Chapter 8: Protected

Inaantok kong inunat ang kamay ko. Gabi na kasi nang ihatid ako ni Phythos sa dorm. Bumili pa kasi ako ng gamot para sa sugat niya.

Binilisan ko na lang ang pagkilos ko para hindi ako tuluyang ma-late.

Hindi pa ako nakalalapit sa room ay nakita ko na si Bea. Nakangiting kuma-kaway sa akin. "Bes!" sigaw niya.

"Uy, kumusta na 'yong emergency mo kahapon?" tanong ko.

"Okay na, ayos na ayos!" Sinamahan niya pa ng tawa.

"Maganda kung ganoon, pero hindi mo nakita si Prince Charming!" Tukso ko sa kanya. Napanguso naman siya.

"Sayang nga eh, si daddy kasi." Napasimangot pa siya.

"Hayaan mo na, basta ang importante maayos na. Ipapakilala naman kita mamaya," nakangiting sabi ko at inakbayan siya.

"Talaga?" nagniningning ang mga matang tanong niya. Agad akong tumango. Niyakap naman niya ako.

"The best ka talaga! Pero kapag sa akin siya nahulog. Walang bawian ah!" Tukso niya.

"Oo na!" Tinawanan ko lang siya.

"Teka!" Napatigil kami sa pagpasok nang may pumigil sa akin. Lumingon ako, grupo iyon ng limang babae. Nakataas kilay at nakahalukipkip ang mga ito habang pinapasadahan ako ng tingin.

"Bakit?" tanong ko.

"Ikaw! Anong kaugnayan mo kay Senior Phythos?" diretsahang tanong ng isa sa kanila.

"Kaibigan ko siya," mahinang sagot ko.

I don't want to get involved in any fights. I'm not used to it.

Sarkastikong tumawa naman sila.

"Kaibigan? Excuse me! Freshman ka pa lang, baguhan! Paanong naging kaibigan mo siya?" Hindi ako makasagot. Eh sa, nangyari na lang.

"Sigurado friend, nilandi niya!" Napailing ako. "Hindi."

"Aba't!" Pinigilan ko si Bea. Ayaw kong mapaaway kami.

"Impossible!" Tiningnan niya muli ako mula ulo hanggang paa.

"Ang pangit niya kaya! Hindi ba siya 'yong usap-usapang kaya naka-facemask lagi kasi mukhang halimaw ang mukha!" Humalakhak pa sila. Napayuko ako. Sa lahat ng sinabi nila, iyon naman ang totoo.

"Sumusobra na kayo, huh!" Hindi ko na napigilan si Bea nang itinulak niya ang mga babae.

"Totoo ang sinasabi namin!" Gumanti rin ang mga ito at itinulak din si Bea.

"Tama na!" Pilit ko silang pinipigilan hanggang sa naramdaman ko na lang na may humahatak na sa buhok ko.

"Ikaw! Pangit ka! Tandaan mo, hindi ka magugustuhan ni Senior Phythos!" galit nilang sigaw sa akin.

"Bitiwan mo ako!" sigaw ko habang pilit tinatanggal ang kamay niya sa buhok ko. Nakahinga lang ako nang tuluyan akong makawala.

"Lumayas kayo rito! Teritoryo namin ito kaya wala kayong karapatang umaway ng mga kaklase namin! Lakas ng loob niyong sumugod dito sa department namin." Nanlaki ang mata ko nang makita ang ilang kaklase ko na nasa labas na. Sila pala ang umawat.

They've protected me.

Ang kaninang palaban na mukha ng mga babae ay napalitan ng takot. Namumutla rin ang mga ito at saka mabilis na tumakbo palayo.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Bea. Tumango ako. Inakay na rin niya ako papasok. May ilang kalmot din pala akong napala.

Tumigil ako sa harapan nang tuluyang makapasok. Maybe, I should thank them.

"Thank you for protecting me awhile ago, classmates." Nakangiting pasasalamat ko at yumuko. I'm just so overwhelmed.

"It's nothing Faye. We are family, right, classmates?" sagot ng isa sa mga kaklase kong tinawanan rin ako kahapon.

"Yeah!" Sabay-sabay nilang sang-ayon. Lalo akong napangiti.

"At saka Faye, ginawa namin iyon para makabawi man lang sa 'yo. Sa ginawa namin kahapon."

"Okay naman na sa akin. I already forgave you," sincere kong sabi.

"We easily judge you without knowing what you go through."

"You can remove your mask. Hindi mo na kailangang isuot 'yan." Nginitian ko ang nagsabi noon. Her words warm my heart.

"Thank you so much." It gives me comfort. Kahit na alam kong hindi lahat ng kaklase ko gusto talaga ako. Atleast, may ibang nagbago na ang pakikitungo sa akin.

Sana magtuloy-tuloy na.

"Ang boring!" naiiritang biglang sigaw ni Bea dahilan para mapaangat ako sa pagkakaub-ob sa upuan. Wala kasi kaming prof sa magkasunod na subject. May iniwang activity pero madali lang naman. Kaya madali rin naming natapos.

"Bea, tulog ka na lang," namumungay ang matang sabi ko. Inaantok kasi ako. Nakaidlip na nga ako kanina, eh. Nagising lang dahil sa ingay niya.

"Ayaw ko, hindi ako inaantok. Ah! Alam ko na!" Nakapikit na ang mata ko at pinapakinggan lang siya.

"Oh?" tanong ko. Niyugyog naman niya ang braso ko.

"Punta tayo sa seniors! Gusto ko na makita si Senior Phythos," kinikilig na bulong niya.

"Hindi pwede, may attendance at hindi pa natatapos itong period ni Ma'am." Mahinang paliwanag ko. Lalo naman niyang nilakasan ang pagyugyog sa braso ko. Nahihilo na nga ako. Kaya no choice kundi harapin siya.

"Hindi naman nila malalaman. Tingnan mo nga, iyong mga kaklase nating babae kaninang nagpaalam na iihi lang. Wala na, kanina pang hindi bumabalik. Tara na! Akong bahala sa irarason natin," nakangising sabi niya. Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako patayo.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Cjhay, 'yong class beadle namin dito sa room. Tumingin ako kay Bea, kinindatan naman niya lang ako.

"A-h, sa comfort room. Masakit na masakit na kasi itong tiyan ko. Magkaka-LBM pa yata ako." Nanlalaki ang mata ko sa acting niya. Ibang klase! Hinawakan ko na lang ang kamay niya habang kunwaring namimilipit siya sa sakit.

"Ikaw Faye, saan?" tanong niya.

"Sasamahan ko na lang siya. Nag-aalala rin kasi ako baka mapano pa siya, eh." Nagpaawa effect na lang din ako. Well, I'm also an actress. This simple acting is easy.

Nag-aalalang binalingan niya si Bea.

"Sige, bumalik kayo kaagad kapag maayos na pakiramdam mo Bea. Kung hindi pa rin pumunta ka na lang sa clinic."

"Okay, thank you!" Sabay naming sagot. Inalalayaan ko si Bea hanggang sa tuluyan na kaming makalayo sa room.

"Yes! I'm such a genius!" Para siyang sirang napatalon-talon.

"Bahala ka, kapag nahuli tayo." Pananakot ko.

"Hindi 'yan! Magaling akong actress eh!" Humalakhak pa siya. Mabuti na lang wala masyadong studyante rito sa hallway.

Pagdating namin sa seniors. Walang katao-tao ang bawat rooms.

"Nasaan sila?" sabay pa naming tanong. Sumilip ako sa rooms pero wala talagang studyante.

"Teka Miss! Sandali!" Pigil ni Bea sa babaeng naka p. e uniform na tumatakbo.

"Bakit?" tanong niya.

"Nasaan ang mga seniors?" diretsang tanong ni Bea.

"Nasa gym, may sports competition kasi kami." Napangisi namang bumaling sa akin si Bea.

"Salamat Miss, sige sasama na kami sa iyo!" excited niyang sabi at hinatak na ako.

Ingay ang bumungad sa amin sa gym. Marami na ring nanonood pero mas nakuha ang atensyon ko sa iba't-ibang sports competition.

"Wow! Ang daming gwapo!" Tili ni Bea at mabilis akong hinatak sa mga upuan.

"Dito na lang tayo manood sa basketball! Mas maraming gwapings!" Tila naghugis puso ang mata niyang nililibot ang tingin sa court. Napailing na lang ako.

"Senior Phythos ang hot mo!" Naagaw ang atensyon ko sa tilian. Napatingin ako sa basketball court, siya nga!

Muntik na akong mapatayo sa gulat. Bakit naglalaro siya? May pilay siya! Lalong lalala 'yon lalo na at basketball ang laro niya. Masyadong pisikalan.

Tapos lalong mahihirapan sa paggaling ang paa niya tapos paano ako? Matatagalan akong magta-trabaho. Although, gusto ko naman ang trabaho niya pero... aish!

Matalim ko siyang iniirapan habang todo ngiti pa siya sa mga tumitili sa kanya. Ang hirap niyang intindihin. Kagabi ayaw niya ang mga nagtitili sa kanya tapos may paliwanag pa siya. Pagkatapos ngayon mukhang tuwang-tuwa naman siya.

Magaling naman siya dahil kahit iika-ika. Nakagagawa pa rin siya ng puntos. Pero naiinis pa rin ako!

"Problema mo, Faye?" Umiling ako kay Bea habang naiirita pa ring nakatingin sa lalaking pa cute nang pa cute.

"Ah, Faye nandito ba si Senior Phythos?" Napabaling ako sa kanya. Halata ang excitement niya. Napanguso ako at tinuro ko na lang ang pasaway na lalaki. "Ayon oh!"

"Saan? Saan?" Hinawakan ko naman ang mukha niya at saka iniharap sa direksyon ni Phythos.

"Yong nakatalikod na may tatak na Gonzales," sabi ko.

"Ah! Nakita ko na! Mukhang yummy likod pa lang." Napahagikhik pa siya.

Umirap lang ako kay Phythos. Saktong humarap siya at nagkatingin kami. Kusang nabura ang ngisi niya. Pinanlakihan ko siya ng mata. Muling sumilay ulit ang ngiti niya.

Napakuyom ako sa inis at umiwas na lang ng tingin. Binalingan ko si Bea, nakayuko ito at tulalang nakatitig sa cellphone niya at kay Phythos.

"Uy! Anyari sa iyo?" Hindi ito umimik kaya lumapit ako at pilit sinilip ang cellphone niya.

"Ay! Bakla!" Agad niyang nailayo ito sa akin. Kaya wala akong nakita.

"Bakla? Hindi ako bakla, ah!" Napanguso ako. Tumawa naman siya.

"Sorry bes! Ginulat mo ako eh!"

"Eh, tulala ka. Ano ba 'yang tinitingnan mo riyan sa cellphone mo? Para kang nakakita ng multo." Napakamot pa ako sa ulo sa reaksyon niya. Napaiwas naman siya ng tingin.

"Wala, tara na lang."

"Huh? Kala ko ba manonood pa tayo?" naguguluhang tanong ko.

"Hindi na, saka ang init dito." Sumunod na rin ako sa kanya. Tama naman siyang mainit nga talaga rito. Saka inis pa rin ako kay Phythos.