Chapter 17: Anxiety

"Because, I know now my real feelings for her. I love you Faye Cameron and I want us to be real!"

"No, why would I? For me, this imperfections of yours made me fall harder."

"Shit! Kalma na self!" Ibinaon ko ang mukha ko sa unan para itago ang kilig ko. Hating gabi na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Gising na gising pa rin ang diwa ko dahil sa mga nangyari kanina. Patuloy na nagre-replay sa utak ko na tila isang sirang plaka.

I've never imagined myself falling in love so easily. And in just a span of 4 months, I already have a boyfriend.

Nang umuwi ako dito sa Pilipinas ang tanging iniisip ko lang ay maka move on at makapagsimula ng bagong buhay. Pero sa sobrang sakit ng damdamin ko, inisip kong napakaimposible ring mangyari 'yon. Ang maghilom ang puso ko sa maikling panahon.

But it happened and maybe because I found the right person. Lord, lead my path to him. I confirmed that there are really reasons behind every obstacles.

I'm beginning to think that Phythos and I are really soulmates.

Kung hindi nakipag-break si Aljhon at hindi ako nasaktan ng sobra. Edi sana hindi ako nakapagdesisyong umuwi dito sa Pilipinas. Hindi sana nagkrus ang landas namin ni Phythos at hindi ko mararanasan ang mga bagay na lihim kong hiling lang noon.

Everything is in the right place now.

Matutulog na sana ako nang may maalala. Oh my god! I think I forgot something. I'm here in the Philippines.

So, there's a courtship phase!

But I think it's still okay if we break and skip it, right? According to Google, courtship is about getting to know each other and developing a deep relationship.

We already developed that during our friendship phase.

Sa China kasi hindi naman uso ang courtship phase. It's usually dating that starts it all.

Okay, I really should sleep now. Ang dami-daming pumapasok sa isip ko.

"Ang swerte niya, 'no!"

"Oo nga, grabe 'yong pag-amin ni Senior Phythos kahapon."

"Mas lamang pa rin pala talaga ang puso kaysa mukha."

"Well, kung titingnan mo pa lang mabuti. Maganda siya, lalo na kung wala na ang peklat niya."

"Faye!" Agad akong napangiti nang makita si Bea na naghihintay sa akin.

Niyakap niya ako kaagad. "Bakit bigla ka na lang nawala kahapon?" I can't help but to ask.

"Another important matter again. Pero, I'm happy for you. Nalaman ko sa mga tsismosa dito ang ginawang big confession ni Phythos sa 'yo kahapon." Umakyat naman ang dugo sa mukha ko. Hindi ko pa rin maiwasang kiligin.

Kiniliti niya naman ako. "So, kayo na ba?" Napakagat ako sa labi at tumango.

"Whoo, ang bilis niyo rin." Namula naman ako lalo.

Hinawakan niya ang balikat ko para iharap sa kanya.

"Look, Faye, I'm really happy that you chose him. I think you're really perfect for each other." Napangiti ako.

Kaso, may bigla akong naalala.

"Bea, is it really okay that we skip the courtship phase? Does it make me an easy to get girl?" Hindi ko mapigilang itanong.

Napatingin naman siya sa akin at parang 'di makapaniwala.

"Ano ka ba, girl? 21st century na ang Pilipinas. Marami nga riyan! Mas malala pa. Nabuntis na lang 'di naman naging sila. Hindi na ganoon ka uso ang ligawan ngayon. Saka, mahal niyo naman ang isa't-isa 'yon ang importante."

"Thank you."

"No, I should be the one to thank you." Nangunot naman ang noo ko. "Pinadali mo ang trabaho ko."

"What are you saying?" Ngumisi lang naman siya nang makahulugan. "You will know soon. Let's go, we will be late to the symposium. "

"Hey, I'm curious. What is it?" Kulit ko pa sa kanya pero talagang pinanindigan na hindi ako sagutin. Kaya tumigil na rin ako.

Marami ng tao sa auditorium pagdating namin. This is the symposium that talks about our course maybe.

"Shit! Ang dami rin pa lang gwapo sa business ad. Bakit ngayon ko lang nakita ang mga ito?" manghang-manghang sabi niya at tila nagniningning pa ang mga mata.

Lahat yata kasi ng Business Administration ang course and other courses that is somewhat related to business. Ay kailangang um-attend dito.

"Faye, tingnan mo 'yong lalaking 'yon. Ganyan na ganyan 'yong mga type ko." kilig na kilig na sabi niya habang tinuturo ang isang lalaking nakaupo sa kabilang gilid namin. May suot itong piercing at may tattoo pa sa balikat. Napangiwi ako.

This girls' tastes are really different.

"Tapos, ayun pa mukhang yummy." Ang tinuturo naman niya ngayon ay lalaking nakasuot ng simpleng black shirt pero kitang-kita ang bakat nitong abs.

Sunod na itinuro niya pa ang isang lalaking nakadekwatro habang seryosong naninigarilyo. His haircut even highlights his badboy aura.

"Hay! Ang hirap naman pumili." Bumuntong-hininga pa siya. As if, pag-aari na niya ang mga lalaki.

"Nakatatakot naman ang mga type mo, Bea. Gusto mo 'yong badboy."

Ngumisi naman siya. "Yeah, I like those rough and manly." Sumipol pa siya. Kinikilabutan ako sa babaeng ito pero nararamdaman ko naman ang kasiyahan niya kaya wala na akong sinabi para pigilan siya. That's her preference. Who am I to judge her?

I'm just her friend so I need to support her.

"Hay! Kanina pa tayo. Pa importante naman ang mga speakers."

"Oo nga." Sang-ayon ko nang halos tatlongpung minuto na kaming naghihintay pero wala pa rin. Inilibot ko muna ang tingin ko ulit sa buong auditorium.

Wala siya rito. Bakit kaya hindi siya um-attend? I can't help but to be sad. I miss him.

Ganito pala talaga kapag nag-level up na ang relationship. I felt energized and excited. At the same time, I am lonely that he is not here.

It's our first day being in a relationship, but I'm becoming clingy.

Pero kusang nawala ang lungkot ko nang may umakbay sa akin. Agad rumihistro sa ilong ko ang pabango niya. Ang bango-bango niya!

Yeah, he has a natural good scent. But right now, his scent is just so addicting.

Parang gusto ko na lang siyang amuyin. Back to your senses Faye! You are becoming pervert!

"Hey! You're spacing out. Hindi mo ako sinasagot."

"Huh? I'm sorry, may sinabi ka ba?" tanong ko. Napasimangot naman siya.

Lalo tuloy siyang naging gwapo sa paningin ko. Oh, I'm really doomed!

"Sabi ko, sorry kasi na late ako at hindi kita nasundo for our first day in relationship."

"Ah, 'yon lang ba? Okay lang naman sa akin."

"Mabuti naman, akala ko magagalit ka na." He talks about it seriously, like it is really a big deal.

"Ano ka ba? Hindi, sobrang lame naman na rason 'yon." Napangiti siya at doon ko naramdaman ang pasimpleng paghawak niya sa kamay ko.

Napakagat ako sa labi para pigilan ang kilig ko.

And this is how it feels to have an official holding hands with him.

"I love you," nakangising bulong niya. Napatingin ako sa paligid namin. Kitang-kita ko ang mga nakangiting nakatingin sa amin. Mukhang kanina pa kami pinapanood. Nakakahiya!

"Uy, saan na 'I love you too' ko?" Napatingin ulit ako sa kanya. Nakanguso na siya ngayon at halatang nagtatampo.

He looks so adorable. This guy never really experienced being ugly.

"I love you too," bulong ko rin.

"Pasintabi naman po, may single pa po ritong nag-eexist sa tabi niyo." Pareho kaming natawa nang biglang sumingit si Bea at nagmamaktol.

"It's not our problem then. You should be the one to adjust." Pang-asar pa ni Phythos kaya hinampas ko na siya para tumigil.

"Hmmp!" tanging sagot naman ni Bea at bahagyang lumayo pa sa akin. Napailing-iling na lang ako.

It feels so good to be with him. Most especially in his arms, it is like my new favourite comfort zone.

"Hello, everyone I'm happy that there are many people who joined us today. This is great because we have really many influential people here who will share their ideas and tips for successful business. I hope, everyone will learn something after this symposium."

I still tried to clap my hands even though he was holding them.

Ayaw niya kasi talagang bitiwan.

Nakahilig na siya ngayon sa balikat ko. Mukhang inaantok talaga siya kaya hinayaan ko na lang.

I'm eagerly listening to what they are saying as the symposium continues. Hindi ko maiwasang mamangha hindi nga basta-basta ang mga guest speakers.

Some are well known business men. I even heard those names from dad. This symposium is not boring at all, from what I expected.

"This last one, the guest speaker that I will present to you, is really amazing. From his young age, he has already achieved many achievements. One of the successful bachelors in his country, China. He is also pursuing his degree in medicine."

That got my attention. My heart beats so much from nervousness. Napapikit ako. Nanlamig at nanginginig na ang aking mga kamay.

Please, lord, not him. Not him.

I keep praying that my guess is wrong but...

"Let's welcome, our guest speaker, Aljhon Brian Sy!"

And that's it. He is really here in the Philippines!

"Hey, what's wrong? Are you okay?" sunod-sunod na tanong ni Phythos. I can't even find my voice to answer him. Humilig na lang ako sa balikat niya para itago ang mukha ko at pagtulo ng luha ko.

I can't believe it. Seeing Aljhon brings this anxiety back to me again. The feelings of hatred, betrayal, loneliness, and pain as I remember those people I cherish in China that all left me behind.