Chapter 5: Si Mang Dino

Author: Zvredd

Si Mang Dino, fifty nine years old, may isang anak pero na sa abroad. Kapitbahay namin siya, matagal na, kaya alam ko ang usap-usapan patungkol sa kanya.

Hindi raw nito gusto ang mga babaeng maiikli ang buhok, lalong lalo na ang naka- blonde. Hinahabol nang kutsilyo at pinapatay daw ito ni Mang Dino. Kahit lalaki ka pa, basta blonde raw ang buhok mo, papatayin ka raw ni Mang Dino. Ito pa nga ang sinisi nang mga tao nang biglang nawala si Borta, ang matabang kaibigan ko.

Maikli at blonde kasi ang buhok ni Borta, kaya si Mang Dino kaagad ang naisip nang mga tao nang hindi nakauwi nang dalawang araw si Borta. Gusto pa sanang patayin ni Tatay Juancho, ama ni Borta, si Mang Dino pero natigil ito nang umuwi si Borta sa bahay nila. Nagpunta lang pala si Borta sa malayong nobyo nito na si Edong. Kaya dahil sa kahihiyan, humingi nang tawad si Tatay Juancho kay Mang Dino. Nagbigay din nang dalawang manok at maraming gulay si Tatay Juancho bilang paghingi nang tawad.

Pero kahit napatunayan na inosente si Mang Dino, marami paring mga tao ang naniniwalang pumapatay ito.

Weird at ang creepy kasi tingnan si Mang Dino.

Sa simula palang, hindi naman ako naniniwala sa mga sabi-sabi nila patungkol kay Mang Dino. Dahil sa katunayan nga, napaka-bait nito at mapagbigay pa saamin. Kaya nang mawala si Borta at sinisi nila si Mang Dino, syempre hindi ako nakisali dahil hindi naman ako naniniwala rito. At isa pa, alam ko nang mga panahon na iyon na pupunta si Borta sa nobyo nitong si Edong para makipagtanan. Sinabi ko na iyon kay Tatay Juancho, pero hindi ito naniwala saakin.

Kagaya nga nang sinabi ko, hindi TALAGA ako naniniwala sa mga kwento nila patungkol kay Mang Dino. As in talaga. Pero nang ako na mismo ang nakarinig nang mismong sigaw at nakaranas, naniwala na ko.

Ako nga pala si Jeje, twenty years old.

Nawala ulit noon si Borta. Bigla nalang ito hindi umuwi sa bahay nila. Hindi naman naghanap at nag-aalala sila Tatay Juancho dahil iniisip nila na baka na kay Edong ito.

At ganun din ang naiisip ko nang hindi siya umuwi. Pero nagsisimula na talaga ako kabahan ‘non dahil nang isang araw palang nang mawala si Borta, narinig ko siyang sumigaw nang malakas, humihingi ng tulong, at parang nanggagaling ito sa bahay ni Mang Dino.

Pero naisip ko na hindi totoo iyon at baka guni-guni at panaginip ko lang ‘yon dahil Gabi na at bigla rin lang ako nagising galing sa mahimbing kong pagkakatulog nang marinig ko ‘yon. Isang sigaw lang siya nang ‘tulong’ kaya hindi talaga masyadong maliwanag saakin kung totoo ba ang narinig ko. Dahil iyon nga, nagising lang ako, lutang pa, tapos Gabi pa nang mangyari ‘yon kaya hindi ko iyon sinabi kila Tatay Juancho o kahit sa mga magulang ko.

Pero dito na ko nagsimula na maniwala sa mga sabi-sabi nila patungkol kay Mang Dino. Hindi ko na rin masyadong kinakausap si Mang Dino kahit close naman kami kasi Ninong ko siya, dahil natatakot talaga ako na baka totoo ang sinasabi nang isip at puso ko na totoo ang narinig ko.

Na... patay na si Borta at si Mang Dino ang salarin.

Dalawang linggo at tatlong araw nang hindi umuuwi si Borta sa kanila, kaya nagsimula na kong mag-alala. Binilang ko talaga dahil iniisip ko pa rin talaga ang narinig ko. Feel ko kasi guilty ako, dahil kung totoo ang narinig ko, eh di kasalanan ko kung bakit hindi nailigtas kaagad si Borta. Kaya ako pa mismo ang nagpunta sa bahay nila Tatay Juancho para ipahanap na si Borta dahil alalang-alala na talaga ako sa kanya.

Nang magtanong saakin si Tatay Juancho kung na kay Edong ba si Borta, sumagot ako na ‘hindi ko po alam’ dahil hindi ko naman talaga alam.

Hindi sinabi ni Borta sakin na pupunta siya kay Edong. Kaya nagsimula na kami maghanap at mag-alala kay Borta.

Sila Tatay Juancho sa barangay namin habang ako naman ay nagpunta sa address na ibinigay ni Yulla, pinsan ni Edong, sa lugar nila Edong para malaman kung nandoon ba si Borta. Kinakabahan na nga ako nang sobra habang na sa byahe ako.

Dahil kung wala si Borta kila Edong, na kay Mang Dino talaga ito.

Naiyak ako nang maisip iyon. Nagsimula na rin ako mapahagulgol.

“ANO? Wala rito si Borta. Hindi pa siya pumupunta rito simula nang magtanan kami, dahil nag-aalala raw siya sa kalusugan ni Tatay Juancho.” Sabi ni Edong nang tanungin ko siya kung nagpunta at nandito ba si Borta sa bahay nila.

Matanda na talaga si Tatay Juancho, sixty years old na. Ganoon din si Nanay Esme. Nanghihina na sila kaya si Borta halos ang kumakayod sa pamilya nila.

Humahagulgol ako nang sobra sa iyak dahil sa narinig ko kay Edong. Naninikip na rin ang dibdib ko dahil sa sobrang pag-iyak.

Hindi ko na kaya ang nararamdaman ko kaya napaupo ako sa sahig para doon umiyak.

Nag-aalala naman akong tinanong ni Edong. “Ayos ka lang ba, Jeje? Bakit? Anong nangyari?”

Sinabi ko kay Edong ang lahat. Simula nang mawala si Borta at sa narinig kong sigaw nito galing kay Mang Dino. Kaya kahit pagod na ko, sumama ako kay Edong pauwi saamin. Dahil simula nang marinig niya ang kwento ko, kaagad siyang napamura at napatakbo sa kwarto nito para kunin ang pera nito para mag-punta sa lugar namin.

SIX na nang gabi nang makarating kami sa lugar namin, patuloy pa rin na naghahanap at naglalagay nang mga poster ni Borta sa pader sila Tatay Juancho.

Nilapitan namin si Tatay Juancho at sinabi na kung pwede, kausapin namin siya kasama ang mga ka-barangay namin at mga magulang ko sa bahay nila, dahil malayo ito sa bahay ni Mang Dino.

Inipon namin sila ni Edong.

Nang maipon namin sila, doon ko na sinabi ang narinig ko nang gabing marinig ko ang sigaw ni Borta at ang hinala ko na nandoon si Borta sa bahay ni Mang Dino.

Nakatanggap ako nang mga masasakit na salita galing kay Tatay Juancho at sa iilan na ka-barangay namin dahil hindi ko raw sinabi kaagad.

Iyak lang ang nagawa ko habang nakayakap kila Mama at Papa.

LAHAT sila pumunta sa bahay nila Mang Dino. Maliban saakin.

Naiwan ako mag-isa sa bahay nila Tatay Juancho para raw ako makapag-pahinga. Napansin kasi nila ang pang-hihina ko. Pero dahil nag-aalala talaga ako kay Borta, lumabas din ako nang bahay nang maka-alis na silang lahat.

Habang naglalakad ako papalapit sa bahay nila Mang Dino, naririnig ko na ang mga sigawan nang mga ka-barangay ko at nang kapitan namin na patuloy pa rin pinapatigil ang mga tao sa ginagawa nila. Dahil sabi ni Kapitan, wala raw kaming sapat na ebedensya para ituro si Mang Dino bilang suspek sa pagkawala ni Borta. Narinig ko pa nga itong sumigaw na tatawag na ito nang mga police kung hindi pa titigil sila Tatay Juancho.

Pero ang buhay ni Borta ang naka-salalay dito, kaya dumaan ako sa likod nila Mang Dino para hindi ako mapansin nila Kapitan.

Nang makapasok na ko sa likod, nakita ko si Mang Dino na naglalagay nang gas sa isang malaking Drum.

Mapapasigaw na nga ako para humingi nang tulong dahil parang titingin na si Mang Dino sa direksyon ko nang may biglang humila saakin papunta sa isang sulok.

Nanginginig na tiningnan ko ang lalaki para magpa-salamat dahil niligtas niya ang buhay ko.

“S-salamat.”

Tumingin siya sakin.

Kahit na medyo madilim ang lugar kung na saan kami, nakita ko pa rin ang pag-ngiti niya sakin dahil sa liwanag na nanggagaling sa buwan.

Doon ko lang napansin na blonde pala ang buhok niya, singkit din ang mga mata niya at ang cute niya. Mas cute pa ata siya kaysa sakin kahit na lalaki siya.

Familiar siya sakin. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita o nakilala, at kung ano ang pangalan niya. Basta parang kilala ko siya.

“Kilala ba kita?” Tanong ko.

Pero nakangiti lang siya sakin. Ginulo pa niya ang buhok ko bago umalis.

Nang mawala na siya sa paningin ko, na realize ko na papaano siya nakapasok sa bahay ni Mang Dino? Sino siya? At bakit parang feeling ko, alam ko kung sino siya? Hindi ko lang talaga matandaan.

Napailing nalang ako sa mga naiisip ko. Si Borta dapat ang isipin ko hindi ang lalaking ‘yon.

Dahan-dahan akong sumilip sa ginagawa ni Mang Dino.

May limang Drum ang nandoon na patuloy pa rin nitong dinadagdagan nang gasolina.

Tumingin ako sa paligid at napatakip nalang ako nang bibig nang makita ko si Borta na nakahandusay malapit sa isang Drum na medyo malayo sa limang Drum na nilalagyan ni Mang Dino nang gas.

May mga malalaking sugat si Borta kaya inakala ko na baka patay na siya pero nagsimulang tumulo ang luha ko nang gumalaw siya.

Buhay pa si Borta!

Ayuko sanang maging emosyonal lalo na sa sitwasyong ito, pero hindi ko mapigilan.

Hindi ko na nga lang namalayan na napahikbi na pala ako na naging sanhi para mapatingin si Mang Dino sa direksyon.

“Sino ‘yan?!”

Tumibok nang mabilis ang puso ko nang marinig ko ang mga yapak niya papunta sa direksyon ko. Wala na kong mapag-tataguan kaya no choice ako kundi ang tumakbo nang mabilis sa direksyon ni Borta para gisingin ito.

Oo na, parang tanga na ko dahil kaagad ako lumabas sa pinagtataguan ko, pero wala talaga ako magagawa dahil wala na kong choice. Ayuko pang mamatay.

Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Mang Dino habang nagmamadali kong pinapa-gising si Borta.

“HAHAHAHA ikaw pala iyan Jeje. Gusto mo bang sumali sa kanila?”

Masama akong napatingin kay Mang Dino.

“Bakit mo ba ito ginagawa?! Wala kang puso!”

“HAHAHAHA kasalanan nila ‘yan dahil masyado silang malandi. Ang ba-bata pa pero malalandi na, tsk. Mabuti nalang at hindi ka gumaya sa kanila, Jeje. Dahil baka mapatay din kita. Alam mo, malalandi ang lahat nang nagpapakulay nang buhok. Hindi ko sila gusto. Ang kakati nila, kaya kailangan silang patayin HAHAHA.”

Galit na galit ako habang nakatingin kay Mang Dino. Nagsisimula na rin na patayin ko ito sa isip ko. Hindi na siyang ang dating mabait na Ninong na nakilala ko, nagbago na siya. Isa na siyang demonyong walang puso.

“Walang hiya ka!” Malakas na sigaw ko rito.

Pero natatawa lang ito na naglakad palapit sakin. “Naku Jeje, wala nang magliligtas sayo. Mamatay ka rin katulad nil—”

Napatingin kaming dalawa sa sigawan na nanggagaling na sa loob nang bahay niya. Marami rin ang pumunta sa likod, isa na si Edong, kaya nakahinga ako ng maluwag.

Sa wakas, ligtas na kami.

Nagsimula nilang dakipin si Mang Dino, pero nahihirapan sila dahil iwinawasiwas ni Mang Dino ang itak nito.

May kasamang pulis sila na dumating dahil kay Kapitan, kaya nabaril din ang paa ni Mang Dino na naging dahilan para hindi na mahirapan na madakip ito.

Kaagad na tumakbo si Tatay Juancho at Edong sa direksyon namin ni Borta.

“Ang anak ko!” Naiiyak na sabi ni Tatay Juancho nang yakapin nito ang walang malay na si Borta.

“Buhay pa po siya Tatay Juancho, dalhin po natin siya kaagad sa hospital.” Sabi ko.

Nagka-isa naman sila sa sinabi ko para mailigtas pa ang buhay ni Borta.

KINABUKASAN, nagulat at naiyak kami sa malaman.

Dahil ang limang Drum pala na nilalagyan ni Mang Dino nang Gas ay ang mga bangkay nang mga nawawalang babae at lalaki noon sa Barangay namin.

Isa na roon ang crush kong si Kuya Josh, kapatid ni Bambe.

Limang taon na itong nawawala at biglang hindi umuwi simula nang magpakulay ito nang buhok. Hindi kasi ito gusto ni Tatay Apulso, ama nila Kuya Josh, dahil masisira raw ang buhok nito kaya pinagalitan ito ni Tatay Apulso.

Pero hindi na umuwi si Kuya Josh simula nang pagalitan ito kaya nagsimula nang maghanap sila Tatay Apulso rito.

Naiyak ako nang sobra dahil napakabait ni Kuya Josh, hindi niya deserve ang mamatay nang ganito.

Si Kuya Josh ang nagligtas saakin nang gabing iyon. Kaya mas lalo akong napahagulgol sa iyak dahil hanggang ngayon, damang dama ko pa rin ang pag-gulo niya sa buhok ko.

Nakulong nang pang habang buhay si Mang Dino dahil sa ginawa nito. Umuwi rin galing abroad ang anak nitong babae para humingi sa amin nang tawad.