ED 9: Phantom Mask
"I love you but I hate you.
I miss you, but I'm better off without you.
I want you out of my life, but I never want to let you go."
- Quote from www. hippoquotes. com
~~~*~~~*~~~*
RJ left Jaizz hanging on top of the fiery stove. Her blood boiled in annoyance towards him and especially towards herself. She couldn’t comprehend why does her body was betraying her. It could easily have been given up with RJ’s every touch. As if it has a mind of its own—following the command of his touch.
Na-devirginized lang ako ay tila naging nymphomaniac na ako. Natatakot akong isipin na baka kahit sa kaninong lalaki na lang ay ganito ang mararamdaman ko. Bakit? Hindi dapat may ma-trauma ako tulad ng ibang mga dinukot at napagsamantalahan? O dahil hindi naman ako sinasaktan ni RJ, sa halip ay… Urgh, stop it, Jaizz!
Bumalik na lang ang dalaga sa pagpipinta para tapusin ang larawan ni Lumiere. Hindi rin naman masagot nang matinong bahagi ng utak niya ang mga katanungan. Pinagalitan niya nang ilang beses ang sarili at paulit-ulit niyang sinabi na dapat siyang magalit kay RJ. At hinding-hindi na magpapauto pa rito.
Napako ang kanyang paningin sa mga labi ni Lumiere na kanyang kinukulayan. Naalala niya kung gaano kalambot iyon at kasarap halikan. Ngunit biglang napalitan iyon ng mga alaala ni RJ na kani-kanina lamang ay ipinalasap nitong muli sa kanya ang tamis ng mga halik nito na nagpapabaliw sa kanya. Napasinghap siya at napahawak sa kanyang mga labi. Ang tibok ng kanyang puso at parang tambol na dumadagungdong. Pakiwari niya’y nakasalang siyang muli sa pugon sa init ng kanyang nararamdaman.
Jeez! I know it's summer here but I felt so damn hot. I probably need to drink a glass of cold water to freshen myself. Where’s the kitchen here?
Nagtungo siyang muli sa elebaytor at bumaba sa pinakaunang palapag para roon hanapin ang kusina. Nagreklamo na rin ang kanyang sikmura dahil kagabi pa siya hindi kumakain. Gusto pa rin naman niyang panindigan ang pagha-hunger strike ngunit kailangan naman niyang pakalamigin ang init na nadarama ng kanyang katawan.
Habang hinahanap niya ang kusina sa kalawakan ng unang palapag at sa rami ng mga nakasaradong mga pintuan ay walang tigil pa rin naman ang paglipad ng kanyang isipan.
I couldn’t believe that he got mad just because I thought that he’s also Lumiere. Why do I feel that they are the same person? But of course, I didn’t see RJ yet. I couldn’t compare if they have similarities physically like height or body built? Lumiere was also muscular when I hugged him from the back, when he was cooking. Though, he was always wearing a long sleeve dress shirt and blazer. I knew he’s as muscular as RJ. But I saw his forearm once, and it has a tattoo. I can confirm my guts if I ever see RJ’s arm.
Hindi rin niya maisip kung paano siya nadukot ni Lumiere sa isla kung totoo ang sinasabi ng mga pulis na isa itong serial killer. Hawak din nito ang kanyang pasaporte at nakapag-travel pa sila papuntang Paris at Netherland. Hindi rin pipitsuging hotel lang ang kanilang pinag-check-in-nan. Marangya ang mga iyon at pakiwari niya’y mga five-star hotel iyon. Hindi niya lang ma-search dahil ayaw siyang pahiramin ni Lumiere ng cellphone at lagi rin itong nakabuntot sa kanya kahit saan siya pumunta. Kapag papasok siya ng pampublikong palikuran ay pinalalabas pa nito ang mga taong nasa loob at tinitingnan kung may matatakasan siya at nakabantay sa may pintuan. May ipinapakita itong parang ID at nagsisisunuran ang mga tao rito nang hindi makapag-reklamo.
Nablangko ang isipan niya nang buksan niya ang isang nakapinid na pintuan na pinamumulan ng mabangong amoy ng pagkain. Hindi dahil sa lawak at rangya ng silid-lutuan kung hindi dahil sa isang matipunong lalaki na nakatalikod sa pintuan at nakaharap sa oven. Nakayuko ito dahil may kinukuha sa loob ng lutuan ngunit mahahalatang matangkad ito. Sa tingin niya ay parang si Lumiere ito dahil sa pangangatawan pag nakatalikod. Although, naka-jersey short lang ito at sandong puti. Medyo mahaba na rin ang kulay tsokolate nitong buhok pero hindi kasing haba ng buhok ni Lumiere na hanggang balikat at light brown ang buhok nito.
Bumilis muli ang tibok ng kanyang puso na tila tumakbo siya ng ilang kilometro. Alam niyang si RJ ang lalaki dahil pakiwari niya na sila lang namang dalawa ang nasa islang iyon. Hindi niya alam kung naramdaman siya nito dahil mahina naman ang pagbukas niya ng pintuan ng kusina at abala ito. Kaya naman, dahan-dahan siyang lumapit. Magkahalong pananabik, takot o kakaibang kaba ang nararamdaman niya na posibilidad na makikita na niya ang itsura ng lalaking dumukot sa kanya.
Halos patingkayad siyang lumapit mula sa likuran ng lalaki upang hindi makagawa ng ingay. Huminto siya sa kabilang bahagi ng center island, kung saan may nakapatong cork placemat na alam niyang paghahanguan nito ng pagkain.
Parehas silang natigilan nang makita ang isa’t isa. Ngunit agad na nakabawi sa pagkabigla ang lalaki at isang pilyong ngiti ang namutawi sa makurba at mapupula nitong mga labi. Ipinatong nito sa placemat ang hawak na glass baking tray. Walang kakurap-kurap naman si Jaizz sa pagtitig niya sa emerald green eyes ng lalaki. Medyo may mga tumutubong balbas na rin ito na tila hindi nakapag-ahit ng isang linggo at medyo magulo ang buhok nito.
"Are you hungry now, my love? Try this lasagna."
The delicious aroma of the said food made Jaizz’s stomach to complaint. It gurgled loudly. The man chuckled and Jaizz grimaced with him because of embarrassment.
"N-no. T-thank you. I'm just t-thirsty!"
Gosh! Ba't ba nauutal-utal pa ko? Pero sino ba naman ang hindi mauutal kapag may mala-Superman kang kaharap? His physique only, okay?
Sa tingin naman ni Jaizz ay guwapo ang lalaki. Kahit pa nakasuot ito ng phantom mask na kulay itim na halos matakpan na ang buong mukhang maliban lang sa mga labi at mata. May panghihinayang na nadama ang dalaga dahil ang buong akala niya’y masisilayan na niya ang mukha ang lalaking unang umangking ng kanyang pagkababae.
Bakit kailangan niyang magmaskara? May peklat ba siya sa mukha? Pangit ba siya? Mukha naman siyang guwapo at ang mga labi… hmm?
Napaubo ang dalaga sa naisip at lalong nanuyot ang kanyang lalamunan. Agad naman kumuha ng baso’t malamig na tubig sa built-in water dispenser ng refrigerator ang lalaki. Iniabot ito sa dalaga. Hindi mabunot ng dalaga ang kanyang mga mata sa pagkapako nito sa katawan ng lalaki. Nagpi-flex kasi ang bicep ng mala-diyos ng mga Griyegong nilalang sa harapan niya. Marami na siyang nakilala at nakitang mga guwapo’t makikisig rin naman na mga lalaki, ngunit hindi niya maipaliwanag kung bakit kakaiba ang dating ng lalaking ito sa kanya. Hindi siya ang tipong madaling maakit sa mga lalaki kaya nga’t hindi pa siya nagkaroon ng nobyo. Kaya’t hindi niya maubos-maisip kung bakit siya naakit kay Lumiere at gayon din sa lalaking ito.
Agad na tinungga ng dalaga ang inumin dahil sa uhaw at gutom at pag-iinit na nararamdaman. “More please…”
Tumalima naman ang lalaki at kinuhanan ulit siya ng tubig. Hindi pa rin nawawala ang pilyong ngiti nito sa mga labi. Kumuha na rin ito ng dalawang plato at mga kubyertos.
"Did I satisfy your curiosity already, my love?" May panunukso sa tono ng pananalita nito. Pakiramdam ng dalaga ay mukha na siyang hinog na kamatis sa pamumula ng kanyang mukha.
Sa halip na sumagot ay inirapan niya ang binata habang magkasalubong ang natural na may kakapalan niyang mga kilay. At nanulis pa ang kanyang mga labi na tila isang bibi.
Two glasses of water are not enough to cool down my raging system. He was like an igniter that can flare up the blazing desire of my body.
"Eat, my love..." Iniabot ng binata ang plato na may lasagna at iniabot sa kamay niya ang baso, kaya’t nagkuskos ang kanilang mga daliri.
Naramdaman ng dalaga ang pagdaloy ng gabultaheng kuryente sa kanyang mga ugat. Nagkatingan silang dalawa dahil gayon din ang nadama ng binata.
Iginala ng dalaga ang paningin sa paligid upang makaiwas sa mapanuring paningin ng binata. Kahit may kalumaan ang istilo ng kusina ay maayos at malinis ito. Sa bandang kana’t kaliwa’y parehas na may mahahabang mesa na yari sa makapal na punongkahoy tulad din nitong center table. Nakasabit naman sa bandang itaas ng mga mesa mula sa mataas ng kisame ang makakapal na kadena na siyang humahawak sa hugis oblong na bakal na siyang pinagsasabitan ng iba’t ibang laki ng mga kaldero’t kawali. Napuna rin niya na marami palang mga lutuan sa gitna nitong bulwagan bukod pa rito sa ginamit ni RJ. Hugis letrang U ang kusina. Kahit siguro mga dalawampung tao na maghahanda ng pagkain kung may okasyon man dito ay hindi magsisiksika’t makakakilos pa rin ng maayos. Sa tingin niya’y ganitong kalaki ang mga kusina sa mga malalaking hotel.
"You didn’t eat yet since last night and it is almost lunch time already. Surely, you're hungry. It's my first time to bake lasagna, I hope you like it!" His deep voice brought shivers to Jaizz’s system that woke her up from scrutinizing the place.
Kaya’t napaharap siyang muli sa lalaki na ngayon ay nakaupo na sa tapat niya ngunit sa kabilang panig ng mesa na isa’t kalahating dipa ang lapad. Naalala niya ang tattoo ni Lumiere kaya’t pinasadahan niya ng tingin ang mga braso ng binata. Bukod sa mga buhok nito sa braso at ilang nagagalit na mga ugat ay wala itong peklat at lalong walang tattoo.
Nakaramdaman siya ng panghihinayang at pagkadismaya. "You really don't want to show your face, huh? Why?" hindi niya mapigilan magtanong.
Wala sana siyang planong galawin ang pagkain ngunit ang mabangong aroma nito ay nagnunoot sa kanyang pang-amoy na lalong nagpagutom sa kanya. Tila may sarili rin isip ang kanyang kamay nang tinidurin nito ang kapirasong bahagi ng lasagna at agad dinala sa kanyang naglalaway na mga labi.
Infairness, ang sarap ah! Siya ba talaga ang nagluto ng mga kinain ko rito?
"Why is it so important to you to see my face? Will you love me back if you do?" Halos manlaki ang mga mata ng dalaga sa tanong ni RJ. Napawi ang pilyong ngiti nito na kanina ay nakapinta at seryoso itong nakatingin sa mga mata ni Jaizz.
Love him back? Really?!
"Isn’t rude that you will response to me with another question? I'm the first one who asked, maybe it is fair that you'll answer me first?" Tiningnan niya ito nang masama at ‘di niya alintana na patuloy naman siya sa pagsubo ng pagkain.
Bakit ang sarap naman nito? Dahil sa gutom lang ba ako? Hmm, si Lumiere masarap din magluto.
Dumukwang ang binata na ikinagulat ni Jaizz. Pinahiran nito ang gilid ng kanyang labi gamit ang hinlalaki nito. “You’re a messy eater, my love.” Gumuhit na naman ang matamis na ngiti sa mala-Makopang labi nito.
Lumiere also told me the same phrase, “You’re a messy eater, Mademoiselle.”
"I told you already, if you want to see my face. You will stay with me. It's up to you." He smirked mischievelously this time.
Jaizz couldn’t get off her eyes on his lips. ‘His lips are really reddilipscious.’ Reddilipcious is just the slang term that one of her friends made up, whenever they see a guy with reddish lips. ‘And that lips kissed every part of my body.’
"Now, it's your turn to answer my question," RJ said.
Ibinaba ni Jaizz ang paningin sa pagkain na ngayon ay kakapiranggot na. Nagreklamo pa siya sa kanyang isipan kung bakit ang liit ng ibinigay nito sa kanya, gayon gusto pa niya.
"I don't really care, if I see your face or not. Who wants to remember the face of her kidnapper and rapist anyway?" Diniin pa niya ang apat na huling salita habang nagtaas siya ng paningin upang mahuli ang mga mata ng lalaki. Kaya kitang-kita na napakurap ito na tipong nasaktan sa matalim niyang pananalita. Bigla ring naglahong parang bula ang mga ngiti nitong nakaloloko.
"Rapist? I didn't rape you, I made love with you!"
"You took me by force, that was rape! If I am not in this situation, do you think, I will just give myself to you? How can you say that you love me? You didn't even know me. It was only been two weeks since your abducted me, it is impossible that you will fell in love with me. Unless... You knew me long before? Do we know each other?" pasigaw na sabi ng dalaga.
"You tell me, CJ Villarios, do you think we met before?"
Napaisip si Jaizz sa tanong nito. Oo nga’t marami na siyang mga foreigner na nakilala sa Arts Gallery niya sa Manila, pero wala siyang matandaan na nakaagaw ng kanyang pansin. Kung nagkakilala man siya ni RJ noon, hindi siya interesado sa mga lalaki kaya posibleng hindi niya matandaan.
"If we ever met before, why do you need to abduct me? I’m sure, I didn't do any harm to you!"
Hindi na nagawa pang kainin ng Jaizz ang natitirang lasagna dahil sa takbo ng kanilang usupan.
I admit that he was neither a harsh abductor nor a rapist but still, who wants to be taken by force?
"Because I love you, CJ and it is the only way I know that you can be mine," he said in a lower tone, just like he was surrendering himself to her. Admitting his fault.
"That is not love that you feel about me. It is just purely lust! Because if you love me, you are not going to take me by force. You should at least try to court me properly. And accept whatever will be my decision. Yes, you have already taken my body but never my heart!"
Tumakbong palayo ang dalaga. Palabas ng mansion. Gusto niyang mapawi ang galit na nararamdaman para sa lalaki. Para sa sitwasyong kinalalagyan niya ngayon. Gusto niyang makapag-isip nang mabuti sa kung ano ang dapat niyang gawin. Ianalisa kung ano rin ba ang nararamdaman niya para sa binata.
Sa palagay ba niya komo't nakuha na niya ang katawan ko, mamahalin ko na rin siya? Oo, nadadarang din ako sa mga haplos niya. But it was just lust, not love. He’s so unfair.
~~~* tbc