hindi galit si Daddy. Hinila ako ni Blake palapit sa kanya. Marahan niyang pinulupot ang kamay niya sa beywang ko at niyakap ako.

"I'm sorry. This is my fault," bulong niya. "hindi na dapat kita dinadamay sa buhay ko."

"I'm at fault too. Hindi ako nag-iisip kagabi," sambit ko.

"Don't worry. I respect your family. Kasalanan ko 'to kaya papanindigan ko na 'to."

Tinulak ko siya ng bahagya at tumingin sa kanya. "Makikipagkita ka sa pamilya ko?"

Ngumiti siya. "I need to. Maganda na rin 'to para hindi ka na nagsisinungaling sa kanila. I know this is hard for you too."

I bit my lower lip. Magiging legal na kami both sides? Parang tumalon ang puso ko dahil doon. Ang saya-saya ng pakiramdam ko!

Kinurot niya ang pisngi ko. "Ang cute mo!" nang gigil niyang sambit.

Tinampal ko ang kamay niya. Nakahawak pa rin ang kamay niya sa beywang ko. "Heh! Inggit ka naman sa pisngi ko!" inirapan ko siya.

Humalakgak lang siya nang malakas kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nakangisi lang siya bago niya ako hinalikan sa noo ko. Mabilis lang paglapat ng labi niya sa noo ko ngunit 'yong puso nagtatalon sa sobrang saya. Pati yata small and large intestine ko ay nagkabuhol-buhol dahil doon.

"Akala namin may problema na! Seriously? Tigil-tigilan niyo 'yang sweetness niyong dalawa!"

parehas kaming lumingon sa pinto. Nandoon lahat.

"Birthday ko, tandaan mo Blake. Huwag mong agawin na parang anniversary niyong dalawa ni Ava!" sigaw ni David pero tumatawa.

"Maawa kayo sa mga single rito!" dugtong naman ni Kath.

Ngumiti lang kami ni Blake bago siya humiwalay sa'kin. Namula ang pisngi ko pero nangingiti ako.

"Magpre-prepare na tayo para sa handaan. Blake we need you." si Lucas iyon.

Tumango si Blake bago sumama sa dalawang lalaki. Pumasok sila Kath na may kakaibang ngisi.

"Ano 'yon, Ava? Kahit wala si Alison, ganoon kayong dalawa?" tanong ni April, nakangisi.

Hinampas pa ako ng pabiro ni Althea.

"Nagkatotohanan na yata kayong dalawa, ano?" nagising aso na tanong niya.

"Hindi, 'no?" nag-iwas ako ng tingin sa kanila.

"Sus! Nako, Ava! Just be careful to your heart." tugon ni Kath.

"Maliligo na ko," sabi ko na lang bago kumuha ng damit.

Pumasok ako ng banyo at sinarado ang pinto. Nakahawak ako sa hamba ng pinto bago ko hinawakan ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko.

My heart is beating so fast until now. God! This is weird!