Chapter 8: Date
THOMAS
Minove ni mama ang pakiki pag kita ko doon sa sinasabi niyang ka date ko, mabuti na lang kasi tinatamad ako. Tumunog ang phone ko at si bon, nagtatawag para uminom kaya pumayag naman ako total wala naman akong lakad.
Tinatawagan namin si lhoyd pero mukhang busy kaya hindi na namin kinulit, nagpakasaya kami at inabot pa nga kami ng madaling araw. Hindi na kami makauwi kaya tinawagan na namin lhoyd na baka pwedeng sunduin kami.
Mabuti na lang ay pumayag siya, dumating na siya at tinignan kami. Nginitian ko siya, ung dalawa kasi tulog sa sobrang kalasingan.
“ uminom ka after ng lakad mo??” tanong niya saakin, umiling ako.
“ minove ni mama ung lakad ko sakta naman na tumawag si bon” sagot ko.
“ huh?? Diba may lakad kayo ni debby?? Kagabi ung usapan niyo diba?” napaisip ako, oh shit!!! Oo nga pala, bakit hindi ko naisip na kagabi pala ung sinet ko.
Gagawin ko sana siyang rason once na natuloy ang date namin na binigay ni mama pero dahil hindi natuloy ay nakalimutan ko na siya.
“ I forgot” sabay sandal at pikit.
“ baka umuwi na iyon nong---”
“ what if hindi?? Thomas your using her tapos ganito pa gagawin mo? gEt your own ass to go home” sabi niya, iniwan niya kami.
DEBBY
Sa wakas malapit na akong maka uwi, konting minuto pa ay nakarating na ako sa bahay. Hindi ako nakita ni mama at mabuti na lang para hindi siya mag tanong, naligo na ako at nag palit. Kahit pagod at antok ay pinilit ko parin pumasok.
Kinuha ko ung natitira kong pera para pamasahe ko, hindi na ako kumain kasi malalate na ako. Nag hintay na ako ng masasakyan habang inaantok ng biglang may humintong sasakyan sa harap ko.
“ get in” tinignan ko kung sino, si lhoyd pala
Sumakay na ako, ayokong malate kaya hayaan ko na dibale siya naman at hindi si thomas. Umandar na ung sasakyan at sumandal ako
“ antok ka?” tanong niya.
“ magdamag ka ba namang maghintay, pakispak sa kaibigan mo wag siyang magpapakita at baka masipa ko lang siya” sabi ko.
“ sana umuwi kana lang ng wala kang mahintay” sabi niya.
“ naubos pera ko kakaorder ng kape, nakalimutan kong mag tabi pamasahe kaya nag hintay na lang ako doon hanggang may konting liwanag para maka pag lakad pauwi. lowbat naman ako para tumawag ng rescue” inimulat ko ung mata ko at tinignan siya.
Nakarating na kami sa school, nag pasalamat ako at pumasok na. hindi ko na tinignan si lyka dahil pag nakita niya akong ganito ang itsura ay magagalit iyon. Natapos ang klase ko, mabuti naman dahil antok na antok na ako.
Palabas na ako ng biglang may kumpulan sa labas, doon na ako sa dulo ng biglang may tumawag sa name ko. Nilingon ko at si thomas pala, himala at nag pakita siya ngayon sa mga tao. Ttumalikod ako at hindi siya pinuntahan, ayoko na ng issue.
Sa may iskinita na ako nag lakad ng may sasakyan nanamang naka abang doon, bumaba ung bintana at si thomas. Ang bilis naman niyang maka ikot papunta dito, hindi ko siya pinansin at patuloy ako sa paglalakad ng biglang huminto sa harap ko ung sasakyan at may mga lalaki na pinilit akong pumasok sa isang sasakyan.
“ ano ba! Pagod ako at wala akong tym para maki pag lokohan” inis kong sabi.
“ nagkaroon ng emergency kaya hindi ako nakasipot, hindi ko alam ang contact number mo. Tinatawagan ko si lhoyd kagabi para kunin number mo pero di ko siya mmatawagan” sabi niya.
“ bawi na lang ako next time” ngumiti siya, bakit ganun pag kausap ko siya lumalambot agad ako. Gusto ko pa sana magpakipot pero ug ngiti, nakaka kilig.
“ okay na, tapos naman na” sabi ko
“ so okay na uli?” tumango ako.
“ good, I drop kita sa may hintayan ng sasakyan. Hindi kita mahatid kasi may lakad pa ako” tumango na lang ako at ibinaba na nga lang nila ako sa may sakayan, akala ko mag babye siya pero hindi man lang lumingon.
Sumakay na ako, valid naman ung rason kaya patatawarin ko siya. Okay na ako, itulog ko lang to tapos okay na uli. Ang mahalaga ay mag kaibigan parin kami, naisip ko ung ngiti niya kaya kinilig nanaman ako.
THOMAS
“ oh naayos mo na?” tanong ni lhoyd
“ easy brad, sabi ko sayo andali lang mag paikot ng mga bbabae. Ung sinasabi mong kakaiba siya?? Tsk! Katulad lang siya ng mga iba diyan na pag nginitian ay wala na” sabi ko.
“ can you stop using or playing her?? Thomas mahirap na nga ung tao ginagago mo pa” sabi niya.
“ ginugusto naman niya”sabi ko.
“ haha gago paanong ginugusto eh nirarasonnan mo lang siya, ang sabihin mo napapaniwala mo laang siya at hindi niya ginugusto. Mabuti nga at mabait ung tao sayo para hindi tanong ng tanong at isa pa solid fan mo siya” sabi naman ni bon.
“ paano na lang kaya pag nalaman niyang inuuto mo siya?” sabi naman ni leo.
“ malamang magagalit, goodluck na lang sayo” sabi ni lhoyd.
“ tsk… malabo yan, kita mo naman patay na patay saakin” pagyayabang ko.
Masyado nilang iniisip ung babae na iyon, matagal ko ng ginagawa ang mang uto o manggamit ng tao. Hanggat alam kong patay na patay sila saakin ay madali lang saakin na paikutin sila, umuwi na ako matapos naming magkita kita ng kaibigan ko.
Nakita ko uli si mama na busy na busy, ano nanaman kaya ang problema nito at parang may okasyon dito sa bahay.
“ ma, what is going on?” tanong ko.
“ your date is coming tonight” napataas ang kilay ko.
“ dito ko na pina diretspo kasi malabong sa labas, baka makita kayo ng mga tao na alam mo na kaya mas safe na dito. Taas kana at maligo, ipapatawag na lang kita pag dumatin na siya” ngiti niyang sabi sabay iwan saakin.