Chapter 7: Favor
LHOYD
Nakiusap saakin si thomas na gamitin namin ang kotse ko, ito kasi hindi nalalaman kung saan man mag punta kaya ako lagi takbuhan ng apat kung ayaw nilang mahanap sila.
“ frenzy ikaw pala” napa tingin ako kay thomas, palihim akong ngumiti kasi ung tawag sakanya katunog ng isang brand ng condom hahaha.
“ I need a favor” sabi ni thomas.
“ ano iyon?” tanong ko.
“ I need you to go to this place and wait for me, wag kang aalis don hanggat hindi ako dumadating” sabi ni thomas, may iniabot itong papel sakanya.
“ andiyan ung place at oras, don’t be late” sabi pa niya.
“ hihintayin lang kita doon??” tanong niya.
“ oo, wala akong phone number mo kaya ako na naki pag kita sayo. Sabi ni lhoyd di ka nakikinig sakanya kaya ako na mismo nakiusap” tinignan niya ako, oh bakit?? Totoo naman kasi, wala siyang tiwala sa pagmumukhang ito? Sa gwapong ito?
“ sige na, mauna na ako. May lalakarin pa ako, si lhoyd na bahalang mag hatid sayo” sabi ni thomas sabay labas agad, kita ko naman na nalungkot si debby.
“ di man lang niya ako kinamusta, andaya” nag pout pa siya sabay sandal.
“ hindi siya ung tipo ng ganun, wag umasa” sabi ko, tinignan niya ako ng masama.
“ ihatid mo na nga lang ako” luh, demanding pa. Sinenyasan ko na ung driver para umandar na, alam naman niya kung saan kami pupunta.
“ teka saan ba itong lugar na ito?” sabi niya.
“ patingin” kukunin ko ung papel ng bigla niyang inilayo.
“ alam ko lahat ng sulok kaya patingin at ituturo ko sayo, baka ma late ka pa. Ayaw ni thomas iyon” nag isip pa muna bago ibinigay saakin.
“ hmmm so west kayo magkikita” sabi ko
“ huh?? Konti lang alam ko don” sabi niya.
“ madali lang naman hanapin kasi itong resto na ito tabi lang ng mall, alam mo ba ung mall nila??” tumango siya
“ good, so sa right side non andon itong resto na ito. Makikita mo agad ito kasi napaka laki nitong resto” tumango tango siya.
“ oh” ibinalik ko sakanya ung papel.
“ teka bukas yan ah” sabi ko, tinignan niya ung date.
“ ay oo, naku paki bilis kailangan kong mag hanap ng idadamit ko sa ataul ni mama” napa ngiti ako, ang old ng ataul ah.
“ bakit??” tanong niya.
“ wala, sorry medyo natawa lang ako sa ataul” sagot ko.
“ may ataul talaga si mama, doon niya nilalagay ung mga damit niyang iniingatan niya. Kumbaga pang okasyon niyang damit” tumango ako.
“ ohhh your mom is so protective when it comes to her clothes” tumango naman siya.
“ oo, napaka ingat non daig pa ako”
NAkarating na kami sa bahay nila at ni isang salita ay wala siyang sinabi, nag madali ng pumasok at halatang excited para bukas.
“ uuwi na po sir?” tanong saakin
“ yes please” sagot ko.
Habang pauwi kami napapaisip ako, anong meron bukas para papuntahin ni thomas si debby doon? Gusto kong alamin pero hinayaan ko na lang, private life nya na iyon at labas na ako doon.
DEBBY
Matapos ang klase ko mabilis akong umuwi para maka pag ayos, kahapon ng makauwi ako diretso agad ako sa ataul ni mama at nag hanap ng damit. May nahanap naman ako, iyon nga lang hindi kaya masyadong pang matanda itong suot ko.?? Parang hindi naman siguro.
Nag taxi na ako papunta sa west, ginamit ko na ung inipon kong pera para maka punta lang doo sa lugar na iyon na hindi nalalate. Sobrang aga ko kasi may 15 minutes pa bago siya dumating. Umupo na lang muna ako at lumapit ung waiter saka ako inabutan ng menu.
“ kape na lang” tumango siya at umalis na.
Naka ilang kape na ako at hindi pa rin siya dumadating, isang oras ng lumilipas. Mabuti na lang mura ang kape nila dito pero bakit kaya antagal naman niya, ni wala man lang kasi akong pagkokontakan sakanya kasi di ko man lang kinuha ung phone number niya pala.
Nag hintay parin ako at apat na oras na akong nahihintay, hindi na din mabilang ung kape at magsasara na ung resto ay hindi pa siya dumadating. Siguro may nangyari kaya di siya natuloy, tumayo na ako.
Bayad na ako sa bill ko at lumabas na, palinga linga parin ako at umaasang dumating siya. Tinignan ko ang oras ay 10pm na, need ko ng umuwi. Nag hintay ako ng masasakyan, bigla ko naisip wala na pala akong pera kasi naubos kaka kape ko.
Anlayo pa man din ng west at gabi na, delikado na para mag lakad. Mukhang dito na muna ako hanggang umaga, safe naman ang west pero syempre hindi ka parin makakampante dahil hindi ka naman taga dito.
Kinuha ko ung phone ko, naisip kong tawagan si lyka pero biglang nag off. Lowbat na, kakalaro ko kanina kasi. Paano ba naman kasi ilang oras na ako sa loob kakahintay at bored na ako kaya nag laro na lang ako ng phone.
No choice talaga kundi mag hintay ako dito hanggang umaga bago ako makauwi, umupo ako sa harap ng resto. May hump doon kaya don na lang ako umupo, palinga linga ako baka kasi may nagbabalak saakin mas okay ng maging alert.
Inaantok na ako kakahintay ng umaga, hindi ko alam kung anong oras na din dahil nga lowbat ang phone ko tsaka nilalamig ako. Mahabang dress itong damit ko na manipis, hindi pa ako nag dala ng jacket….. hayyy nakakainis bakit ang malas naman ng gabing ito.
Nag hintay ako ng nag hintay hanggang lumiliwanag na ang kalangitan, ibig sabihin paumaga na. Ang bigat ng pakiramdam ko maski na ang mata ko, tumayo ako ng bigla akong napaluhod. Nag cramps ung paa ko dahil sa tagal ng pagkakaupo ko.
“ awww… hooooh ang sakit” hinimas himas ko at dahan dahan akong tumayo pero masakit parin, kailangan ko ng umuwi kasi may pasok pa ako habang madaling araw pa lang.