CHAPTER 22- RANDOM PROPOSAL

MALIYAH POV

I lost my first kiss on that day. After that, Clint is nowhere to be found. He never contacted me. Lalong gumulo ang mundo ko, hindi ko alam kong ano ang dapat kong maramdaman sa ginawa niya. For me that kiss was everything. Doon ko nasuri na malalim na ang nararamdaman ko para sa kanya. Iyon na ba yung ganti niya sa akin, dahil tinanggihan ko siya. He turned his back on me and never utter any words just to clarify what was that kiss for?

Paulit ulit na nagre-replay sa utak ko ang ganitong eksena, pati sa panaginip ko. Minsan, bigla nalang akong natutula dahil nag piplay na naman sa utak ko ang gabing iyon. Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa tuwing pumapasok ang tagpong iyon sa isip ko. 

Ngunit hindi ako pwedeng, magpadala sa kong anong nararamdaman ko na wala naman kasiguraduhan. He left just like that, just like what I did, but for me it was so painful. Masakit dahil gusto ng puso ko, kahit gusto kong sundin ang nararamdaman ko, hindi ko magawa dahil sa pamilya at pangarap ko. Yun ang rason na hindi ko naisatinig at naipaliwanag sa kanya. Yun ang kasalanan ko. Pero kasalanan ba talaga?

Wala akong pagkakataon na sabihin ang mga dahilan ko, basta hinayaan ko nalang kong ano ang iisipin niya sa naging desisyon ko. Alam kong mali yun, pero kong, nag paliwanag ko ako dati baka ipagkanulo ko rin lang ang sarili kong nararamdaman sa kanya. Hindi ko kayang biguin ang pamilya ko. Maraming magtataas ng kilay, sa dahilan ko, na kesyo pwede naman pagsabayin ang relationship at pag aaral but it is not applicable to me, dahil sa nangyari sa ate Maze ko. 

Masyadong marami ng pinagdaanan ang pamilya ko, at isa pa isang ulirang anak ako. Handa akong ipagpaliban ang nararamdaman ko, h’wag lang biguin ang pamilyang umaasa na makamit ko ang pangarap ko. 

Months after my board exam, I am a full pledge Physical Therapist. Si Ate Maze ay nag balik eskwela na, ilang buwan nalang din matatapos na siya. Kasalukuyan akong nagtatrabaho sa Hospital nina Dok Chlyde. Terry and Alexander was working also in Buenavista hospital, mag kaibang branch nga lang. Ako ay sa Cavite, si Alexander sa Taguig at si Terry naman sa Quezon city. Ang main branch ng Buenavista group of hospital ay sa Taguig. A luxurious hospital in the country. Mostly mga VIP ang patients at kilala sa lipunan. Bukod sa heightened ang security, their doctors and member of medical teams were top notch. 

As per my family, Mama was suffered for mental breakdown, she was confined in mental institution recently. Si Papa naman madalas dalawin si Mama, halos na pabayaan na niya ang bukid na minana niya mula sa aming lolo. 

Ako na ang tumayong breadwinner ng pamilya namin. Nag desisyon na kaming ipa confine si Mama, dahil ilang beses na itong nag tangkang kitlin ang buhay niya, at hindi namin kayang maatim yun. Naging pursigido si ate na makatapos para matulungungan si Mama. Kahit pa ilang beses siyang pinag buhatan nito ng kamay, minura at halos madamay pa si Tonton. 

“Maliyah tulala kana naman diyan.” It was my colleague, Wendy. Lalo ko tuloy namiss ang dalawang bff ko, parang nakatagpo ako ng bagong kaibigan na combination ng ugali nina Terry at Alexander sa kanya. Kalog ito like Alexander but protective. Bossy but sweet like Terry 3 n 1 na. Saan ka pa diba? What I really liked about her was her optimism in life. 

“Sorry, may sinasabi ka ba Wend?”. Tinuktukan niya ako sa noo ko, hindi naman gaanong masakit pero nag iinarte ako sa kanya. Parang si Alexander nga ito, version ng Marites ng buhay ko. 

“Aray ko naman Wend, masakit ha.” Maarte kong rekasiyon sa kanya. 

“Anong masakit, gusto mo sapak ng maramdaman mo ang totoong sakit, kanina pa ako daldal ng daldal dito nasa planet mars kana naman nakarating.” Pag mamaktol nito. 

Napangisi nalang ako sa kanya pilit na pilit. Umasim tuloy ang mukha niya sa reaksiyon ko. 

“Hoy Wendy ha sumusobra kana.” Pagtataray ko sa kanya. 

“Anong sumusobra yang pinagsasabi mo aber ano ba sinasabi ko at ginawa ko sige nga. Ayusin mo yang sagot mo baka mapektusan na talaga kita”. Banta nito sa akin. 

“Oo na, hindi ako nakikinig nasa planet Clint ako at sa Delos Santos universe okay na?” sarkastikong kong sagot sa kanya. Naikwento ko na rin ang love life at family chaos ko. At madalas naawa siya sa akin. Siya rin ang aking happy pill kapag alam niyang may bigat akong nararamdaman at malaking problemang hinaharap siya ang aking shoulder to cry on.

Simula noong maghiwa-hiwalay kaming mag kaibigan. Hindi ko maiwan ang pamilya ko. Lalo pa sa nangyari kay Mama noong nakaraan. Hindi ko matandaan halos walo o siyam na buwan na ganito ang buhay ko? Hindi ko matandaan kong kelan ako totoong naging masaya. Yung totoong ngumiti na abot hanggang mga mata ko. Ganoon rin katagal kaming hindi nag kakasama nina Alexander at Terry. Madalas video call kami ulit pero bago sila umalis ang dami naming lugar na napuntahan, at maraming kaming adventures na naranasan magkakasamang tatlo. Those memories with them was priceless and for keeps for the rest of my life. 

Hinila ko na siya dahil tapos na ang lunch break namin. Halos hindi ko na nalasahan ang kinain ko. Ang daming ganap, parang madalas yun nalang ginagawa ko, trabaho, bahay, vice versa. Tuwing sabado at linggo nagpa-part-time din ako extra ko ring kita yun. Meron akong apat na patients na nagpapa-therapy sa akin, dalawa sa umaga at dalawa sa hapon at isang oras ang bawat session. 

Hindi na masama bukod sa malaki ang bayad sa akin, may kung ano ano pang inaabot ang kapamilya ng mga pasyente ko. Pagbalik namin sa therapy room nakaupo na agad sa waiting area ang unang pasyente ko sa hapon. Walong patients ang naka assign sa akin kada araw , apat sa umaga at apat din sa hapon. Kasama na doon ang instructions sa hindi pwede at pwedeng activity kahit sa bed o sa bahay ng pasyente ko. 

Mataas din ang rating and good feedback from patients kaya maraming nag re-recommend sa akin, kaya yung iba tinatanggihan ko na dahil hindi na kaya ng oras ko. Kailangan ko rin kasi ng pahinga during my day off. 

Halos patang pata ang katawan ko ng matapos ko ang apat na patients ko ngayon. Handa na akong mag umuwi at inaayos ko ang mga equipments na ginamit ng mga patients ko kani-kanina lang. 

Isang katok ang nagpaangat ng paningin ko. Si Wendy yun, sabay kaming umuuwi, dahil may sasakyan siya, dinadaan na niya ako sa amin. Tipid narin sa pamasahe, sa amin ang daan niya pauwi sa kanila. 

“Hi sissy, ready kana? haggard ka today ah?” ngising tukso nito sa akin, buti naman pumangit ka kahit konti.” Alaskador talaga ito. 

“Oh di ikaw ang petiks at hindi toxic sa station mo.” Pangbabara ko sa kanya. Hindi ata ito tinatablan sa akin. 

Ilang minuto pa nasa harap na ako ng bahay namin, kumaway ako at nag paalam sa kanya. 

“Sissy salamat sa pag hatid nakatipid na naman ako sayo, bayaran na kaya kita monthly pang gas.” Pangungumbinsi ko sa kanya. 

“Gusto mo bigwasan kita ng very, very light? Sagot niya sa akin na nakataas ang kilay. Pinaikot ko ang mga mata ko at bumaba ng sasakyan niya. matanda lang si Wendy sa akin ng dalawang taon, bente dos ako bente kwarto siya at hindi ka may jowang ofw, isang engineer ang kasintahan nito. Going strong ang status ng dalawa. Pagpasok ko sa bahay, naabutan kong naglalaro sina Papa, at tonton sa sala namin. 

“Mano po Pa,” magalang kong sabi sa kanya. 

“O Maliyah anak, dumating kana pala. Meron pala diyan na banana cue at soft drinks dala ni Terrence kanina. Hindi kana nahintay dahil paluwas daw ng Maynila.” Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Papa. 

“Pumunta po pala si Terrence dito Pa, ano pong sabi niya.” naka-kunot, kong tanong. Matagal narin ang huling pagkikita namin. 

“Wala gusto ka daw dalawin kaso tumawag ang kapatid niyang si Terry dahil daw susunduin ang daddy nila sa airport, kaya ayun hindi kana nahintay at nagmamadali na.” sagot ni Papa na hindi man lang makatingin sa akin. 

Umakyat na ako sa taas para magbihis at magluluto pa ako ng hapunan. Pauwi narin si Ate Maze galing sa school. 

“Ate Maliyah, may bisita ka.” It was my sister, Merleah. Akala mo nasa kabilang bahay ako. Kung makasigaw akala mo may away at nakaka eskandalo sa lakas ng boses. 

“Oo sandali lang”. sagot at nagmamadaling magbihis. Gusto ko sanang mag pahinga, bago ako mag luto para sa hapunan, ngunit may asungot akong bisita. Wala naman akong inaasahang bisita ngayon. 

Agad akong pumasok sa banyo para mag hilamos. Humarap ako, sa aking salaminan at nag suklay, sobrang magulo ang buhok ko. Kumuha lang ako ng simpleng shorts at sleeveless na damit. Itinaas ko ang lampas balikat kong buhok dahil mag luluto din ako. 

Pagbaba ko, isang lalaking ang nakatalikod sa akin at nakaharap sa pinag papatungan ng aming family picture, pamilyar ang bulto nito sa akin ngunit gusto kong makasigurado. I cleared the lump on my throat to get his attention. 

“Maliyah” it was soft baritone voice of Doc Chlyde. Anong ginagawa nito dito. Wala naman siguro akong atraso sa kanya diba?”

“Dok Chlyde, magandang hapon po.”

Simpleng bati ko sa kanya at iminustra ang kamay ko para umupo siya sa aming simpleng sala. Kita ko rin ang pagbaba ni Ate Maze mula sa tricycle. After what happened we became closer than before. She respected me and follow what is my decision kahit mas matanda siya sa akin.

“Sandali lang po kukuha lang ako ng maiinom”. Pagpapaalam ko sa kanya. 

“Don’t bother Maliyah, hindi rin ako magtatagal. Gusto lang kitang kausapin ng personal.”

He look at me intently. He’s serious face brought tension in my entire system. Kung ano man ang sasabihin niya, parang hindi ko ito matanggihan at hindi ako handa. 

Umupo ako sa pang isahang sofa namin at pinagdaup ko ang aking mga kamay sa ibabaw ng hita ko. At pinipilipit yun para matanggal ang kabang nararamdaman ko. Nakapako ang mata ni Dok Chlyde sa ginagawa ko. 

“Ah—dok Chlyde a—ano ho ba ang sadya miyo”. Nauutal kong tanong sa kanya. I heard him cleared his throat at nag buntong hininga rin ito. Na lalo naman akong kinabahan dahil sa ginawa niya. Sana hindi na ito nag paligoy ligoy pa. kong ano man ang sasabihin niya sabihin na niya kasi pinapatay niya ako sa nerbiyos. 

“I want to hire you as my brother personal physical therapist.” Yun lang ang tumatak sa isip ko. Hanggang sa tuluyan na itong nag paalam sa akin at kay Papa na nasa harap ng bahay namin sa puno ng manga nag kakape. Tulog siguro si Tonton. Dinig ko ang magalang nitong paalam. 

“Maliyah, okay ka lang ba?” tawag sa akin ni Ate Maze. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala ito.

“Ah—oo ata okay lang ako.” Hindi na niya ako kinukulit dahil siguro mababakas parin sa mukha ko ang kalituhan sa sinabi ni Dok Chlyde sa akin..