Chapter 1:

Hindi mawala ang mga ngiti ko habang pinagmamasdan ang isang gallon ng ice cream sa loob ng plastic bag na dala ko.

Hindi ako mapakali habang nakatitig sa pintuan ng katapat naming bahay.

Napaangat ako ng tingin nang sa wakas ay lumabas na siya. My heart was pounding so loudly when our gaze met.

Napakapit ako nang mahigpit sa plastic bag na dala ko. He's still wearing his usual black hoodie. Sumimangot ako dahil hindi pa rin talaga ako sanay na black na ang favourite niya.

Napatayo ako nang maayos nang mas lalo niya pa akong tinitigan. Nakakunot ang nuo nito habang nakatitig lamang sa'kin.

I tried to smile at him but as usual, he still ignored me.

Umiwas siya ng tingin at agad na pumasok sa sasakyan niya. Pinaandar niya na ito at mabilis na nawala sa paningin ko. I scoffed.

Araw-araw na lang talaga iniiwasan niya ako. Ang tigas naman ng puso n'ya tch.

Ilang minuto rin ang lumipas nang lumabas na si Mammi sa bahay. Siya ang hahatid sa 'kin ngayon sa School, malapit lang naman kasi 'yon sa Hospital kung saan siya nag tra-trabaho. She's a doctor.

"Let's go?" My mom smiled at me.

Tumango na lamang ako at agad na pumasok sa sasakyan niya. Umupo ako sa backseat at agad na nilagay sa tenga ang headphone ko. I decided to play some random music in my playlist.

Sinandal ko ang ulo ko sa headboard ng sasakyan at doon dinama ang bawat lyrics.

Nang makarating na kami sa School ay agad akong nagpaalam kay Mammi at mabilis na naglakad palayo. Kinuha ko ang phone ko sa bag at nagkunwareng tumitipa doon.

Nang medyo nakalayo na ako ay agad akong tumakbo papasok sa classroom.

Hingal na hingal akong napahinto sa tapat ng pinto bago nilibot ang mga tingin.

Marahas kong pinahid ang pawis ko at napahinga nang maluwag nang makitang naunahan ko pa si Kiro.

Sigurado akong may pinuntahan pa siyang lugar. He's always like that you know.

Nagkibit balikat na lamang ako bago lumapit sa desk niya. Napaangat ako ng tingin nang may narinig akong tumikhim.

"Huwag ngayon, KD." Inalis ko ang kamay niya na nakalagay sa desk ni Kiro. Hindi talaga siya napapagod na asarin at buwisitin ako.

"Maglalagay ka naman ba ng ice cream sa desk ni North?" may halong pang-aasar na wika niya.

I irritatedly rolled my eyes. Mabilis ko na lang nilagay ang isang gallon ng ice cream sa desk.

Mabilis akong bumalik sa upuan ko at bahagyang sinipa ang upuan ni KD bilang ganti. I even heard him groaned.

Napaayos ako ng upo at iniwas ang mga tingin nang makitang papalapit na si Kiro.

I bit my lower lips to prevent myself from smiling. Nasa likod lang nila ako banda kaya sigurado akong nakita niya ako.

Sinilip ko siya patago habang hawak ang librong kunyareng binabasa ko. Napalunok naman ako nang magtagpo ulit ang mga tingin namin.

"Ice cream again," It's more like a sentence than a question. I heard him sighed.

Napakurap kurap ako at napagdesisyunang 'wag ng sumilip sa harap. Alam ko na ang susunod niyang gagawin. Sasaktan ko lang ang sarili ko pag pinilit ko pang silipin sila.

"Kingdom, sa'yo na iyan ulit" He sounds irritated again.

Narinig ko naman ang masayang hiyaw ng katabi niyang patay gutom. Fuck KD and his stomach!

Binigay niya ulit ang ice cream na bigay ko sa kaniya sa best friend niyang PG.

At syempre ang walanghiya tinanggap niya naman.

I secretly kicked his desk again. Napangiti naman ako nang nabulunan ito sa pagkain ng ice cream ko.

Dismiyado kong binaba ang book na hawak ko at nanghihinang sinandal ang sarili ko.

It's still hurting me. Pinaghirapan ko 'yang ice cream na iyan tapos ibibigay niya lang? Well, lagi niya naman 'yong ginagawa pero hindi ko pa rin maiwasang masaktan.

It's just that... hindi ko pa rin tanggap na nagbago na siya. I hate him for ignoring me. But still, mahal ko pa rin siya. I can't control my own feelings because of this fucking love.

I just want to hear his reason. Kung bakit niya ako iniiwasan. Kung bakit nag-iba siya. Kung bakit naging ganito kami. 'Yon lang ang gusto ko.

~

"BABY South! Pupuntahan mo si boy sungit?" Napatigil ako sa paglalakad nang harangin ako ng putanginang PG.

"Please lang, Kingdom! tumigil ka na sa pagiging buwisit!" Malakas ko siyang binangga sa balikat at nagpatuloy sa paglalakad.

Lagi na lang talaga siya humaharang kapag gusto kong lumapit kay Kiro. Peste talaga.

"Ayaw mong tulungan kita?" Pilit niya akong pinaharap sa kaniya. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat.

Kumunot ang nuo ko sa sobrang inis.

"Bukod sa pagkain ng ice cream na bigay ko kay Kiro, ano pa bang maitutulong mo?" I raised my one eyebrow.

Ngumisi ito na parang naghahamon.

"Bestfriend ko si North" He wiggled his two eyebrows. I rolled my eyes.

Pake ko?! Wala akong pake sa buong pagkatao niya.

Mabilis kong winakli ang mga kamay niya na nakahawak sa balikat ko.

"Eh, sa ano ngayon?" Malditang saad ko. Narinig ko naman ang malakas na tawa niya.

Napakagat ako sa labi sa sobrang inis nang maramdaman ko ang pag-akbay niya sa'kin. Feeling close na siya, ah?

"Ganito kasi 'yon. Makinig ka kay Papa Kingdom" Naramdaman ko ang pagtapik ng isa niyang kamay sa ulo ko. Galit ko naman siyang tinulak palayo.

I heaved out a deep sigh. Obviously, wala talagang makakapigil sa pagiging baliw niya. Kahit 'yong pangalan niyang King Dominic Hortillano napaka-unusual na, ano pa kaya siya?

King daw! Psh, mukha namang alipin.

"Best friend ko 'yong bebe mo kaya wala ka ng choice. At pwede kitang matulungan, 'no?" Nagpameywang ito sa'kin dahilan para mas mainis ako.

Tangina, ang kulit talaga.

"Ipapalapit ko kayo ni North, total bagay naman kayo! South at North!" He even pointed the south and the north.

Psh. I know, gusto ko sanang sabihin na destiny 'yon kaso alam ko namang pinag-planohan lang talaga ng mga magulang namin ang pangalan naming dalawa. Fortunately, mag-kaibigan ang mga pamilya namin. Kaya labas-masok ako sa bahay nila Kiro, I even treated his dad as my own father too.

"Tapos ako ang nasa middle n'yo kasi Kingdom ako"

Tatawa na ba ako? damn, I should really make a funeral for his dead joke.

"Funny," I sarcastically laugh to annoy him. But of course he's King Dominic kaya kahit siya dapat ang maasar, ako ang naasar.

"Bebe South, ako ang magiging kupido n'yon dalawa. I will make sure that the two of you will end up together!" Mabilis niya akong hinila at inakbayan. Tinaas niya pa ang kanan niyang kamay na para bang may hawak itong espada.

"I, King Dominic AKA Kingdom will make a promise." Tinapat niya ang kanang kamay niya sa dibdib. "Subukin man ng tadhana ang inyong pagmamahalan ay nandito ako upang tulungan kayo, sisiguraduhin kong kayo ang magkakatuluyan, isusumpa ko ang magiging hadlang." Pinalalim niya pa ang boses niya dahilan para matawa ako nang bahagya.

Mukha siyang tanga sa totoo lang.

Napailing na lang ako sa kabaliwan niya. Hindi ko talaga alam kung paano natagalan ni Kiro 'tong si KD e.

"Kaya ikaw Bebe South! Huwag kang titigil sa paglagay ng ice cream sa desk ni Boy Sungit! Go lang!" Tinaas niya muli ang kamay niya sa ere.

"Kasi ikaw kakain, gano'n?" napangiwi ako nang makita ang pag ngisi niya.

Gago talaga. Ano akala niya sa'kin? Tanga?

Marahas kong kinuha ang kamay niyang nakaakbay sa'kin at nauna ng naglakad.

Nagutom ako bigla sa kabaliwan niya.

Nakaka-drain talaga ng energy ang pag-usap kay Kingdom.

~

PAGKAPASOK ko sa Cafeteria ay agad kong kinuha ang wallet ko upang makabili na agad.

Busy ako sa pagbibilang ng pera ko nang makita ko ang dalawang naglalampungan sa pang hulihang table. It's Bethany and Kiro.

Para namang tinusok nang paulit ulit na punyal ang puso ko sa senaryong nakita ko. Napahigpit ang hawak ko sa perang dala ko.

Napakurap ako nang maramdaman ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. Marahas akong napabuga ng hangin at iniwas ang mga tingin ko.

Sanay na dapat ako. Hindi ko naman first time na makita silang ganito. Mas malala pa nga. I even caught them kissing, torrid kiss pa nga.

Nalasahan ko ang dugo sa mga labi ko sa sobrang pagkagat ko dito. Pilit ko munang pinakalma ang sarili ko bago napagdesisyunang bumili na ng pagkain.

Baka masanay na rin ako. If ever man na hindi ko siya mabalik sa dati. Tatanggapin ko na lang lahat, 'yon naman talaga kasi ang dapat.

~

NAPANGITI ako nang matapos na ang pag-aayos at paglinis ko dito sa rooftop.

Minasahe ko ang balikat ko sa sobrang pagod. Napadaing naman ako dahil nangangalay talaga ito.

I comfortably sat on the bench. Malapad ito at pwede nang higaan. Hindi rin ito matigas kaya pwedeng pwede talagang matulog dito.

It's actually beautiful here. Kung siguro hindi ko ito lagi nililinisan magiging abandonado na rin ito.

Mabilis kong hinablot ang bag ko at pinagkakatigan ang paligid ng rooftop.

It's reasonable why he chose to rest here.

Binuka ko ang mga braso ko at dinamdam ang simoy ng hangin. I unconsciously smiled.

It's really peaceful here. Gusto rin sanag gawing secret place 'to kaso nauna na siya. Sigurado naman ako ayaw niyang makipag-share.

Nagulat ako nang may narinig akong mga yabag papalapit sa pwesto ko. It seems like Kiro is already here.

Mabilis akong nagtago sa likod ng rooftop upang hindi niya ako makita. Napahawak naman ako sa dibdib ko sa sobrang kaba.

Sumilip ako upang alamin kung siya talaga 'yon. And I'm right, It's really him.

Nagpalinga-linga muna ito bago napagdesisyunanang humiga sa bench na inayos at nilinis ko kanina. Inunan niya ang lumang Pillow na nilagay ko dito noon.

Dahan dahan ako napangiti habang pinagmamasdan siyang natutulog. Ramdam ko rin ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko.

Umupo ako sa sahig at doon sinandal ang sarili ko. Silence was never been this comforting. Siguro hindi ko man siya nakakausap kagaya ng dati pero hindi rin talaga mapagkakaila na sa kaniya lang ako magiging komportable, he will always be my haven.

Kinuha ko ang notebook at ballpen ko sa bag. Pinikit ko muna ang mga mata ko at mas lalong dinamdam ang hanging dumadampi sa balat ko.

I slowly opened my eyes. Dahan dahan kong binuklat ang pahina ng notebook ko at naghanap ng bakanteng page.

Everything I could not say

Entry 65.

Dear Kiro North,

Do people really change? nagbabago ba talaga ang tao o binabaon lang talaga nila ang dating sila?

Kung hindi, edi masaya. I can still bring back the old you. Mahirap pero siguro magiging worth it naman sa huli diba?

Kung oo naman, tatanggapin pa rin kita as long as best friend pa rin ang turing mo sa'kin.

Hindi naman talaga ako naghahangad nang sobra. I just want to bring back the old us, o baka wala talagang 'us' dati ba.

It's okay if you don't like the colour red anymore.

It's okay if you always break our rules.

It's okay if you don't accept my ice cream anymore.

But it's not okay if the one you hated is me.

It's not okay if you always avoiding me for some unknown reasons.

Just give me one reason and I'll accept everything.

It's been 11 months, 1 week, 3 days since you avoided me.

So please, Akiro North Climaco don't keep hurting me like this anymore.